After her family's company went bankrupt, Lorelie Gonzales was forced to marry a man rumored to be an old, ugly man. Lorelie didn't let herself get controlled by the people around her and run away. Alam niyang wala na siyang pakatutunguhang iba dahil alam niya kung gaano kasakim ang ina niya kaya nagpunta siya sa bar. There, she made the dance floor on fire as she started grinding her hips. Little did she know, fate has something to give her that ended her to have one night with a hot stranger.
view more"Lazaro Gonzales didn't make it. I'm sorry for your loss."
Napapikit si Lorelei nang maalala ang eksenang iyon sa hospital. Nailibing na ang ama niya ngunit nandito parin siya at hindi mawala-wala ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng ama. Nasa kuwarto siya ng mga magulang niya habang yakap-yakap ang litrato nito sa dibdib niya, nagluluksa sa ganoong paraan. "Papa, bakit? Bakit mo ako iniwan dito? Paano nalang ako? Sino nalang ang magtatanggol sa akin? Sino nalang ang magmamahal sa akin, papa?" Sa isang iglap ay naramdaman nalang ni Lorelei ang mainit na likidong umagos mula sa mga mata niya. Nasasaktan siya at hindi niya iyon kayang itanggi pa. Mahal na mahal niya ang ama niya. Kahit na may ina naman siya ay ito na ang nagparamdam sa kanya ng isang pagmamahal na hindi niya nakuha sa ina. Kaya ngayon na nawala na ang ama ay hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin sa buhay niya. Mabilis ang mga naging pangyayari. Noong mga nakaraang buwan lang ay masaya sila ng ama niya. Kahit pa ay hindi siya mahal ng ina niyang si Matilda at ayaw nito sa kanya ay hindi niya maiwasang magpasalamat sa ama. Ito ang tumayong ama at ina niya kahit nandiyan naman ang ina niyang si Matilda. Mula nang mamulat siya sa mga bagay-bagay sa mundo ay ipina-realize na ng ina niya na ayaw nito sa kanya. Kahit na ano pang pilit na pagpanalo ni Lorelei sa pagmamahal sa ina ay hindi niya iyon magagawa dahil ayaw nito sa kanya. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglaan na lamang bumukas ang pinto at nadatnan niya ang nakababata niyang kapatid na si Ingrid. "Lumabas ka. Tinatawag ka ni Mommy sa hapag." 'Yon lang at padabog na nitong isinara ang pinto. Napabuntong-hininga nalang si Lorelei at tumayo na. Isa sa pinaka-ayaw ng ina niya ay yung tinatawag siya nito pero hindi siya nakikinig. Kaya ngayong ipinaalam na ng kapatid niya mismo na tinatawag siya ng Mama Matilda niya ay mabilis na siyang bumaba at nagpunta sa hapag. Ayaw niyang galitin ang ina niya na alam niyang ilang araw ring walang tulog dahil sa pagkamatay ng asawa. "Ma, tinawag niyo raw po ako?" magalang na wika ni Lorelei sa ina na siyang ikinatango nito. "Umupo ka, Lorelei. Ilang araw kang walang maayos na kain kaya kumain ka na. Namamayat ka na. Hindi matutuwa ang ama mo kapag nalaman niyang pinapabayaan mo ang sarili mo at baka sabihin ay pinapabayaan kita," wika ni Matilda na siyang mabilis na ikinaluha ni Lorelei. Hindi niya aakalain na magiging maganda na ang pakikitungo ng ina niya sa kanya. Isang beses nang mamulat sa mundo ay hindi niya ito kailanman nakitang naging mabuti sa kanya. Kaya ngayon na tila ay nag-aalala ito sa kalusugan niya ay hindi maiwasan ni Lorelei ang mapaluha nalang. "Ano pang ginagawa mo r'yan? Umupo ka na. Pangit na nga, tanga pa," naging patutsada ng nakababatang kapatid niya na siyang ikinabalik ni Lorelei sa reyalidad. Si Matilda naman na narinig iyon ay mabilis nang pinandilatan ng mata ang anak. Naging mabuti lang siya kay Lorelei dahil may gagawin siya mamaya sa dalaga. Ito lang ang magiging daan para maisalba ang kompanya nila at nang hindi na sila mamulubi pa. "Sige na, anak. Umupo ka na at kumain na," pekeng wika pa nga ni Matilda. Nang makita ang pagkagulat ni Lorelei sa tinuran niya ay doon na siya napapangiti. Hinapit niya sa isang yakap ang dalaga at saka nagsalita, "Pasensiya na at hindi ako naging mabuting ina para sa 'yo, anak. Pasensiya na. Ngayon ko lang napagtanto na ang sama-sama kong ina at hindi kita nagawang mahalin. Nahihiya ako sa 'yo dahil hindi ako naging mabuti sa 'yo, anak," umaaktong wika pa nga ni Matilda na siyang mabilis lang na ikinailing-iling ni Lorelei. "Okay lang po, 'Ma. Hindi ka masama. Ang importante po ay okay na po tayo ngayon," nakangiti pa ngang wika ni Lorelei sa pag-aakalang naging totoo ang ina niya sa sinabi nito. Lingid sa kaalaman niya ay nagpapanggap lang pala ang ina na mabait sa kanya dahil may kailangan ito sa kanya. Kahit si Ingrid na narinig ang pekeng mga salita ng ina ay napapairap nalang sa ere, bagay na siyang ikinasama ng tingin ni Matilda. Nag-aalala siyang baka makita iyon ni Lorelei at makatunog sa magiging plano nila. Kumalas na sa yakap si Matilda at saka ngitinian na si Lorelei. "Kain na, 'nak. Baka nakatingin si Lazaro ngayon at magalit sa akin. Baka masabi niyang pinapabayaan kita," umaaktong wika ni Matilda na siyang ikinangiti na ni Lorelei. Doon nga ay nagsi-upuan na sila. Nanatiling nakatayo si Matilda at nilagyan na ng kanin ang plato ni Lorelei bago ito tinapik sa balikat. "Kumain ka nang mabuti, ha?" wika pa nito bago umupo. Si Ingrid na nakita iyon ay nanlaki na ang mga mata. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ng ina sa kapatid niya. Napapairap nalang siya ere at hinayaan na ang ina na gawin ang mga bagay na iyon sa kapatid niya. "By the way, anak. Malaki ang naging problema natin dahil sa pagkahospital ni Lazaro. Nabaon tayo sa utang at bumagsak ang kompanya natin. Pero 'wag kang mag-alala. May nahanap na akong paraan para maisalba pa ang kompanya natin at nang huwag na tayong mamulubi pa sa gutom," biglaang pag-open up ni Matilda sa plano niya na siyang ikinatango ni Lorelei. "Mabuti naman, 'Ma. Akala ko ay maghihirap na tayo dahil masyadong malaki ang nagastos sa hospital," wika pa ni Lorelei na siyang ikinatigil na ni Matilda sa pagkain. "Hindi mo manlang ba tatanungin kung ano ang solusyon na nakuha ko?" Napakurap-kurap si Lorelei sa naging tinuran ng ina. "A-Ano po 'yon?" nauutal nang wika ni Lorelei na siyang peke nang ikinangiti ni Matilda. "Si Mr. Smith. May deal kami kahapon lang. Tutulungan niya tayong maisalba ang kompanya kapalit ng pagpapakasal mo sa kanya. Binili ka na niya sa akin kaya hindi ka na makakahindi pa, Lorelei," anunsyo na ni Matilda at doon ay umani ang masamang halakhak sa buong bahay na nagmula kay Ingrid.Matapos magsawa kakatingin sa loob ng kuwarto ay lumabas din ng silid si Lorelei para maglibot din sa buong mansyon. Naabutan niyang nakapan-dekuwatro si Griffin habang nakaupo sa mahabang sofa hawak-hawak ang diyaryo na alam niyang matamang nagbabasa sa nakalagay sa naturang basahin.Hindi na inabala pa ni Lorelei ang lalaki at nilapitan na ang mayordoma na alam niyang kabisado na ang pasikot-sikot sa mala-palasyong bahay ng mga Cabanilla."Manang," ani Lorelei pagkalapit na pagkalapit niya sa mayordoma. Alerto naman itong napalapit sa kanya kasama ang iilang nakahanay na mga kasambahay."Ano po 'yon, young lady?" wika pa ng mayordoma na siyang nagpaestatwa sandali kay Lorelei. Hindi siya sanay na tawaging young lady. Kahit noong may kakayahan pa sila sa buhay ay hindi niya hinahayaan ang iba na pagkabigyan siya ng special treatment dahil lang sa may kakayahan siya. Ngayong tinawag siyang young lady ay tila nahihiya siya, lalo na ngayong nakikitira nalang siya."Naku, 'wag na po yung
Pagkapasok nila sa mansyon ay tila nagsitayuan na ang balahibo ni Lorelei nang madatnan ang mga nakahilerang mga kasambahay suot-suot ang pare-parehas na uniform ng mga ito. Kahit ang mga lalaki na alam niyang tauhan ng pamilya ni Griffin ay nakahilera na sa tabi ng mga kasambahay."Welcome to Mansion de Cabanilla, young lady," sabay-sabay na wika ng mga kasambahay at ng mga lalaking nakahilera bago napapayuko na siyang tila ay nagpatayo na sa balahibo ni Lorelei. Hindi niya aakalain na magiging ganoon ang madadatnan niya pagkarating sa mansyon. Alam niyang hindi siya karapat-dapat na galangin pero ang paggalang na ibinigay ng mga ito sa kanya ay tila nagpapaluha na sa dalaga.Si Griffin naman na nakita iyon ay napapaangat na ang sulok ng labi. Hinapit na niya ang baywang ng dalaga at saka na ito iginiya papasok sa mansyon."Ang sosyal naman ng mga tauhan niyo," nakabungisngis na wika ni Lorelei.Ganoon nalang ang pagkawala ng ngisi sa labi niya nang mapansin na hindi na naman siya pi
Habang bumabyahe sila papunta sa mansyon na siyang titirhan na nila mula ngayon ay hindi nalang maiwasan ni Lorelei ang makabahan. Iniisip kasi niya na baka pagdating nila sa mansyon ay hindi siya magustuhan ng pamilya ni Griffin. Sino nga lang ba siya? Isa lang naman siyang hamak na babaeng nakikisampid sa pamilya nila. Mayaman ang pamilya ng lalaki kaya alam niyang mayaman din ang gugustuhing magiging kabiyak ng anak nila.Samatala, si Griffin naman, kahit ang tingin ay nanatiling nasa kalsada, ang tainga at atensyon nito ay na kay Lorelei parin. Hindi man niya sinasadya ay alam niyang biglaan nalang mapapansin ng katawan niya ang lahat ng nagiging reaksyon ni Lorelei sa tabi niya."Kinakabahan ka?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Griffin sa dalagang kanina pa hindi mapakali sa tabi niya.Si Lorelei naman ay hindi na maiwasang mapakurap-kurap. "S-Sinong kinakabahan? Natatakot lang ako na baka ay kung saan mo ako dadalhin. Malay ko ba kung ano nang nasa kukote mo. Hindi pa naman kita ki
Mabilis na namula ang pisnge ni Lorelei sa narinig. Alam niyang kasunduan lang ang lahat pero heto siya at kinikilig sa sinabi ng binata sa kanya. Heto siya at iba ang naging hatid ng pag-alok ng binata sa kanya kasal.Muling nagpeke ng ubo si Lorelei at saka muling tiningnan ang papel."Rule no. 3, you will live with me in the mansion and will follow my order," pagbasa niya at saka ay mabilis na napapatingin sa lalaki para ipakitang tutol na tutol siya sa ikatlong rule."Bakit kailangang sa mansyon tayo titira? At dapat ay sundin ko ang lahat ng utos mo? Ha! Hindi ako utusan---"Hindi paman tapos sa pagsasalita si Lorelei ay mabilis nang kinuha ni Griffin ang papel."Kung ayaw mo, edi 'wag---"Bago paman makapagtapos sa sasabihin si Griffin ay padabog nang nagsalita si Lorelei."Oo na! Papayag na ako na sa mansyon tayo titira pero tanggalin mo yung susundin ko lahat ng utos mo. Ayaw ko no'n," napipilitang wika ni Lorelei. Wala siyang matutunguhan pa kaya kung tatanggihan niya ang off
"Rule no. 1, no feelings attached," unang pagbasa ni Lorelei sa unang nakasulat sa papel."As you can see, I have my beloved girlfriend---""Kung may girlfriend ka naman pala, edi sana ay siya nalang ang binuntis mo," pabalang na wika ng dalaga sa lalaki na siyang kaagad na ikinasalubong ng kilay nito."Anong magagawa ko? Ibinuka mo na ang mga hita mo sa akin at may nabuo na tayo kaya wala na tayong kawala," prankang wika ni Griffin na siyang mabilis na ikinamula na ng pisnge ng dalaga."Aba! Malay ko bang tanga ka! Sino ang lalaking makikipagsiping nang walang kahit na anong proteksyon na suot? Ikaw lang!" patutsada naman ni Lorelei na siyang mas lalo lang na ikinasalubong ng kilay ng lalaki.Nang mapansin niyang tila ay nagiging masamang damo na ang lalaki ay mabilis niyang hinawakan ang tiyan niya, bagay na siyang nagpapikit nalang sa lalaki sa tabi niya."Ano? Okay ka na ba sa rule no. 1?" kapagkuwan ay pagtatanong ng lalaki sa kanya."Ang dali lang naman niyan. Wala na bang mas i
Ganoon nalang ang pagsinghap ni Lorelei nang pagsilip niya sa condo unit ay sumalubong sa kanya ang nagsasalubong na kilay ni Griffin."Ilang oras pa ba kitang aantayin bago ka tuluyang makapasok dito sa loob? Or... should I carry you for us to start on our business? I'm eager to finish this one," naging wika na ni Griffin na siyang mabilis na ikinataranta ni Lorelei papasok na sa loob ng condo unit."Oo na! Papasok na! Hindi makapag-antay," umuungot-ungot na wika ng dalaga na siyang mas lalong nagpasalubong na sa kilay ni Griffin."Anong hindi makapag-antay? I already waited for an hour. Do I still need to wait for another fucking hour to talk to you?"Napapatabingi na ang ulo ni Lorelei. "Usap lang ang gagawin natin?" paninigurado niya na siyang ikinataas na ng kilay ni Griffin at saka ay napapangisi na."What? Do you want us to do something other than talking?"Dahil doon ay mabilis nang napapamula ang mukha ni Lorelei at saka ay napapanguso nalang."Lock the door," deritsahang uto
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments