LOGINRavenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Paanong hindi?” tanong ko naman sa kaniya, at tinaliman na lang ang aking mga mata. “Basta mo na lang akong iniwan!”He shook his head gently. “No.”Tiningan ko siya, habang itinataas niya ang pamilyar na palaman. Napakunot naman ang aking noo, dahil doon, pero hindi ko isinaboses ang aking gustong tanungin sa kaniya.“Pinaplano ko talagang kunin ‘to,” aniya na para bang importante talaga ‘yon.Umangat naman ang aking kilay sa kaniyang sinabi, at naghihintay ng kaniyang paliwanag kung para saan ba ang palaman na ‘yon kung wala naman kaming tinapay r
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View Hindi ko naman sinasadyang magalit, pero kung ganito ba naman ang mangyari—‘yong nabitin ako. Tingin ba niya ay matutuwa ako?Hindi! Kaya huwag niya akong sisisihin kung sakali man na ganito ang naging reaksyon ko. Kasalanan naman niya in the first place.Basta na lang siyang umalis nang hindi man lang sinasabi ang kaniyang gagawin? Talagang isinakto pa niya sa ganito?Natawa ako, at bahagyang napailing na lamang. Sino nga ba ang matutuwa kung ganoon ang mangyayari, hindi ba?Kanina lang ay ayaw kong may mangyari sa amin ulit, dahil alam kong doon nagsimula ang pagkaroroon ko ng feelings para sa kaniya.Hindi naman sa ayaw kong mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya, pero kung tutuusin talaga ay hindi ito ang tamang panahon.Wala naman akong pakialam sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao, pero masisira ko kasi ang pangalan
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNapakurap ako nang ilang beses, at nagawa ko pang mahigit ang aking hininga sa gulat. Hindi ko kasi inaasahan ang biglaan nitong pag-atake ng halik sa akin, at kahit yata subukan ko siyang itulak ay hindi ko magagawa lalo pa’t mas malakas siya sa akin.Mas malakas nga ba siya sa akin, o sadyang wala lang akong lakas para itulak siya?Lumuwag naman ang pagkahahawak ko sa bedsheet, at talagang hindi mapigilan ang panghihina. Na sa tuwing maglalapat ang aming mga labi ay hindi ko mapigilang manghina, dahil parang hinihigop nito ang aking lakas.Nang gumalaw ang kaniyang labi, tuluyan na akong nagpakain sa init na bumabalot sa amin.Natagpuan ko rin ang aking sarili na dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata, at iniangat ang aking mga braso para lang ipulupot ‘to sa kaniyang leeg.In
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewMatapos ang naging usapan namin ni Killian, kaagad akong lumabas ng bathroom, habang siya naman ay naligo na.Humiga ako sa kama, habang nakatutok ang aking atensyon sa cellphone. Panay lang naman ako scroll, habang hinihintay na mag-reply ang aking secretary.Nakapag-book na kasi si Mommy. Maging ang hotel na titirahan ko, napa-book na rin niya. Nakabibigla nga kung tutuusin, eh. Next week na kasi ang flight ko papunta sa Spain. Ni hindi man lang ako makapag-impake ng mga gamit ko, dahil nga paniguradong bibisita ako sa office ko sa Lunes para alamin kung kumusta na nga ba ang lahat doon.Kailangan ko kasing masiguro na maayos na ang lahat bago ako umalis ng Pilipinas. ‘Yong tipon
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“My decision is final, Yana,” aniya ni Mommy, at hindi man lag ipinaliwanag sa akin kung paano. “Magbo-book na ako ng plane ticket mo for next week.”“Saan naman po ako pupunta?” tanong ko, at hindi na napansin pa si Killian, dahil ang buong atensyon ko ay nasa kaniya na. “Wala naman po akong balak puntahan na bansa.”“Spain!” mabilis na sagot ni Mommy na siyang nagpatigil sa akin.Hindi ko maiwasang mapakunot na lamang ng aking noo, dahil hindi ko naman ‘yon inaasahan kung tutuusin.Wala naman akong balak magpunta sa Spain, eh. Ano naman ang gagawin ko roon, hindi ba?Naiintindihan ko naman na gusto akong magpahinga saglit ni Mommy nang sa gayon ay makapag-isip naman ako nang maayos. Pero paano ko ‘yon gagawin kung alam ko namang parang hindi ko deserve nang pahinga lao pa’t iiwan ko
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNauna akong maligo sa bathroom, habang si Killian ay nagpaiwan muna saglit sa swimming pool area.Ako naman ay sinadya ko na talagang umalis doon, dahil iba na talaga ang nararamdaman ko.Sa totoo lang, kapag tumagal pa ako roon kanina ay talagang hindi na kami mag-uusap ni Killian. Baka iba na ang gawin namin kung sakali.Ramdam ko kasi ‘yong tensyon. Kapag ganoon, alam ko na kaagad na magbabago ang usapan namin. Kaya bago pa mangyari ‘yon ay umalis na kaagad ako.Mabuti na lang dahil hinayaan ako ni Killian. Hindi siya nagtanong sa akin, o pinigilan man lang. Kaya kahit paaano ay nakahinga rin ako nang maayos.Habang nagpatutuyo ako ng aking buhok ay narinig ko kaagad ang pagtunog ng aking cellphone.Kaagad akong natigilan, at hindi inaasahan na may tatawag sa akin sa ganitong oras.Wala sa sarili akong napakunot, at pinatay kaagad a
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“More than that?” ulit ko sa kaniyang sinabi.Natawa ako nang bahagya, at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Paanong magiging ganoon ‘yon kung alam naman naming pareho na ilang beses lang kaming nagkita?Hindi ko siya kilala. Saka ko lang siya nakilala nan
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewPasimple kong kinagat ang aking ibabang labi nang mapansin na nakatingin pa rin sa akin si Killian. Nasa harapan ko kasi siya, at hindi man lang niya inililihis ang kaniyang mga mata magmula nang umupo siya sa bakanteng upuan na nasa aking harapan.Kahit siguro
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNatahimik ako matapos ang naging usapan namin. Wala rin ni isa sa amin ang nagsasalita, pero ramdam kong hindi niya inalis ang kaniyang mga mata sa akin.“Steak,” simpleng saad ko nang tanungin ng waiter ang aking order.Humugot ako nang malalim na hininga par
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewWalang namutawing salita sa aking bibig, habang kami ay nasa biyahe. Pareho kaming tahimik. Wala ni isa sa amin ang may balak na basagin ang katahimikan.Kaya naman pinili ko na lamang buksan ang aking cellphone, at manood nang kung anong videos na dumaan sa n







