Share

One Night Stand with the Unexpected Billionaire
One Night Stand with the Unexpected Billionaire
Penulis: Karilxx

Chapter 1: Unang Pagkikita

Penulis: Karilxx
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-30 17:59:51

Isla’s POV

Malamig ang hangin sa loob ng bar, ngunit tila hindi ko ito iniinda kahit na nakasuot ako ng isang pulang backless dress na mahigpit na kumakapit sa aking balingkinitang katawan. Simple lang ang makeup ko, ngunit alam kong makakapukaw pa rin ito ng mga tingin lalo na sa kalalakihan.

Nakaupo ako sa sulok, nag-iisa, habang ang makukulay na ilaw ay sumasayaw sa paligid. Isang baso ng pinakamatapang na tequila ang nasa harap ko, na nilagok ko hanggang sa walang natira.

“Isa pa,” bulong ko sa bartender, hindi na iniisip ang magiging epekto at kung saan man ako dalhin. Ang amoy ng alkohol ay tila nag-aanyaya sa akin na muling subukan ang bawat lagok. Sa bawat pag-inom, napapatanong ako. Saan nga ba ako nagkulang? Ngayon lang ako makaka-relate sa iba, at tama nga sila, kapag nasaktan ka, alak ang una mong masasandalan.

Habang hinihintay ang bagong shot, naiisip ko pa rin ang mga nangyari sa akin. Ang mga ngiti na naglaho, mga pangarap ko para sa aming dalawa na tila nawala sa aking mga palad. Sa bawat inom, tila sinasadyang ibalik ng alak ang mga alaala. Bakit ba ako nandito? Bakit hindi ko kayang makasama sa saya ng iba?

Nasa tabi ko ang isang grupo ng mga tao, nagtatawanan at nagdiriwang. Tumatawa sila habang sumasayaw, pero ako? Nakaupo lang, tahimik na nagmumukmok. Ramdam na ramdam ko ang lungkot na pumasok sa aking puso, gusto kong sumali sa kanila, pero hindi ko magawa.

“Ma’am, huwag masyado, dapat yung kaya mo lang,” sabi ng bartender na may pag-aalala. Pero bago pa ako nakasagot, may isang lalaking guwapo at matipuno ang umupo sa tabi ko. Ang kanyang itim na buhok ay maayos na nakaayos, at ang mga mata niyang kulay tsokolate ay tila nagliliyab sa ilalim ng makulay na ilaw.

Nakatayo siya sa tabi ko, nakasuot ng fitted na shirt na bumabagay sa kanyang katawan, na tila sumusunod sa linya ng kanyang mga abs. Napahinto ako sa paglagok ng alak nang magtama ang aming paningin. Para bang nagkaroon ng isang kislap sa hangin—ang kanyang mga mata ay puno ng misteryo, parang gusto kong malunod!

“Isang shot ng bourbon, please,” sabi niya sa bartender, na nakangisi. Parang natigil ang mundo ko at bumara ang lalamunan ko. Halos marinig ko ang tibok ng puso ko na parang kumakawala, nag-uumapaw sa hindi ko malaman na dahilan.

Mabilis akong lumingon, nag-aalala na baka makita niya ang pagkamangha sa aking mukha. Ngunit sa bawat nakaw tingin, nararamdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa pagitan naming dalawa. Alak, kailangan ko pa ng alak! Nasa tabi na ang grasya, dapat ay lapain na. ‘Di hamak naman na mas guwapo ang isang ‘to kaysa sa ex kong manloloko!

Tama, kaya nandito ako ngayon at nagpapakalasing dahil pinagpalit ako ng ex ko sa aking magaling na kapatid. Nagpatukso ang gago at sinayang ang tatlong taong pagsasama namin. Dapat talaga ay hanapan ko siya ng kapalit—tulad nitong nasa tabi ko. Tingnan ko lang kung hindi matapakan ang ego niya kapag nakita niyang ganito kagandang lalaki ang nabihag ko.

“Do you need something?” usal ng lalaki na nagpagising sa aking katinuan.

Halos maisuka ko lahat ng iniinom sa sobrang hiya! Nahuli niya akong nakatitig, tumawa pa ang bartender sa harap ko habang sinasalinan ako ulit ng panibagong baso.

“Ha? Wala, mukhang may dumi ka kasi sa mukha,” Pagsisinungaling ko, kunwari’y tinuturo ko pa kung saan kahit wala naman.

“Naku, sir! Hindi po totoo. Crush ka lang ni ma’am,” sabat ng bartender na ikinalaki ng mata ko. Pahamak ang isang 'to, dapat siguro ay siya na lang ang papagbayarin ko ng mga ininom ko, tutal ay binuking niya naman ako.

Sasagot pa sana ako nang mahagip ko sa isang VIP area ang kumag kong ex kasama ang sisteret kong ahas. Ahhh! Napahawak ako sa dibdib ko. Ansakit! Gusto kong itumba ang lahat ng nasa harap ko. Kumukulo ang dugo ko, at parang nagbabadya ang mga traydor na luha sa mata ko.

“Are you sure that's worth your tears? That kind of face? Don’t you have any standards?” tanong ng katabi ko.

Napaharap akong muli sa kanya at bumuhos lalo ang luha ko. Yumakap pa ako sa kanya, pasimpleng chansing. Charot! Hindi ko na kasi kinaya, ngayon lang talaga ako sumabog mula nang maghiwalay kami kahapon. Bahala na ang lalaking ‘to kung ano ang isipin niya. Hindi naman siya lugi sa akin—mabango ako at maganda!

“Hey, baka malagyan ng sipon mo ang damit ko,” sabi pa niya, pero hindi naman niya ako tinulak. Hinayaan niya lang akong parang batang umiyak. Bagkus, naramdaman ko pa nga ang sandaling pagsuklay niya sa buhok ko.

Natigil ang pagdadrama ko nang mag-ring ang cellphone niya. Humiwalay ako at lumaklak uli. Nagmadali siyang tumayo at bago makaalis, parang may narinig pa akong boses ng babae sa kabilang linya.

May girlfriend ata? Sayang naman. Mababakas ang pagiging dismayado sa mukha ko habang kumukuha ng cash sa wallet ko.

“Ayan ha, thank you! Binigyan na rin kita ng tip. Saka, bayaran ko na rin yung kay Mr. Pogi. Feel ko kasi wala siyang pambayad kaya lumayas na,” biro ko habang pilit dinidiretsyo ang tayo.

“Huh? Ok ka lang, ma’am? Kaya nga niyang bilhin buong mundo e,” bulong niya, pero hindi ko na narinig pa dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang tama ng alak.

Gewang-gewang akong lumakad habang dumadaan sa kumpol ng mga tao. Ang iba ay naitulak ko na dahil hindi maawat sa pagsasayaw. Pagdating ko sa parking, hindi ko maalala kung saan ko na nga ba naiparada ang sasakyan ko.

Gumilid ako sandali, nararamdaman kong malapit na akong masuka dahil sa sobrang hilo at umaalon na paningin. Pinilit ko pa ring lumakad, ngunit binigo na ako ng katawan ko. Akmang babagsak ako nang may sumalo sa akin.

“Leaving in that state? Good luck getting home, crybaby.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
8514anysia
alak p more hehehe
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Special Chapter 7

    Dominic’s POVThe church doors opened, and time froze. My breath caught in my throat as I saw her. My Isla.Her gown was simple, elegant, but on her, it was more than that—it was perfection. A long veil cascaded behind her as if heaven itself was trailing after her. She held her bouquet close to her chest, but her eyes were on me.Sa akin. Tangina, I swore I’ve never seen anything more beautiful.“Bro,” bulong ni Raphael sa tabi ko, “stop staring like you’re about to faint.”Hindi ko siya tiningnan. “I already did.”Bawat hakbang niya palapit, kumakabog lalo ang dibdib ko. Paglapit nila sa altar, kinuha ng tatay niya ang kamay niya at iniabot sa akin. That single moment—parang binigay sa akin ng mundo ang pinakaimportanteng yaman.“You look breathtaking,” bulong ko.Namula siya at umiwas ng konti. “Don’t make me cry before the vows.”Namumula ang mata niya. Naiiyak siya, ganoon din ako. Hindi ko akalain na matapos ang hiwalayan namin noon ni Selena, iibig akong muli, tatayo sa harap

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Special Chapter 6

    Dominic’s POVMariin kong tinititigan ang story ko sa social media. Puno iyon ng iba’t ibang kumento at mga reactions galing sa aming mga kalapit na kaibigan. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil larawan namin iyon ni Isla. Nakaakbay ako sa kanya habang pinapakita niya sa camera ang engagement ring namin. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung paano kami nagsimula.“Do you need something?” tanong ko nang mapansin ang titig na titig na babae sa tabi ko.Natawa ang bartender, siya si Louis. Matagal ko nang kilala dahil suki na rin ako dito. “Ha? Wala mukhang may dumi ka kasi sa mukha,” aniya kahit alam kong palusot niya lamang ‘yon.Sanay na akong masabihang gwapo. Sanay na akong maraming nagkakandarapa sa akin. Hindi sa pagmamayabang, gwapo ako at mayaman. Kaya naman ang mga katulad niya ay hindi na bago sa akin.Nagkakaasaran pa sila nang bartender nang bigla na lamang siyang natahimik tapos biglang umiyak. Nataranta ako. Lalo pa ng bigla siyang yumakap sa akin at naramdaman ko ang init

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Special Chapter 5

    Third Person POV“Next applicant, please.”Raphael Marquez leaned back against his leather chair, massaging his temple. Ilang oras na siyang nakaupo sa interview room ng Orion Group at wala ni isa sa mga applicants ang pumasa sa panlasa niya. Puro mga nagmamagaling, puro scripted ang sagot, walang spark. Halos gusto na niyang sipain palabas ang HR department.“Sir, this is the last one for today,” sabi ng HR assistant habang binubuksan ang pinto.Raphael lifted his gaze lazily, ready to reject again, pero muntik siyang mabilaukan nang makita kung sino ang pumasok.“Oh hell no,” bulong niya.Iris Ledesma, nakasuot ng puting silk blouse at black pencil skirt, walked in with the confidence of someone who owned the building. Her long hair was tied neatly in a low ponytail, and her sharp eyes zeroed in on him the way she always did kapag nagpapaang-abot sila sa mga social events.“Good morning, Mr. Marquez,” she said, calm and professional, habang inilapag ang resume sa mesa niya.Raphael

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Special Chapter 4

    Third Person POVMatapos ang pinal na mensahe ni Jermaine ay mabilis na itong tumayo. Napangiti siya dahil tinuring niya itong stepping stone para makapagsimula sila ng maayos ni Cecille. Ngunit ang hindi niya alam, hindi na narinig pa ni Cecille ang huling sinabi niya. “Oh? Anong nangyari? Bakit nag-aaya ka atang uminom?” tanong ni Asher pagkabukas ng pinto ng condo ni Jermaine.Kadarating lang niya, habang si Dominic ay kanina pa roon, tahimik lang sa isang sulok. Napansin agad ni Asher ang mga bote ng alak na nakahilera sa mesa at ang kaibigan niyang si Jermaine na halatang balisa, turning his glass over and over in his hand.“May nasabi ba sa’yo si Cecille?” Jermaine asked directly, his tone heavy with frustration. “She hasn’t been replying to my messages. Hindi rin sumasagot sa calls. It’s like… she’s avoiding me all of a sudden.”Asher paused, remembering how Cecille asked him earlier kung nasaan si Jermaine. Tapos ngayon naman, tinatanong naman siya ni Jermaine kung may nasabi

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Special Chapter 3

    Third Person POVKanina pa hawak-hawak ni Cecille ang phone niya, paulit-ulit na tine-check kung may bagong notification na ba mula kay Jermaine. Ilang beses na siyang nag-send ng message pero ni isang seen, wala. Para bang nilamon ng lupa ang lalaki at hindi na nagparamdam.Sa sobrang inis at kaba, hinanap niya si Asher na abala noon sa pag-uusap kay Therese sa sala ng opisina ni Isla.“Asher, do you know where Jermaine is? Hindi siya nagre-reply sa’kin eh.”Saglit na napatigil si Asher. Kita agad ni Cecille ang mabilis na pag-iwas ng tingin nito, parang may tinatago. Nagkamot pa ito ng batok bago sumagot. “Uh… baka lang busy siya.”“Busy? Sa ilang oras?” tumalim ang boses ni Cecille, halatang naiirita na. “You know something, don’t you?”Nagkatinginan sina Therese at Asher, sumenyas si Therese na sabihin na ang totoo. “Tell her. Huwag ka ng mag-abalang itago. Ako ang makakaaway mo.”Napabuntong-hininga si Asher, alam niyang wala na siyang kawala dahil tinakot na siya ng fiance niya.

  • One Night Stand with the Unexpected Billionaire    Special Chapter 2

    Third Person POVTherese’s lips trembled, habang mainit siyang nakatitig kay Asher. Ramdam niya ang bigat ng mga salita nito. At ang paggaan ng dibdib niya sa narinig. Pakiramdam niya sinasayaw siya sa alapaap sa mga sandaling iyon.“Asher…” halos paungol ang pangalan na lumabas sa bibig niya, puno ng pananabik at saya.Dumampi ang labi ni Asher sa kanya, hindi marahas, kundi mabagal, puno ng init at lambing. His mouth moved gently against hers, his tongue teasing slowly, coaxing her to open up. She melted beneath him, her arms wrapping around his neck, as if she never wanted to let go.One by one, hinubad niya ang natitirang saplot niya, pero bawat galaw ay sinabayan ng halik at haplos. Walang pagmamadali, hindi sapilitan. Para bang sinisigurado niya na bawat segundo ay ramdam ni Therese kung gaano siya kahalaga.His hand stroked her cheek, then slid down to her waist, tracing her curves. “Ang ganda mo, babe…” bulong niya, halos pabulong lang sa pagitan ng mga halik. “Hanggang ngayon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status