LOGINCASSIDY POV
Isang buwan na ang lumipas pero parang bawat araw ay mas bumibigat ang pakiramdam ko. Hawak ko ang tablet ko habang nakatayo sa gilid ng malaking conference table. Punong-puno ang room ng mga board members at matataas na executives ng Monteverde Corp. at Valdes Group. Mainit ang diskusyon tungkol sa logistics ng merger, pero ako, tanging ang tunog lang ng aircon ang naririnig ko.
Kanina pa ako nakakaramdam ng kakaibang pait sa lalamunan ko. Ang amoy ng kape sa loob ng silid na dati ko namang gusto, ngayon ay parang amoy ng nabubulok na bagay para sa akin.
"Ms. Alcasid, are the projections ready on the screen?" tanong ni Rafael nang hindi tumitingin sa akin. Nakatitig lang siya sa laptop niya, seryoso ang mukha.
"Yes, Sir. It's ready," sagot ko.
Sinubukan kong humakbang palapit sa projector, pero biglang uminog ang paligid. Ang mga mukha ng mga tao sa paligid ko ay naging malabo. Kumapit ako sa sandalan ng upuan ni Rafael para hindi ako matumba.
"Cassidy? Is something wrong?" tanong ni Mr. Valdes, ang tatay ni Sienna.
Naramdaman ko ang tingin ni Rafael sa akin. Kunot ang noo niya, halatang naiinis sa pagkakaabala ng meeting. "Cassidy, if you're not feeling well, you should have told me earlier. We don't have time for this."
"I'm sorry, Sir. I just—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Ang huling nakita ko ay ang pagtayo ni Rafael mula sa upuan niya bago tuluyang nagdilim ang lahat.
Nagising ako sa amoy ng disinfectant. Puti ang kisame, at may marahang tunog ng heart monitor sa gilid ko. Nasa ospital ako.
"Gising ka na pala," sabi ng isang nurse na nag-aayos ng IV drip ko. "Huwag ka munang biglang babangon, nahilo ka nang husto kanina."
"Sino pong nagdala sa akin dito?" mahina kong tanong. Ang sakit ng ulo ko, parang pinupukpok ng martilyo.
"Ang mga katrabaho mo. May isang lalaking matangkad na nag-asikaso ng admission mo, pero umalis din agad pagkatapos pirmahan ang mga papers. May meeting daw silang kailangang balikan."
Si Rafael. Kahit sa ospital, trabaho pa rin ang inuna niya. Pero hindi ko siya masisisi. Secretary lang naman niya ako.
Maya-maya ay pumasok ang isang doktor. May hawak siyang clipboard at seryoso ang mukha habang tinitingnan ang chart ko.
"Ms. Alcasid? I'm Dr. Reyes. Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Medyo nahihilo pa rin po, Doc. Siguro po dahil lang sa puyat at stress sa trabaho."
Ngumiti nang bahagya ang doktor, pero hindi iyon ang ngiting inaasahan ko. "Well, stress is definitely a factor, but your blood tests showed something else. Congratulations, Ms. Alcasid. You're six weeks pregnant."
Parang huminto ang tibok ng puso ko. Nabingi ako sa paligid. Anim na linggo. Isang buwan mahigit mula noong gabing iyon sa penthouse.
"Buntis po ako?" ulit ko, parang tangang nagtatanong kahit malinaw naman ang sinabi niya.
"Yes. Pero kailangan nating mag-ingat. Mababa ang iron mo at masyadong mataas ang stress levels mo. I'll prescribe some prenatal vitamins, pero ang pinaka-importante ay magpahinga ka. Your body is telling you to slow down."
Paglabas ng doktor, naiwan akong mag-isa sa loob ng puting kwarto. Hinawakan ko ang flat pa rin na tiyan ko. Paano? Bakit ngayon pa?
Kinuha ko ang phone ko sa side table. May tatlong missed calls mula kay Mika at isang text mula kay Rafael.
Rafael: Send me the minutes of the board meeting once you're cleared to go home. And find a replacement for tomorrow's site visit. You're clearly unfit to travel.
Nabitawan ko ang phone ko sa kama. "Unfit." Iyon lang ang tingin niya sa akin. Isang gamit na kapag nagkaroon ng sira ay kailangang palitan o i-repair muna bago pakinabangan uli.
Paano ko sasabihin sa kanya? Ikakasal na siya sa susunod na buwan. Si Sienna ang babaeng pinili niya para sa kumpanya niya. Kung lalapit ako sa kanya at sasabihing buntis ako, ano ang iisipin niya? Na isa na naman itong "bonus" scheme para perahan siya? Na sinisira ko ang pinaka-importanteng deal ng buhay niya?
Naalala ko ang mukha ng nanay ko sa probinsya. May utang pa kami sa bangko para sa gamot ng kapatid ko. Ang sahod ko bilang secretary ni Rafael ang bumubuhay sa amin. Kung mawawalan ako ng trabaho, wala kaming pupuntahan.
Pumasok si Mika sa kwarto, hingal na hingal. "Cass! Ano nangyari? Sabi ni Boss nahimatay ka raw sa gitna ng meeting. Grabe, ang tapang mo, sa harap pa talaga ng board!"
"Mika..." bulong ko.
"Oh, bakit umiiyak ka? May masakit ba sa 'yo? Tawagin ko ba ang nurse?"
Umiling ako at pinahid ang mga luha ko. "Mika, buntis ako."
Napatakip ng bibig si Mika. Nanlaki ang mga mata niya at agad niyang isinara ang pinto ng kwarto. "Seryoso? Kanino? Teka, huwag mong sabihing—"
"Huwag kang maingay, please," pakiusap ko.
"Cass, kailangan mong sabihin sa tatay. Sino ba 'to? 'Yung guy ba sa bar noong isang buwan?"
"Hindi ko pwedeng sabihin, Mika. Lalo na ngayon."
"Anong hindi pwede? May karapatan siyang malaman. At may karapatan ka sa suporta niya."
"Mika, ikakasal na siya sa iba," sabi ko sa pinakamababang boses na kaya ko.
Natahimik ang buong kwarto. Alam ni Mika kung sino ang tinutukoy ko. Sa loob ng kumpanya, siya lang ang nakakaalam kung gaano ko katagal nang minamahal si Rafael nang patago.
"Si Boss?" pabulong na tanong ni Mika.
Tumango lang ako habang nakatingin sa kawalan.
"Gosh, Cass. Anong gagawin mo? Alam mo namang ruthless 'yan si Sir Rafael. Baka isipin niyan setup 'to para matigil ang kasal nila ni Sienna. At alam mo naman kung gaano ka-importante sa kanya ang merger na 'yan."
"Iyon nga ang kinakatakot ko. Ayaw kong isipin niya na ginagamit ko ang batang 'to para sa pera niya. Lalo na noong iniwanan niya ako ng tseke noong umagang 'yon."
"Tseke? Binayaran ka niya?" Galit ang tono ni Mika.
"Akala niya siguro ibang babae ako. O baka ganoon lang talaga kababa ang tingin niya sa akin."
Natahimik uli kami. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Akala namin nurse na, pero isang delivery man ang pumasok na may dalang malaking basket ng prutas at bouquet ng bulaklak.
"Para kay Ms. Cassidy Alcasid po," sabi ng lalaki.
Binuksan ni Mika ang card. "Galing kay Sienna. 'Get well soon, our favorite secretary. Rafael and I are rooting for your fast recovery.' Wow. Plastikan level 100."
Napatingin ako sa mga bulaklak. Ang bango, pero nakakasuka.
"Cass, kailangan mong mag-decide," seryosong sabi ni Mika habang nauupo sa tabi ko. "Hindi mo 'to pwedeng itago habambuhay habang lumalaki ang tiyan mo sa opisina."
"Magre-resign ako," sabi ko. Iyon lang ang tanging paraan na nakikita ko.
"Magre-resign? Paano ang pamilya mo? Paano ang mga utang niyo?"
"Makakahanap din ako ng ibang trabaho. Kahit ano, basta malayo sa kanya. Hindi pwedeng malaman ni Rafael ang tungkol dito. Hahayaan ko siyang makuha ang gusto niya—ang merger, ang kasal, ang yaman. At hahayaan ko ang sarili ko na magkaroon ng tahimik na buhay kasama ang anak ko."
"Sigurado ka ba riyan?"
"Ito lang ang choice ko, Mika. Kaysa naman manatili ako rito at araw-araw makita ang lalaking tatay ng anak ko na ikinakasal sa iba."
Eksaktong pagkatapos kong sabihin iyon, nag-vibrate uli ang phone ko. Isang message uli mula kay Rafael.
Rafael: Make sure to draft the press release for the engagement by tomorrow morning. I need it on my desk by 8:00 AM. No excuses.
Inilapag ko ang phone ko sa side table nang nakataob. Tumingin ako kay Mika at pilit na ngumiti.
"Mika, pwedeng paki-abot ng bag ko? May kailangan lang akong isulat."
"Ano? Magtatrabaho ka na naman?"
"Hindi. Susulatin ko na ang resignation letter ko."
Kinuha ni Mika ang notepad sa bag ko at iniabot sa akin. Sa bawat salitang isinusulat ko, mas lalong bumibigat ang dibdib ko, pero alam kong ito ang tama. Para sa akin, at para sa batang nasa sinapupunan ko.
"Cass, are you sure about this?" tanong uli ni Mika habang tinitingnan ang dulo ng panulat ko.
"Kailangan ko nang umalis bago pa ako tuluyang mawasak dito."
CASSIDY POVSuot ang isang itim na cocktail dress na tinulungan akong piliin ni Mika, pumasok ako sa venue ng charity gala. Kumukutitap ang mga chandelier at puno ng mga taong amoy pera ang buong hall. Ito na dapat ang huling gabi ko bilang empleyado ng Monteverde Corp. Sa bulsa ng clutch bag ko, nakatago ang bagong resignation letter na ginawa ko kaninang madaling araw. Wala na itong bawiin.Agad kong nakita si Rafael sa gitna ng hall. Napakakisig niya sa suot niyang charcoal gray na suit. Sa tabi niya, nakapulupot ang kamay ni Sienna sa braso niya. Bagay na bagay sila—ang hari at reyna ng gabing ito."Cassidy, andiyan ka na pala," tawag ni Rafael nang mapansin niya ako. Tipid lang ang tingin niya, parang chine-check lang kung present ang tauhan niya. "Take the press kits to the media table. At siguraduhin mong walang lalapit na reporter para magtanong tungkol sa merger hangga't hindi pa tapos ang speech ko.""Copy, Sir," sagot ko.Tumango lang siya at muling hinarap ang kausap niyan
CASSIDY POVMaaga akong pumasok sa opisina kahit medyo nanghihina pa ang mga tuhod ko. Hawak ko ang isang puting sobre na tila ba mas mabigat pa sa lahat ng luma kong files. Ito na ang huling araw na hahayaan kong kontrolin ni Rafael ang buhay ko.Habang nasa elevator, naramdaman ko na naman ang pamilyar na pagbaliktad ng sikmura ko. Napahawak ako nang mahigpit sa railing. Huwag ngayon, bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang humihinga nang malalim. Eksaktong pagbukas ng pinto, nakita ko si Rafael na naglalakad sa hallway kasunod ang dalawang tauhan mula sa legal department.Ni hindi siya lumingon sa akin. Dire-diretso lang siya sa loob ng opisina niya na parang wala siyang sekretaryang nahimatay sa harap niya kahapon.“Good morning, Sir Rafael,” bati ko nang makapasok ako para ilapag ang kape niya.“The board meeting minutes, Cassidy. Nasaan na?” tanong niya nang hindi tumitingala mula sa binabasa niyang contract.“Nasa desk niyo na po, Sir. Isinama ko na rin po ang press release
CASSIDY POVIsang buwan na ang lumipas pero parang bawat araw ay mas bumibigat ang pakiramdam ko. Hawak ko ang tablet ko habang nakatayo sa gilid ng malaking conference table. Punong-puno ang room ng mga board members at matataas na executives ng Monteverde Corp. at Valdes Group. Mainit ang diskusyon tungkol sa logistics ng merger, pero ako, tanging ang tunog lang ng aircon ang naririnig ko.Kanina pa ako nakakaramdam ng kakaibang pait sa lalamunan ko. Ang amoy ng kape sa loob ng silid na dati ko namang gusto, ngayon ay parang amoy ng nabubulok na bagay para sa akin."Ms. Alcasid, are the projections ready on the screen?" tanong ni Rafael nang hindi tumitingin sa akin. Nakatitig lang siya sa laptop niya, seryoso ang mukha."Yes, Sir. It's ready," sagot ko.Sinubukan kong humakbang palapit sa projector, pero biglang uminog ang paligid. Ang mga mukha ng mga tao sa paligid ko ay naging malabo. Kumapit ako sa sandalan ng upuan ni Rafael para hindi ako matumba."Cassidy? Is something wrong
CASSIDY POVMabigat ang kamay ko habang tinitimpla ang kape ni Rafael. Tatlong kutsarang asukal, walang cream, at dapat umuusok pa sa init. Ito ang ritwal ko tuwing alas-diyes ng umaga sa loob ng tatlong taon. Pero ngayon, pakiramdam ko ay matatapon ko ang tasa sa sobrang panginginig ng mga daliri ko.Pagpasok ko sa opisina niya, bumungad sa akin ang pamilyar na amoy ng kanyang perfume. Iyon din ang amoy na kumapit sa balat ko kagabi. Nakatalikod siya sa akin, nakatitig sa glass wall habang may kausap sa phone.“I don’t care about the costs, just get it done,” malamig niyang sabi bago ibaba ang phone.Dahan-dahan kong inilapag ang kape sa table niya. “Your coffee, Sir Rafael.”Humarap siya. Inasahan ko ang pagkagulat, o kahit man lang bahid ng pagkapahiya sa mga mata niya. Pero wala. Tumingin lang siya sa akin na parang isa akong estranghero—o mas masahol pa, parang isang printer na kailangang ayusin.“Late ka ng limang minuto, Cassidy,” sabi niya habang umuupo sa swivel chair.“Sorry
CASSIDY POVMaingay, mainit, at puno ng amoy ng mamahaling alak ang grand ballroom ng hotel. Ito ang victory party ng Monteverde Corp. para sa pinakamalaking merger na nagawa ng kumpanya ngayong taon. Halos lahat ng empleyado ay nagsasaya, pero ako, kanina pa gustong takasan ang heels ko.“Cass! Grabe, shot pa!” aya sa akin ni Mika, isa sa mga junior clerks, habang winawagayway ang isang baso ng tequila.Umiling ako at ngumiti nang pilit. “Pass muna, Mika. Kailangan ko pang i-check kung okay na ang accommodation ni Mr. Monteverde bago ako umuwi.”“Sus, secretary duties pa rin? Party na, oh! At saka, nakita mo ba si Boss? Kanina pa ’yun naka-diretso sa VIP lounge, mukhang bad trip pa rin kahit nanalo na tayo.”Napatingin ako sa gawing itaas, sa second floor kung nasaan ang mga private lounges. Hindi ko siya nakikita mula rito, pero ramdam ko ang bigat ng presensya ni Rafael Monteverde kahit saan ako magpunta. Siya ang boss na walang ibang alam gawin kundi magtrabaho at mag-utos. At ako







