Share

Kabanata 24

“M-MA, saan n’yo po ako dadalhin?” maang na tanong ni Jewel. Sapo niya ang kanyang tiyan habang hila-hila siya ng ina palabas ng kanyang silid.

Hindi siya sinagot ng ina hanggang sa makarating sila sa basement.

“Tandaan mo, Jewel, hindi ka lalabas diyan hangga’t hindi ko sinasabi. Dito ka lang at bahala na ang catering services sa lahat. Huwag na huwag kang magtatangkang lumabas. Ayokong mapag-usapan ng aking mga amiga at kasama sa negosyo! Ayokong makita ka nilang ganyan ang ayos mo. Huwag mo akong bigyan ng kahihiyan lalo na’t engagement party ngayon ng aking anak. Maliwanag ba ang lahat, Jewel?” nandidilat ang mga matang sabi ni Sonia.

Mariing kinagat ni Jewel ang ibabang labi upang pigilan ang bibig na dumaing sa sakit. Halos bumaon kasi sa balat ng kanyang braso ang mga kuko nito.

“Sumagot ka. Naiintindihan mo ba?”

“Naiintindihan ko po, Ma.”

“Ma, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Padating na ang fiancé ko at kasama ang nakakatanda niyang kapatid,” pabatid ni Vivian s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status