Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang cellphone. Mayamaya pa ay narinig kong huminga nang malalim ang taong nasa kabilang linya. Lalong kumunot ang noo ko dahil hindi naman siya nagsasalita. Ilang saglit pa, biglang na lang namatay ang tawag sa kabilang linya. Napahawak ako sa aking dibdib. Bigla na lang tinambol nang matinding kaba ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Hindi ako mapalagay habang tinititigan ko ang cellphone na kasalukuyan kong hawak-hawak. Sandali akong natigilan saka nag-isip kung paano nakuha ng estrangherong lalaking iyon ang numero ko. Sino kaya siya? Saan kaya niya nakuha ang phone number ko? Pumikit ako at nagpasyang hindi na tutuloy sa paglabas. Pinapaintindi ko na lamang kay Princess kung bakit hindi kami makaalis ng bahay. “Wow! May baby na ulit tayo, Mommy?” excited niyang tanong habang hinahaplos-haplos ang aking tiyan.Tumango ako. “Oo, Princess. Kaya hindi na muna tayo tutuloy kasi biglang sumakit ang tiyan ni Mommy, ha?” Ala
Chapter 1. “Happy wedding anniversary, hon. May gift —”“Ako rin may gift akong ibibigay!” matigas kong sambit. Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at mabilis na pinadapo ang isang palad sa kanyang pisngi. Kuyom ang mga kamao habang matalim ko siyang tinitigan. All this time ay niloloko na pala niya ako. Minahal at inaalagaan ko siya pero ’di ko alam kung saan ako nagkulang. Mapait akong ngumiti. May kulang pala na hindi ko naibigay sa kanya. Marahil iyon ang hinahanap niya sa iba na hindi niya makuha-kuha sa akin— ang magkaroon ng anak.“Hon, what's wrong with you? May problema ba?” Bakas sa mukha niya ang gulat habang hawak ang nasaktang pisngi. “Kailan mo pa ako niloko, Philip? Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung nagsasawa ka na? Hindi iyong sinasaktan mo ako nang ganito. Bakit mo nagawa sa akin ito?” Hinampas ko siya sa balikat maging sa kanyang mukha. Humahagulhol ako habang walang tigil sa paghampas sa buo nitong katawan. Hindi ko alam kung saan dumapo ang mga
Chapter 2.“Niko?” bulalas ko. Mabilis kong ibinaba ang dalang maleta sa semento at sinalubong ko siya ng yakap. Ramdam ko rin ang pagkasabik nang gumanti siya ng yakap sa akin. “Gumanda ka pa lalo, ah. Kumusta ka na?” Natigilan ako. Kung puwede ko lang itago ang nararamdaman ko ginawa ko na pero nang titigan niya ako ay unti-unting pumatak ang aking mga luha. Pinahid ko iyon gamit ang likod ng aking palad at pilit na ngumiti. “Ayos lang ako. Ikaw ba?” balik kong tanong. Hindi siya kumibo bagkus kinuha na lamang niya ang maleta saka ako hinila papasok sa bahay ni Lola Esme. Marahas akong nagbuga ng hangin. Itabi ko muna ang problema ko at magkunwaring walang nangyari. “Lola Esme, kumusta na po kayo? Pasensiya na kung ngayon lang po ako nakadalaw,” bungad ko kay lola nang tuluyan na akong makaupo sa maliit na sofa. Nagmano ako at mabilis siyang niyakap. Matanda na siya. Bakas din sa mukha na may dinaramdam si lola. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Nakita ko ang babae kani
Chapter 3:ISANG malakas na tili ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkatulog. Hindi na ako nag-aba pang magsuot ng bra at basta na lamang akong lumabas ng silid saka dumiretso sa sala. Naabutan kong umiiyak si Aling Bebeng, siya iyong kasa-kasama namin ni Lola Esme rito sa bahay.“Ano’ng nangyari? Bakit ho kayo umiiyak?” taranta kong tanong. Nilapitan ko pa siya para pakalmahin.Itinuro naman ni Aling Bebeng ang kuwarto ni lola habang patuloy siyang umiiyak. Mabilis kumabog ang aking dibdib nang unti-unting nag-sink in sa utak ko ang dahilan kung bakit umiiyak si Aling Bebeng. Nanghihina kong inihakbang ang mga paa palapit sa silid ni lola at dito’y naabutan kong nakahiga siya sa manipis nitong kama habang wala nang buhay. Nanlumo akong napahawak sa malamig na bangkay ni Lola Esme habang walang patid ang pagtulo ng mga luha ko. “Lola Esme,” tanging nasambit ko. Napahagulhol ako nang iyak kasabay niyon ay ang pagyakap ko sa malamig niyang katawan. Isinubsob ko ang mukha
Parang kailan lang ay magkasintahan pa kami ni Niko. Pero ngayon magkahawak-kamay na kaming lumabas ng simbahan. Hindi ko akalain na sa mahabang panahong paghihintay ay nagkatuluyan din kaming dalawa. Sana wala nang balakid sa pagsasama namin. Sana lang ay hindi na mangyari sa kasalukuyan ang nangyari sa amin ng ex ko noon. Baka hindi ko na kakayanin.“MAHAL, may pupuntahan tayo,” bungad sa akin ni Niko. Katatapos lang namin kumain ng agahan at ngayon ay nagyaya na naman siyang umalis kami. Napangiti ako pero kaagad din napakunot ng noo nang mapansin ang butil-butil na pawis sa noo niya. Para din siyang kinakapos sa paghinga. “Mahal, may sakit ka ba?” takang tanong ko. Hindi siya sumagot. Nang makabawi ay mabilis niya akong nilapitan at ginanap ang aking dalawang kamay. Napalunok ako. Mataman niya akong tinitigan kapagkuwan ay kinintalan ako ng halik sa labi. Ramdam ko ang pananabik nito. Tinugunan ko naman ang bawat halik niya pero bago pa mauwi sa kung saan ang ginawa namin ay hi
“Sigurado ka ba na malaki ang sahod? Baka naman—”“Trust me, friend. Mabait naman ang batang aalagaan mo. Kung wala lang akong trabaho na maayos din, mas gusto pa roon para naman mapalapit ako sa ama niyang malamig pa sa yelo ang pakikitungo sa mga babae,” putol ni Merry sa sasabihin ko.Napatango na rin ako bilang tugon. Pero kumunot din agad ang noo ko dahil sa huli nitong sinabi. Malamig pa sa yelo? Ano iyon, cold hearted ang ama ng bata? Kung totoong malaki nga ang pasahod doon bilang yaya, tiyak hindi ako aabot ng ilang buwan makapag-ipon agad ako. Mapapagamot ko na rin agad ang asawa ko.Humugot ako ng hangin saka ibinuga sa kawalan. Hawak-kamay kaming naglakad ni Merry ngayon papunta sa paradahan ng traysikel. Nakilala raw niya ang magiging amo ko— kung sakaling matatanggap ako sa isang mall kasama ang anak nito. Naghahanap daw ng mag-aalaga sa bata. Sana nga lang ay matanggap ako agad. Kailangan ko ng agarang trabaho ngayon. Kailangan ko pa si Niko.Makalipas ang ilang minuto
Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi niya. Matagal nag-sink in sa utak ko ang katagang, “Kapalit ng isang gabi.” Binigyan ko siya ng masamang tingin. Kumuyom ang mga kamao ko na hindi naman iyon nakaligtas sa kanyang paningin.“Tumatakbo ang oras, Mrs. Alonzo,” nakangisi nitong sambit. Tinitigan niya ako na tila nang-uuyam. Marahas akong bumuntonghininga bago nagtipa ng mensahe para kay Mama Pilar. Gagawin ko ang lahat para sa asawa ko. “Ilang buwan na lang, magkikita na ulit tayo,” kausap ko sa sarili. Bumalong ang luha sa aking mga mata kasabay niyon ay ang unti-unti kong pagtango bilang pagsang-ayon. Lulunukin ko ang kahihiyan na ito madugtungan ko lamang ang buhay ni Niko. KINAGABIHAN, maaga pa lang nakatulog na si Precious. Naghanda na rin ako. Naligo at naglagay ng kaunting pabango. Pantulog na terno ang suot ko. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib pagkatapos ay ibinuga ito sa kawalan.Nabanggit na rin ni Philip sa akin kanina na naipadala na raw niya ang pe
ISANG buwan na simula nang mailibing si Niko. Masakit man ay kinakailangan kong tanggapin ang katotohanang wala na siya sa isang iglap lang. Nanubig ang gilid ng mga mata ko habang matamang tinitigan ang mga naiwan niyang letrato kasama ako. Kuha pa namin ang mga ito sa bukid nila.Mapait akong napangiti. Ang pinapangarap kong masaya at matiwasay na pamumuhay ay hinaharangan ng kamatayan. Sa ikalawang pagkakataon ay nabigo na naman akong makasama ang taong mahal ko.“Jessy, may naghahanap sa iyo.” Napalingon ako sa nagsalita. Pinahid ko muna ang natuyong luha sa aking pisngi bago nagpasyang tumayo. Nakangiti kong nilapitan ang biyenan kong babae habang nakatayo sa bukana ng pinto.Nasa poder pa rin ako ng mga magulang ni Niko. Gustong-gusto ko na sanang umalis pero hindi nila ako pinapayagan. Nahihiya man ay pinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Pagdating ko sa sala, naabutan kong nakaupo si Merry sa sopa habang hawak ang kanyang cellphone. Mabilis siyang tumayo upang salubungin ako