"Nelia, masaya ako dahil nakapunta ka dito ngayon." Nakangiting sambit niya, kasabay nito ang pagyakap niya sa akin. Hindi ko lubusan maintindihan kung bakit ang saya niya. May nangyari kayang maganda sa kaniya? O hindi naman kaya, pwede na siyang makalaya? Imbis na mag-over think. Dapat magtanong na lang ako."Ahm, Mylene, kumusta ka dito? Maayos lang ba ang lagay mo dito?" Pag-aalalang tanong ko. Aaminin ko na dala ko pa rin ngayon ang sakit na ginawa sa akin ni, Anderson. Ngunit, pinipilit ko itong pigilan."Oum, maayos lang ako dito. Sinusuportahan ako ng batas, kaya ayos lang." Sagot pa niya na may ngiti pa rin sa labi. Tanging sagot ko naman sa kaniya ay matamis kong ngiti."Nelia, huwag kang ngumiti kung hindi ka masaya." Ikinagulat ko bigla ang kanyang sinabi. Oo nga pala, kilalang kilala niya ako kaya hindi ako makakapagsinungaling sa kaniya."Ahm, Mylene ayos lang ako." Pagpapalusot ko."Ikaw talaga, Nelia. Hindi ka naman makakalusot sa akin, dahil kilala kita. Matagal na t
•••Ito na ang itinakdang oras para gawin ang mission. Hindi ko na rin nagawang makipagusap kay, Anderson. Hindi ko na muna siya kinontak. Ilang oras din namin ginawa ang lahat. Kahit mahirap ay nagsumikap pa rin ako. Kailangan na kailangan ang bagay na 'to kahit na anong mangyari. Mabuti na lang, lahat ng kwenento ni Mylene. Pasok na pasok sa mga ginawa namin. Matapos nito, muli kaming bumalik sa presento. Salamat talaga kay, Attorney dahil ilang oras niyang sinamahan ang kaibigan namin. Maya-maya pa, ibinigay agad ni, David, ang video' kinuha niya sa amin. Sabay sabay namin itong pinanood. Lahat naman ay naging maayos at klarong klaro. Pinakita nga rito kung paano nangyari ang lahat. Kalaunan pa, napangiti na lang si Attorney habang pinapanood ito."Magaling, lahat nagawa niyo. Sa makalawang araw, magaganap na ulit ang paglilitis. Sa ebedensiyang hawak natin ngayon. Wala ng lusot ang kontra natin. David, and Nelia, maraming salamat dahil hindi na rin kami mahihirapan pa ni, Mylene.
"Nelia, I'm going home. Be careful and have a good night." Hmmm, akala ko kung ano na salamat naman at nagpaalam lang siya. "Oum, sige, salamat, David. Good night din, tapos mag-iingat ka din ahh." Sagot ko naman na may ngiti sa labi. Ikinaway niya ang kamay niya matapos ay bumalik siya sa loob ng sasakyan niya. Habang ito naman si, Anderson, walang ibang magawa kundi ang manahimik. Subalit, ang tahimik na ito ay puno ng lamig na may kaunting galit pa rin. Siguro nga minsan hindi madaling maintindihan ng mga babae ang lalaki. Tulad ko na lang, minsan hindi ko siya maintindihan nang maayos. Basta alam ko lang nagseselos siya kahit wala naman akong ginagawang mali. Wait a minute! Kailangan ba talaga niyang magselos, sa ganito lang? Tsk! Manahimik na lang siya dahil, nanahimik na lang din ako kahit may ginawa siyang hindi maganda. Tuluyan akong naglakad upang makapasok. Hindi naman ako pinigilan ni, Anderson. Ngunit, nasa likod ko siya na parang binabantayan ako. Hanggang sa tuluyan
ANDERSON STILL POV.Dahan-dahan akong nakaramdam ng aking pagbagsak. Hanggang sa, tuluyan akong nagkamalay. Dito ko lang napagtanto, na nakatulog pala ako ka-gabi, dito sa tapat ng kwarto namin ni, Nelia. Dali-dali akong tumayo, kahit ako nakaramdam ako ng kahihiyan ngayon kay, Nelia. Na hindi naman dapat diba? Halos hindi ko ma-itama ang aking mga mata sa mata niya. Nais ko siyang mahawakan, mayakap at mahalikan. Ngunit, tila'y hindi maaari dahil sa pagtumbad namin ngayon sa isa't isa, lamig niya ang aking naramdaman. Kahit, hindi ko siya tinitigan. Yes, naka-yuko lang ako. Hindi ko man lang magawang igalaw ang dila ko upang magsalita. Kahit, may nais na sabihin at ilabas na salita ang aking utak at bibig. Ganun din ang hinanaing ng puso ko."Ano ba ang ginagawa mo diyan? May kwarto pa naman diba? Kailangan bang diyan ka pa matulog? Bakit, sa tingin mo ba maawa ako sayo, Anderson? Kung maaari lang umalis ka na diyan dahil nakaharang ka lang sa daan." Umagang umaga, ang sakit agad ng
"Oum. Kailangan." "Ganun ba?" "Sana, naniniwala ka na sa akin, Nelia. Dahil, kilala mo na ako, hindi ko magagawa sayo ang bagay na 'to. Alam ko naman talaga na naniniwala ka sa akin. Pero, pinipigilan mo lang. Isa pa, gusto lang naman sirain ni, Menda ang lahat. Gusto ka lang niyang mawala sa akin. Nelia, I'll promise, na hindi mangyayari 'yon, because I love you so much. Hindi ako papayag na Basta ka na lang mawala sa akin." I said with my smooth tone. Matapos ay isinara ko na ang laptop. I hope, she believes me now. Napansin ko na dahan-dahan na naman mahuhulog ang butil sa mga mata niya. I hug her tight. I feel comfortable, mabuti na lang din ay hindi niya inalis ang kamay ko sa pagkayakap ko sa kaniya. Ngunit, humagulhol ang kanyang iyak. Pilit ko siyang pinatahan at hinalikan ng paulit-ulit sa kaniyang ulo. Hanggang sa, humarap siya sa akin ay niyakap ako pabalik. Subalit ang kaniyang mga luha ay hindi pa rin tumitigil sa pagbuhos. "Love, natatakot ako. Natatakot akong ma
"Ahm, later I have a meeting. But, hindi naman masyadong importante so it's okay for me, to stay with you." Ngayong ayos na si, Pengpeng. Ayos lang din sa akin na unahin niya naman ang trabaho niya. "Love, hindi naman sa ano ahh. Pero kasi, minsan kailangan din natin na unahin ang ibang bagay kaysa sa ating dalawa. Ayos lang naman sa akin, basta huwag ka lang gumawa ng bagay na makakasakit sa akin. Love, asikasuhin mo rin ang trabaho mo, ang family mo. Importante din 'yon bukod sa akin." Mahinahon kong tugon sa kaniya. DAVID POV. Hindi ako nakapunta sa hospital, dahil nandito ako ngayon sa presinto. Kailangan kong unahin na maasikaso ngayon si, Mylene. Dahil, bukas na ang huling paglilitis. Mas naisip ko rin na mas mabuting kasama ko si Mylene pagbisita kay, Pengpeng. Kaya ngayon pa lang kailangan kong gawin ang lahat para mailabas na dito ang kaibigan ko. Tiyak na hinihintay niyang makita si, Mylene. Dahil si Mylene naman ang palagi niyang nakakasama. By the way, masyado akong
NELIA POV. --- ANOTHER DAY (ANG HULING PAGLILITIS)Maaga akong nagtungo sa korte upang subaybayan ang lahat ng pwedeng mangyari. Hindi ko na muna sinama si, Anderson dahil marami siyang dapat gawin at unahin. Ngayon naman ay kasama ko si David. Ilang oras na lang mag-uumpisa na ang lahat. Kanina pa nakahanda sina Mylene at attorney Gab. Ganun din ang kabilang partido. "David, sa tingin mo magiging matagumpay kaya tayo?" Pagsira ko sa katahimikan na pumapagitan sa aming dalawa. Ramdam ko lang ang lamig dahil sa tahimik."Nelia, magiging maayos ang lahat. Dahil, ibinigay din natin ang lahat upang gawin ang bagay na 'yon. Let's trust our self especially Mylene. I trust na makakalabas na siya sa araw na ito." Kalmado niyang sagot habang nakangiti ito. Ngunit, nasa malayo ang kaniyang tingin. Gayunpaman ramdam ko pa rin ang pagiging malakas ng kaniyang loob."David, kapag makalaya na si Mylene. Pwede bang dumeretso tayo kay Pengpeng? Kasi, kahapon lahat na lang ng sinasabi niya pala
"Ano naman 'yan Attorney Gab? For sure, wala naman kwenta ang ang bagay na 'yan." Hambog pa rin ang lalaking 'to. "Your honor, may hawak po akong mahalagang ebedensiya sa kamay ko. Kung maaari ay panoorin niyong lahat ito." Nakangiting tugon ni Attorney Gab, habang itinaas ito. Kalaunan lang, kinuha ito ng isang secretary at parang ikinonek sa isang malaking screen kung saan ay makikita ng lahat. Nang tuluyan na itong mag play, lahat ay ikinagulat. Nakaguhit sa mukha ng lalaking 'yon ang mas lalong pagkatakot, pati na rin pagka-dismaya ng kanyang attorney. Tila'y bumahid ang galit ng maraming tao habang nakikita ang video na 'to. Kahit din naman kami ni, Dave. Sa wakas nakita na rin nila ito. "Ano 'yan? Ibig sabihin hindi si miss Mylene ang pumatay?""Sandali, paano naman nangyari 'yan? Hindi ba't may ebedensiya na?""Nagkamali tayo ng hinusgahan, ito na ang maliwanag na ebedensiya! Pero, sabi nila wala naman raw CCTV sa mga oras na 'yon, kaya paano?""Tama, kailangan niyo pa rin i
"Ohh, anyari do'n? Narinig lang naman niya na bulong bulongan ka ng iba, tapos magtataray siya?" Inis na wika ni Mylene. "Ahm, hayaan niyo na lang. Isa pa, ayaw ko din ng gulo. Iwasan natin ang gulo rito, nakakahiya inimbita niya tayo rito. Kaya, umayos na lang tayo sa galaw natin." Kalmadong aniya ko naman. "Ohh, siya sige. Hayaan na lang natin, total lumabas na rin siya baka mag-announce na siya sa gusto niyang sabihin." Dagdag pa ni Peng. "Oum, baka nga," sabay ngiti ko. "Huwag kang mag-alala, kahit ano pa ang sabihin niya o gawin niya. Kami ang bahala sayo Nelia," pag-aalala ni Mylene. "Oum," sabay tango ko. "Okay everyone, good evening. Now, mag-uumpisa na tayo. Narito na ang ating birthday girl, na parang isang anghel na bumaba sa lupa. Nakikita naman sa kaniyang itsura na minana pa sa kaniyang Ina." Mahabang sanaysay ng isang lalaki sa harapan at nakangiti pa. "Sus, anong anghel ang sinasabi niya? Baka nga may sungay pa, tsk!" Pabulong na inis ni Peng. Agad ko naman s
"Hmm, hello po Tita." Mahinhin na wika ko. Ito ang Ina ni Menda. Katulad pa rin nang una, iba pa rin ang pakiramdam ko sakaniya. Sa Oras na ito, tila'y gusto ko siyang yakapin. Ang Gaan nang pakiramdam ko. Tama na nga self, mukhang may mali na sayo! "Nelia, mabuti na lang at naka-dalo ka. Akala ko bibiguin ako ni Anderson. But now, I'm very happy dahil nandito ka." Nakangiti na wika niya. Pakiramdam ko na dadala ako sa mga sinasabi niya. "Ahm, opo. Nag-usap po kami ni Anderson tungkol rito. Maraming salamat din po sa pag-imbita." Nakangiting wika ko rin sa kaniya. Ikinagulat ko ang biglang ginawa niya. Muli niyang ginawa ang paghawak niya sa mukha ko. Ginawa na niya ito sa hospital. Eiii KALMA lang self, wala naman ibang meaning ang pakiramdam na 'to! Please, lang tama na ginugulo mo lang ang pakiramdam ko. Agad akong umiwas sa paghimas niya sa mukha ko. "Pasensya na po Tita. Ahmm, baka hinahanap na rin po kayo ni Menda. Sige na po, ayos lang po kami rito. Mag-iing
Na una si Anderson sa birthday ni Menda. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ngayong araw. Hindi ko naiintindihan ang tibok ng puso ko. Sobrang gulo, nag-aalangan tumuloy. Kaso nga lang naka-bihis na ako ngayon at nasa loob ng sasakyan. Naka-sandal lang ang ulo ko ngayon bandasa bintana, habang iniisip ang lahat. Hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. "Sana maging maayos lang talaga ang gbing ito." Mahinang sambit ko sa sarili ko. "Ma'am ayos lang po ba kayo?" Hindi ko alam kung sino ang nagsalita. Wala akong gana ngayon na makipag-usap sa iba. Hayts, kami lang din naman ng driver ni Anderson ang nandito ehh. Sino pa ba ang iniisip ko. Hays, mukha na talaga akong tanga sa mga ginagawa ko ngayon. "Bakit kasi ganun..." sabay buntong hininga ko. "Ang alin po ba ma'am? May problema po ba ma'am?" Umaatras ang dila ko kasi hindi ko rin naman alam kung ano ag isasagot ko. Hindi naman sa snober, sadyang ewan. Nanatili na lang akong tahimik habang nasa malayo pa rin ang tingi
Maya-maya lang lumabas si Anderson. Bagong ligo siya pero hindi ko 'to pinansin pa. Syempre umarte pa rin akong hindi nasasaktan. Nakaka-pagod din ang magpanggap pero wala akong ibang pagpipilian. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Pinagmamasdan ko lang siya at hinihintay na may sasabihin siya. Nang kinapa niya ang kama, agad kong napansin ang invitation card. Hindi ko pala 'yon na-itago. Akmang kukunin ko na 'to, subalit inunahan niya ako kaya hindi na lang ako umimik pa. Unang tingin pa lang niya alam na alam na niya. "Invitation card? Sino nagbigay? Si Menda? Nagkita kayo?" Sunod-sunod na tanong niya. "Ahmm, oum, pumunta siya rito kanina. Tapos sabi niya, may malaking importanteng bagay daw siyang i-announce sa birthday niya. Kailangan ko raw pumunta para malaman ko." Mahinahon na sagot ko. Nasa kumot lang ang tingin ng mga mata ko. "Okay...." Pansin ko ang malalim niyang paghinga. "May problema ba love?" "Ahmm, nag-aalala lang ako. Baka kung ano ang gawin niya b
BACK TO NELIA POV.Napa-kapa ako sa kama dahil sa pag-vibrate ng phone ko. Kahit inaantok pa ako, agad ko pa rin itong binuksan dahil iniisip kong si Anderson ang nag massage. Napangiti naman ako. Ngunit, nang tuluyan ko itong buksan. Laking gulat ko na lang ang nakita ko. Tila'y dinurog ang puso ko. Mga malamig na patalim ang tumarak sa dibdib ko. "Love, bakit ganun...." Mahinang sambit ko sa sarili ko. Dahan-dahan na tumulo ang mga luha ko. Akala ko hindi na siya uulit, pero bakit sa litratong 'to makikita ko kung paano sila naghahalikan ni Menda. Hindi ko napigilan ang aking puso. Dahil sa sobrang sakit napa-iyak nang napa-iyak. Sana umuwi ka na lang, kailangan pa bang makipaghalikan sa iba bago ka umuwi. Masyado akong emosyonal ngayon. Sobrang sakit, sobra pa sa sobra.Mahigpit akong napayakap sa unan ko. Damang dama ang lamig na 'to. "Bakit ba ganun, bakit ganun. Anderson, siguro naman hindi totoo ang litratong 'to. Nilalandi ka lang ni Menda diba?" Kahit anong deny ko sa nak
"Nelia, alam mo naman na ex fiance ko si Anderson. Dapat alam mo na rin kung bakit ako nandito. Isa pa, you know na may nangyari na sa aming dalawa. So, may karapatan ako sa kaniya. Not only you Nelia." Mataray niyang wika at may kaartehan pa. Napakuyom ang aking kamao. Hindi ko gusto ang tinig ng pagkakasabi niya."Ano naman ngayon? Wala akong pake-alam kung ano ang meron ka kay, Anderson. Isa pa, ex ka lang diba? Asawa na niya ako ngayon. Kung isisiksik mo pa ang sarili mo sa aming dalawa. Isa ka lang kabet Menda." Nang gigigil na ako sa tulad niya. Kung pwede ko lang siya saktan nagawa ko na."Well, I don't care. As long as he's back in my life. Alam naman natin pareho na mang aagaw ka lang. Inagaw mo lang siya sa akin at marami ang nakakaalam sa bagay na 'yon." Tila'y bwenebwesit niya talaga ako ngayon. Hindi na nga maganda ang pakiramdam ko dagdag pa ang babaeng 'to."Sabihin mo na lang kung bakit ka nandito. Wala rito ang asawa ko, kaya hindi mo siya malalandi. Tsk! Menda, alam
"Ano ka ba, hindi ahh. Hindi ako buntis, sadyang gusto ko lang kumain ng mangga." Natatawang tugon ko rito. "Hayts, ano ba 'yan akala ko buntis ka na. Excited pa naman ako maging ninang." Sabay tikhab niya. "Ninang? Hahha ninang ka diyan, ang sabihin mo ninong." Bulalas ko rito. "Just support me sis, basta 'yan na ang usapan dapat lang na maging ninang ako ng magiging baby mo. Okay? Dahil kung hindi hmppp...." "Kung hindi? Ano naman? Tinatakot mo pa ako ahhh..." "Guys, were here." Biglaang singit ni Vince. Napatingin naman ako sa labas ng bintana. Nandito na nga kami. Isang palengke na maraming prutas. Hmmm, ang sarap naman atat na atat na talaga ako. Agad naman akong lumabas sasasakyan at sumunod naman sila sa akin. Dahil sa sobrang takam na takam na ako sa mangga. Mabilis kong inisa isa ang mga tindahan. "Nelia, magdahand dahan ka lang baka mamaya mapano ka pa!" sigaw sa akin ni Peng, ngunit hindi ko ito pinansin. "Ano ba 'tong bata namin ang likot likot naman ngay
Siguro nga mapaglaro ang tadhana. Pero, masaya naman na kaming lahat. Alam ko rin na masaya rin si David para sa akin."Ahmm, huwag mo na lang isipin 'yon Vince. Isa pa, hahah masaya naman kami ehh. Ayos lang din naman ang lahat para kay David. Isa pa, mas deserve niya ang ibang babae." Mahinahon kong tugon. "Well, that's true. And also I'm very happy with you Nelia. Malaki na rin ang pinagbago nang lahat. Like you. Then, I hope you'll not change. I mean, whatever that happened just stay of being you. Because your positive and still have a kind heart. Your genuine woman, and you deserve to love." Nakakataba nang puso. Malaki laki na rin ang pinagbago ni Vince."Thank you Vince. Ikaw din may mabuti ka rin' puso. And by the way kailan mo ba ulit popormahan si Mylene?" Biro ko pa sa kaniya."Shhh, napunta na naman sa amin ang usapan. She's happy about her life now. Baka kapag pumasok pa ako sa buhay niya magulo ko pa.""Aysus, papalusot ka pa diyan ehh...." "Ehem, Anong topic niyo diya
Parang ang dali lumipas ng araw. PANIBAGONG araw na naman ngayon. Sobrang masaya din ako today. "Love, kanina ka pa diyan sa bathroom, ayos ka lang ba diyan?" Pasigaw na wika ko, nang sa ganun ay marinig niya sa loob ang sinasabi ko. "I'm okay. Just wait a minute." Pasigaw niya rin' sagot. Inayos ko ang lahat rito sa loob nang kwarto. Habang hinihintay siyang lumabas. Ang tagal naman niya. Parang babae gumalaw ahh. Ano kaya itsura niya kung babae siya. Parang natatawa akonm kapag isipin ang itsura niya 'yon. Hmm, maganda din naman siguro. Baka ngaas maganda pa sa akin. "Honey, I'm done." Napaharap naman ako sa kaniya. Wow, bihis na bihis parang may lalakarin. Hmm, saan naman kaya. "Ohh, bakit ganyan ang suot mo? May lakad ka ba love?" Lumapit ako sa kaniya at maayos na inayos ang pulo niya. "Sa company lang naman. Don't worry, may importante lang na gagawin ako ro'n. I'm sorry honey, maiiwan na muna kita dito sa bahay." Malambing niyang wika. "Hindi ayos lang naman sa