Share

Finale

“R-Red…” nahihirapang sabi ni Jewel. “Paano ako makakasiguro na tunay ang pagmamahal na sinasabi mo? K-kung sinasabi mo lang ‘yan ay dahil sa anak ko, mabuti pang umalis ka na. Pinapangako ko sa ‘yo, hindi ko pababayaan ang aking anak. Bubusugin ko siya ng pagmamahal na hindi kailangan ng pagmamahal ng isang ama.”

“Anak natin, huwag mong solohin. Ilang pruweba ba ang puwede kong ipangalandakan sa ‘yo para paniwalaan mo ang iba pang sasabihin ko? Isa pa, nariyan si Rochelle, siguro naman, sa loyalty sa ‘yo ng kaibigan mong ‘yun, hindi niya ako papayagan makalapit sa ‘yo kung alam niyang niloloko lang kita.”

May katuwiran ito.

Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Mayamaya, kinabig siya ni Red at niyakap nang mahigpit. Iyon ang kanina pa niya gustong maramdaman–ang yakap ng lalaki na mag-aalis ng kanyang alalahanin. Buong puso siyang tumugon sa yakap at ipinadama ang pagmamahal niya para rito.

Nadama niya ang mabini nitong halik sa kanyang noo. Napapikit siya sa pagsuyong naramdama
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
corasv
Salamaz po. Soon to publish po ito sa Immac–with special chapter po.
goodnovel comment avatar
Angelice Ocnraf Monteverde
Ang Ganda Ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status