Home / Romance / One Night Stand with the Impotence Billionaire / Chapter 2: Ang Bilyonaryong Hindi Maigalaw ang Puso... at Iba Pa

Share

Chapter 2: Ang Bilyonaryong Hindi Maigalaw ang Puso... at Iba Pa

Author: Darkchoco
last update publish date: 2026-03-16 16:04:34

Chapter 2: Ang Bilyonaryong Hindi Maigalaw ang Puso... at Iba Pa

​Sabi nila kapag namatay ka raw pupunta ka sa langit kung mabuti kang tao o sa impyerno kung demonyita ka. Pero bakit ganito? Ang lambot ng ulap na hinihigaan ko pero bakit amoy mamahaling fabric conditioner at hindi amoy insenso? At teka lang bakit sobrang sakit ng gitna ng mga hita ko? Ganito ba sa kabilang buhay? May body ache pa rin ba kahit kaluluwa ka na lang?

​Idinilat ko ang mga mata ko. Bumulaga sa akin ang isang napakalaking chandelier na kumikinang sa itaas ng kisame. Pamilyar ang lugar at ang amoy pero alam kong hindi ito ang kwarto ko sa apartment na inagaw ng ex kong ahas. Lumingon ako sa paligid. Isang napakalaking kwarto na parang kasing laki ng buong bahay namin noon. May malaking flat screen TV sa gilid may sofa na gawa sa leather at may glass window na nagpapakita ng view ng buong siyudad na nasisinagan ng umagang araw.

​Buhay pa ako. Pakshet. Buhay pa rin ako.

​Sinubukan kong bumangon pero biglang kumirot ang ibabang bahagi ng katawan ko. Napangiwi ako sa sakit na parang biniyak ang balakang ko. Tumingin ako sa ilalim ng makapal na kumot. Wala akong suot ni isang hibla ng damit. Wala. As in naked to the bones. At dun nag flash back sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi. Yung club. Yung gwapong lalaki na amoy pera. Yung uhaw na halik na nagpaliyab sa buong pagkatao ko. At yung... oh my god. Yung mga ungol ko na mas malakas pa yata sa sirena ng ambulansya na naghahatid sa akin palagi sa ospital.

​Nagawa ko. Nakipagtalik ako sa isang estranghero bago ako mamatay. Nawala na ang V card ko. Nawala na ang pagiging inosente ko. At higit sa lahat ang sarap pala talaga kaya pala adik na adik yung ex ko at yung best friend kong higad na gawin yun sa kama ko mismo.

​Habang nagpapanic ako sa loob ng kumot at sinusubukang balutin ang sarili ko na parang lumpia biglang bumukas ang pinto ng banyo. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang nilalang na lumabas mula roon.

​Basang basa pa ang buhok nya na tumutulo ang tubig sa malapad nyang balikat pababa sa perpektong dibdib at sa abs nyang parang pandesal na bagong luto at ang sarap papakin. Nakatapis lang sya ng puting tuwalya sa bewang nya. Kung kagabi ay gwapo sya sa paningin kong malabo dahil sa alak at sakit ngayon naman sa liwanag ng umaga ay parang literal na bumaba ang isang diyos ng mga griyego para lang sunduin ako sa impyerno.

​Tumigil sya sa pagpupunas ng buhok at tumingin sa akin. Ang mga mata nya ay malamig na parang yelo. Walang emosyon. Nakakatakot pero nakakaakit.

​"Gising ka na pala," sabi nya gamit ang boses na sobrang lalim at parang nanghihila ng kaluluwa. "Good. We have a lot of things to talk about."

​Hinila ko pataas ang kumot hanggang sa leeg ko. "Teka lang ha. Kung kukunin mo na ang kaluluwa ko pwede bang mamaya na? Ang sakit pa ng katawan ko eh. At saka hindi ko alam na ganito pala kagwapo si kamatayan. May abs at nakatuwalya pa. Pwede bang mag kape muna tayo bago mo ako dalhin kay San Pedro?"

​Kumunot ang noo nya sa sinabi ko. "Anong kamatayan ang pinagsasasabi mo? You are in my penthouse. At buhay na buhay ka. Unfortunately for my sanity you are very much alive and noisy."

​Lumapit sya sa isang couch at kumuha ng kulay itim na silk bathrobe. Sinuot nya yun bago umupo sa tapat ng kama ko. Kumuha sya ng sigarilyo at sinindihan yun habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

​"Ako si Alistair Montemayor," pagpapakilala nya habang bumubuga ng usok.

​Nanlaki ang mga mata ko. Alistair Montemayor? Ang nag iisang anak ng bilyonaryong may ari ng Montemayor Empire? Yung laging nasa cover ng mga business magazines at binansagang pinaka ruthless na CEO sa buong bansa? Yung lalaking tinitilian ng lahat ng babae sa buong Pilipinas pero walang dinedate kahit isa dahil masyadong malamig ang ugali?

​"Oh my god," bulong ko sabay takip ng bibig. "Nakipag ano ako sa isang bilyonaryo? Patay na ba talaga ako at nananaginip na lang sa loob ng kabaong ko?"

​"Stop talking about death. Wala kang sakit na ikamamatay mo agad agad," malamig nyang sagot. "At least not right now. Gusto kong pakinggan mo ako nang mabuti dahil isang beses ko lang itong sasabihin at wala akong oras para mag ulit. Papakasalan mo ako."

​Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway. "Ano? Kasal agad? Kuya ang bilis naman yata ng pacing natin. Isang gabi lang tayo nagkasama at hindi ko nga maalala kung paano tayo napunta dito dahil hilo na ako kagabi. Tapos kasal agad? Wala bang ligaw? Wala bang getting to know each other phase man lang? Ni hindi mo nga alam paborito kong kulay eh."

​Tumingin sya sa akin ng seryoso. Wala ni katiting na biro sa mukha nya na parang nakikipag meeting lang sya sa board of directors nya.

​"This is not a romantic proposal Jessi. Yes I know your name. I had my men investigate you while you were passed out. Alam ko ang tungkol sa pamilya mo sa ex mong manloloko sa best friend mong traydor at sa supposed cancer mo."

​Natahimik ako. Alam nya lahat? Ang bilis naman ng background check ng taong ito dinaig pa ang NBI.

​"Then why me?" tanong ko medyo nanginginig na ang boses ko hindi dahil sa takot kundi sa kaba. "Kung alam mo na mamamatay na ako bakit mo ako aaluking magpakasal? Ano to Make a Wish foundation para sa mga terminal patients? Para sumaya ako bago ako mamatay at may plot twist ang buhay ko?"

​Bumuntong hininga sya at pinatay ang sigarilyo sa crystal na ashtray sa gilid. Tinitigan nya ako ng maigi na parang binabasa ang buong pagkatao ko hanggang sa buto.

​"Dahil ikaw lang ang nakagawa ng imposible," mahina pero madiin nyang sabi. "For the past five years I have been completely incapable of getting hard. I am impotent Jessi."

​Nanlaki ang mga mata ko hanggang sa parang lalabas na ito sa socket ng bungo ko. Impotent? Ang isang Alistair Montemayor na parang sex god ang katawan at kinababaliwan ng lahat ng babae ay hindi tinatablan ng kalibugan?

​"Pero... pero kagabi..." nauutal kong sabi habang nag iinit ang mukha ko nang maalala ko ang matitigas na bagay na naramdaman ko kagabi habang nakadagan sya sa akin.

​"Exactly," putol nya sa akin. "Kagabi nang halikan mo ako nang sapilitan sa club something woke up. Sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon nagising ang natutulog kong sistema. We did it. And I dont even know how you did it or what triggered it. But I need you. I need your body to reactivate mine."

​Tumayo sya at naglakad palapit sa kama ko. "My father is dying. Ibibigay nya lang ang buong mana at ang posisyon bilang chairman kung magkakaroon ako ng asawa at higit sa lahat ng tagapagmana. Kailangan ko ng anak Jessi para makuha ang lahat ng nararapat sa akin. At ikaw lang ang nakapagpatigas sa akin kaya ikaw lang ang pwedeng magbigay ng anak sa akin."

​Natahimik ako nang matagal. Pinoproseso ng naghihingalo kong utak ang lahat ng impormasyon na parang math equation na walang sagot. Impotent sya. Kailangan nya ng anak. Kailangan nyang magpaligaya ng asawa para makuha ang pera. At ako ang napili nya dahil ako ang magic pill ng pagkalalaki nya.

​Sa kabilang banda naisip ko ang sitwasyon ko. Malapit na akong mamatay yun ang alam ko. Kung mamamatay ako pwede akong mamatay na mayaman. Pwede kong gamitin ang kapangyarihan at pera ni Alistair para wasakin ang buhay nina David at Jessica na walang ginawa kundi traydurin ako habang naghihirap ako sa ospital. Gusto nilang kunin ang lahat sa akin at lokohin ako? Pwes ipapakita ko sa kanila kung ano ang tunay na nawala sa kanila. Ipapalasap ko sa dalawang ahas na yun ang impyernong pinadanas nila sa akin bago ako tuluyang mawala sa mundo.

​Tumingin ako sa kanya tinapangan ko ang mukha ko. "Sige. Papayag ako. Pero may kondisyon ako."

​Tumaas ang isang perpektong kilay nya. "Name it."

​"Gusto kong tulungan mo akong maghiganti sa ex ko at sa best friend ko. Gusto kong makita silang nagdurusa habang nabubuhay ako. At kung mamatay man ako siguraduhin mong hindi sila makakakuha ni isang kusing mula sa mga naiwan ko."

​Ngumiti sya. Isang malamig at nakakatakot na ngiti na lalong nagpalitaw ng kagwapuhan nya. "Consider it done wifey. Pera at kapangyarihan ang pinakamadaling ibigay sa mundong ito. Sila na ang pinaka nakakaawang tao simula sa araw na ito."

​Lumapit sya lalo at inilapit ang mukha nya sa akin. Amoy na amoy ko ang mint at kape sa hininga nya at parang nahihigop ako sa lalim ng tingin nya. "Pero bago natin isipin ang paghihiganti mo may mas malaking problema tayo na kailangang solusyunan agad."

​"Ano yun?" tanong ko habang bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko.

​"Kailangan mo akong paandarin ulit," seryoso nyang bulong na nagpatayo sa lahat ng balahibo ko sa katawan. "Dahil paggising ko kanina patay na naman sya. I need you to trigger me Jessi. Seduce me. Make me hard again so we can make that baby right now."

​Nanuyo ang lalamunan ko. Seduce him? Ako? Ang babaeng mukhang skeleton na malapit nang bawian ng buhay at walang alam sa paglalandi kundi ang umiyak nang palihim? Paano ko lalandiin ang isang bilyonaryong impotent na parang yelo ang ugali at pag inis na inis pa ay hindi man lang marunong ngumiti ng totoo? Pambihirang misyon naman ito bago mamatay. Magbuhay ng patay na sandata.

​"Sandali lang Alistair ha," sabi ko sabay kamot sa ulo ko kahit medyo magulo pa ang buhok ko at alam kong mukha akong bruha. "Paano ko gagawin yun? Ni hindi ko nga alam kung anong ginawa ko kagabi. Lasing ako. Baka naman kinagat ko lang yan kaya nagulat at tumayo? O baka naman nanood ka ng bold habang tulog ako kaya nangyari yun?"

Biglang nandilim ang paningin nya at parang gusto nya akong sakalin sa inis. "Do I look like a man who needs p**n to get off? I told you I have a condition. Wala akong nararamdaman kahit anong klaseng babae pa ang iharap sa akin. Top models. Actresses. I felt nothing. Hanggang sa bumangga ka sa akin at hinalikan mo ako."

​Napaatras ako ng konti habang hawak ng mahigpit ang kumot. "Okay chill. Wag kang magalit baka mamaya hindi lang yan ang hindi tumayo pati puso mo tumigil sa pagtibok. Eh pano ko nga sisimulan?"

​Inilahad nya ang malaking kamay nya at nakipagkamay ako kahit naguguluhan pa. Ang init ng palad nya pero ang lamig ng aura nya. Official na. Asawa na ako ng isang bilyonaryo in a flash.

​Tumayo sya mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad papunta sa pinto para siguro asikasuhin ang mga papeles ng kasal namin. Napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at aalis muna sya para makapag isip isip ako kung paano ako magiging isang sexy dancer para mapaandar ko ang asawa ko.

​Pero biglang huminto si Alistair sa may pinto at lumingon sa akin. Ang seryoso ng mukha nya na parang may idadagdag syang napakahalagang utos.

​"By the way Jessi," sabi nya habang nakatingin ng diretso sa akin at unti unting niluluwagan ang tali ng bathrobe nya. "Wag kang mag damit. Magsisimula tayo ng therapy session natin ngayon din. I want to test if seeing you naked in broad daylight will cause any reaction below."

​Napanganga ako hanggang sa sahig. Therapy session?! Ngayon na?! Eh hindi pa nga ako nagmumumog at amoy alak pa yung hininga ko! Lord bago nyo po ako kunin paki bigyan muna ako ng tutorial kung paano lumandi dahil mukhang sasabak na ako sa gyera na walang armas!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Night Stand with the Impotence Billionaire    Chapter 5: Ang Pagbabalik ng Isang Dyosa Mula sa Hukay

    Chapter 5: Ang Pagbabalik ng Isang Dyosa Mula sa Hukay​Parang gusto kong lamunin ako ng buong buo ng mamahaling kama ni Alistair. Nanginginig ang buong kalamnan ko habang nakasiksik ako sa ilalim ng makapal na kumot. Rinig na rinig ko ang malalakas na yabag ng sapatos ng tatay niya na parang isang higante na handang mandurog ng maliliit na insekto.​Si Don Roberto Montemayor. Ang halimaw ng corporate world. Ang lalaking kayang magbagsak ng isang buong kumpanya sa pamamagitan lang ng isang simpleng pagtaas ng kilay. At ngayon ang kilay na iyon ay nakataas at nakaturo sa direksyon ko.​"Anong kahibangan ito Alistair?!" umalingawngaw ang baritonong boses ng matanda sa apat na sulok ng malaking kwarto. "Isang babaeng pinulot mo lang sa kalsada? Pakakasalan mo para lang makuha ang posisyon ko? Wala ka bang matinong babaeng mahanap mula sa mga kilalang pamilya at kailangan mong mamulot ng basura?"​Ouch. Basura talaga? Pwede namang recyclable material muna bago basura para may konting valu

  • One Night Stand with the Impotence Billionaire    Chapter 4: Ang Kontrata Mula sa Impyerno

    Chapter 4: Ang Kontrata Mula sa Impyerno​Napatunganga ako sa kisame. Ang kisame na may mamahaling chandelier na parang anumang oras ay babagsak para sakalin ako. Walang cancer? Completely healthy? Misdiagnosis?!​Gusto kong sumigaw hanggang sa mabasag ang mga salamin sa penthouse na ito. Gusto kong maiyak sa tuwa dahil hindi pa ako mamamatay. Pero mas gusto kong sakalin yung doktor kong nagpakaba sa akin ng isang buong taon! Isang taon akong kumain ng puro pinakuluang gulay na lasang damo. Isang taon akong umiyak gabi gabi habang nagdadasal na sana pahabain pa ang buhay ko. Tapos ngayon malalaman ko na namalikmata lang pala sila sa x ray at laboratory results ko dahil naihalo ang file ko sa ibang pasyente?! Anong klaseng ospital yun pwede ba silang ipasara ng DOH ngayon din?!​Tinulak ko si Alistair nang buong lakas. Dahil nalaman kong wala akong sakit biglang bumalik ang sigla ng buong katawan ko. Parang uminom ako ng sampung energy drink na sabay sabay. Gumulong sya paalis sa ibaba

  • One Night Stand with the Impotence Billionaire    Chapter 3: Ang Sexy Dance ng Isang Mamamatay Na

    Chapter 3: Ang Sexy Dance ng Isang Mamamatay Na​Nakatayo sya sa harap ng pinto at dahan dahang inalis ang pagkakabuhol ng sinturon ng itim nyang silk bathrobe. Nanlaki ang mga mata ko na parang nakakita ng multo pero sa totoo lang ay parang nakakita ako ng anghel na may halong demonyo. Bumagsak ang tela sa malamig na sahig at tumambad sa akin ang buong kaluwalhatian ni Alistair Montemayor. Pakshet. Ang gwapo ng mukha ang ganda ng katawan may abs na parang pandesal na bagong luto sa panaderya ni aling Nena pero pagdating sa ibaba ay payapang payapa ang paligid. Tulog na tulog ang alaga nya. Walang kahit anong reaksyon.​Napalunok ako ng laway na parang may nakabara na malaking bato sa lalamunan ko. "Seryoso ka ba dyan kuya? As in ngayon na talaga? Eh amoy alak pa nga ako at hindi pa ako nakakapag toothbrush. Baka mamaya pag hiningahan kita sa mukha imbes na tumayo yan ay tuluyan nang himatayin at hindi na magising forever. Kawawa naman ang pamilya mo mawawalan ng tagapagmana dahil lan

  • One Night Stand with the Impotence Billionaire    Chapter 2: Ang Bilyonaryong Hindi Maigalaw ang Puso... at Iba Pa

    Chapter 2: Ang Bilyonaryong Hindi Maigalaw ang Puso... at Iba Pa​Sabi nila kapag namatay ka raw pupunta ka sa langit kung mabuti kang tao o sa impyerno kung demonyita ka. Pero bakit ganito? Ang lambot ng ulap na hinihigaan ko pero bakit amoy mamahaling fabric conditioner at hindi amoy insenso? At teka lang bakit sobrang sakit ng gitna ng mga hita ko? Ganito ba sa kabilang buhay? May body ache pa rin ba kahit kaluluwa ka na lang?​Idinilat ko ang mga mata ko. Bumulaga sa akin ang isang napakalaking chandelier na kumikinang sa itaas ng kisame. Pamilyar ang lugar at ang amoy pero alam kong hindi ito ang kwarto ko sa apartment na inagaw ng ex kong ahas. Lumingon ako sa paligid. Isang napakalaking kwarto na parang kasing laki ng buong bahay namin noon. May malaking flat screen TV sa gilid may sofa na gawa sa leather at may glass window na nagpapakita ng view ng buong siyudad na nasisinagan ng umagang araw.​Buhay pa ako. Pakshet. Buhay pa rin ako.​Sinubukan kong bumangon pero biglang kum

  • One Night Stand with the Impotence Billionaire    Chapter 1: Ang Huling Hininga ng Katangahan

    Chapter 1: Ang Huling Hininga ng Katangahan​Sabi nila kapag malapit ka na raw mamatay makikita mo ang buong buhay mo na parang isang pelikula na nagpa flash sa isip mo. Well scam yun. Ang nakikita ko lang ngayon ay ang malabong kisame ng ospital at ang dalawang taong akala ko ay mahal ako pero sa totoo lang ay hinihintay na lang akong ma deads.​Isang taon. Isang taon na akong nakikipaglaban sa cancer at feeling ko gusto na mag resign ng mga white blood cells ko dahil pagod na pagod na sila. Wala na akong pamilya dahil namatay sila sa isang car crash noong bata pa ako. Ang tanging meron lang ako ay ang boyfriend kong si David at ang best friend kong si Jessica. Yes tama kayo ng dinig Jessica at Jessi. Cute di ba? Parang pinagtagpo ng tadhana pero parehong tanga.​Nandito sila ngayon sa kwarto ko. Araw araw silang bumibisita. Ang sweet nila no? Kung hindi ko lang sana naririnig yung basang halikan nila sa paanan ng kama ko baka isipin kong mga anghel sila na hulog ng langit.​"David w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status