Share

07

Hindi ko talaga akalain na sinabi nya 'yon, ano ba talagang problema nya? Ako na nga ang pumunta rito sa kanila tapos mukhang ayaw nya pa akong makita, kapag nakaharap ko ang lalaking 'yon humanda sya sa'kin dahil bubugbugin ko sya.

"Hija, hinay hinay ka lang dahil baka mamaya super saiyan ka na." Rinig kong sambit ng driver.

Napailing na lamang ako at saka muling sumulyap sa veranda, napansin kong may sumilip kaya biglang napakunot ang noo ko. Kung hindi ako nagkakamali 'yon ay isang babae.

"Pasensya ka na talaga, sa susunod ka na lang pumunta dahil inaasikaso ni Sir Tristan ang bisita nya." Sambit pa ng maid, napatango na lamang ako.

"S-sinong bisita?" Utal na tanong ko.

Napalingon ako sa veranda kanina kung saan ko nakita ang isang babae, napayuko ako ng mapagtantong kwarto 'yon ni Tristan. Imbes na magsalita pa tumalikod na lamang ako at saka naglakad papalayo sa gate, agad ko rin pinunasan ang aking mukha ng biglang may tumulong luha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status