LOGINCASSIDY POV
Maaga akong pumasok sa opisina kahit medyo nanghihina pa ang mga tuhod ko. Hawak ko ang isang puting sobre na tila ba mas mabigat pa sa lahat ng luma kong files. Ito na ang huling araw na hahayaan kong kontrolin ni Rafael ang buhay ko.
Habang nasa elevator, naramdaman ko na naman ang pamilyar na pagbaliktad ng sikmura ko. Napahawak ako nang mahigpit sa railing. Huwag ngayon, bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang humihinga nang malalim. Eksaktong pagbukas ng pinto, nakita ko si Rafael na naglalakad sa hallway kasunod ang dalawang tauhan mula sa legal department.
Ni hindi siya lumingon sa akin. Dire-diretso lang siya sa loob ng opisina niya na parang wala siyang sekretaryang nahimatay sa harap niya kahapon.
“Good morning, Sir Rafael,” bati ko nang makapasok ako para ilapag ang kape niya.
“The board meeting minutes, Cassidy. Nasaan na?” tanong niya nang hindi tumitingala mula sa binabasa niyang contract.
“Nasa desk niyo na po, Sir. Isinama ko na rin po ang press release para sa engagement niyo ni Ms. Sienna,” sagot ko.
Tumango lang siya. Inantay kong magtanong siya kung kumusta na ang pakiramdam ko, o kung ano ang sabi ng doktor. Pero lumipas ang ilang segundo at nanatili lang siyang nakatitig sa papel.
Ito na ang pagkakataon ko. Inilapag ko ang puting sobre sa ibabaw ng files na binabasa niya.
Doon lang siya tumingin sa akin. Kumunot ang noo niya, tila nagtataka. Kinuha niya ang sobre at binuksan ito. Habang binabasa niya ang laman, unti-unting nagbago ang timpla ng mukha niya. Mula sa pagiging cold, naging madilim ang mga mata niya.
“What is this?” tanong niya, ang boses ay mababa pero puno ng babala.
“My resignation letter, Sir. I’m giving my thirty-day notice.”
Binitawan niya ang papel at sumandal sa swivel chair niya. Tinitigan niya ako nang matagal, ‘yung titig na parang binabasa ang bawat iniisip ko. “Is this about yesterday? If you need a vacation, take a week off. I’ll pay for it. Pero hindi ka pwedeng mag-resign.”
“It’s not about the vacation, Sir. Personal reasons po.”
“Personal reasons?” Tumayo siya at lumapit sa akin. Pakiramdam ko ay lalong lumiit ang mundo ko dahil sa tangkad niya. “We are in the middle of a merger, Cassidy. You know the details of this deal more than anyone else. You can’t leave now.”
“Makakahanap naman po kayo ng kapalit. Magaling si Mika, pwede ko siyang i-train bago ako tuluyang umalis.”
“I don’t want Mika. I want you to do your job,” madiin niyang sabi. Humakbang pa siya palapit hanggang sa maamoy ko na ang perfume niya. “Is it about the money? Magkano ang kailangan mo para bawiin ang sulat na ‘to? Name your price.”
Napangiwi ako sa sakit. Hanggang ngayon, pera pa rin ang tingin niyang sagot sa lahat. “Hindi po lahat nadadaan sa pera, Sir Rafael. Desidido na po ako.”
“No,” sabi niya sabay punit sa resignation letter ko sa harap ko mismo. “I don’t accept this. You’re staying until the merger is final.”
“Wala kayong karapatang pilitin ako!” bahagyang tumaas ang boses ko. “Employee niyo lang ako, hindi niyo ako pag-aari.”
Biglang hinawakan ni Rafael ang braso ko. Hindi naman mahigpit, pero sapat na para maramdaman ko ang init ng palad niya. Doon uli bumalik ang alaala ng gabing iyon—ang mga bulong niya, ang haplos niya. Nanlambot ang mga tuhod ko at napakapit ako sa manggas ng suit niya.
“Cassidy, listen to me,” mas malambot na ang boses niya ngayon, halos bulong na lang. Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. “Hindi ko alam kung anong nangyayari sa ‘yo nitong mga nakaraang linggo. You’re distant, you’re pale... tell me, may nagawa ba akong mali?”
Sa sandaling iyon, gusto kong isumbat sa kanya ang lahat. Gusto kong sabihing buntis ako sa anak niya habang siya ay abala sa pagpapakasal sa iba. Gusto kong ipakita sa kanya ang mga punit na tsekeng ibinigay niya sa akin na parang bayad sa isang gabi.
“Sir, please... bitawan niyo ako,” pakiusap ko, nangangatog ang boses ko.
“Tell me first,” pilit niya. Lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin. “Bakit bigla kang nagkakaganito?”
Halos magdikit na ang mga noo namin. Sa sobrang lapit niya, nakikita ko ang maliliit na gintong tuldok sa mga mata niya. Hahayaan ko na sana ang sarili kong magsabi ng totoo, bubuka na sana ang bibig ko para aminin ang lahat—
Blag!
Bumukas ang pinto ng opisina nang walang katok.
“Rafa! You won’t believe the catering menu I found—oh.”
Agad akong lumayo kay Rafael at inayos ang blazer ko. Pumasok si Sienna, suot ang isang matingkad na pulang dress at may malapad na ngiti na biglang nawala nang makita ang posisyon naming dalawa.
“Am I interrupting something?” tanong ni Sienna, palipat-lipat ang tingin sa amin ni Rafael.
Bumalik ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Rafael. Inayos niya ang kurbata niya at bumalik sa likod ng desk niya na parang walang nangyari. “Nothing important. Cassidy was just reporting some... issues with the schedule.”
Tumingin sa akin si Sienna, mapanuri ang mga mata. “Talaga? Kasi mukhang seryoso ang usapan niyo.”
“Tapos na po kami, Ms. Valdes,” sabi ko habang nakayuko. Hindi ko kayang tingnan ang kahit sino sa kanila. “Excuse me po.”
Dali-dali akong lumabas ng opisina. Pagdating ko sa desk ko, napaupo ako nang mahina. Ang puso ko ay parang gustong tumalon sa lalamunan ko. Kinuha ko ang baso ng tubig sa table ko at uminom nang mabilis.
“Ms. Alcasid?” tawag ni Sienna mula sa pinto ng opisina ni Rafael. Nakalabas na pala siya habang si Rafael ay nanatili sa loob.
Tumayo ako agad. “Yes, Ms. Valdes?”
Lumapit siya sa akin, may dalang aura na nakakailang. “Don’t forget about the charity gala tomorrow night. Since you’re Rafael’s most trusted aide, he wants you to be there to handle the press. And wear something nice, okay? Maraming photographers.”
“O-Opo, Ms. Valdes. Naka-schedule na po.”
“Good. See you there, Cassidy.”
Ngumiti siya bago tuluyang maglakad patungo sa elevator. Naiwan akong nakatayo sa tabi ng desk ko, nakatingin sa basurahang puno ng mga punit na papel ng resignation letter ko.
Kinuha ko ang phone ko at nag-message kay Mika.
Cass: Tuloy ang plano. Isang gabi na lang. Pagkatapos ng gala bukas, hinding-hindi na nila ako makikita.
Inilapag ko ang phone at huminga nang malalim. Kailangan kong kayanin ang bukas. Para sa huling pagkakataon, magiging "efficient secretary" ako ni Rafael Monteverde. At pagkatapos noon, magsisimula na ang buhay ko—ang buhay namin ng anak ko—na malayo sa mundong ito.
CASSIDY POVSuot ang isang itim na cocktail dress na tinulungan akong piliin ni Mika, pumasok ako sa venue ng charity gala. Kumukutitap ang mga chandelier at puno ng mga taong amoy pera ang buong hall. Ito na dapat ang huling gabi ko bilang empleyado ng Monteverde Corp. Sa bulsa ng clutch bag ko, nakatago ang bagong resignation letter na ginawa ko kaninang madaling araw. Wala na itong bawiin.Agad kong nakita si Rafael sa gitna ng hall. Napakakisig niya sa suot niyang charcoal gray na suit. Sa tabi niya, nakapulupot ang kamay ni Sienna sa braso niya. Bagay na bagay sila—ang hari at reyna ng gabing ito."Cassidy, andiyan ka na pala," tawag ni Rafael nang mapansin niya ako. Tipid lang ang tingin niya, parang chine-check lang kung present ang tauhan niya. "Take the press kits to the media table. At siguraduhin mong walang lalapit na reporter para magtanong tungkol sa merger hangga't hindi pa tapos ang speech ko.""Copy, Sir," sagot ko.Tumango lang siya at muling hinarap ang kausap niyan
CASSIDY POVMaaga akong pumasok sa opisina kahit medyo nanghihina pa ang mga tuhod ko. Hawak ko ang isang puting sobre na tila ba mas mabigat pa sa lahat ng luma kong files. Ito na ang huling araw na hahayaan kong kontrolin ni Rafael ang buhay ko.Habang nasa elevator, naramdaman ko na naman ang pamilyar na pagbaliktad ng sikmura ko. Napahawak ako nang mahigpit sa railing. Huwag ngayon, bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang humihinga nang malalim. Eksaktong pagbukas ng pinto, nakita ko si Rafael na naglalakad sa hallway kasunod ang dalawang tauhan mula sa legal department.Ni hindi siya lumingon sa akin. Dire-diretso lang siya sa loob ng opisina niya na parang wala siyang sekretaryang nahimatay sa harap niya kahapon.“Good morning, Sir Rafael,” bati ko nang makapasok ako para ilapag ang kape niya.“The board meeting minutes, Cassidy. Nasaan na?” tanong niya nang hindi tumitingala mula sa binabasa niyang contract.“Nasa desk niyo na po, Sir. Isinama ko na rin po ang press release
CASSIDY POVIsang buwan na ang lumipas pero parang bawat araw ay mas bumibigat ang pakiramdam ko. Hawak ko ang tablet ko habang nakatayo sa gilid ng malaking conference table. Punong-puno ang room ng mga board members at matataas na executives ng Monteverde Corp. at Valdes Group. Mainit ang diskusyon tungkol sa logistics ng merger, pero ako, tanging ang tunog lang ng aircon ang naririnig ko.Kanina pa ako nakakaramdam ng kakaibang pait sa lalamunan ko. Ang amoy ng kape sa loob ng silid na dati ko namang gusto, ngayon ay parang amoy ng nabubulok na bagay para sa akin."Ms. Alcasid, are the projections ready on the screen?" tanong ni Rafael nang hindi tumitingin sa akin. Nakatitig lang siya sa laptop niya, seryoso ang mukha."Yes, Sir. It's ready," sagot ko.Sinubukan kong humakbang palapit sa projector, pero biglang uminog ang paligid. Ang mga mukha ng mga tao sa paligid ko ay naging malabo. Kumapit ako sa sandalan ng upuan ni Rafael para hindi ako matumba."Cassidy? Is something wrong
CASSIDY POVMabigat ang kamay ko habang tinitimpla ang kape ni Rafael. Tatlong kutsarang asukal, walang cream, at dapat umuusok pa sa init. Ito ang ritwal ko tuwing alas-diyes ng umaga sa loob ng tatlong taon. Pero ngayon, pakiramdam ko ay matatapon ko ang tasa sa sobrang panginginig ng mga daliri ko.Pagpasok ko sa opisina niya, bumungad sa akin ang pamilyar na amoy ng kanyang perfume. Iyon din ang amoy na kumapit sa balat ko kagabi. Nakatalikod siya sa akin, nakatitig sa glass wall habang may kausap sa phone.“I don’t care about the costs, just get it done,” malamig niyang sabi bago ibaba ang phone.Dahan-dahan kong inilapag ang kape sa table niya. “Your coffee, Sir Rafael.”Humarap siya. Inasahan ko ang pagkagulat, o kahit man lang bahid ng pagkapahiya sa mga mata niya. Pero wala. Tumingin lang siya sa akin na parang isa akong estranghero—o mas masahol pa, parang isang printer na kailangang ayusin.“Late ka ng limang minuto, Cassidy,” sabi niya habang umuupo sa swivel chair.“Sorry
CASSIDY POVMaingay, mainit, at puno ng amoy ng mamahaling alak ang grand ballroom ng hotel. Ito ang victory party ng Monteverde Corp. para sa pinakamalaking merger na nagawa ng kumpanya ngayong taon. Halos lahat ng empleyado ay nagsasaya, pero ako, kanina pa gustong takasan ang heels ko.“Cass! Grabe, shot pa!” aya sa akin ni Mika, isa sa mga junior clerks, habang winawagayway ang isang baso ng tequila.Umiling ako at ngumiti nang pilit. “Pass muna, Mika. Kailangan ko pang i-check kung okay na ang accommodation ni Mr. Monteverde bago ako umuwi.”“Sus, secretary duties pa rin? Party na, oh! At saka, nakita mo ba si Boss? Kanina pa ’yun naka-diretso sa VIP lounge, mukhang bad trip pa rin kahit nanalo na tayo.”Napatingin ako sa gawing itaas, sa second floor kung nasaan ang mga private lounges. Hindi ko siya nakikita mula rito, pero ramdam ko ang bigat ng presensya ni Rafael Monteverde kahit saan ako magpunta. Siya ang boss na walang ibang alam gawin kundi magtrabaho at mag-utos. At ako







