LOGINCASSIDY POVSuot ang isang itim na cocktail dress na tinulungan akong piliin ni Mika, pumasok ako sa venue ng charity gala. Kumukutitap ang mga chandelier at puno ng mga taong amoy pera ang buong hall. Ito na dapat ang huling gabi ko bilang empleyado ng Monteverde Corp. Sa bulsa ng clutch bag ko, nakatago ang bagong resignation letter na ginawa ko kaninang madaling araw. Wala na itong bawiin.Agad kong nakita si Rafael sa gitna ng hall. Napakakisig niya sa suot niyang charcoal gray na suit. Sa tabi niya, nakapulupot ang kamay ni Sienna sa braso niya. Bagay na bagay sila—ang hari at reyna ng gabing ito."Cassidy, andiyan ka na pala," tawag ni Rafael nang mapansin niya ako. Tipid lang ang tingin niya, parang chine-check lang kung present ang tauhan niya. "Take the press kits to the media table. At siguraduhin mong walang lalapit na reporter para magtanong tungkol sa merger hangga't hindi pa tapos ang speech ko.""Copy, Sir," sagot ko.Tumango lang siya at muling hinarap ang kausap niyan
CASSIDY POVMaaga akong pumasok sa opisina kahit medyo nanghihina pa ang mga tuhod ko. Hawak ko ang isang puting sobre na tila ba mas mabigat pa sa lahat ng luma kong files. Ito na ang huling araw na hahayaan kong kontrolin ni Rafael ang buhay ko.Habang nasa elevator, naramdaman ko na naman ang pamilyar na pagbaliktad ng sikmura ko. Napahawak ako nang mahigpit sa railing. Huwag ngayon, bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang humihinga nang malalim. Eksaktong pagbukas ng pinto, nakita ko si Rafael na naglalakad sa hallway kasunod ang dalawang tauhan mula sa legal department.Ni hindi siya lumingon sa akin. Dire-diretso lang siya sa loob ng opisina niya na parang wala siyang sekretaryang nahimatay sa harap niya kahapon.“Good morning, Sir Rafael,” bati ko nang makapasok ako para ilapag ang kape niya.“The board meeting minutes, Cassidy. Nasaan na?” tanong niya nang hindi tumitingala mula sa binabasa niyang contract.“Nasa desk niyo na po, Sir. Isinama ko na rin po ang press release
CASSIDY POVIsang buwan na ang lumipas pero parang bawat araw ay mas bumibigat ang pakiramdam ko. Hawak ko ang tablet ko habang nakatayo sa gilid ng malaking conference table. Punong-puno ang room ng mga board members at matataas na executives ng Monteverde Corp. at Valdes Group. Mainit ang diskusyon tungkol sa logistics ng merger, pero ako, tanging ang tunog lang ng aircon ang naririnig ko.Kanina pa ako nakakaramdam ng kakaibang pait sa lalamunan ko. Ang amoy ng kape sa loob ng silid na dati ko namang gusto, ngayon ay parang amoy ng nabubulok na bagay para sa akin."Ms. Alcasid, are the projections ready on the screen?" tanong ni Rafael nang hindi tumitingin sa akin. Nakatitig lang siya sa laptop niya, seryoso ang mukha."Yes, Sir. It's ready," sagot ko.Sinubukan kong humakbang palapit sa projector, pero biglang uminog ang paligid. Ang mga mukha ng mga tao sa paligid ko ay naging malabo. Kumapit ako sa sandalan ng upuan ni Rafael para hindi ako matumba."Cassidy? Is something wrong
CASSIDY POVMabigat ang kamay ko habang tinitimpla ang kape ni Rafael. Tatlong kutsarang asukal, walang cream, at dapat umuusok pa sa init. Ito ang ritwal ko tuwing alas-diyes ng umaga sa loob ng tatlong taon. Pero ngayon, pakiramdam ko ay matatapon ko ang tasa sa sobrang panginginig ng mga daliri ko.Pagpasok ko sa opisina niya, bumungad sa akin ang pamilyar na amoy ng kanyang perfume. Iyon din ang amoy na kumapit sa balat ko kagabi. Nakatalikod siya sa akin, nakatitig sa glass wall habang may kausap sa phone.“I don’t care about the costs, just get it done,” malamig niyang sabi bago ibaba ang phone.Dahan-dahan kong inilapag ang kape sa table niya. “Your coffee, Sir Rafael.”Humarap siya. Inasahan ko ang pagkagulat, o kahit man lang bahid ng pagkapahiya sa mga mata niya. Pero wala. Tumingin lang siya sa akin na parang isa akong estranghero—o mas masahol pa, parang isang printer na kailangang ayusin.“Late ka ng limang minuto, Cassidy,” sabi niya habang umuupo sa swivel chair.“Sorry
CASSIDY POVMaingay, mainit, at puno ng amoy ng mamahaling alak ang grand ballroom ng hotel. Ito ang victory party ng Monteverde Corp. para sa pinakamalaking merger na nagawa ng kumpanya ngayong taon. Halos lahat ng empleyado ay nagsasaya, pero ako, kanina pa gustong takasan ang heels ko.“Cass! Grabe, shot pa!” aya sa akin ni Mika, isa sa mga junior clerks, habang winawagayway ang isang baso ng tequila.Umiling ako at ngumiti nang pilit. “Pass muna, Mika. Kailangan ko pang i-check kung okay na ang accommodation ni Mr. Monteverde bago ako umuwi.”“Sus, secretary duties pa rin? Party na, oh! At saka, nakita mo ba si Boss? Kanina pa ’yun naka-diretso sa VIP lounge, mukhang bad trip pa rin kahit nanalo na tayo.”Napatingin ako sa gawing itaas, sa second floor kung nasaan ang mga private lounges. Hindi ko siya nakikita mula rito, pero ramdam ko ang bigat ng presensya ni Rafael Monteverde kahit saan ako magpunta. Siya ang boss na walang ibang alam gawin kundi magtrabaho at mag-utos. At ako







