MasukTahimik lang si Roselle habang nasa meeting sila. Ginagawa niya naman ang lahat nang sinasabi ng boss niya. Gumawa siya ng minutes of meeting. Ramdam niyang kumukulo na ang tiyan niya dahil sa gutom. Kung bakit ba naman kasi may meeting pa sila gayong lunch break niya. Napapabuntong hininga na lang si Roselle. Mukhang magiging impyerno ang buhay niya kasama ng bago niyang boss.
Okay naman siya sa trabaho niya sa marketing department. Napagkakasya niya naman ang sahod niya sa mga bills nila, may sobra pa nga.
Hindi na makapagfocus si Roselle sa ginagawa niya dahil panay na ang pagkulo ng tiyan niya. Kahit na nagugutom na siya ay pinilit pa rin niyang magawa ng tama ang trabaho niya. Hindi na baleng mahirapan at magutuman siya sa bago niyang trabaho, huwag lang siyang mawalan ng trabaho.
Makalipas ang dalawang oras ay natapos din ang meeting nila. Napapanguso na lang si Roselle dahil nagugutom na talaga siya. Alas dos na ng hapon pero hindi pa siya kumakain ng tanghalian.
“Let’s go,” wika ni Darius. Sumunod naman si Roselle sa kaniya. Habang nasa elevator sila ay naririnig na ang ingay ng tiyan ni Roselle. Iniipit niya iyun para pigilan ang pagtunog pero rinig pa rin.
Kunot noo siyang tiningnan ni Darius. Yumuko naman si Roselle dahil nahihiya siya. Hindi niya mapigilang hindi magreklamo sa isip niya. Hindi naman siya sa government nagtatrabago para no noon break.
“Sa restaurant tayo,” utos ni Darius nang makasakay sila ng sasakyan. Tahimik lang si Roselle habang nasa labas ng bintana ang paningin niya. Napapakagat labi na lang siya dahil sa tingin niya ay narinig ng boss niya ang ingay ng tiyan niya kanina.
Makalipas ang ilang minuto ay nakahanap din kaagad si Aeron ng restaurant. Hindi alam ni Roselle kung susunod ba siya o maghihintay lang sa loob ng sasakyan. Nauna nang bumaba si Darius at pumasok na ng restaurant. Nang mapansin ni Aeron na hindi pa bumababa si Roselle ay kinatok niya ang bintana nito.
“Hindi ka pa ba bababa?” tanong ni Aeron.
“Kailangan ba ako? Mukhang kakain pa ang boss natin.” Sagot ni Roselle.
“Bumaba ka na dyan, sumunod ka sa akin kung ayaw mong pareho tayong mapagalitan or worst mawalan ng trabaho.” Mabilis namang bumaba si Roselle at sumunod kay Aeron, ang executive secretary ni Darius.
Natatakot si Roselle na magkamali sa trabaho niya at sa harap ng boss niya. Hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho lalo na at kailangan siya ng anak niya at ng kapatid niya.
Nakaupo na si Darius nang makasunod si Roselle at Aeron. Umoorder na ito ng pagkain niya habang si Roselle ay hindi alam ang gagawin. Nang bigyan siya ni Aeron ng menu ay nagtatanong ang mga mata niya. Kakain ba siya kasama ang boss nila? Paano kung mapagalitan siya dahil hindi siya pwedeng sumabay kumain?
Lumapit si Roselle kay Aeron para magtanong.
“Kakain din ba ako?” bulong niyang tanong.
“Oo, ano ba sa tingin mo ang gagawin natin dito?” sagot din ni Aeron. Salubong na naman ang mga kilay ni Darius ng makita niyang nagbubulungan ang dalawa niyang secretary.
“Ano bang pinag-usuapan niyong dalawa diyan?” galit na tanong nito. Mabilis na umayos nang upo si Aeron at Roselle.
“Nagtatanong lang siya sir,” sagot ni Aeron. Nabaling ang tingin ni Darius kay Roselle.
“Anong tinatanong mo sa kaniya?” seryoso niyang tanong kay Roselle. Napapayuko naman si Roselle. Kailangan pa ba talaga nitong malaman? Hindi ba sila pwedeng mag-usap? Wala naman siyang nabasa sa contract niya.
“Wala sir,” sagot ni Roselle saka ibinalik sa menu ang paningin niya.
“Ako ba ang pinag-uusapan niyong dalawa? Gusto niyo bang pareho kayong pulutin sa basurahan?” pagbabanta na naman ni Darius sa kanila. Nagngitngit ang mga ngipin ni Roselle sa inis.
“No sir, tinatanong niya lang kung pwede ba kaming kumain kasama ka.” Blangkong sagot ni Aeron na tila ba sanay na sa ugali ng boss niya. Tiningnan ni Darius si Roselle pero iniwas ni Roselle ang paningin niya.
“Kanina pa nagrereklamo ang tiyan mo, nakakainis pakinggan. Ayaw ko namang sabihin mong masyado akong abusado.” Wika naman ni Darius. Nakayuko na lang si Roselle. Nagdadalawang isip si Roselle kung oorder ba siya dahil natatakot siyang ibawas sa sahod niya ang bill ng kakainin niya.
Ang mamahal pa naman ng mga pagkain. Sana ay bumalik na lang sila ng kompanya dahil mas mura ang pagkain sa cafeteria nito.
“Wala ka bang oorderin? Hindi ka ba nagugutom?” tanong ni Darius kay Roselle dahil kanina pa ito nakatingin sa menu pero wala naman itong inoorder. Naghihintay na sa kaniya ang waiter.
“Okay lang ako sir, sa cafeteria na lang ako kakain.” Sagot ni Roselle. Nagngitngit naman ang mga ngipin ni Darius sa inis. Ayaw na ayaw niya nang pinaghihintay siya.
“Ako ang magbabayad ng kahit anong kainin mo dito kung yun ang inaalala mo. Kapag hindi ka pa umorder sa loob ng kalahating minuto, lumayas ka na sa harap ko at huwag ng magpapakita pa.” naikuyom ni Roselle ang kamao niya pero wala siyang magawa. Kesa mawalan siya ng trabaho ay inorder niya ang pinakamahal sa menu tutal ang boss niya naman ang magbabayad.
Tahimik na sila habang hinihintay ang order nila. Gusto sanang tawagan ni Roselle ang anak niya pero hindi niya magawa dahil nasa harap niya ang boss niya. Palagi niyang tinatawagan ng lunch break ang anak niya kaya siguradong nagtataka na ito ngayon kung bakit hindi siya tumawag.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang order nila. Napatingin si Roselle sa pagkaing ibinigay sa kaniya, pareho sila ni Darius ng order. Bigla tuloy nahiya si Roselle pero wala namang pakialam si Darius.
Matapos silang kumain ay bumalik na sila ng kompanya. Naupo na si Roselle sa working station niya. Pakiramdam niya ay napakarami ng nangyari sa maghapon niya.
“Miss Vasquez, come here.” Gulat pang napatayo si Roselle ng marinig niya sa intercom ang boses ng boss niya.
“Yes sir!” sagot niya kaagad. Napapasipa na lang siya sa sahig dahil sa inis. Hindi pa nga umiinit ang pwet niya sa upuan, may gagawin na naman siya.
Pinilit ni Roselle na ngumiti nang makapasok na siya sa loob ng office ng boss niya.
“Ibigay mo ‘to sa marketing department.” Utos nito sa kaniya. Kinuha naman ni Roselle ang napakakapal na mga papeles.
“Yun lang ba sir?” tanong ni Roselle na ikinatango ni Darius ng hindi tinitingnan si Roselle. Paglabas ni Roselle ng office ay napapabuntong hininga na lang siya. Hindi man lang ba siya bibigyan ng pahinga?
Pagdating niya ng marketing department ay dumiretso na siya sa office ng supervisor.
“Kumusta ang trabaho mo bilang secretary?” tanong ni Mrs. Capinpin. Napapanguso na lang si Roselle.
“Ang hirap ma’am pero kakayanin. Hindi yata uso sa kaniya ang magpahinga. Maya’t maya ang utos niya sa akin. Hindi pa nga ako nakakapagpahinga, may bago na naman siyang iuutos.” Reklamo ni Roselle. Napapangiti na lang si Mrs. Capinpin sa mga reklamo niya.
“Wala rin naman akong magawa para sayo, Miss Vasquez. Hindi na bale at maganda naman ang sahod.” Napatango na lang si Roselle. Ano pa nga bang magagawa niya?
“Miss Vasquez, come back here now!” napatingin sila sa speaker ng kompanya ng marinig nila dun ang boses ng boss nila.
“Ma’am,” reklamo ni Roselle sa supervisor niya pero wala rin naman itong magawa. Mabilis na bumalik si Roselle sa office ng boss niya.
“Sir,” wika niya.
“Maaga kang umuwi ngayon para makapaggayak. Sasama ka sa akin sa Singapore.”
“What?!” gulat na tanong ni Roselle. Nanlalaki pa ang mga mata niyang nakatingin kay Darius. Tumaas naman ang kilay ni Darius dahil tumaas ang boses ni Roselle sa kaniya.
“Magrereklamo ka?” tanong ni Darius. Mabilis na iniyuko ni Roselle ang ulo niya. Nagngingitngit ang mga ngipin niya sa inis.
Tahimik lang si Roselle habang nasa meeting sila. Ginagawa niya naman ang lahat nang sinasabi ng boss niya. Gumawa siya ng minutes of meeting. Ramdam niyang kumukulo na ang tiyan niya dahil sa gutom. Kung bakit ba naman kasi may meeting pa sila gayong lunch break niya. Napapabuntong hininga na lang si Roselle. Mukhang magiging impyerno ang buhay niya kasama ng bago niyang boss.Okay naman siya sa trabaho niya sa marketing department. Napagkakasya niya naman ang sahod niya sa mga bills nila, may sobra pa nga.Hindi na makapagfocus si Roselle sa ginagawa niya dahil panay na ang pagkulo ng tiyan niya. Kahit na nagugutom na siya ay pinilit pa rin niyang magawa ng tama ang trabaho niya. Hindi na baleng mahirapan at magutuman siya sa bago niyang trabaho, huwag lang siyang mawalan ng trabaho.Makalipas ang dalawang oras ay natapos din ang meeting nila. Napapanguso na lang si Roselle dahil nagugutom na talaga siya. Alas dos na ng hapon pero hindi pa siya kumakain ng tanghalian.“Let’s go,” wi
Napilitan naman si Roselle na pumunta sa office ng Presidente nila. Kumatok na muna siya bago pumasok pero nagulat na lang siya nang marinig niya ang sigaw ni Darius.“Is this your first time to work here?! Confidential files yun, bakit hindi mo magawa ng tama ang trabaho mo?!” galit na sigaw ni Darius. Napapalunok naman si Roselle dahil sa matinding galit ni Darius.“I’m sorry sir, hindi ko na uulitin. Gagawin ko na ng tama ang trabaho ko. I’m really sorry.” Umiiyak nang saad ng babae saka ito lumuhod.“Bullshit!” sigaw ni Darius saka nito inihagis sa sahig ang mga papeles. “Sisiguraduhin kong hindi na talaga ‘to mangyayari dahil ito na ang huling araw mong magtatrabaho dito.”“No, sir, please, I’m begging you.” Pagmamakaawa ng babae.“Leave! I don’t want to see your face here anymore!” galit na sigaw ni Darius sa secretary niya. Umiiyak naman ang babae saka ito nagmamadaling lumabas. Napalunok si Roselle. Pakiramdam niya ay napako na siya sa kinatatayuan niya. Mahigpit niyang hinawa
Limang taon na ang nakalipas simula nang mangyari ang gabing yun. Masakit man para kay Roselle na ibinigay niya ang unang gabi sa lalaking hindi niya kilala, masaya na rin siya dahil naipagamot niya ang kapatid niya kaya nakakapaglakad na ulit ito. Napag-aral niya ang sarili niya ganun din ang kapatid niya.Ngayong dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa.“Good morning mommy!” masiglang bati ng apat na taon na anak ni Roselle. Matamis siyang napangiti saka niya niyakap ang anak niya, ang batang naging bunga ng gabing iyun.“Good morning my little prince,” bati rin ni Roselle. Naging single mom siya pagkatapos ng nangyari sa kaniya pero ang anak niya ang pinakamasayang naging bunga ng gabing yun.“Magpapakabit ka sa uncle Jonell mo okay?” bilin nito. Ngumiti at tumango naman si Ethan.“Yes mommy, I promise. Magpapakabait ako kay uncle Jonell.” Magalang na sagot ni Ethan. Ginulo naman ni Roselle ang buhok ng anak niya saka niya ito pinaupo sa upua
Ipinasok na si Roselle sa isang kwarto. Malakas na ang kabog ng puso niya dahil sa kaba at takot. Nakita niya ang matandang nakabili sa kaniya. Ayaw niyang ibigay ang sarili niya. Ayaw niyang sa ganitong paraan kitain ang perang pangpapagamot sa kapatid niya.Nang makita niya ang bottled water na nasa gilid ng kama ay ininom niya iyun dahil pakiramdam niya ay tuyong tuyo na ang lalamunan niya. Lingid sa kaalaman ni Roselle na may droga iyun kung saan makakaramdam siya ng pang-iinit ng katawan at hilo.Pumasok naman si Madam Ruth.“Ito lang ang tatandaan mo, Roselle. Oras na sinaktan mo ang customer mo at hindi ka sumunod sa mga gusto niya, hindi mo makukuha ang commission mo kahit na nakuha na ng customer mo ang gusto nila. Hindi ka pwedeng magreklamo dahil oras na hindi nasatisfied ang customer mo, wala kang makukuhang pera.” Bilin ni Madam Ruth saka ito lumabas. Mabilis namang tumakbo palabas si Roselle nang bukas pa ang pintuan.“Habulin niyo!” sigaw ni Madam Ruth. Nakaramdam naman
Kanina pa palinga-linga sa paligid si Roselle. Pakiramdam niya ay may mali sa agency na pinasukan niya. Marami silang mga kababaihan ang nakapila at pinipili lang ang mga pinakabata at magaganda. Wala rin siyang makitang mga lalaki na aplikante.Akma na sanang aalis si Roselle para sa iba na lang maghanap nang trabaho nang tawagin ang pangalan niya. Pinapasok na siya sa loob at tiningnan lang ang katawan at itsura niya. Nang makita niyang tumango lang ang babaeng nasa middle age ay akma na sana siyang aalis nang pigilan siya ng isang babae.“Saan ka pupunta? Akala ko ba kailangan mo ng trabaho?”“Oo, pero yung normal na trabaho. Ano bang trabaho ang ibibigay niyo?” kinakabahan na tanong ni Roselle, she’s only 20 years old.“Ito na yun, binibigyan ka namin ng trabaho na mabilis lang. Isang gabi lang ang trabaho niyo at malaking pera ang makukuha mo. Ang sabi mo ay kailangang kailangan mo ng trabaho para sa kapatid mong hindi makapaglakad, hindi ba? Ngayon ka pa ba aatras?” napalunok si