Home / Romance / One Night Stand with the Impotence Billionaire / Chapter 3: Ang Sexy Dance ng Isang Mamamatay Na

Share

Chapter 3: Ang Sexy Dance ng Isang Mamamatay Na

Author: Darkchoco
last update publish date: 2026-03-16 16:05:43

Chapter 3: Ang Sexy Dance ng Isang Mamamatay Na

​Nakatayo sya sa harap ng pinto at dahan dahang inalis ang pagkakabuhol ng sinturon ng itim nyang silk bathrobe. Nanlaki ang mga mata ko na parang nakakita ng multo pero sa totoo lang ay parang nakakita ako ng anghel na may halong demonyo. Bumagsak ang tela sa malamig na sahig at tumambad sa akin ang buong kaluwalhatian ni Alistair Montemayor. Pakshet. Ang gwapo ng mukha ang ganda ng katawan may abs na parang pandesal na bagong luto sa panaderya ni aling Nena pero pagdating sa ibaba ay payapang payapa ang paligid. Tulog na tulog ang alaga nya. Walang kahit anong reaksyon.

​Napalunok ako ng laway na parang may nakabara na malaking bato sa lalamunan ko. "Seryoso ka ba dyan kuya? As in ngayon na talaga? Eh amoy alak pa nga ako at hindi pa ako nakakapag toothbrush. Baka mamaya pag hiningahan kita sa mukha imbes na tumayo yan ay tuluyan nang himatayin at hindi na magising forever. Kawawa naman ang pamilya mo mawawalan ng tagapagmana dahil lang sa bad breath ko."

​Naglakad sya palapit sa kama na parang isang sikat na model na naglalakad sa runway. Walang hiya hiya. Walang pakialam kung nakalawit ang sandata nya at kitang kita ng dalawang mata ko. Umupo sya sa gilid ng kama at tinitigan ako gamit ang malamig nyang mga mata. Walang emosyon na parang nakikipag usap lang sya sa isang empleyado tungkol sa quarterly sales ng kumpanya nila.

​"I dont care about your morning breath Jessi. I care about results. We made a deal. You want revenge and I want an heir. Now do your job. Seduce me. Turn me on. Make me hard."

​Diyos ko po. Paano ba lumandi ang isang pasyenteng mamamatay na? Kinagat ko ang ibabang labi ko at sinubukan kong magpa cute kahit pakiramdam ko ay mukha akong asong ulol na nanghihingi ng buto. Dahan dahan kong ibinaba ang makapal na kumot na nakabalot sa akin hanggang sa baywang ko. Ramdam ko ang matinding pag iinit ng pisngi ko dahil unang beses kong maghubad sa harap ng isang lalaki na gising ang diwa. Si David kasi noon laging patay ang ilaw at nakapikit ako sa hiya kaya puro sa dilim lang kami nagkakapaan. Ngayon parang may malaking spotlight na nakatutok sa buong pagkatao ko at kitang kita ang mga buto ko sa tagiliran dahil sa pagpayat ko.

​Tinitigan nya ang dibdib ko. Walang kurap. Walang emosyon. Parang sinusuri nya kung may depekto ba ang produkto na nabili nya sa palengke. Nakakainis. Bakit parang nanonood lang sya ng balita sa TV at walang pakialam sa balitang nakikita nya?

​"Wala bang reaksyon?" tanong ko habang pilit na pinapasexy ang boses ko kahit parang boses palaka na ako dahil sa uhaw. Gumapang ako palapit sa kanya. Sinubukan kong gayahin yung mga napapanood ko sa mga pelikula kung saan nagc crawl yung babae sa kama. Ginalingan ko pa ang pag kembot ng balakang ko para mas maging hot tingnan.

​Pero dahil siguro sa sobrang kinis ng mamahaling silk na bedsheet nila at sa pagiging lampa ko ay biglang sumabit ang tuhod ko sa kumot. Nawalan ako ng balanse at sa halip na maging sexy ang dating ko ay sumubsob ang mukha ko nang diretso sa mismong hita nya.

​Aray ko po. Ang sakit ng ilong ko.

​Narinig ko ang malalim at mabigat nyang pagbuntong hininga. "Are you seducing me or are you trying to break your own neck?" malamig nyang tanong habang nakatingin sa akin mula sa itaas.

​Iniangat ko ang mukha ko at ngumiti nang alanganin. "Sorry naman. Ang dulas kasi ng kobre kama mo eh. Siguro kaya walang tumatagal na babae sayo dahil nadudulas sila palabas ng kwarto mo."

​Hindi sya tumawa. Ni hindi man lang gumalaw ang gilid ng labi nya. Hinawakan nya ang pulso ko. Mahigpit pero hindi masakit. "Say something dirty. Gusto kong malaman kung gagana ang auditory stimulation. Say something that will trigger my senses. Speak to me Jessi."

Say something dirty? Napaisip ako ng malalim. Ano bang dirty na pwedeng sabihin sa isang bilyonaryo na nasa harap mo nang n*******d? Pilit kong inalala ang mga nabasa kong pocketbooks dati. "Uhmm... hindi pa ako naliligo ng tatlong araw? At saka hindi ko nilabhan yung panty ko nung isang linggo dahil nawalan kami ng tubig sa apartment."

​Napasapo sya sa noo nya at muling bumuntong hininga nang sobrang lalim. Parang gusto na nyang magpatiwakal sa sobrang inis sa akin. "Are you an idiot? That is not the kind of dirty I meant! You are completely ruining the mood Jessi. I need seductive words not your hygiene problems."

​Natawa ako nang malakas. Hindi ko na napigilan. Ang sarap asarin ng bilyonaryong ito. Masyadong seryoso sa buhay parang pasan ang buong daigdig. "Sorry na Alistair! Hindi naman kasi ako sanay sa ganito. Namatay ang pamilya ko tapos nagka cancer ako tapos niloko ako ng boyfriend ko kasama ng best friend ko sa mismong kama ko. Sa tingin mo ba may oras pa akong mag aral ng seduction arts sa mga panahong yun? Ang alam ko lang eh umiyak magpa chemo at kumain ng lugaw."

​Tumingin sya sa akin at may nakita akong kakaibang kislap sa mga madilim nyang mata. Hindi na ito kasing lamig ng kanina. Parang may munting apoy na sumindi sa loob nito. Bigla nyang hinawakan ang bewang ko gamit ang dalawang malalaking kamay nya at hinila ako nang marahas palapit sa kanya. Bumagsak ako sa ibabaw ng matigas nyang hita. Ang init ng katawan nya ay nanunuot sa balat ko. Nakadikit ang hubad kong katawan sa hubad nyang katawan. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang perpektong hulma ng dibdib nya laban sa akin.

​"If you dont know how to do it using words then use your mouth for something else," bulong nya malapit sa tainga ko. Ang paos nyang boses ay nagpadala ng libong boltahe ng kuryente sa buong gulugod ko pababa sa aking puson. "Kiss me like you did last night. Kiss me like you are starving and I am your last meal."

​Hindi na ako nag isip pa. Nilapit ko ang mukha ko at sinakop ko ang mga labi nya. Lasang kape at mamahaling mint ang hininga nya habang ako siguro ay lasang alak desperasyon at katangahan. Pero wala syang pakialam. Gumanti sya ng halik na mas marahas at mas malalim kesa sa ibinigay ko. Binuksan ko ang bibig ko para papasukin ang mainit nyang dila. Nag aagawan kami ng hininga sa loob ng tahimik na kwarto. Ang mga kamay nya ay naglalakbay sa likod ko pababa sa bewang ko hanggang sa pisilin nya nang mariin ang puwet ko. Napadaing ako sa sarap at gulat dahil hindi ko inasahan ang ganitong klaseng init mula sa isang lalaking yelo.

​At doon ko naramdaman. Unti unting may nabubuhay sa ilalim ko. May tumigas na bagay na nakadiin sa ibabang bahagi ng tiyan ko. Lumalaki ito at umiinit. Napamulat ako ng mga mata at humiwalay sa paghahalikan namin. Nakatingin din sya sa akin. Malaki ang mata nya at halatang gulat na gulat sya sa sarili nyang katawan.

​"Tumayo..." bulong ko na parang nakakita ng pinakamalaking milagro sa mismong harapan ko. "Tumayo ang baby boy mo Alistair! Nabuhay ang patay!"

​"I told you not to call it baby boy," madiin nyang sabi pero may halong tuwa at mabangis na pagnanasa ang boses nya. Bigla nya akong inihiga sa kama at pumatong sya sa ibabaw ko. Handa na syang ipagpatuloy ang nasimulan namin. Handa na syang gumawa ng tagapagmana. At ako naman kahit mamamatay na ako dahil sa sakit ko ay handa na ring namnamin ang huling grasya ng langit sa katawan ko. Ipapaubaya ko na ang huling natitirang dignidad ko para makapaghiganti kina David.

​Pero bago pa man nya mailapit nang tuluyan ang sarili nya sa akin ay biglang tumunog nang napakalakas ang cellphone nya na nasa ibabaw ng bedside table. Isang ringtone na parang alarm sa sunog ang bumasag sa romantic at mainit na eksena namin. Napapikit sya sa inis at nagmura nang malutong.

​"Damn it. Give me a second," sabi nya sabay kuha ng telepono. Gusto sana nyang patayin ang tawag pero nang makita nya ang pangalan sa screen ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Sumeryoso ito na parang may malaking kumpanya na bumagsak. Sinagot nya ang tawag habang nananatiling nakapatong sa akin at nakakulong ako sa ilalim ng malaking katawan nya. "What is it Liam? I told you not to disturb me unless the building is on fire and the ashes are flying."

​Nakinig sya sa kabilang linya. Pinapanood ko ang pagbabago ng reaksyon sa gwapo nyang mukha. Mula sa pagkainis ay naging gulat at pagkatapos ay napalitan ng isang madilim at napakamisteryosong ngiti. Tumingin sya sa akin mula ulo hanggang paa habang kausap ang secretary nyang si Liam sa telepono.

​"Are you absolutely sure about this information Liam?" tanong ni Alistair habang hindi inaalis ang mapanuring paningin sa akin. "The medical files from the hospital? From her specific doctor?"

​Kinabahan ako. Bakit nadamay ang ospital at ang doktor ko? Baka ibinalita na patay na ako dahil nawawala ako sa ward ko? O baka pinaghahanap na ako ng pulis dahil tumakas ako at hindi ko nabayaran ang huling bill ko sa ospital? Lagot na makukulong muna yata ako bago ako mamatay.

​"Yes sir," rinig kong sagot ng lalaki sa kabilang linya dahil nakaspeaker ang telepono nya at tahimik ang buong paligid. "The head doctor confirmed it himself. The recent test results came out completely negative. The previous diagnosis was a massive error mixed up with another terminal patient's file. Miss Jessi Maximo does not have cancer at all. She is completely healthy and cured. She is not going to die anytime soon sir."

​Parang tumigil ang pag ikot ng buong mundo ko. Nabingi yata ako. Anong sabi nya? Walang cancer? Hindi ako mamamatay? Completely healthy?!

​Nanlamig ang buong katawan ko. Akala ko malapit na ang katapusan ko kaya ako nagwala kagabi kaya ako nakipagtalik sa isang estranghero at kaya ako pumayag magpakasal sa isang bilyonaryong impotent kapalit ng paghihiganti. Buhay pa pala ako at mahaba pa ang oras ko sa mundong ito! Isa akong napakalaking tanga na pumasok sa isang kontratang pang habambuhay!

​Ngumiti si Alistair nang napakatamis pero nakakatakot. Para syang leon na nakorner ang paborito nyang biktima. Ibinaba nya ang telepono at inilapit ang bibig nya sa tainga ko. "Well well well my dear wifey. Looks like you are stuck with me for a very long time. And since you are not dying anymore..."

​Ibinaba nya ang kamay nya at hinawakan ang gitna ko na nagpapasigaw sa akin sa gulat.

​"You have a lifetime contract to serve me and give me a child. Shall we begin the real torture?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night Stand with the Impotence Billionaire    Chapter 5: Ang Pagbabalik ng Isang Dyosa Mula sa Hukay

    Chapter 5: Ang Pagbabalik ng Isang Dyosa Mula sa Hukay​Parang gusto kong lamunin ako ng buong buo ng mamahaling kama ni Alistair. Nanginginig ang buong kalamnan ko habang nakasiksik ako sa ilalim ng makapal na kumot. Rinig na rinig ko ang malalakas na yabag ng sapatos ng tatay niya na parang isang higante na handang mandurog ng maliliit na insekto.​Si Don Roberto Montemayor. Ang halimaw ng corporate world. Ang lalaking kayang magbagsak ng isang buong kumpanya sa pamamagitan lang ng isang simpleng pagtaas ng kilay. At ngayon ang kilay na iyon ay nakataas at nakaturo sa direksyon ko.​"Anong kahibangan ito Alistair?!" umalingawngaw ang baritonong boses ng matanda sa apat na sulok ng malaking kwarto. "Isang babaeng pinulot mo lang sa kalsada? Pakakasalan mo para lang makuha ang posisyon ko? Wala ka bang matinong babaeng mahanap mula sa mga kilalang pamilya at kailangan mong mamulot ng basura?"​Ouch. Basura talaga? Pwede namang recyclable material muna bago basura para may konting valu

  • One Night Stand with the Impotence Billionaire    Chapter 4: Ang Kontrata Mula sa Impyerno

    Chapter 4: Ang Kontrata Mula sa Impyerno​Napatunganga ako sa kisame. Ang kisame na may mamahaling chandelier na parang anumang oras ay babagsak para sakalin ako. Walang cancer? Completely healthy? Misdiagnosis?!​Gusto kong sumigaw hanggang sa mabasag ang mga salamin sa penthouse na ito. Gusto kong maiyak sa tuwa dahil hindi pa ako mamamatay. Pero mas gusto kong sakalin yung doktor kong nagpakaba sa akin ng isang buong taon! Isang taon akong kumain ng puro pinakuluang gulay na lasang damo. Isang taon akong umiyak gabi gabi habang nagdadasal na sana pahabain pa ang buhay ko. Tapos ngayon malalaman ko na namalikmata lang pala sila sa x ray at laboratory results ko dahil naihalo ang file ko sa ibang pasyente?! Anong klaseng ospital yun pwede ba silang ipasara ng DOH ngayon din?!​Tinulak ko si Alistair nang buong lakas. Dahil nalaman kong wala akong sakit biglang bumalik ang sigla ng buong katawan ko. Parang uminom ako ng sampung energy drink na sabay sabay. Gumulong sya paalis sa ibaba

  • One Night Stand with the Impotence Billionaire    Chapter 3: Ang Sexy Dance ng Isang Mamamatay Na

    Chapter 3: Ang Sexy Dance ng Isang Mamamatay Na​Nakatayo sya sa harap ng pinto at dahan dahang inalis ang pagkakabuhol ng sinturon ng itim nyang silk bathrobe. Nanlaki ang mga mata ko na parang nakakita ng multo pero sa totoo lang ay parang nakakita ako ng anghel na may halong demonyo. Bumagsak ang tela sa malamig na sahig at tumambad sa akin ang buong kaluwalhatian ni Alistair Montemayor. Pakshet. Ang gwapo ng mukha ang ganda ng katawan may abs na parang pandesal na bagong luto sa panaderya ni aling Nena pero pagdating sa ibaba ay payapang payapa ang paligid. Tulog na tulog ang alaga nya. Walang kahit anong reaksyon.​Napalunok ako ng laway na parang may nakabara na malaking bato sa lalamunan ko. "Seryoso ka ba dyan kuya? As in ngayon na talaga? Eh amoy alak pa nga ako at hindi pa ako nakakapag toothbrush. Baka mamaya pag hiningahan kita sa mukha imbes na tumayo yan ay tuluyan nang himatayin at hindi na magising forever. Kawawa naman ang pamilya mo mawawalan ng tagapagmana dahil lan

  • One Night Stand with the Impotence Billionaire    Chapter 2: Ang Bilyonaryong Hindi Maigalaw ang Puso... at Iba Pa

    Chapter 2: Ang Bilyonaryong Hindi Maigalaw ang Puso... at Iba Pa​Sabi nila kapag namatay ka raw pupunta ka sa langit kung mabuti kang tao o sa impyerno kung demonyita ka. Pero bakit ganito? Ang lambot ng ulap na hinihigaan ko pero bakit amoy mamahaling fabric conditioner at hindi amoy insenso? At teka lang bakit sobrang sakit ng gitna ng mga hita ko? Ganito ba sa kabilang buhay? May body ache pa rin ba kahit kaluluwa ka na lang?​Idinilat ko ang mga mata ko. Bumulaga sa akin ang isang napakalaking chandelier na kumikinang sa itaas ng kisame. Pamilyar ang lugar at ang amoy pero alam kong hindi ito ang kwarto ko sa apartment na inagaw ng ex kong ahas. Lumingon ako sa paligid. Isang napakalaking kwarto na parang kasing laki ng buong bahay namin noon. May malaking flat screen TV sa gilid may sofa na gawa sa leather at may glass window na nagpapakita ng view ng buong siyudad na nasisinagan ng umagang araw.​Buhay pa ako. Pakshet. Buhay pa rin ako.​Sinubukan kong bumangon pero biglang kum

  • One Night Stand with the Impotence Billionaire    Chapter 1: Ang Huling Hininga ng Katangahan

    Chapter 1: Ang Huling Hininga ng Katangahan​Sabi nila kapag malapit ka na raw mamatay makikita mo ang buong buhay mo na parang isang pelikula na nagpa flash sa isip mo. Well scam yun. Ang nakikita ko lang ngayon ay ang malabong kisame ng ospital at ang dalawang taong akala ko ay mahal ako pero sa totoo lang ay hinihintay na lang akong ma deads.​Isang taon. Isang taon na akong nakikipaglaban sa cancer at feeling ko gusto na mag resign ng mga white blood cells ko dahil pagod na pagod na sila. Wala na akong pamilya dahil namatay sila sa isang car crash noong bata pa ako. Ang tanging meron lang ako ay ang boyfriend kong si David at ang best friend kong si Jessica. Yes tama kayo ng dinig Jessica at Jessi. Cute di ba? Parang pinagtagpo ng tadhana pero parehong tanga.​Nandito sila ngayon sa kwarto ko. Araw araw silang bumibisita. Ang sweet nila no? Kung hindi ko lang sana naririnig yung basang halikan nila sa paanan ng kama ko baka isipin kong mga anghel sila na hulog ng langit.​"David w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status