PASADO alas-sais ng umaga nang makarating sa bahay nila si Jewel. Kahit wala pang tulog ay hinarap na muna niya ang pagluluto ng agahan dahil mamaya lang ay gising na ang kanyang ina, papasok pa ito sa trabaho. Pag-aari ng kanilang pamilya ang kumpanya kung saan nagtatrabaho si Mama Sonia. Gusto niya itong tulungan ngunit ayaw nitong pumayag. Isa raw siyang kahihiyan oras na malaman ng mga empleyado at mga kasosyo sa negosyo kung makikita siya ng mga ito. Makuntento na lang daw siya sa pagiging alila. “Ipagtimpla mo nga ako ng kape.” Napaigtad siya sa gulat. Hindi niya namalayan ang pagpasok sa komedor ng ina. Mabilis siyang kumilos. “Ma, baka matupad ko ang pangarap mong gawin ni Ate Vivian para sa ‘yo,” pabatid niya habang dinudulog ang kape nito. “What the hell do you mean?” Natigil ito sa paghahalo ng kape. “Hindi po magtatagal, magkakaroon ka na ng pinapangarap mong apo,” pahayag niya. Uminit ang sulok ng kanyang mga mata, nagbabadyang lumuha. Nakita niya ang malaswang ngi
“SIR,” marahang tawag kay Red ng kawaksing si Lolitha, bitbit nito ang laundry basket.“Bakit?” tanong niya rito. Kauuwi lang niya mula sa trabaho. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang nakasalubong ito.“Kanina po may tumawag sa telepono at hinahanap kayo. Vivian po ang pangalan at nobya niyo raw po siya. Sabi ko ay nasa trabaho pa po kayo.”“Anong sabi?” tanong niya habang niluluwagan ang necktie.“Tatawag na lang daw po siya.”Marahang tumango si Red. “Salamat, Lolitha. At saka nga pala–pakipalitan na rin ang bed sheet sa room ko,” aniya, naisip ang marka ng dugo roon. At muli, nararamdaman niya ang pagbangon ng sundot ng konsensiya sa kaibuturan dahil sa naganap sa kanila ng babae. “Ah, ’wag na lang pala. Ako na ang magpapalit ng bed sheet at maglalaba. Pakihanda na lang ng sabon na gagamitin ko.”“Ho?” Sa namimilog na mga mata, hindi makapaniwala sa narinig. “Ano ho ulit, sir?”Inulit niya ang sinabi. Tumango naman ang kawaksi. Ipinagpatuloy nito ang pagbaba ng hagdan. Ngunit b
ISANG buwan nang lumipas ay hindi pa rin dumarating ang buwanang dalaw ni Jewel. Hindi siya ignorante sa kalakaran kung paano mabuntis ang isang babae. Malakas ang kutob niya. Mixed emotion ang nararamdaman niya. Tuwa, takot at kaba. Kailangan niyang tiyakin kung tama ba ang kanyang hinala. Kinakabahan ngunit nakangiti siya nang kunin sa loob ng dresser ang kanyang cellphone. Hindi kasi siya pinapayagan ng ina na gumamit ng telepono. At kung may tumawag man sa bahay nila ay wala siyang karapatan na sagutin 'yon. Tumayo siya mula sa kama na kinauupuan. Tinungo niya ang pinto at ni-lock ito. Hindi siya pwedeng makita ng ina na may hawak na cellphone lalo na’t naroon ito ngayon sa bahay nila kasama ang nobyo nitong si Mr. Delgado. Napag-alaman niyang isang abogado ang kasintahan ni Mama Sonia. Lihim niya kasing sinundan ang dalawa sa library na dating opisina ng kanyang Papa. “May I talk to Rochelle Panganiban, please?” “Sandali lang po, ma’am.” “Salamat,” aniya. Habang naghihintay
PINAGDIKIT nila ang kanilang mga baso. “Cheers!” “Imagine, having good looks like Red Collins–very loyal boyfriend and maybe a good husband too.” “Tama!” sang-ayon ng apat kay Migs. “Grabe talaga, pare!” si Mark. “Hands-up kami sa ‘yo. But wait, baka naman isa kang… alam mo na?” dagdag pa nito sa pinalambot na boses. “You’re crazy!” ani Red. Pinitik niya ang nguso nitong nakaumang sa kanya. Nais niya pagsisihan ang pagsisinungaling sa matalik na mga kaibigan. Pero kung ano man ang kanyang dahilan sa pagtatago ng totoong naganap sa kanila ng babae, siya na lamang ang nakakaalam. “Hintayin n’yo ‘till I got married at patutunayan sa inyo ng magiging asawa ko ang kakisigan ng kaibigang n’yong ito!” “Let’s wait and see!” panabay pang sambit ng mga ito. Minsan pang nagpanagpo sa ere ang kanilang baso ng alak. SA kabilang banda… Kabado si Jewel habang hinintay ang sasabihin ng OB-gyne. “Binabati kita, misis. You’re six weeks pregnant!” ang masayang pahayag ni Dra. Carmella Fuentevilla
NANG makaupo si Sonia sa sofa ay agad na lumapit dito si Jewel. “These high heels are killing me!” “Good afternoon, Ma.” Ibinigay ng dalaga sa ina ang maliit na brown envelope. “Ano 'to?” kunot ang noo na tanong ni Sonia. “Wala akong panahon sa mga kalokohan mo, Jewel. Nakita mo nang kauuwi ko lang galing trabaho. I'm tired!” Gamit ang tuhod ay umupo siya sa harap nito. Hinubad niya ang suot nitong high heels shoes. Ngunit tulad ng dati, sinipa siya nito sa braso. Sanay na siya kaya hindi 'yon ininda. “P-pregnancy test result, Ma,” halos hindi makahingang hayag niya. Pinatunog niya ang mga daliri sa kamay. Mannerism niya ‘yon, lalo na kapag kinakabahan siya. Kitang-kita ni Jewel ang pagkakaroon ng biglaang ningning sa mga mata ng ina matapos pasadahan ng tingin ang prenatal check-up niya. “Is this true?” nakangiting tanong ni Sonia ngunit sandali lamang iyon at naging matigas na naman ang anyo. “Kapag nalaman kong pinagloloko mo ako, Jewel, makakatikim ka talaga sa ‘kin!” “Tot
NAGNININGNING ang kagandahan ng kanyang Ate Vivian. Lalong kuminis ang mamula-mulang kutis nito. Lalong higit na nagkaroon ng dahilan para taas-noo itong humarap sa mga tao. Lalo pa’t merong naka-spot na press. “Congratulations, Miss Buenavista. You won the title as a famous fashion model in France.” “Well, sa katunayan ito ay isang tagumpay para sa 'kin. At ito ay buong puso kong inaalay sa ating bansa.” “May katotohanan ba ang aming nabalitaan, gusto mo na raw lumagay sa tahimik? Is it true?” “I think I have no comment on that.” Ngumiti nang ubod tamis si Vivian. “Pero iyon ang naisulat sa magazine these past few days. According to our source, your fiancé is a millionaire.” Umarko ang kilay ni Vivian. She did not regret her decision when she called one of the most famous magazines and inform them of her upcoming wedding. Gano’n talaga siya, gusto niyang laging nasa kanya ang atensyon ng mga media press. “Miss Buenavista,” untag ng makulit na reporter. Nakikipagsiksikan ito sa
MALAMBING na nangunyapit sa leeg ni Red ang nobya. “Oh, sweetheart! I’m sorry to hear that. Hayaan mo’t lagi akong nasa tabi mo.” “Thanks. Pero hindi ko naman mapapayagang pati ikaw ay masangkot sa aking kinakaharap na suliranin. I can handle this problem.” “Oh, no, sweetheart. Alalahanin mo, magiging mag-asawa na tayo at ano mang problema mo at magiging problema pa ay magiging problema ko rin. Kaya ngayon palang, gusto ko nang sanayin ang sarili ko sa mga kalakaran mo sa buhay.” Wala nang nasabi pa si Red kung hindi ang umayon na lamang sa nais ng nobya. Sa kabila ng katotohanang inuusig siya ng kanyang konsensya. Bakit nga ba hindi? Ang lahat ng ipinahayag niya sa nobya ay pawang mga kasinungalingan. Dahil ang totoo ay wala siya lagi sa opisina. At lalong walang problema siyang kinakaharap na may kinalaman sa negosyong pinamamahalaan niya. Iba ang problemang kinakaharap niya. Malaki at halos hindi na magpatahimik sa kanyang katinuan. Sikolohikal na problema ang kinakaharap n
“NGAYONG may nangyari na sa ‘tin, hindi na dapat nating patagalin ang usapin tungkol sa ating kasal. No’ng kasalukuyang nasa kasagsagan ako sa tagumpay ng aking modeling career, ikaw ‘tong ayaw pumayag na hindi tayo makasal. Ngayong narito na ako, tuparin na natin ang ating pangako sa isa’t isa,” sambit ni Vivian nang bumangon at makalapit kay Red nang hindi niya namalayan. Iniyapos pa sa likuran niya ang hubad nitong katawan. Hinarap naman ni Red ang nobya. “Tama ka. Ngayong mayroon nang nangyari sa atin. Taliwas doon sa plano kong sa honeymoon na sana natin gagaw–” naputol ang sasabihin niya nang biglang magsalita ang babae. “Oh, sweetheart… because you can’t resist my sexy body. My charms.” Dinampian nito ng pinong halik ang dibdib ni Red. “Sabihin pang mahusay ako magpaligaya ng kapareha sa kama.” Hindi niya nagustuhan ang sinabing iyon ni Vivian dahilan para lalong madagdagan ang pag-aalinlangang nadarama niya sa nobya. “Red, sweetheart?” “Katulad ng dapat mangyari, we will