INICIAR SESIÓNLimang taon na ang nakalipas simula nang mangyari ang gabing yun. Masakit man para kay Roselle na ibinigay niya ang unang gabi sa lalaking hindi niya kilala, masaya na rin siya dahil naipagamot niya ang kapatid niya kaya nakakapaglakad na ulit ito. Napag-aral niya ang sarili niya ganun din ang kapatid niya.
Ngayong dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa.
“Good morning mommy!” masiglang bati ng apat na taon na anak ni Roselle. Matamis siyang napangiti saka niya niyakap ang anak niya, ang batang naging bunga ng gabing iyun.
“Good morning my little prince,” bati rin ni Roselle. Naging single mom siya pagkatapos ng nangyari sa kaniya pero ang anak niya ang pinakamasayang naging bunga ng gabing yun.
“Magpapakabit ka sa uncle Jonell mo okay?” bilin nito. Ngumiti at tumango naman si Ethan.
“Yes mommy, I promise. Magpapakabait ako kay uncle Jonell.” Magalang na sagot ni Ethan. Ginulo naman ni Roselle ang buhok ng anak niya saka niya ito pinaupo sa upuan.
“Good morning,” bati rin ni Jonell nang makapasok ito sa kusina. Naghain naman na si Roselle ng pagkain nila.
“Jonell, ikaw na ang bahala ulit sa pamangkin mo. Maghahanap ka na ba kaagad ng trabaho mo?” tanong ni Roselle.
“Hindi muna, ako na muna ang mag-aalaga kay Ethan para kampante ka. Kapag nag-aaral na si Ethan sa susunod na taon saka naman ako maghahanap ng trabaho ko.” Napatango-tango naman si Roselle. Pinaghain niya na ng pagkain ang anak niya saka siya naupo.
“Siya nga pala, Roselle. Wala pa bang balita sa kaso ni mommy at daddy?” seryosong tanong ni Jonell. Napabuntong hininga naman si Roselle saka siya napailing.
“Hindi ko alam kung may mangyayari pa ba sa kaso nila. It’s been seven years ang lumipas pero hanggang ngayon wala pa ring nangyayari. Hindi pa rin nahahanap kung sino ang bumangga sa atin noong gabing yun.” sagot ni Roselle. Hindi na siya umaasa na makukuha pa nila ang hustisya para sa kanilang ina na namatay habang ang kanilang ama ay dinukot at hanggang ngayon ay hindi nila alam kung buhay pa ba ito o patay na.
Sa nangyaring aksidente, silang magkapatid lang ang nabuhay. Ang dating masagana at marangyang buhay nila ay biglang nawala sa isang iglap lang.
Nang matapos maggayak si Roselle ay pumasok na siya sa trabaho niya. Naupo siya kaagad sa working station niya at ginawa na ang mga trabaho niya.
Naagaw ang atensyon nila nang pumalakpak ang supervisor nila.
“Good morning everyone,” wika ng supervisor nila. Tumayo naman silang lahat para harapina ng supervisor nila. “Ngayong araw ang dating ng Presidente ng kompanya. Sasalubungin natin siya at kailangang may isang magbibigay sa kaniya ng bulaklak. Tatlong taong hindi umuwi ng bansa ang Presidente ng kompanya dahil naging abala ito sa business niya sa ibang bansa. Lahat tayo ay pupunta sa function hall para salubungin ang pagdating niya.” wika ni Mrs. Capinpin.
Nagbubulungan na ang mga katrabaho ni Roselle kung sino ang gagawing representative ng department nila para personal na salubungin ang Presidente ng kompanya.
“Miss Vasquez,” tawag ni Mrs. Capinpin.
“Yes ma’am?” sagot kaagad ni Roselle.
“Ikaw ang personal na magbibigay ng bulaklak sa Presidente.” Nanlaki ang mga mata ni Roselle dahil bakit siya na naman? Marami naman sila sa department nila, bakit siya pa ang nakita?
“Bakit ako?” tanong niya.
“Tatanggi ka? Ikaw ang madalas humarap sa mga big client ng kompanya. Ikaw din ang humaharap minsan sa mga nasa higher position. Ikaw na ang may experience kaya ikaw ang haharap sa presidente mamaya. Huwag mo kaming ipapahiya.” Napapabuntong hininga na lang si Roselle. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatan na tumanggi.
Lahat sila ay nagtungo na sa function hall para i-welcome ang presidente nila. Hindi pa nakikita ni Roselle ang presidente ng kompanyang pinagtatrabahuan niya dahil dalawang taon pa lang siyang empleyado rito.
Nasa upuan na ang mga katrabaho niya habang siya ay nasa likod ng malalaking kurtina, hawak-hawak ang malaking bouquet na ibibigay sa presidente. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Roselle dahil hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya.
Narinig niya ang palakpakan ng mga nasa ibaba, marahil ay dumating na ang presidente nila. Hinihintay lang ni Roselle ang hudyat para ibigay ang bouquet. Nagbigay pa naman ng speech ang presidente nila at nagpapasalamat ito sa pagwelcome sa kaniya.
Itinatapik-tapik ni Roselle ang heels niya sa semento.
“Please, tanggapin mo ang bulaklak na handog namin para sayo sir.” Saad ng host. Lumabas naman na si Roselle sa likod ng kurtina at naglakad na papuntang stage. Nakangiti siyang tiningnan ang lalaking nasa harapan pero ng makita niya ito ay biglang nawala ang matamis na ngiti sa mga labi niya. Lalong kumabog ng malakas ang puso niya dahil hindi niya maaaring makalimutan ang mukha ng lalaking yun, five years ago.
Gusto nang umatras ni Roselle, gusto niya nang tumakbo paalis ng function hall. Dalawang metro na lang sana ang layo niya nang bigla siyang matipalok dahilan para mawalan siya ng balanse.
Napatayo ang mga empleyadong nasa ibaba dahil sa takot para sa kaniya. Mabilis namang sinalo ni Darius si Roselle. Nanlaki ang mga mata ni Roselle, ramdam niya ang mga kamay ni Darius na nakaalalay sa kaniya. Napayuko na lang siya dahil natatakot siyang makilala siya ng lalaking nakasama niya noong gabing yun. Paano kung alisin siya sa trabaho niya dahil sa nakaraan niya?
“I’m sorry sir!” hinging paumanhin niya saka siya yumuko na halos maabot niya na ang sahig. Tumikhim lang naman si Darius.
“Ibibigay mo ba yung bulaklak o yuyuko ka na lang diyan?” bulong ng isang lalaki kay Roselle. Mabilis na tumayo si Roselle saka ibinigay kay Darius ang mga bulaklak habang nakayuko siya. Nang tanggapin iyun ni Darius ay mabilis siyang umalis at nagtago sa likod ng mga kurtina.
Napahawak si Roselle sa dibdib niya dahil halos marinig niya na ang lakas ng tambol ng puso niya. Napailing siya. Iniisip niya kung nakilala ba siya ni Darius. Napapikit na lang si Roselle saka niya tinakpan ang mukha niya. Bakit sa dami ng taong pwedeng maging boss nila, bakit ang lalaking ama pa ng kaniyang anak?
Umiling si Roselle, hindi ito maaari. Hindi niya hinanap ang ama ng anak niya sa nakalipas na limang taon. Hindi niya akalain na ang ama ng anak niya ay isa sa pinakamayaman sa bansa.
Nang matapos ang pa-welcome nila kay Darius ay bumalik na sila sa mga department nila.
“Roselle, anong nangyari? Bakit ka natipalok?” wika ng supervisor nila. Napapayuko na lang si Roselle.
“I’m sorry ma’am,” tanging nasabi niya na lang. Napapabuntong hininga naman si Mrs. Capinpin.
“Ayaw ko ng maulit yun. Hindi niyo kilala ang ugali ng Presidente natin. Magpasalamat ka na lang dahil hindi ka niya pinahiya kanina at hindi ka niya hinayaang matumba.” Tumango na lang si Roselle. “Kunin mo ang mga papeles na ‘to. Ihatid mo rin yan ngayon sa office ng presidente.”
“What?!” gulat na sigaw ni Roselle. Bakit siya na naman?
“Huwag ka ng magreklamo at dalhin na lang yan sa office niya.” maawtoridad na utos ni Mrs. Capinpin. Wala namang nagawa si Roselle kundi ang kunin ang mga papeles.
Tahimik lang si Roselle habang nasa meeting sila. Ginagawa niya naman ang lahat nang sinasabi ng boss niya. Gumawa siya ng minutes of meeting. Ramdam niyang kumukulo na ang tiyan niya dahil sa gutom. Kung bakit ba naman kasi may meeting pa sila gayong lunch break niya. Napapabuntong hininga na lang si Roselle. Mukhang magiging impyerno ang buhay niya kasama ng bago niyang boss.Okay naman siya sa trabaho niya sa marketing department. Napagkakasya niya naman ang sahod niya sa mga bills nila, may sobra pa nga.Hindi na makapagfocus si Roselle sa ginagawa niya dahil panay na ang pagkulo ng tiyan niya. Kahit na nagugutom na siya ay pinilit pa rin niyang magawa ng tama ang trabaho niya. Hindi na baleng mahirapan at magutuman siya sa bago niyang trabaho, huwag lang siyang mawalan ng trabaho.Makalipas ang dalawang oras ay natapos din ang meeting nila. Napapanguso na lang si Roselle dahil nagugutom na talaga siya. Alas dos na ng hapon pero hindi pa siya kumakain ng tanghalian.“Let’s go,” wi
Napilitan naman si Roselle na pumunta sa office ng Presidente nila. Kumatok na muna siya bago pumasok pero nagulat na lang siya nang marinig niya ang sigaw ni Darius.“Is this your first time to work here?! Confidential files yun, bakit hindi mo magawa ng tama ang trabaho mo?!” galit na sigaw ni Darius. Napapalunok naman si Roselle dahil sa matinding galit ni Darius.“I’m sorry sir, hindi ko na uulitin. Gagawin ko na ng tama ang trabaho ko. I’m really sorry.” Umiiyak nang saad ng babae saka ito lumuhod.“Bullshit!” sigaw ni Darius saka nito inihagis sa sahig ang mga papeles. “Sisiguraduhin kong hindi na talaga ‘to mangyayari dahil ito na ang huling araw mong magtatrabaho dito.”“No, sir, please, I’m begging you.” Pagmamakaawa ng babae.“Leave! I don’t want to see your face here anymore!” galit na sigaw ni Darius sa secretary niya. Umiiyak naman ang babae saka ito nagmamadaling lumabas. Napalunok si Roselle. Pakiramdam niya ay napako na siya sa kinatatayuan niya. Mahigpit niyang hinawa
Limang taon na ang nakalipas simula nang mangyari ang gabing yun. Masakit man para kay Roselle na ibinigay niya ang unang gabi sa lalaking hindi niya kilala, masaya na rin siya dahil naipagamot niya ang kapatid niya kaya nakakapaglakad na ulit ito. Napag-aral niya ang sarili niya ganun din ang kapatid niya.Ngayong dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa.“Good morning mommy!” masiglang bati ng apat na taon na anak ni Roselle. Matamis siyang napangiti saka niya niyakap ang anak niya, ang batang naging bunga ng gabing iyun.“Good morning my little prince,” bati rin ni Roselle. Naging single mom siya pagkatapos ng nangyari sa kaniya pero ang anak niya ang pinakamasayang naging bunga ng gabing yun.“Magpapakabit ka sa uncle Jonell mo okay?” bilin nito. Ngumiti at tumango naman si Ethan.“Yes mommy, I promise. Magpapakabait ako kay uncle Jonell.” Magalang na sagot ni Ethan. Ginulo naman ni Roselle ang buhok ng anak niya saka niya ito pinaupo sa upua
Ipinasok na si Roselle sa isang kwarto. Malakas na ang kabog ng puso niya dahil sa kaba at takot. Nakita niya ang matandang nakabili sa kaniya. Ayaw niyang ibigay ang sarili niya. Ayaw niyang sa ganitong paraan kitain ang perang pangpapagamot sa kapatid niya.Nang makita niya ang bottled water na nasa gilid ng kama ay ininom niya iyun dahil pakiramdam niya ay tuyong tuyo na ang lalamunan niya. Lingid sa kaalaman ni Roselle na may droga iyun kung saan makakaramdam siya ng pang-iinit ng katawan at hilo.Pumasok naman si Madam Ruth.“Ito lang ang tatandaan mo, Roselle. Oras na sinaktan mo ang customer mo at hindi ka sumunod sa mga gusto niya, hindi mo makukuha ang commission mo kahit na nakuha na ng customer mo ang gusto nila. Hindi ka pwedeng magreklamo dahil oras na hindi nasatisfied ang customer mo, wala kang makukuhang pera.” Bilin ni Madam Ruth saka ito lumabas. Mabilis namang tumakbo palabas si Roselle nang bukas pa ang pintuan.“Habulin niyo!” sigaw ni Madam Ruth. Nakaramdam naman
Kanina pa palinga-linga sa paligid si Roselle. Pakiramdam niya ay may mali sa agency na pinasukan niya. Marami silang mga kababaihan ang nakapila at pinipili lang ang mga pinakabata at magaganda. Wala rin siyang makitang mga lalaki na aplikante.Akma na sanang aalis si Roselle para sa iba na lang maghanap nang trabaho nang tawagin ang pangalan niya. Pinapasok na siya sa loob at tiningnan lang ang katawan at itsura niya. Nang makita niyang tumango lang ang babaeng nasa middle age ay akma na sana siyang aalis nang pigilan siya ng isang babae.“Saan ka pupunta? Akala ko ba kailangan mo ng trabaho?”“Oo, pero yung normal na trabaho. Ano bang trabaho ang ibibigay niyo?” kinakabahan na tanong ni Roselle, she’s only 20 years old.“Ito na yun, binibigyan ka namin ng trabaho na mabilis lang. Isang gabi lang ang trabaho niyo at malaking pera ang makukuha mo. Ang sabi mo ay kailangang kailangan mo ng trabaho para sa kapatid mong hindi makapaglakad, hindi ba? Ngayon ka pa ba aatras?” napalunok si