LOGINRavenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHabang pauwi kami ni Killian, hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng kabog ng aking puso. Parang may mali, at hindi ko alam kung ano nga ba ‘yon.Kaya napalingon ako kay Killian na ngayon ay seryosong nagmamaneho. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isipan, pero nakatuon lang ang kaniyang atensyon sa harapan, habang ako ay hindi talaga mapakali.“Killian,” tawag ko sa kaniya, dahil gusto kong aminin sa kaniya na masama ang kutob ko ngayon.“Hmm?”Parang may mali, at hindi ko alam kung ano nga ba ang maling nararamdaman ko ngayon. Pero mas mabuting sabihin sa kaniya ‘to, dahil ayaw kong umakto na parang wala akong nararamdaman na kaiiba.“Kanina pa ako hindi mapakali,” pag-amin ko sa kaniya. “Magmula nang lumabas tayo ng office mo, pakiramdam ko ay may mali. Hindi ko lang alam kung ano.”Umigting ang panga ni Killian sa aking sinabi, at tila naintindihan ang gusto kong sabihin sa kaniya. Pero hindi ko lang masiguro kung ano nga ba
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNatawa ako sa naging solusyon ni Killian. Para lang talaga hindi siya um-attend ng mga meeting, dumating na siya sa puntong ‘yon.At habang tumatawa ako, nakatingin lang sa akin si Killian. Wala siyang sinasabi, at talagang pinanonood lang akong tumawa.Medyo nahiya nga ako, pero hindi ko mapigilan ang tawa ko, dahil sa sinabi niya. Kahit naman na seryoso siya roon, at hindi nagbibiro, ganoon pa rin talaga ang naging reaksyon ko.Natatawa pa rin ako, kahit ano ang kaniyang sabihin sa akin. Kaya nang makakalma ako, saka ko lang siya natingnan nang diretso sa kaniyang mga mata.Hindi ko alam, pero parang mas lalo lamang yata akong nahuhulog sa kaniya, at natanto ang sinabi kanina ni Daddy.“Killian,” tawag ko sa kaniya, habang nakatingin nang diretso sa kaniyang mga mata.“Yeah?”Kinagat ko ang aking ibabang labi, at humugot nang malalim na hininga.“Paano kapag gusto pa lang kita?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman ko
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View Natawa naman nang mahina si Daddy sa kabilang linya, habang ako naman ay pilit pinipigilan ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. “Why are you saying sorry? It’s not even your fault, sweetheart. Kasalanan ‘to ng lalaking ‘yon. Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo sa bagay na ‘to.” Hindi ako makapagsalita. Nakikinig lang ako kay Daddy. Minsan lang siyang magsalita, at talagang may laman ‘yon. Hindi ko rin naman maiwasang humingi ng tawad sa kanila, dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Kahit pa pagbali-baliktarin ang mundo, wala ako ang may kasalanan. Kung hindi ko sana hinayaan si Liam na makapasok sa mundo ko, hindi ‘to mangyayari. Ang kaso lang ay nabulag ako sa pagmamahal. Na kahit simpleng bagay lang no’n, hindi ko man lang napapansin na may mali. Kaya humugot ako nang malalim na hininga, at piniligan ang pagbadya ng luha sa aking mga mata. Napakaswerte ko sa mga magulang ko, dahil ganito ang trato nila sa akin. Walang pag-aalinl
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNapahawak ako sa aking noo. Hindi maiwasang isipin ang mga binitawang salita ni Killian sa akin kagabi.Hanggang ngayon kasi ay naglalaro pa rin sa aking isipan ‘yon, kahit na may trabaho naman akong dapat gawin ngayon.Nakatutok lang kasi ang aking atensyon ngayon sa binabasa kong document, pero lumilitaw kasi talaga sa isipan ko si Killian, eh.Though, busy naman siya ngayon sa meeting niya. Kaya mag-isa ako ngayon dito sa kaniyang opisina.Pero siyempre ay ramdam ko ang kaniyang mga mata sa aking gawi. Paniguradong pinanonood na naman niya ako sa kaniyang cellphone, dahil may mga CCTV camera nga naman dito sa kaniyang office.Wala naman akong magawa kung hindi ay manahimik na lang, at umakto na parang nagbabasa ng document.Kanina pa siya roon sa conference hall, pero ramdam kong nasa akin ang atensyon niya. Talagang binabantayan pa rin ako kahit na busy siya sa kaniyang trabaho.Kaya naman kinuha ko na lamang ang aking cellphone para magtipa
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“That’s fine,” saad ni Killian na siya namang ikinairap ko.Talagang pagpipilitan niya, ‘no? Ang irarason niya pa ay siya naman ang uubos.Hindi naman ako makaangal, dahil siya naman mismo ang naglalagay, at siya rin mismo ang uubos.Kaya para saan pa kung sakali, hindi ba? Pinili ko na lang tuloy na kumain, at hindi na nagsalita pa.“Pumunta ka kahit saglit,” utos ni Tita na siyang nagpailing na lamang kay Aziel.“Mom, magpapahinga ako. It’s my birthday. Alangan naman na isipin ko pa ‘yan—”“Pupunta ka, o pupunta?” malamig, ngunit naiinis na tanong ni Tita.Ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan sa naging tanong ni Tita, dahil halata na talagang nauubusan na ‘to ng pasensya.“Wala kang sinipot kahit isa. Kung pupuntahan mo ‘yong sinasabi ko ngayon, kahit saglit lang.”“Fine. Five minutes lang ako roon—”“Twenty minutes. Give her a damn time to introduce herself.”Hindi na nagsalita pa si Aziel. Humugot na lamang siya nang malalim na hininga,
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewMatapos ang naging usapan namin sa living room, nagtungo na rin kami kaagad sa dining area.Kami lang din talaga ang nandoon, at wala silang ibang bisita kung hindi ay ako lang.Hindi ko tuloy alam kung bakit na kami lang ang nandito kung gayon na puwede namang magtawag ang magkapatid ng kanilang mga kaibigan.“Hindi kami nagtawag ng mga bisita, dahil biglaan lang naman ‘to,” wika ni Tita na para bang narinig niya ang mga katanungan sa aking isipan. “Ayaw rin kasi talaga ng bunso ko ang magkaroon ng birthday celebration, dahil pagod nga siya galing trabaho.”Kung sabagay nga naman, kahit sino rin sa amin ay magpapahinga na lang kaysa ang magkaroon pa ng party.Nasa medical field kasi talaga si Aziel. Kaya talagang ayaw niyang masiyadong mapagod. Mas gugustuhin niyang alagaan din ang kaniyang sarili para sa makatulong siya sa mga nangangailangan talaga ng tulong.Hindi niya puwedeng pabayaan ang sarili niya, dahil ito rin ang pinili niyang profess
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“More than that?” ulit ko sa kaniyang sinabi.Natawa ako nang bahagya, at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Paanong magiging ganoon ‘yon kung alam naman naming pareho na ilang beses lang kaming nagkita?Hindi ko siya kilala. Saka ko lang siya nakilala nan
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNang hindi na ako mapakali, kaagad akong sumunod sa kaniya sa bathroom. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sumunod sa kaniya, pero isa lang ang masasabi ko, para akong binuhusan nang malamig na tubig lalo na nang makita kong bumabakat ang muscles
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewTulala ako buong biyahe, dahil kahit hindi niya linawin ang kaniyang sinabi, alam ko kung ano ang kaniyang ibig sabihin. We’ll do it in his place.Hindi ko alam kung tuluyan na ba siyang napuno sa akin, at kinailangan naming mapunta sa ganito. Pero imbis na ma
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Bodyguard ba kita?” tanong ko sa kaniya, naghihina, at parang unti-unti na talagang natutunaw ang aking inis. “Bakit mo naman ako babantayan?”He smirked. Gumalaw siya, at parang itinapon ang kaniyang sigarilyo, habang ako ay nanatili lamang nakatitig sa kani







