Share

Chapter 3

"Ho!"

Yun lang ang nasabi ni Rica.

"Yes, kapag ganitong stage meron ka na lang atleast two year para mapakinabangan ang matris mo.Unti unting mawawalan ng silbi yan dahil hindi na makakabuo ng bata at pati ang buhay mo mauuwi sa panganib. Kaya sabihin mo sa asawa mo kung pwedeng dagdagan pa ang anak nyo ay gawin nyo na ngayon na"

Sabi ng doktor.

"Dalaga pa ho ako doc at wala pang asawa" Pikon na sabi ni Rica.

"Ahh ganun ba?aba eh mas dapat ka magmadali. Dahil mabilis ang oras yung matris mo patiktak na malapit ng ma expire At ang buhay mo dalawang toan na lang din ang taning kapag hindi mo napaalis ang matris mo.

Halos dumilim ang paligid ni Rica sa nabalitaan.Parang gusto niyang magwala at maghurumintado sa loob ng klinika dahil sa unfair na kapalaran.

Lugmok sa kalungkutan na umuwi si Rica. Bukod sa nakakasuklam na katotohanan ay hawak niya ang mga resita ng mga bibilhing gamot. Sa tindi ng hinagpis ni Rica ay pinunit niya iyon.

"Bakit pa?Bakit pa may gamot kung may taning naman na?"

Sabi ng dalaga. Bigla na naman siyang nakaramdam ng pananakit ng puson. Biglang natauhan si Rica at dinampot ang punit punit ng resita na isiniksik niya sa basurahan. Pinilit buohin ng dalaga at ini scatch tape pa. Saka palihim na umiyak habang nakayuko upang walang makakita.

Hapon na siya nakabalik mula sa parang walang katapusang pila kaya kapos na sa oras para maglako ng paninda.

Bumili na lamang muna ng pancit canton si Rica at itlog mula sa tirang pera na bigay ni Benok. Nagtabi siya ng konti ilalaan niya sa pagbili ng gamot kung saka sakaling tumindi ang sakit ng puson niya ung hindi niya talaga matiis. Sa ngayon ay natitiis pa naman niya kaya kqya pa sabi na lamang ni Rica.

Inilihim ni Rica ang resulta ng kanyang sakit hindi niya nais na magalala ang lola niya kaya ng magtanong ito simpleng cramps lang nalipasan lang siya ng gutom un ang sabi ng doctor. Sa sariling silid doon ibinuhos ni Rica ang lahat ng sakit sa natuklasan. Pinilit iilalim ang muha sa unan para hindi marinig ng kanyang lola ang pag iyak niya.

Nakampante naman ang lola niya dahil hindi na ulit sumakit ng malala ang puson niya ng mga sumunod na araw. Kaya nakombinsi na rin itong marahil ay nalipasan lamang ng gutom si Rica.

Nang magkita sila ni Benok isang gabi ng pumasyal ito sa kanila hindi napigilan ng dalagang ilabas ng bigat ng kalooban.

"What?"

Sure ka girl, hindi ka nagpa prank?"

Sabi ni Benok aka Berna.

"Namu! Mukha ba akong nagpa prank?"

Sabi ni Rica sabay turo sa matang nagkulay itim dahil sa pagkalusaw ng maskara. Pinagpa praktisan kase ng loka lokang si Benok ang mukha niya. Magtatayo daw ito ng parlor kasosyo ang bagong dyowa niya na nakilala nito sa Japan.

"Girl,trulala ba talaga? Sureness na? Eh kung magpa second opinion kaya tayo"

Nagaalalang sabi ni Benok.

"Wag na, gastos lang yan. Saka imposible namang magkamali ung doctor doctor yun. Kung may maging ibang opinionan man ang ibang doktor baka mas malala pa lalo na kung sa privatevna doctor kung ano ano pang ipapatest sa akin ganun pa rin ang kalalabasan bilang pa rin ang sandali ko sa mundo pati matris ko so anon pan sense?"

sabi ni Rica.

Tumahimik na lang si Benok.Niyakap na naman siya ng kaibigan.Ramdam niyang malungkot din ito para sa kanya.

Mas nanahimik nga ito kesa sa kanya. Tahimik si Benok hanggang sa magpaalam ng uuwi. Ung pagpapraktis nito ng pagaayos ay natigil na din.Walang ginawa si Benok buong oras matapos niyang sabihin ang problema kundi ang haplosin ang buhok niya at pamaya mayang halikan ang noon niya.

Kung hindi nga lang pumipilantik ang mga daliri nito ay iisipin niyang may gusto sa kanys si Benok. Kung hindi nga lang siya problemado ay aakitin niya ang kaibigan baka sakaling maisave pa niya ang pagberde ng dugo nito.

Naiiling na lang si Rica.

Naiisip niyang isave ang iba samantalang ang sarili ay hindi.

Dalawang araw matapos ang masamang balita pars sa dalaga .Isa na namang dagok ang dumating sa kanya. Ang masamang pakiramdam ng lola niya ay nagtuloy tuloy at halos baba ang resitensya ng katawan dahil na rin sa madalas ng nakahiga.

Nagsumbong pa ang pamangking si Princess na hindi daw madalas kumakain ang matanda at ang share nito ay ibinibigay kay butchok na madalas humirit pa ng ulam. Kinumbinsi niya ang lola niya na magpunta ng center pero ito ang umaayaw dahil ayaw daw maglakad at pumila.Nahihilo daw ito.

Hindi malaman ni Rica kung paano nakakaraos sa araw araw.Sa umaga ay aasikaduhin niya ang lola at mga pamangkin katuwang si Princess.

Pagod siya sa paglalako araw araw ng paninda. Sa hapon ay pinipilit niyang kumita pa dahil pinagiipinan ang panggot niya at gusto niyang ibili ng bitamina ang lola niya.

Madalas siyang tulungan ni Benok pero nahihiya na siya dito. Wala itong obligasyun sa kanila pero parang linggo linggo para itong Atm na nangde dispence ng pera sa kaya.

Nakakaluwag ito sa ngayon dahil may naipon sa japan pero sa napapansin niya ay maluho sa pamumihay ang kaibigan at hindi tatagal ang perang ipon nito kung magigng waldas

Minsan naiisip na ni Rica ang magpokpok sa Japan, minsan naeenganyo na siya sa alok ni Benok pero kapag naiisip niyang maiiwan ang lola at sa lola maiiwan ang tatlong pamangking ay labis ang pagaalala niya.

Naging parang robot si Rica ngga sumunod pang linggo.Gigisng na pamang siyz sa umaga para dumiskarte ng pangaraw araw dun na lang pinokos ni R8ca ang mga nalalabing araw ng buhay niya.

Hindi alam ng dalaga kung tangfap na niya ang kapalaran oanh8d na aiya kaya parang baewala lang o takot siya kaya halos hindi niya binabalilan ang araw na iyon.

Dalawang buwan mula nang malaman ng dalaga na may taning ang buhay niya vagamat wala naman siyang nararamaan na kakaiba. Parang naapektuhan ang sistema ni Rica ngayong matamlay Kase ang dalaga.

Nakakaramdam siya ng pagka hapo at parang bang mabilis na siyang mapagod marahil epekto na iyon ng kanyang sakit. Isang gabi niyaya siya ni Benok na sumama sa kanya sa isang event.Kailangan daw nito ng ilang wine ladies. Medyo nagaalangan sana si Rica dahil ng ipaliwanag sa kanya ang gagawin ay parang hinsi niya kursunada pero ayon sa kaibigan.......

"Gaga ka, huling chance mo na ito na naibuyangyang sa buong mundo ang kagandahan mo. Ano? sa kabaong mo na lang ba ipapakita ang gandang yan someday?"

Naaalala pa ni Rica na sabi ni Benok.

"Anu ka ba girl, live your life to the fullest alam mong may expiration date ka na. So hello hindi mo ba gustong ma experience manlang ang makarating sa langit bago matigok?"

Naalala pa niyang tanong nito sa kanya.

Sinabi niya kay Benok na pagiisipan niya total sa sabado pa naman iyon at lunes pa lang naman.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ambrocio The 3rd
love na kita Rica Aithor ingat sa typo error. pero okay lang sa akin gets ko naman
goodnovel comment avatar
m_🏹
"buti na lang kahit papano nandiyan si benok para Kay Rica."
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status