LOGINRavenna Ylianna Ocampo’s Point of View
Kagaya ng napag-usapan namin ni Killian, inihatid niya ako. Mabuti na lang, dahil hindi kami nakita nang kung sino kagabi. Wala pa man din ako sa mood para makipag-usap sa kung kanino, dahil sumagi na naman sa isipan ko kung gaano kasakit maloko, at maiwan.
“Yana!” singhal ni Daddy nang ako ay makababa ng hagdan.
Napapikit na lamang ako, dahil ramdam ko ang galit ni Daddy sa paraan pa lang ng pagtawag niya. Na kahit wala akong sinabi, sumabog na talaga siya sa galit.
“Ano ‘yong narinig ko tungkol sa lalaking ‘yon?!” nanggagalaiting tanong nito sa akin.
Hindi naman ako makapagsalita, at piniling itikom ang aking bibig, dahil kapag sinagot ko siya, baka mas lalo lang siyang magalit.
“Iniwan ka niya?!”
“Sweetheart,” paglalambing naman ni Mommy, at sumulyap sa akin na tila gusto akong umalis na lang ng bahay para lang hindi na magalit si Daddy.
Kaya lang ay hindi ko yata alam kung paano ‘yon gagawin lalo pa’t gusto ko rin talagang sabihin sa kanila ang totoo. Gusto kong ako mismo ang mag-confirm sa kanila, at hindi ang ibang tao.
“Dad—”
“Tell me the fucking truth, Ylianna!” he hissed, trying to shut me up.
Humugot na lamang ako nang malalim na hininga, at hindi na nagsalita pa. Kahit gusto kong magsalita, pinili kong manahimik. binigyan ko siya nang kaunting oras para pakalmahin ang kaniyang sarili kung gayon na puwede namang sabihin ko kaagad sa kanila kung ano ang nangyari.
Ngunit alam ko kasi kung paano magalit si Daddy, eh. Alam kong hindi siya mapipigilan, pero alam ko naman na nakatatakot talaga siya.
Kaya hindi ako makapagsalita. Medyo kinakabahan din ako, dahil kapag may binitawang salita si Daddy lalo na kung galit siya, alam kong hindi siya nakipagbibiruan. Kung sinabi niyang gagawin niya, gagawin talaga niya.
“We broke up,” panimula ko para lang matapos na ang usapan.
Ang pangit lang, dahil kailangan pa naming mag-usap nang ganito kung gayon na umagang-umaga pa. May work pa kaming pareho ni Daddy, dahil ilan sa mga business nila ay hawak pa rin niya. Habang ang ilan naman ay hawak ko.
Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako makapagtatrabaho nang maayos kung ganito ang ibinungad sa akin ng tadhana. Pakiramdam ko tuloy ay masiyado akong malas para sa ganitong bagay.
“Nalaman kong ginagamit lang pala niya ako para sa business nila, Dad. He didn’t court me for love.”
Natahimik silang pareho nina Mommy, at Daddy. Kahit alam na nila ang kasagutan, pinili pa rin nilang pakinggan mula sa akin ‘yon.
Kaya nga napangiti na lang ako nang mapait. Bukod sa sobrang malas ko talaga pagdating sa pag-ibig, swerte naman ako, dahil hindi bumagsak ang mga business namin magmula nang hawakan ko ang mga ‘to.
Kung tutuusin ay mas umangat pa nga. Siguro ay dahil hands-on talaga ako pagdating sa mga business namin. Perfectionist kasi talaga ako. Dapat ay hindi kami puwedeng magkamali.
Kung maganda ang performance namin last year, dapat mas maganda ngayon. Dapat ay talunin pa rin namin ‘yong na-set naming record last year.
Kaya siguro sobrang dami naming achievements ngayong taon. Ang problema ko lang talaga ngayon ay dahil sa ex-boyfriend kong gago.
Wala na ngang naitulong sa akin, nagawa pa akong lokohin para lang iangat ang business nila. Pero mukhang pababagsakin naman ‘yon ni Daddy nang hindi nila napapansin, dahil nga sa nangyari ngayon.
“I’ll bring them down,” he announced.
Umiling na lamang ako, at hindi na umangal pa. ‘Yon siguro ang karma nila, ang gagawin ni Daddy. Kaya instead na pigilan siya, hinayaan ko na lang.
Kung ‘yon naman ang mabisang solusyon para matuto sila, at hindi nila ako gaguhin, mas maganda na lang sigurong pabagsakin sila. Bahala na kung ano man ang mangyari. Basta ayusin nila ang mga desisyon nila sa buhay kung ayaw nilang maging karma si Daddy.
Pagdating ko sa office ko, sumunod ang secretary ko.
“Good morning, Ma’am Ocampo,” bati sa akin nito.
Hindi ako nagsalita, at nilingon lamang siya nang ako ay makaupo sa aking swivel chair.
“Ma’am, may bisita po kayo.”
“Sino?” tanong ko sa kaniya gamit ang kalmadong boses.
Itinuon ko naman ang aking atensyon sa aking table na ngayon ay sobrang daming document. Mukhang kanina lang ‘to iniakyat ng ibang departments.
Masiyado kasing mabagal ang process ng documents kung minsan. Kinakailangan pang i-follow up ng aking secretary kung maayos na ba ang mga rush document doon.
Understandable naman since may mga process din naman kasi ang mga ‘to. Hindi rin naman kasi ‘to basta-basta, eh. Kaya iniintindi ko na lang kaysa magkaroon pa ako nang problema.
“Sir Killian Adler Rivanov, ma’am.”
Natigilan ako. Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga palad, dahil sa biglaang pagbisita ng lalaking ‘yon.
Ilang beses akong kumurap. Umaasa kasi akong mali lang ako ng dinig. Kaya lang ay wala namang binawi ang secretary ko. Wala tuloy akong choice kung hindi ay lingunin siya para lang siguraduhin kung tama ba ang aking pangdinig.
“Pardon?”
“Sir Killian Adler Rivanov po,” ulit ng aking secretary.
“Bakit siya nandito?” tanong ko sa kaniya.
Aware naman akong mayaman ang lalaking ‘yon. Hindi ko lang inaasahan na makikilala niya kaagad ako, at kung aling business ang hawak ko para lang bisitahin niya ako mismo rito sa office ko.
Wala akong ideya kung ano ang pakay niya, pero ramdam kong hindi ‘yon basta-basta. Hindi naman kasi ako no’n sasadyain mismo rito kung simple lang ang pakay niya, hindi ba?
“May business meeting daw kayo, ma’am. Ganitong oras daw po, at sinabi niya raw po sa ‘yo kahapon.”
Hindi naman ako makapagsalita. Wala naman siyang sinabing ganoon, pero dahil mukhang kilala ng secretary ko kung sino ang lalaking ‘to, hindi na ako nakipagtalo pa.
“Let him in,” utos ko na lamang, at napahawak na lang sa aking noo.
Ramdam ko ang pagpintig ng aking sintido, dahil sa biglaan nitong pagbisita. Pero kung maniningil lang naman ‘to sa akin, bakit dito pa talaga sa office ko?
Hindi naman nagtagal nang pumasok siya. Suot ang mamahaling itim na business attire, at ang kaniyang mabibigat na mga titig sa aking gawi ang sumalubong sa akin.
Wala naman akong reaksyon nang magtama ang aming mga mata. Nanatili akong kalmado, kahit na sa loob-loob ko ay halos himatayin na ako sa sobrang kaba.
“How are you, Ravenna Ylianna Ocampo?” he said hoarsely, making my heart pound fast.
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNang hindi na ako mapakali, kaagad akong sumunod sa kaniya sa bathroom. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sumunod sa kaniya, pero isa lang ang masasabi ko, para akong binuhusan nang malamig na tubig lalo na nang makita kong bumabakat ang muscles niya mula sa kaniyang suot na damit.Napakurap ako, at nanuyo ang aking lalamunan. Parang hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan lalo na nang mag-init ang aking mga pisngi. Paniguradong namula na ang aking mukha lalo na nang lumingon siya sa aking gawi.Seryoso ang kaniyang mga mata, at tila alam na nitong sumunod ako sa kaniya. Parang nagsisi tuloy ako, at hindi maiwasang mapasinghap na lang.Sa sobrang dami kong nakitang kagaya ng kaniyang katawan, bakit iba pa rin ang epekto niya sa akin? Bakit sa kaniya lang ako naging ganito?“Ayos na,” aniya.Tumikhim naman ako, at umayos ng pakatatayo. Pinanood ko rin siyang patayin ang shower, at bahagyang lumapit sa aking puwesto.Gumilid naman
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewTulala ako buong biyahe, dahil kahit hindi niya linawin ang kaniyang sinabi, alam ko kung ano ang kaniyang ibig sabihin. We’ll do it in his place.Hindi ko alam kung tuluyan na ba siyang napuno sa akin, at kinailangan naming mapunta sa ganito. Pero imbis na matakot, parang hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Pinaghalong kaba, at hindi maipaliwanag na emosyon kasi ang nararamdaman ko ngayon. Ni hindi ako sigurado kung masaya ba ako, o natatakot sa mangyayari sa amin.Hindi ba, ito naman kasi talaga ang gusto ko? Para matapos na, at hindi na niya ako guluhin pa. Pero bakit parang sumasama ang pakiramdam ko sa naiisip ko? Bakit parang kumakalat ang pait?Napalunok ako, at piniling tumingin na lamang sa bintana. Nililibang ang aking sarili sa mga nadadaanan naming mga building. Pero kahit yata ano ang aking gawin, nanatiling mabigat ang dibdib ko. Ni hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-iba ang mood ko?“Are you okay?” tanong ni K
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Bodyguard ba kita?” tanong ko sa kaniya, naghihina, at parang unti-unti na talagang natutunaw ang aking inis. “Bakit mo naman ako babantayan?”He smirked. Gumalaw siya, at parang itinapon ang kaniyang sigarilyo, habang ako ay nanatili lamang nakatitig sa kaniya. Hindi inaalis ang aking mga mata sa kaniya para lang subukang titigan siya, kagaya ng pagtitig niya sa akin.“No, but it feels like I need to protect you from those assholes,” he mumbled, enough for me to hear it.Tumama sa akin ang pinaghalong usok ng sigarilyo, at mint sa kaniyang hininga. Kaya nanuyo ang aking lalamunan. Ni hindi alam kung bakit iba ang naging epekto nito sa akin.Humugot ako nang malalim na hininga, tinanggal ang nakabara sa aking lalamunan, at nakadagan na mabigat na bagay sa aking dibdib. Matapang ko siyang nginisihan, at hindi ipinahalata sa kaniya kung ano nga ba talaga ang epekto niya sa akin.Hindi sa natatakot ako, pero gusto ko lang namang ipakita sa kaniya n
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“More than that?” ulit ko sa kaniyang sinabi.Natawa ako nang bahagya, at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Paanong magiging ganoon ‘yon kung alam naman naming pareho na ilang beses lang kaming nagkita?Hindi ko siya kilala. Saka ko lang siya nakilala nang magtagpo ang landas namin sa bar. Bukod doon? Wala na.I’m not even aware that he actually exists. Kaya paano niya sinasabing mas higit pa ang nararamdaman niya ngayon? Maniniwala lang siguro ako kung ilang beses na kaming nagkakilala sa mga event. Ang kaso lang ay wala talaga.“You’re just joking, Killian,” saad ko, at ngumiti sa kaniya nang tipid. “That’s impossible. Alam naman kasi nating pareho na ilang beses lang tayong nagkita. Kaya sobrang labo niyan.”Inilihis ko ang aking mga mata, at mabilis na inabot ang takeout na para sa akin.“Thanks.”Hinintay ko siyang magsalita, pero wala siyang sinasabi, at nanatili lamang siyang tahimik. Kaya tumango na lamang ako, at kinuha ang pagkatat
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewPasimple kong kinagat ang aking ibabang labi nang mapansin na nakatingin pa rin sa akin si Killian. Nasa harapan ko kasi siya, at hindi man lang niya inililihis ang kaniyang mga mata magmula nang umupo siya sa bakanteng upuan na nasa aking harapan.Kahit siguro ibaling ko ang aking atensyon sa ibang bagay, hindi pa rin talaga ako makakakalma, dahil ramdam ko pa rin ang kaniyang mga mata.Bakit kasi kailangang magtagpo muli ang landas namin? Hindi ko alam kung sadyang maliit lang ba ang mundo, o pinaglalaruan lang talaga kami ng tadhana ngayon.“Bakit ‘yon ang sinabi mo?” nagtataka kong tanong nang hindi na talaga ako makapagpigil. “Really? Mrs. Rivanov?”Ang daming puwedeng sabihin na pangalan. Puwede nga ring pangalan ko na lang, pero apelyido niya ang gusto niyang sabihin? Kung ‘yon lang naman pala ang gagawin niya, sana ako na lang ang nagbayad.Sana hindi ko na siya hinayaan na siya ang magbayad ng order ko. Ganoon din naman pala ang kapalit,
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewSa totoo lang, hindi ko inaasahan na sasabihin ‘yon ni Daddy. Malaki ang galit niya sa ex-boyfriend ko, at ramdam ko rin naman ‘yon.Sadyang hindi ko lang kasi alam na sasabihin mismo ulit sa akin ni Daddy ‘yon.Napahugot na lang tuloy ako nang malalim na hininga, at wala sa sariling dumiretso sa aking kuwarto. Kailangan ko kasing maligo, at magpalit ng damit, dahil pakiramdam ko ay magulo nag isipan ko.Ang tanging nasa isipan ko lamang sa ngayon ay ang maligo, at umaasang mapakakalma nito ang aking isipan.Kaya lang ay nang sumapit na alas-diyes, magulo pa rin ang isipan ko. Parang kinakailangan ko pa yatang lumabas ng kuwarto, at magmuni-muni sa labas ng bahay namin.“Kapag mag-isa yata ako, mas lalo lang akong mapapaisip,” bulong ko sa aking sarili.Wala sa sarili akong napalingon sa nightstand na nasa tabi lang ng aking kama. Nandoon kasi ang susi ng sasakyan ko. Kaya parang napaisip ako kung kinakailangan ko bang magpunta sa coffee shop pa







