Share

One Pleasurable Night
One Pleasurable Night
Penulis: Ylaine Mujer

Kabanata 1

"Do it again." saad ng boss ni Leah at napatingin naman siya dito. 

Bago niya kasi ipasa ang documents na ipinapagawa nito ay chinek niya muna iyon kung may mali at wala naman siyang makitang mali. Kaya confident siya ng ipasa iyon sa boss niya. 

"B-Bakit po?" Tanong niya. 

"The chart is hard to see at marami ring mga typos! Sa tingin mo ay tatanggapin ko ito? Aayusin mo lang naman ito. Pero ano ginawa mo? Ginulo mo lang lalo." 

Napaigtad naman siya ng sumigaw ito. Yumuko na lang ito habang pinapakinggan ang mga sermon ng boss niya. 

Ganito na lang lagi ang nangyayari sa kanya araw-araw. Nasisigawan kaya nahihiya na rin siyang pumasok sa opisina.

"S-Sorry po." Paghingi nito ng paumanhin. 

"Hmp! Ulitin mo iyan. Hindi ka uuwi hangga't hindi mo naayos iyan."

"O-Opo..." 

Wala ng nagawa si Leah kundi sundin ang inuutos ng boss niya. Lumabas naman na siya ng opisina at saktong paglabas niya ay pinagtitinginan na siya ng mga katrabaho niya. 

Nahihiya na lang ito pumunta sa table niya at sinimulan ulit gawin ang dokumento. Tiningnan niya muna ang loob noon at nakita niyang maraming mga markings. 

Napabuntong hininga na lang ito at tiningnan ang orasan sa tabi ng kompyuter. 

"Hayst. Sana matapos ko ito agad..."

Binuksan na nito ang kompyuter at nagsimula ng magtipa ng panibagong report. 

•*•*•*•*•*

Naginat naman ng katawan si Leah mula sa upuan niya. Inikot ikot rin naman nito ang ulo niya. Nangalay ang leeg niya at masakit na rin ang likod at kamay niya sa pagtipa sa kompyuter.

Tiningnan naman niya ang orasan sa tabi niya at nakita niyang mag-aalas dose na ng gabi. Napatingin naman siya sa mga dokumento at sa kompyuter niya. 

Hindi pa siya tapos sa ginagawa niya at nakaramdam na rin siya ng gutom. Inilibot naman niya ang paningin sa paligid at wala ng tao at siya na lang ang magisa. 

Maya-maya ay biglang namatay ang ilaw kaya naman ay napasigaw siya. 

"Aayy!"

"Nandito pa po pala kayo, Ma'am." 

Gulat namang napatingin sa likod si Leah at nakita niya ang isang guard na may hawak na flashlight at nakatutok sa kanya. 

"Paki-ayos na po ng gamit niyo dahil isasara ko na po ito." Saad ng guard at inalis ang pagkakatutok ng flashlight sa mukha niya. 

"P-Pero, hindi pa po ako tapos sa ginagawa ko." 

"Iuwi niyo na lang po iyan, Ma'am. Pasensya na po." 

Tumango na lang si Leah sa sinabi ng guard ng makaalis ito. Wala na rin namang nagawa si Leah kundi ligpitin ang mga gamitin niya. Nang nailigpit niya na ay, isinukbit niya sa balikat niya ang bag at dinala ang dalawang makapal na dokumento.

Bibit-bitin na lang niya ito dahil hindi na rin naman ito kasya sa bag niya. 

Lumabas na siya ng opisina at naghintay ng masasakyan. Pero mukhang malas yata ang araw niya ngayon dahil wala ng dumadaan na sasakyan. 

Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo at nagsimulang maglakad.

Medyo malayo pa naman ang condo niya pero dahil gabi na at wala ng dumadaan na sasakyan, naglakad na lang siya. 

Pagod na pagod man galing trabaho ay nakauwi naman agad siya. Napahiga na lang siya sa sofa niya sa sala dahil sa pagod. 

Kinuha niya ang selpon sa bag niya ng maalalang tumunog ito kanina at hindi niya nabuksan dahil bisi siya sa pagtipa sa kompyuter. 

Nang makuha ang selpon ay agad na bumungad sa kanya ang missed calls at text ng Ate Sabrina niya. 

Thirty missed calls at isang text message iyon. Tiningnan naman niya ang text message sa kanya at binasa. 

: Ate Sab

"Umuwi ka ngayong Friday sa bahay. Magkakaroon ng dinner."

Nagulat naman siya sa text na iyon. Mahigit dalawang taon na rin silang hindi nagkikita ng Ate Sabrina niya at ito ang unang text na natanggap niya sa loob ng dalawang taon na iyon .

Ang huling pagkikita nila ay iyong pumunta ito sa States noong 2018. Hindi sila masyadong close ng Ate Sabrina niya simula bata pa lang. 

Sa tuwing lumalapit naman siya dito ay agad na lumalayo sa kanya ang Ate Sabrina niya, ganun rin naman ang Mama nila. Mayaman naman sila pero hindi siya pumasok sa sariling kompanya ng pamilya nila dahil gusto niyang umangat sa sarili niyang kakayahan.

Kaya naman ng maka-graduate siya sa kolehiyo at magkaroon ng trabaho ay bumukod siya sa bahay nila at ngayon ay nakatira sa condo sa Makati. 

Nireplayan niya naman ang Ate Sabrina niya na makakapunta siya sa Friday dahil wala na rin naman siyang naiisip na maaaring gawin sa araw na iyon.

Napapikit na lang siya dahil sa dami ng nangyari ngayong araw. 

Dahil 'dun, hindi na namalayan ni Leah na sa pagpikit niyang iyon ay makakatulog na siya. 

•*•*•*•*•*

Maaga naman nagising si Leah. Nakabihis na ito ng normal niyang damit. Nakapalda na hanggang tuhod ang haba, nakatupi naman ang manggas ng polo nitong kulay puti hanggang siko na pinaresan ng brown flat shoes. 

Itinali naman niya ang buhok niya na pang-bun sa baba at isinuot ang salamin. Hindi naman masyadong malabo ang mata niya tama lang ang grado ng salamin niya para sa pagbabasa. 

Kinuha niya na ang bag niya at binitbit ang dalawang makapal na dokumento na agad naman niyang natapos kaninang umaga. Hindi na siya naglagay ng make-up dahil hindi naman siya marunong kaya nagpolbo na lang siya. 

Nang makapasok sa opisina ay agad naman siyang dumeretso sa opisina ni Mr. Cruz pagkatapos niyang ilapag ang gamit niya sa table niya. 

"Buti naman at naayos mo agad. Sa susunod ay gawin mo ng maayos ang pinapagawa sayo."

"O-Opo..." 

Hayst. Umagang umaga ay ganito agad ang bubungad sa kanya. Tumalikod na lang siya para lumabas ng opisina nito at magsimula ng gawin ang naiwan niyang gawain kahapon.

Kumalam naman ang tiyan ni Leah ng makaramdam siya ng gutom. Pagtingin niya sa orasan ay alas-onse y medya na. 

Inilibot niya ang tingin sa paligid at napansin na medyo wala ng tao.  

Itinigil niya na muna ang pagtipa sa kompyuter at tumayo para pumunta sa cafeteria nila. 

Nag-order lang siya ng carbonara with garlic bread at isang tubig. Wala siyang gana kumain ng kanin dahil tinambakan na naman siya ng mga gawain kaninang umaga. 

Habang sumusubo ng pagkain ay biglang lumapit sa kanya ang tatlong babae. 

"Hi, Leah." Saad ng isang babaeng kulot ang buhok na hanggang balikat. 

"H-Hello...May kailangan ba kayo?" Tanong niya at itinigil ang pagkain. 

"Well, wala naman. Naisip lang namin na yayain ka sa blind date na mangyayari mamaya." 

Napaubo naman si Leah ng marinig niya ang sinabi ng isang babae na sa pagkakatanda niya ay Themarie ang pangalan. Uminom naman siya ng tubig bago magsalita.

"B-Bakit ako? Marami namang iba diyan eh." Saad ko. 

"Nagtanong na rin kami at may mga plano ang iba. That's why, we thought ikaw na lang hindi pa namin natatanong." Nakangiting sabi ng isa na makapal ang make-up. 

"Yeah. Pumayag ka na please? Kulang kasi ng isa eh. Para naman ma-experience mo makipag-date man lang." 

Hindi makapaniwala si Leah na gusto siyang isama ng tatlo sa blind date nila. This is her first time that someone ask her to hangout, and this time it's a blind date. 

Hindi maipaliwanag ni Leah ang nararamdaman niya. Masaya siya na kinakabahan dahil sa loob ng dalawampu't-limang taon siyang nabubuhay ay hindi niya pa naranasan ang maki-pag blind date kahit nung highschool at college.

Pokus kasi ito sa pag-aaral at sa paghahanap ng trabaho kaya naman ay hindi niya mapigilan ang matuwa ngayon. 

"P-Pero, wala akong experi---"

"Don't worry. Kakain lang naman tayo at magkakaroon ng mga small talks." Ngiting saad ni Themarie. 

"S-Sige. Anong oras ba?" 

"Six PM after ng office hours natin." 

Tumango naman si Leah sa mga ito at sinuklian naman siya nito ng mga ngiti. Iniwan na siya nila Themarie para matapos ang kinakain niya.

Hindi naman mapigilan ni Leah ang ngumiti dahil sa wakas ay mararanasan niya ang makipag-blind date. Agad naman niyang tinapos ang kinakain niya at saka bumalik sa table niya ng masaya.

•*•*•*•*•*•

Malakas na musika agad ang bumungad kay Leah ng makapasok sila sa isang bar. Maingay ang loob at marami ring tao. 

Napaubo naman siya ng may biglang bumuga ng usok niya sa mukha. Hindi niya inaasahan na dito sila pupunta nila Themarie. Akala niya ay sa isang restaurant dahil iyon ang nakikita niya sa mga napapanood niya sa telebisyon. 

" Themarie, here!" Sigaw ng isang lalaki na nakataas ang kamay. 

Sabay naman na lumingon ang tatlo sa kung saan may kumakaway. Lumapit naman doon sila Themarie at nakasunod lang sa likod nila si Leah na inililibot pa rin ang mga mata sa loob. 

"Upo kayo." 

Umupo naman agad sila. Tiningnan naman ni Leah isa-isa ang mga lalaking blind-date nila. Mga gwapo naman ito pero may nakaagaw pansin sa kanya, ang isang lalaki na nakatitig sa kanya. 

Nahiya naman siya sa titig nito kaya umiwas naman siya ng tingin. 

"How are you, beauties?" 

"We're fine. Oh! We have someone to join us. Her name is Leah." Pagpapakilala sa kanya ni Themarie. 

"H-Hello..." Nahihiya siyang kumaway sa mga lalaki sa harapan niya. 

Bumati rin naman ang mga ito sa kanya at isa-isang nagpakilala. Pagkatapos ng pagpapakilala ay kanya-kanya na ng upo ang mga lalaki. 

Tumabi naman sa kanya ang lalaking kanina pa tumititig na nagngangalang Eric. Napatingin naman siya sa basong maliit na iniabot sa kanya. 

"Here."

"H-Hindi ako umii---"

"It's just a mild one. Hindi naman ito matapang. Just try it." Saad ni Eric at kinuha ang kamay niya at pinahawak sa kanya ang baso. 

Tumingin naman siya kay Eric na sumesenyas na inumin ko ito. Kahit na ayaw ay hindi na lang tumanggi si Leah at tiningnan ang baso saka ito ininom. 

Nang malunok niya na ay nanginig naman ang kalamnan nito dahil sa kakaibang pait na lasa ng alak. Bigla namang uminit ang lalamunan nito. 

Kinuha naman ni Eric ang baso kay Leah. "So, what's the taste? You like it?" 

"Ang pait!" 

Napatawa na lang si Eric sa naging reaksyon ni Leah. "I thought so. Hahahaha." 

Hindi na rin naman mapigilan ni Leah ang mapatawa. 

Mahigit isang oras na ang nakakalipas ay lasing na si Leah at nakakaramdam na ng kakaibang init habang nakasandal siya sa balikat ni Eric. 

Sakto naman na kakabalik lang ng mga kasama ni Leah na sila Themarie, Karina at Cathy kasama ang mga partner nila. 

"Mauuna na kami ni Leah, guys." Saad ni Eric habang nakangiti. 

Sabay-sabay namang napa-ohh sila Themarie. 

"Good luck, Eric. Be gentle okay?" Aniya ng isang lalaki na nagngangalang James. 

Tumango naman si Eric at inalalayan si Leah na makatayo. Nang makalabas na sila loob ng bar bigla namang napayakap si Leah sa kanyang sarili ng umihip ang napakalamig na hangin.

Iginaya naman siya ni Eric papuntang sasakyan nito at pinapasok doon si Leah. Inilibot naman ng mata ni Eric sa paligid kung meron bang tao, at wala naman siyang nakita. 

Inisa-isa naman na tinanggal ni Eric ang mga butones ni Leah na wala pa ring kamalay-malay. 

Bago pa niya tuluyang mahubad ang damit ni Leah ay may humawak na sa balikat niya at pinaharap sabay suntok na nagpatumba sa kanya sa sahig. 

"Hey, Man. F*ck off! That's mine."

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Salamat po sa mga nagbabasa!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status