Nakatitig si Aaron kay Mariane nang walang imik. Hindi nito alintana ang kumpanya, ni ang buhay ng kanyang ina. Pero nagawa pa siyang pagsuspetsahan ng pagtataksil.
Sa tatlong taong pagsasama nila bilang mag-asawa, inakala niyang sapat na ang ipinakita niyang katapatan para hindi ito magduda. Kung hindi lang dahil sa nangyari kagabi, hindi niya kailanman magagawa ang isang bagay na labag sa kanyang paninindigan. At ngayon, iniisip nitong maglalayas siya ng bahay dahil lang sa isang kasalanan?
Bigla niyang naalala ang sinabi ni Lucille—na naisip na ba niya kung sakaling si Mariane mismo ang may pakana ng lahat ng ito?
Parang sasabog ang ulo niya sa dami ng tumatakbo sa isipan niya. Puwede kayang si Mariane talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito?
Nang una niyang makilala si Mariane, noon pa lamang ay nagsisimula nang maging matatag ang kanyang kumpanya. Kailangan niya noon ng isang sekretarya, kaya ipinakilala siya ng kanyang kaibigan sa negosyo na si Larkin. Bukod sa maganda si Mariane, mahusay rin ito sa trabaho, kaya hindi nagtagal ay naging asawa niya ito mula sa pagiging sekretarya.
Alam niyang mahalaga kay Mariane ang pamilya nito, kaya noong kaya pa niyang tumulong, hindi siya nagdalawang-isip. Sa katunayan, halos lahat ng bagay ay naibigay na niya sa pamilya nito. Maging ang tamad nitong kapatid na laging napapasabak sa gulo ay ilang beses na niyang sinagip. Para mapanindigan ang pangakong binitiwan niya sa harap ng altar, mas inuna pa niya ang pamilya ng asawa kaysa sa sarili niyang ina.
Noong una, maayos naman ang pagsasama nila, at inisip niyang ang kasunod na hakbang ay ang magkaroon ng anak. Subalit nang humina ang ekonomiya, mas pinili niyang unahin ang kumpanya, at dito nagsimulang lumamig ang pakikitungo ni Mariane sa kanya.
Minsan, nagplano silang magbakasyon kasama ang pamilya nito, pero dahil gipit ang kumpanya, hindi siya agad nakapagbigay ng pera. Isang buwan siyang hindi kinausap nang maayos ni Mariane. Marami pang maliliit na bagay na hindi na niya binibigyan ng halaga, iniisip niyang baka dahil lang ito sa pressure na nararanasan nila.
Pero ngayon? Balak nitong angkinin ang lahat ng pinaghirapan niya? Pinalalayas siya sa sarili niyang bahay?
"Hindi!" matigas niyang sagot. "May team building kagabi. Nalasing ako kaya sa hotel ako natulog."
"Nasaan ang ebidensya? Sino ang naghatid sa’yo sa hotel?" tanong ni Mariane, halatang may duda.
Pinigilan ni Aaron ang galit. "Anong ebidensya ang gusto mo? Nalasing nga ako, paano ko malalaman kung sino? Ang dapat mong gawin ngayon, tawagan ang kapatid mo at ibalik ang perang kinuha niya! Kailangan ko ng pambayad sa ospital para sa operasyon ng nanay ko!"
Walang pakialam si Mariane. "Paano kung hindi ko maibalik? Kung hindi siya magbayad, puwede siyang maputulan ng kamay. Ano? Papayagan mong maging baldado ang kapatid ko?"
"Mas mahalaga ba ang kapatid mo kaysa sa buhay ng nanay ko?" singhal niya.
Malamig ang tingin ni Mariane. "Siyempre mas mahalaga ang kapatid ko. Matanda na ang nanay mo, marami na rin siyang tiniis. Baka ito na lang ang hinihintay niya."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi niya akalaing magagawa ng sariling asawa na sabihing mas mabuti pang mamatay na lang ang ina niya.
"May puso ka pa ba?" nanginginig niyang tanong. "Noong pinatira kita sa bahay namin, mas inalagaan ka pa ng nanay ko kaysa sa akin. Tapos ngayon, isinusumpa mo siyang mamatay?"
Napikon si Mariane. "Aaron, wala akong oras makipagtalo sa'yo. May nakausap akong tao na interesado sa kumpanya mo. Ibigay mo na lang ito habang may halaga pa, para may pambayad ka sa ospital."
Pagkarinig nito, nagdilim ang paningin ni Aaron. "Alam mo ba kung gaano ko ito pinaghirapan? Paano mo nasasabi nang gano’n kadali na ibenta ko ito?"
Napakalamig ng sagot ni Mariane. "Dahil asawa mo ako, may parte ako sa kumpanyang ito."
"Tinawag mo pa ang sarili mo na asawa ko?" nanggigigil niyang tanong. "Anong klaseng asawa ka?"
Tumingin si Mariane na parang nandidiri. "Aaron, alam mo bang ang pinakamalaking pagsisisi ko ay ang pagpapakasal sa’yo? Wala akong pakialam sa ibang tao, ang iniisip ko lang ay sarili ko. Mas mabuting ibenta mo na lang ang kumpanya."
Hindi makapaniwala si Aaron. Pagsisisi? Samantalang malinaw pa sa kanya ang saya sa mukha nito noong araw ng kasal nila?
Alam niya pa rin ang bawat pangakong binitiwan niya noon. Binigay niya rito ang lahat ng makakaya niya. Ngunit ngayon, nasabi nitong pagsisisi ang pagiging asawa niya?
Dahil sa matinding galit, hinawakan niya nang mahigpit ang pulso ni Mariane. "Bakit?! Bakit mo ginagawa ito sa’kin?!"
"Bitawan mo ako!" sigaw ni Mariane. "Kapag hindi mo ako binitiwan, ipapakulong kita! Alam mo bang maaari kang makulong ng tatlong taon sa kasong domestic violence?"
Napakurap si Aaron.
Pinilit niyang pigilin ang sarili. Alam niyang hindi siya dapat makulong—dahil walang ibang mag-aalaga sa ina niya kundi siya.
Narinig ni Aaron ang sinabi ni Mariane tungkol sa kasong domestic violence, at napagtanto niyang maaaring ito talaga ang plano ng asawa niya. Napakagat siya sa kanyang likod na bagang, nanginginig ang kamay habang unti-unting binibitawan si Mariane. Sa halip, mahigpit niyang isinara ang kanyang kamao, hanggang sa marinig niya ang tunog ng pagkaluskos ng kanyang mga buto.
Nakita ni Mariane ang matinding galit sa mukha ni Aaron, kaya agad siyang umatras, hawak ang kanyang cellphone. Tumayo siya sa may pintuan, handang umalis anumang oras.
"Aaron, huwag kang gumawa ng gulo. Ayoko na ng ganitong buhay kasama ka. Gusto ko nang makipaghiwalay!"
Napasipol si Aaron, ang kanyang tinig ay may halong pait. "Hindi ba't matagal mo nang pinagplanuhan 'to?"
Ngumiti si Mariane nang may panunuya. "Siyempre. Nasa mesa mo na ang divorcement paper Pirmahan mo na lang, para matapos na."
Doon lang napansin ni Aaron ang dokumentong nakapatong sa gilid ng kanyang mesa. Kinuha niya ito at binuklat, ngunit sa galit ay agad niya itong inihagis sa sahig.
"Ang ganda ng plano mo, ah. Bibigyan mo lang ako ng 100,000 tapos iiwan mo akong walang-wala? Lahat ng bahay, sasakyan, at kumpanya, kukunin mo? Para kang magnanakaw!"
"Wala akong pakialam! Tatlong taon akong nagtitiis sa piling mo. Karapat-dapat lang na makuha ko ang lahat ng 'yan!" sagot ni Mariane nang walang pag-aalinlangan.
Napalunok si Aaron sa matinding sakit na naramdaman niya sa mga sinabi nito. "Tatlong taong nagtitiis? Buong puso kitang minahal sa loob ng tatlong taon, tapos ang tingin mo lang sa akin ay pahirap? Kung talagang ayaw mo sa akin, bakit ka pa nagpakasal sa'kin?"
Muling ngumiti si Mariane nang mapanlait. "Dahil mayaman ka noon. Akala ko magiging matagumpay ka, na kaya mong bigyan ako ng marangyang buhay. Pero nagkamali ako. Hindi ka umangat, at hindi ako papayag na malunod sa kahirapan kasama ka! Bata pa ako, maganda, at wala pang anak. Kahit mag-asawa ulit ako, madali akong makakahanap ng mas mayaman sa'yo."
Dinig na dinig ni Aaron ang kawalan ng pagsisisi sa tinig ni Mariane. "Alam ba ng pamilya mo ang ginagawa mo?" tanong niya, pilit na pinipigilan ang kanyang emosyon.
Tumawa si Mariane nang mapait. "Siyempre! At sinusuportahan nila ako. Wala ka nang kwenta ngayon. Kung magpapakatanga akong manatili sa'yo, sayang lang ang oras ko!"
Napangiti si Aaron, ngunit puno ito ng pangungutya. "Ngayon ko naintindihan. Buong pamilya n'yo pala, traydor. At divorce? Sige! Pero hindi mo makukuha ang gusto mo. Wala kang makukuha kahit isang sentimo!" matigas niyang sabi.
Tiningnan siya ni Mariane nang may panunuya. "Aaron, isipin mong mabuti. Kung pipirmahan mo ang kasunduan, magiging mabait pa ako at bibigyan kita ng dagdag na 200,000 para sa pagpapagamot ng nanay mo. Pero kung hindi ka papayag, kahit lumuhod ka pa sa harapan ko, wala kang makukuha ni singko!"
Humarap si Aaron kay Mariane at tumitig nang matalim. "Tingnan natin kung paano mo ako palalayasin ng walang-wala."
Napataas ng kilay si Mariane. "Sige! Ipapakita ko sa'yo!"
Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. "Pumunta kayo rito. May dapat tayong ayusin nang harapan." Pagkatapos ay humarap siya kay Aaron at ngumiti nang mapanlait. "May ebidensya ako ng pangangaliwa mo. Hindi mo na kailangang lumaban, dahil sigurado akong lalabas ka ng bahay na walang-wala."
Pinilit ni Aaron pigilan ang kanyang galit. "Talaga bang sigurado ka na ikaw ang mananalo?"
"Oo naman! Dahil hawak ko ang ebidensya," sagot ni Mariane nang buong kumpiyansa.
Naupo si Aaron sa gilid ng companion bed sa loob ng ospital. Tahimik ang silid. Hindi pa rin nagigising ang ina niya mula nang ilabas ito sa emergency room.Sabi ng doktor, ligtas na ito sa ngayon, at kailangan na lang hintayin na magising nang kusa.Habang tahimik siyang nakaupo, nagsalita ang matandang babaeng nakahiga sa kabilang kama. "Anak ka ni Wilma, ‘di ba? Kailangan mo talagang bigyang-oras ang nanay mo. Kahit gaano ka-busy ang mga anak ko, araw-araw silang bumibisita. Ikaw, palaging gabi na kung dumating, minsan pa nga, wala ka. Kung talagang abala ka, sana kumuha ka man lang ng mag-aalaga sa kanya. Simula nang ma-confine ako rito, palagi ko siyang nakikitang tulala. Sa edad niyang ‘yan, walang kasama... ang lungkot tingnan."Ngumiti si Aaron ng tipid, kahit masakit ang kalooban. “Opo, Auntie. Salamat po sa pag-aalaga sa kanya nitong mga araw.”Ayaw man niyang aminin, totoo ang sinabi ng matanda. Hindi niya kayang kumuha ng ibang mag-aalaga. Wala siyang kamag-anak na malapit
Habang abala ang bagong dating na repairman sa ilalim ng makina, sunod-sunod ang yosi ni Aaron; isa, dalawa, tatlo, parang iyon lang ang nakakapagpakalma sa bigat ng dibdib niya.Hindi na talaga siya umaasa na maaayos pa ito ng repairman. Katulad ng sinabi niya noon, sa buong lungsod ng Sichuan, siguro lima lang ang mas magaling sa kanya sa larangang ito, at isa na siya roon. May isang boss pa nga noon na inalok siya ng ₱300,000 annual salary para lang kunin siya bilang head ng maintenance team. Pero tumanggi siya.‘Bakit ko pa kailangan magtrabaho sa iba, kung kaya kong magpatakbo ng sarili kong kumpanya?’Puno siya ng tiwala sa sarili noon. Pero ngayon, narito siya, harap sa problema ng sariling negosyo na hindi niya masolusyunan.Kaya’t pinabayaan na lang niya ang repairman, parang pampalubag-loob na lang sa sarili. "Maybe… maybe may detail lang akong nalagpasan, at siya ang makakakita?"Naubos na niya lahat ng sigarilyo sa bulsa. Ang dami nang upos sa paanan niya, at ramdam na niy
Pero imbes na sumagot, nilingon lang ng mga master si Aaron at agad na umiwas ng tingin. Wala ni isa ang makatingin nang diretso sa kanya, parang may kasalanang ayaw aminin.Dali-dali siyang tumakbo papasok ng gusali. Binuksan niya ang isa sa mga makina, pero kahit naka-switch on na ang power, walang nangyari.Lumipat siya sa isa pa, ganun din. Pati ‘yung dalawang makina sa likod, hindi man lang umiilaw kahit nakasaksak."Trip lang ‘yun, paano naman nasira lahat ng makina?!" bulong niya sa sarili, habang pilit iniiwasang mag-panic. Hindi niya matanggap ang nakikita.Nilapitan siya ni Miles at sinabing mahinahon, "Aaron, maybe the machines were just overloaded these past few days. Isang trip lang ng kuryente, possible na na-short circuit sila lahat.""Kung short circuit lang, kaya pa ‘yang ayusin! May oras pa tayo ngayong gabi! Carlos, kunin mo ‘yung toolbox!" sigaw ni Aaron habang hinuhubad ang coat niya, handa na para magtrabaho.Ito ang naka-salalay sa lahat ng pinaghirapan niya, w
Napilitan siyang ngumiti. "Bakit ko naman hahabulin si Lucille, eh nasa harap ko na ang babaeng mahal ko." Lumapit siya kay Mariane. "Mariane, anong ginagawa mo rito sa opisina?"Tumaas ang kilay ni Mariane. "Bakit, bawal ba? O baka naman naiistorbo ko ang 'masasama' ninyong balak ng kabit mong si Lucille?"Huminga nang malalim si Aaron, pinilit pa ring panatiliin ang ngiti sa labi. "Wala naman. Pero kung tutuusin, dapat nga magpasalamat ako sa pagpunta mo rito. Palagi na lang akong ginugulo ni Lucille nitong mga nakaraang araw. Kasi nga best friend mo siya, kaya hindi ko siya matanggihan o matawaran man lang. Buti na lang dumating ka, natapos na rin ang istorbo."Nagkunwari siyang masaya habang kausap si Mariane, kahit sa loob niya ay kabaligtaran ang nararamdaman.Sa ngayon, kailangang pakisamahan niya si Mariane. Kailangan niyang maging maingat.Napangisi si Mariane at pabirong sabi, "Aaron, Aaron... kailan ka pa natutong magsinungaling habang pula ang mukha at mabilis ang tibok ng
Hindi inaasahan ni Aaron ang maagang pagdating ni Mariane sa opisina.Akala niya, matapos nitong kuhanin ang pera ng kumpanya, hinding-hindi na ito magpapakita pa. Sa isip niya, kung sabihan lang niya ang mga empleyado, “Si Mariane ang kumuha ng sweldo n'yo ngayong buwan,” tiyak, hindi ito makakalabas ng opisina nang ligtas.Pero eto siya ngayon, nakatayo sa harap mismo ng opisina, at kasabay pa ng pag-alis ni Lucille. Bigla siyang nakaramdam ng tensyon. Malamig ang hangin sa loob ng opisina, kahit hindi bukas ang aircon."Wow, ang galing mo naman. ‘Yung kalapati, sinakop na ang pugad ng uwak," malicious na sambit ni Mariane habang nakatingin kay Lucille.Hindi na sumagot si Lucille. Tahimik niyang kinuha ang mga gamit, halatang ayaw patulan ang drama. Pero bago pa siya makalakad palayo, hinawakan siya ni Mariane sa braso."Sandali lang!" sambit nito. Tapos, hinarap si Aaron."Aaron, hindi ba sabi mo wala kayong relasyon ni Lucille? Anong tawag mo sa ganito? Sinasabi mong gusto mong m
Naengganyo sanang sabihin ni Aaron na “magpapahinga lang ako sandali tapos uuwi rin,” at na hindi naman niya kailangan maligo. Pero bago pa siya makapagsalita, itinulak na siya ni Lucille papasok sa banyo.Pagkapasok niya, namangha siya sa loob ng banyo ng babae. Sa ibabaw ng bath table, punô ng malalaki’t maliliit na bote ng skin care products. May iba’t ibang kulay at laki rin ng mga tuwalya na nakasabit sa hook sa pader.Kung hindi mo alam, iisipin mong marami ang nakatira sa bahay—sa dami ng gamit na naroon. “Grabe. Sa dami ng ito, hindi ko na alam kung ano ang para saan,” bulong niya sa sarili.Talagang mas simple ang buhay ng mga lalaki, naisip niya.Tulad nga ng kasabihang biro: “Lalaking lumalabas ng bahay, panyo lang ang bitbit—pang-mukha, pang-kili-kili, pang-singit.”Napakamot siya sa ulo at sumigaw mula sa loob ng banyo, "Lucille! Alin dito ang sabon at shampoo? Anong tuwalya ang gagamitin ko pagkatapos maligo?"Sumagot si Lucille mula sa labas, "Shower gel at shampoo nasa