LOGINParang gusto kong lamunin ako ng buong buo ng mamahaling kama ni Alistair. Nanginginig ang buong kalamnan ko habang nakasiksik ako sa ilalim ng makapal na kumot. Rinig na rinig ko ang malalakas na yabag ng sapatos ng tatay niya na parang isang higante na handang mandurog ng maliliit na insekto.
Si Don Roberto Montemayor. Ang halimaw ng corporate world. Ang lalaking kayang magbagsak ng isang buong kumpanya sa pamamagitan lang ng isang simpleng pagtaas ng kilay. At ngayon ang kilay na iyon ay nakataas at nakaturo sa direksyon ko.
"Anong kahibangan ito Alistair?!" umalingawngaw ang baritonong boses ng matanda sa apat na sulok ng malaking kwarto. "Isang babaeng pinulot mo lang sa kalsada? Pakakasalan mo para lang makuha ang posisyon ko? Wala ka bang matinong babaeng mahanap mula sa mga kilalang pamilya at kailangan mong mamulot ng basura?"
Ouch. Basura talaga? Pwede namang recyclable material muna bago basura para may konting value naman ako di ba? Gusto ko sanang sumagot pero pinigilan ko ang bibig ko. Baka mamaya may baril pala ang mga bodyguards na kasama niya at tuluyan na akong maging patay na katawan.
Tumayo si Alistair sa harap ng kama. Kalmado lang siya habang inaayos ang pagkakabuhol ng kanyang silk bathrobe. Parang wala siyang pakialam na galit na galit ang ama niya. Ang lamig ng aura niya parang isang bloke ng yelo na hindi kayang tunawin ng kahit anong apoy.
"She is my wife now Father. Legal at pormal kaming mag asawa," walang emosyong sagot ni Alistair. "You gave me an ultimatum. Find a wife and produce an heir within a year or lose the chairman seat. Ginawa ko lang ang inutos mo. Bakit ka nagrereklamo ngayon?"
Namula sa matinding galit ang mukha ng matanda. "Dahil ang gusto ko ay isang babaeng may malinis na background! Isang babaeng magdadala ng dangal sa pangalan ng mga Montemayor! Hindi isang babaeng mukhang patay na binuhay lang para nakawin ang pera natin!"
Aba sumusobra na ang matandang ito ha. Mukhang patay agad? Hindi ba pwedeng kulang lang sa tulog at iron supplements? Uminit ang ulo ko. Nawala bigla ang takot ko at napalitan ng inis. Isang taon akong nagtiis sa ospital isang taon akong nagmukhang kawawa at niloko ng mga taong mahal ko. Hindi ako pumayag na maging asawa ng isang bilyonaryo para lang insultuhin ng isang matandang puro wrinkles na ang mukha.
Bago pa makasagot si Alistair ay bigla kong inalis ang kumot na nakatakip sa ulo ko. Binalot ko ito nang mahigpit sa buong katawan ko na parang isang malaking toga ng mga griyego at buong tapang akong tumayo sa ibabaw ng kama. Halos magkasing tangkad na kami ng matanda dahil nakatayo ako sa kutson.
"Excuse me po Sir Roberto," matapang kong sabi habang nakapamewang kahit medyo nahihirapan akong hawakan ang kumot para hindi malaglag. "Baka po nakakalimutan ninyo na ang basurang tinatawag ninyo ay ang nag iisang babae na kayang magbigay ng apo sa inyo. Ako lang po ang sagot sa matagal nang problema ng anak ninyo. Kaya kung gusto ninyo ng tagapagmana matuto po kayong rumespeto sa pabrika na gagawa ng apo ninyo!"
Nanlaki ang mga mata ng tatay ni Alistair. Maging ang dalawang malalaking bodyguards sa likuran niya ay napatanga sa sobrang gulat. Sa buong buhay siguro ng matandang ito ngayon lang siya nasigawan ng isang babaeng nakabalot lang sa kumot habang nakatayo sa ibabaw ng kama.
Lumingon ako kay Alistair at nakita ko ang bahagyang pag angat ng gilid ng labi niya. Isang napakaliit na ngiti na parang natutuwa siya sa ginawa kong kabaliwan.
Huminga nang malalim ang matanda at tinitigan ako nang mabuti. Mula ulo hanggang paa ay sinuri niya ako na parang isang produkto sa supermarket. Pagkatapos ng ilang minutong nakakabinging katahimikan ay bigla siyang tumawa nang malakas.
"Matapang," sabi ng matanda habang unti unting kumakalma. "May tapang ka na sumagot sa akin. Gusto ko yan. Kailangan ng anak ko ng isang asawang hindi basta basta magpapatalo. Patunayan mo sa akin na karapat dapat ka sa pangalan namin binibini. Bigyan mo ako ng apo sa lalong madaling panahon at ibibigay ko sa inyo ang buong kumpanya. Ngunit kapag nabigo ka sisiguraduhin kong babalik ka sa basurahan kung saan ka nagmula."
Tumalikod ang matanda at naglakad palabas ng kwarto kasama ang mga bodyguards niya. Naiwan kaming dalawa ni Alistair na nakatayo sa loob ng tahimik na penthouse. Napabuntong hininga ako nang malalim at dahan dahang umupo pabalik sa kama. Feeling ko naubos lahat ng lakas ko sa eksenang iyon.
"You have a very big mouth wifey," komento ni Alistair habang naglalakad palapit sa akin. "Pero nagustuhan iyon ng matanda. Now get ready. May ipapadala akong glam team dito. Kailangan mong magmukhang asawa ng isang Montemayor mamayang gabi."
Makalipas ang ilang oras ay parang ginawang parlor ang buong master bedroom. Sandamakmak na mga bakla at babae ang nag aayos sa akin. Nilinis nila ang buong katawan ko nilagyan ng sandamakmak na cream ang balat ko at inayos ang buhok kong parang pugad ng ibon.
Pero ang pinakamahirap na parte ay ang isusuot ko. Isang napakahigpit na itim na corset gown ang pinilit nilang ipasok sa katawan ko. Jusko po parang pinipiga ang lahat ng internal organs ko. Feeling ko nasa lalamunan ko na ang bituka ko sa sobrang sikip. Paano ba humihinga ang mga mayayamang babae? May extra lungs ba sila na nakatago sa likod?
"Aray dahan dahan naman po sa paghila," daing ko sa baklang nag aayos ng buhok ko nang sabunutan niya ako nang bahagya para itali ang buhok ko sa isang eleganteng bun.
"Tiis ganda tayo madam," sagot ng bakla. "Asawa ka na po ni sir Alistair ngayon. Kailangan kabogera ka mamaya. Kailangan pagpasok mo pa lang maglalaway na ang lahat ng kalalakihan at mamatay sa inggit ang lahat ng kababaihan."
Nang matapos sila ay iniharap nila ako sa isang napakalaking salamin. Halos hindi ko makilala ang sarili ko. Ang maputla at mukhang may sakit na si Jessi ay nawala na. Ang nasa harap ko ngayon ay isang napakagandang babae na may mapupulang labi matapang na mga mata at suot ang isang kumikinang na diamond necklace na parang kasing bigat ng isang sakong bigas. Mukha talaga akong mamahaling asawa na kayang bilhin ang buong pagkatao ng mga manloloko kong kaibigan.
Pumasok si Alistair sa kwarto. Nakasuot siya ng isang perpektong itim na tuxedo na lalong nagpalitaw sa sobrang kagwapuhan niya. Nang makita niya ako ay natigilan siya. Kumislap ang madilim niyang mga mata at naramdaman ko ang matinding init ng pagtingin niya na parang gusto niyang punitin ang mamahaling damit ko ngayon din.
"You look expensive," mahinang bulong niya nang makalapit siya sa akin. Inilahad niya ang braso niya para makakapit ako. "Let us go wifey. Oras na para manggulo ng buhay."
Napalunok ako habang suot ang limang pulgadang stilettos. Ang hirap maglakad. Para akong nakatapak sa dalawang karayom. Bawat hakbang ko ay kailangan kong balansehin para hindi ako sumubsob sa sahig at mapahiya sa harap ng asawa kong bilyonaryo. Hawak ko nang mahigpit ang braso ni Alistair habang naglalakad kami papunta sa elevator.
Ang venue ng welcome party ay sa isang sikat at pinakamahal na hotel sa siyudad. Pagdating namin doon ay punong puno na ng mga kilalang tao negosyante at mga empleyado ng kumpanya ni David ang grand ballroom.
Habang naghihintay kami sa labas ng malaking pinto bago kami iannounce ng master of ceremonies sumilip ako sa siwang ng pinto. Hinanap ng mga mata ko ang dalawang taong sumira sa buhay ko. Hindi naman ako nahirapan dahil nasa pinaka unahan silang table.
Nakita ko si David. Nakasuot siya ng isang murang suit na pilit pinagmukhang mahal. Nakangiti siya nang wagas habang nakikipag usap sa ibang mga opisyales. Mukhang masayang masaya ang loko dahil akala niya ay patay na ako at makukuha na niya ang pera ko. At sa tabi niya ay nakaupo si Jessica. Nakasuot ang linta ng isang pulang dress na masyadong hapit sa katawan. Pero ang nagpakulo ng buong dugo ko ay ang nakita ko sa leeg niya.
Ang kwintas ng nanay ko. Ang kaisa isang alaala ng namayapa kong ina ay suot suot ng babaeng umagaw sa boyfriend ko at nagtraydor sa akin habang naghihirap ako sa ospital.
Humigpit ang hawak ko sa braso ni Alistair. Naramdaman niya ang panginginig ng kamay ko dahil sa matinding galit kaya tinignan niya ako.
"Are you ready to ruin their lives?" malamig pero mapanganib na tanong ni Alistair sa akin.
Huminga ako nang malalim. Tinaas ko ang noo ko. Inayos ko ang postura ko at pilit kong kinalimutan ang sakit ng paa ko dahil sa heels. Ako na ngayon ang asawa ng isang bilyonaryo. Hindi na ako ang kawawang Jessi na nagmamakaawa para sa pagmamahal.
"Ipapalunok ko sa kanila ang lahat ng kasinungalingan nila," madiin kong sagot.
"Ladies and gentlemen," umalingawngaw ang boses ng MC sa buong ballroom. "Please welcome the new owner and CEO of the company Mister Alistair Montemayor and his beautiful wife Missus Jessi Montemayor!"
Bumukas ang malalaking pinto. Umilaw ang lahat ng spotlights sa direksyon namin. Naglakad kami papasok habang nakaalalay ang asawa ko sa bewang ko. Ang lahat ng tao ay pumalakpak at tumayo para magbigay galang sa bagong boss nila.
Pero nang tumapat ang paningin namin sa table nina David at Jessica ay parang tumigil ang pag ikot ng mundo nila. Nalaglag ang panga ni David at nabitawan niya ang wine glass na hawak niya na nagkalat sa sahig. Namutla si Jessica na parang nakakita ng tunay na multo mula sa impyerno. Halos lumuwa ang mga mata nila nang makita nilang buhay na buhay ako napakaganda at nakakapit sa braso ng pinakamakapangyarihang lalaki sa silid na iyon.
Naglakad kami palapit sa kanila. Bawat hakbang ko ay parang musika ng kamatayan para sa kanilang dalawa. Nang makarating kami sa mismong harap ng table nila ay walang nakapagsalita. Nanginginig ang buong katawan ni David habang nakatitig sa akin ng may matinding takot at kalituhan.
"Jessi... p paanong... akala ko patay ka na..." nauutal at halos walang boses na sabi ni David.
Ngumiti ako. Isang napakatamis at napakamahal na ngiti. Bahagya akong yumuko palapit sa kanilang dalawa para marinig nila nang malinaw ang bawat salitang bibitawan ko. Ramdam na ramdam ko ang kapangyarihang dumadaloy sa mga ugat ko dahil nasa likuran ko lang ang asawa kong handang sumira ng kahit anong bagay na ituro ko.
"Akala ninyo lang iyon mga patay gutom," mahina ngunit sobrang talim na bulong ko habang nakatingin nang diretso sa mga nanlalaking mata ni Jessica. "I am very much alive. And I am coming for your lives. Kukunin ko ang lahat ng inagaw ninyo at sisiguraduhin kong gugustuhin ninyong mamatay araw araw."
Namuti ang mga mata ni Jessica sa sobrang gulat at takot. Gusto sana niyang sumagot ngunit biglang nagsalita si Alistair gamit ang boses na nagpatayo sa lahat ng balahibo sa kwartong iyon.
"Guards," malamig na utos ni Alistair habang nakatingin kay David na parang isang insekto. "Dakpin ninyo ang lalaking iyan. Nakahanap ang kumpanya ng matibay na ebidensya na nagnanakaw siya sa pondo ng opisina ng milyun milyong piso."
Bago pa man makapag isip si David ay mabilis siyang hinawakan ng dalawang malalaking lalaki. Sumigaw siya at nagpupumiglas pero biglang tumayo si Jessica at gumawa ng isang hakbang na ikinagulat ng lahat.
"Hindi totoo yan!" tili ni Jessica habang umiiyak at nakaturo sa akin. "Wag kayong maniwala sa kanya! Isa siyang scammer! Fina fake niya ang pagkamatay niya para makuha ang life insurance at idinadamay niya kami! Tumawag kayo ng pulis ngayon din ipapakulong ko ang babaeng yan!"
Ngumiti si Alistair at hinawakan ang bewang ko. Mukhang hindi alam ng dalawang tangang ito na ang kalaban nila ay mismong ang batas ng siyudad na ito.
Chapter 5: Ang Pagbabalik ng Isang Dyosa Mula sa HukayParang gusto kong lamunin ako ng buong buo ng mamahaling kama ni Alistair. Nanginginig ang buong kalamnan ko habang nakasiksik ako sa ilalim ng makapal na kumot. Rinig na rinig ko ang malalakas na yabag ng sapatos ng tatay niya na parang isang higante na handang mandurog ng maliliit na insekto.Si Don Roberto Montemayor. Ang halimaw ng corporate world. Ang lalaking kayang magbagsak ng isang buong kumpanya sa pamamagitan lang ng isang simpleng pagtaas ng kilay. At ngayon ang kilay na iyon ay nakataas at nakaturo sa direksyon ko."Anong kahibangan ito Alistair?!" umalingawngaw ang baritonong boses ng matanda sa apat na sulok ng malaking kwarto. "Isang babaeng pinulot mo lang sa kalsada? Pakakasalan mo para lang makuha ang posisyon ko? Wala ka bang matinong babaeng mahanap mula sa mga kilalang pamilya at kailangan mong mamulot ng basura?"Ouch. Basura talaga? Pwede namang recyclable material muna bago basura para may konting valu
Chapter 4: Ang Kontrata Mula sa ImpyernoNapatunganga ako sa kisame. Ang kisame na may mamahaling chandelier na parang anumang oras ay babagsak para sakalin ako. Walang cancer? Completely healthy? Misdiagnosis?!Gusto kong sumigaw hanggang sa mabasag ang mga salamin sa penthouse na ito. Gusto kong maiyak sa tuwa dahil hindi pa ako mamamatay. Pero mas gusto kong sakalin yung doktor kong nagpakaba sa akin ng isang buong taon! Isang taon akong kumain ng puro pinakuluang gulay na lasang damo. Isang taon akong umiyak gabi gabi habang nagdadasal na sana pahabain pa ang buhay ko. Tapos ngayon malalaman ko na namalikmata lang pala sila sa x ray at laboratory results ko dahil naihalo ang file ko sa ibang pasyente?! Anong klaseng ospital yun pwede ba silang ipasara ng DOH ngayon din?!Tinulak ko si Alistair nang buong lakas. Dahil nalaman kong wala akong sakit biglang bumalik ang sigla ng buong katawan ko. Parang uminom ako ng sampung energy drink na sabay sabay. Gumulong sya paalis sa ibaba
Chapter 3: Ang Sexy Dance ng Isang Mamamatay NaNakatayo sya sa harap ng pinto at dahan dahang inalis ang pagkakabuhol ng sinturon ng itim nyang silk bathrobe. Nanlaki ang mga mata ko na parang nakakita ng multo pero sa totoo lang ay parang nakakita ako ng anghel na may halong demonyo. Bumagsak ang tela sa malamig na sahig at tumambad sa akin ang buong kaluwalhatian ni Alistair Montemayor. Pakshet. Ang gwapo ng mukha ang ganda ng katawan may abs na parang pandesal na bagong luto sa panaderya ni aling Nena pero pagdating sa ibaba ay payapang payapa ang paligid. Tulog na tulog ang alaga nya. Walang kahit anong reaksyon.Napalunok ako ng laway na parang may nakabara na malaking bato sa lalamunan ko. "Seryoso ka ba dyan kuya? As in ngayon na talaga? Eh amoy alak pa nga ako at hindi pa ako nakakapag toothbrush. Baka mamaya pag hiningahan kita sa mukha imbes na tumayo yan ay tuluyan nang himatayin at hindi na magising forever. Kawawa naman ang pamilya mo mawawalan ng tagapagmana dahil lan
Chapter 2: Ang Bilyonaryong Hindi Maigalaw ang Puso... at Iba PaSabi nila kapag namatay ka raw pupunta ka sa langit kung mabuti kang tao o sa impyerno kung demonyita ka. Pero bakit ganito? Ang lambot ng ulap na hinihigaan ko pero bakit amoy mamahaling fabric conditioner at hindi amoy insenso? At teka lang bakit sobrang sakit ng gitna ng mga hita ko? Ganito ba sa kabilang buhay? May body ache pa rin ba kahit kaluluwa ka na lang?Idinilat ko ang mga mata ko. Bumulaga sa akin ang isang napakalaking chandelier na kumikinang sa itaas ng kisame. Pamilyar ang lugar at ang amoy pero alam kong hindi ito ang kwarto ko sa apartment na inagaw ng ex kong ahas. Lumingon ako sa paligid. Isang napakalaking kwarto na parang kasing laki ng buong bahay namin noon. May malaking flat screen TV sa gilid may sofa na gawa sa leather at may glass window na nagpapakita ng view ng buong siyudad na nasisinagan ng umagang araw.Buhay pa ako. Pakshet. Buhay pa rin ako.Sinubukan kong bumangon pero biglang kum
Chapter 1: Ang Huling Hininga ng KatangahanSabi nila kapag malapit ka na raw mamatay makikita mo ang buong buhay mo na parang isang pelikula na nagpa flash sa isip mo. Well scam yun. Ang nakikita ko lang ngayon ay ang malabong kisame ng ospital at ang dalawang taong akala ko ay mahal ako pero sa totoo lang ay hinihintay na lang akong ma deads.Isang taon. Isang taon na akong nakikipaglaban sa cancer at feeling ko gusto na mag resign ng mga white blood cells ko dahil pagod na pagod na sila. Wala na akong pamilya dahil namatay sila sa isang car crash noong bata pa ako. Ang tanging meron lang ako ay ang boyfriend kong si David at ang best friend kong si Jessica. Yes tama kayo ng dinig Jessica at Jessi. Cute di ba? Parang pinagtagpo ng tadhana pero parehong tanga.Nandito sila ngayon sa kwarto ko. Araw araw silang bumibisita. Ang sweet nila no? Kung hindi ko lang sana naririnig yung basang halikan nila sa paanan ng kama ko baka isipin kong mga anghel sila na hulog ng langit."David w







