Share

One Question: Why?
One Question: Why?
Author: kimmy

Chapter 1

Xeia's POV

"Congrats, Xeia," bati sa 'kin ni Clarie na isa sa mga kaklase ko.

"Salamat! Congrats rin sa inyo," bati ko rin sa kanila. Katatapos lang ng graduation namin. Buong klase namin ay grumaduate ng with honors. Si Colline ang valedictorian namin at ako naman ang salutatorian. Nakaka-proud lang. Biruin mo? Lahat kami ay may awards. Hindi namin inaasahan 'yon. Senior high pa naman din.

Mahirap maging senior high 'no. Pero mas mahirap daw ang collage. Madaming pinapagawa, reporting, exams, projects, may mga school activities pa. Pero syempre kakayin ko, gusto ko makapagtapos, e.

"Congrats sa ating lahat!" sigaw ng class president namin habang papunta sa kinaroroonan namin. Simula grade eleven ay siya na ang class president namin, kami-kami pa rin ang naging magkaklase noong nag-grade twelve kami. Pero 'yung iba ay nagtransfer na. 

Nang makapunta siya sa amin ay agad akong hinakbayan."Congrats sa 'yo, Xeia. Naks, salutatorian! Pakain naman diyan," biro niya.

Ay! 'Yun lang. Haha.

Kapag librehan ang usapan at ako ang manlilibre, naku! Uuwi na lang ako. Kaya nga nakilala nila akong kuripot, e.

"Kay Colline mo sabihin 'yan. Siya valedictorian, e!" tanggi ko. Ang dami nila, 'no! Hindi ko kaya. Baka 'pagpinakain ko sila kami ni tatay ang walang makain ng isang linggo.

"Bakit nadawit 'yung pangalan ko diyan, ha?" tanong ni Colline nang marinig ang pangalan niya. Naglakad siya papunta sa amin. Hindi naman kalayuan ang kinaroroonan niya kaya niya narinig ang medyo pasigaw kong sabi kanina.

Kaunti na lang ang mga tao dito sa may covered court. Hindi naman kaliitan ang court namin kahit na public ito. 'Yung ibang mga upuan na hiniram ay inaayos na ng mga school staff para ibalik na sa may barangay. Wala kasing sariling mga upuan ang school namin, kaunti lang ang meron.

"Pakain ka naman, Ms. Valedictorian," sabad ni Anya, isa sa mga kaklase ko rin. Narinig ng mga kaklase ko 'yon dahil magkakalapit lang naman kami rito. Sumang-ayon naman sila at nagsigawan na naka-agaw pansin sa dami ba naman nila, e.

"Magpapakain na 'yan!" sigaw nila. Natawa nalang ako. Sa tuwing may manlilibre ay laging si Colline ang tinitignan nila. Sa aming lahat ay siya ang mayaman kaya automatic silang lilingon sa kaniya.

"Sige na, sige na," sabi niya. Tinaas niya ang kanang kamay para patigilin silang sumigaw. Nakatingin na sa amin 'yung ibang mga estudyante at mga magulang dahil sa ingay na ginawa nila. "Sige, lilibre ko kayo."

"Kaming lahat?" hirit pa ni Joshua.

"Yes, of course!" tugon naman ni Colline. Yaman talaga nito, e. Madali lang siya mapapayag kaya nakasanayan na rin namin.

Nilingon ko siya. "Sure ka, frenny?" tanong ko. "Ang dami nila, oh. Di ba may graduation party ka naman sa inyo mamaya?"

Kanina, dumaan ako sa bahay nila Colline at nakita kong abala ang mga tao roon sa bahay nila, nagdidisenyo para sa graduation party niya. S'yempre hindi papayag sila tito Von na hindi i-celebrate ang graduation ng nag-iisang anak nila.

"Hindi, okay lang. Uwi lang ako saglit tapos lilibre ko na kayo," sagot niya.

"Ikaw bahala," sambit ko. Yaman talaga ng babaeng 'to.

Bumaling siya sa mga kaklase namin. "5 pm, kita tayo sa may park!" sigaw ni Colline sa mga kaklase namin. Masaya silang sumang-ayon sa sinabi niya. Maya-maya pa ay umalis na sila at pumunta na sa kani-kanilang pamilya para umuwi muna. At ako?

"Di talaga pumunta si tito?" tanong ni Colline habang mabagal kaming naglalakad palabas ng covered court. Bigla akong nalungkot nang banggitin niya iyon.

Nakatingin lang ako sa paa kong humahakbang.

"Hayaan mo na," tugon ko. "May collage pa naman. Busy lang siguro siya." Kahit salutatorian ako ay hindi pa rin ako masaya kasi wala naman si tatay. Mabuti nga at nandiyan ang daddy ni Colline at siya ang nagsabit ng mga medalya ko kanina.

"Dapat proud siya sa 'yo. Kasi tingnan mo.." Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong balikat. Sanadali kaming huminto "Mabait ka, matalino at salutatorian pa!"

"Pero parang wala lang sa kaniya, e." malungkot kong sabi. Sinong hindi malulungkot doon? Wala kang kasama sa araw ng graduation mo. Ayaw ko naman magalit kay tatay, 'yon ang turo ni nanay sa akin. Huwag na huwag kang magtatanim ng galit dahil pagdating ng panahon mababalot ng galit ang puso mo.

"Hayaan mo, I'm sure proud siya sa 'yo, hindi lang siguro alam ni tito na ipakita sa 'yo. Someday maipapakita at mapaparamdam niya sa 'yo ang deserve mo," pagpapapagaan niya ng loob ko. Tumango na lamang ako at napangiti  sa sinabi niya. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Mabuti na lang at nandiyan si Colline, may karamay ako sa lahat. Siya ang naging nanay, ate, kaibigan at pamilya ko. 

"'Wag ka ng malungkot!" Biglang sumaya ang tono niya at hinakbayan niya ako. "Nandito naman ako, e. Proud ako sa 'yo. Sila daddy at mommy. Mga teachers at saka mga classmates natin. Pati na rin mama't kuya mo. Maraming proud sa 'yo."

Ngumiti ako sa mga sinabi niya. Tulad nga ng sinabi niya, maraming proud sa akin. Pero hindi ko talaga mai-aalis sa akin na maging malungkot.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Colline, anak," tawag ng mommy ni frenny, si tita Kate. Lumapit siya sa amin kasama si tito Von. Tinignan agad ako ni tito at binati. "Xeia, congratulations for being salutatorian."

"Thank you po," pagpapasalamat ko.

"Friendship goals talaga kayo," biro ni tito Von. "Proud kami sa inyong dalawa." Nang marinig ko 'yon ay hindi ko alam kung anong saya ang nararamdaman ko. Ngumiti ako. Ako kaya? Kailan ko maririnig mula kay tatay 'yan? Para akong batang sabik na mabigyan ng laruan, ng pansin.

"Mabuti ikaw ang naging matalik na kaibigan ni Colline, naimpluwensyahan mo siya."

Natawa ako sa sinabi ni tito. "Matalino naman po talaga si Colline, valedictorian pa nga po, e."

Sa katunayan nga, siya ang nakaimpluwensiya sa 'kin. Tinulungan niya ako sa tuwing may hindi ako maintindihan na lesson. Bilang kapalit, tinutulungan ko rin siya kaya ang kinalabasan ay nagtutulungan kamin. Thankful  ako dahil nakilala ko siya, sila. 

"Tara na. Siguradong marami ng bisita sa bahay," aya ni tita.

"Ahm, uuwi po muna ko sa bahay," sabi ko. Uuwi muna ako para pupuntahan si tatay. "Pupunta naman po ako mamaya."

"Oh, siya, sige. Mag-iingat ka, ha?" pagpapa-alala ni tito. "Gusto mo bang ipahatid kita sa driver ko?"

"Ay, 'wag na po," tanggi ko. Nakakahiya naman.

"Hahatid ko na lang siya sa sakayan mom, dad," sabad ni Colline. Tinignan ko siya at hinawakan ang palapulsuhan.

"Mag-iingat kayo, ha?"

"Yes, mom," sagot niya.

"Mauna na po ako tito, tita," pagpapaalam ko sa kanila.

"Tara, hatid na kita." Hinila niya na ako palabas ng school at sila tito naman ay dumaretso sa may parking area. Muntik na akong matumba sa lakas ng hatak niya sa akin.

Kahit mayaman sila, dito pa rin sa public school napiling mag-aral ni Colline. Ayaw niya raw kasing masanay na nasa private school siya baka raw maghirap sila at hindi niya magustuhan ang public school. As if naman maghihirap sila. Hindi ko ma-imagine.

"Kuya, dito nga po sa chocolate cake na 'to at ito po 'yung isusulat," sabi ni Colline. Habang naglalakad kami papunta sa sakayan bigla na lang niya ako hinila dito papasok sa bilihan ng cake, ang hilig niya talagang manghila.

"Anong ginagawa mo? Siguradong marami ka ng cake sa inyo. 'Bat ka pa bibili?" nagtatakang tanong ko. 

"Para sa 'yo 'yan. Tanga!" tugon niya.

"Huh? Hala! 'Wag na," tanggi ko. "Di ba may binake ako sa bahay?"

Kagabi ay 'yun ang pinagpuyatan ko, hindi kasi ako makatulog dahil sa sabik na grumaduate. Niregaluhan ako ni tito Von ng oven nung nakaraang birthday ko at si tita naman ay mga gamit pang-bake. Alam kasi nila na mahilig akong magbake. Tuwing nasa bahay ako nila Colline ay lagi kaming nag-ba-bake.

"'Wag ka ng tumanggi this time, frenny," pagpupumilit niya. Tumango na lang ako sa kaniya dahil hindi rin siya magpapatalo.

"Bakit ka ganiyan?"

"Huh? Bakit ako ganito?" naguguluhang tanong niya nang magsalita ako.

Biglang lumiwanag ang mukha niya na parang may biglang pumasok sa isip niya. Kalokohan na naman ata 'to. Tiningnan niya ang katawan niya sa may glass door at nagpaikot- ikot na parang prinsesa. Tinignan naman siya ng mga tao rito sa loob.

"Ano ka ba! Ako lang 'to 'yung kaibigan mong super ganda," Pinalo niya ako ng mahina sa balikat ko. Patuloy pa rin siyang nakangiti sa harap ng glass door. Nakikita rin kaya siya sa labas!

"Tanga! Bakit ang bait mo?" Nilingon naman niya ko sabay ngiti.

"Kasi best friend kita," sagot niya.

"Paano kapag hindi mo ko kaibigan? Magiging mabait ka pa rin kaya sa akin?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Syempre naman 'no!" tugon niya. "Aishh. Tama na nga 'yan. Ikaw, ha. Patanda ka ng patanda, nagiging emotional ka."

"Yuck, grabe sa patanda ng patanda, ha? 17 pa lang ako!" anggal ko. "Ikaw nga diyan, mas matanda ka pa sa akin."

"Hey! Month lang ang itinanda ko sa 'yo," sabi niya. "Hala! Mag-e-eighteen na pala ko 'no? OMG!"

"Ma'am, here's the cake," tawag ng crew kay Colline. Lumapit siya roon para kunin ang cake at bayaran. Binigay niya naman sa akin at ako na raw ang magdala.

"Lezzz gooo."

Lumabas na kami at tumawid papunta sa sakayan ng tricycle. 

"Kuya sa bangkok po," sabi ko kay manong driver kung saan ako bababa. Tumango naman si manong driver. 'Yung mga pangalan ng street namin ay mga gano'n. Pattaya, Seoul, etc. Ewan ko kung ano ang naisip ng gumawa no'n.

"Teka," pigil ni frenny sa akin. Sasakay na sana ako sa tricycle pero hinila niya ako, muntik pa akong mauntog

"Bakit?" tanong ko.

"Si tito Zenon ba 'yon?" tanong niya. Pagkarinig ko pa lang ng pangalan ni tatay ay nilingon ko na kung saan siya nakatingin. Sa school? Nakatayo siya sa may gate.

"Anong ginagawa ni tatay?" tanong ko. Akala ko ba hindi siya pupunta?

"Syempre, hinahanap ka. Look, parang may hinahanap siya, oh," aniya. "Di ka rin pala niya matitiis, e. 'Yun nga lang, late."

"Okay na 'yon," ani ko. Naramdaman kong namasa ang mga mata ko dahil sa saya. Nung graduation ko kasi ng elementary, wala siya. Ako ang valedictorian no'n. Syempre, nagtampo ako no'n kasi iniisip ko na wala lang sa kaniya 'yon...na kulang pa 'yung ginagawa ko. Gusto ko siyang lapitan ngayong pumunta na siya.

As I was about to take a step... May biglaang dumating na motor, sobrang bilis magpatakbo at n-nabanga...... Si tatay. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nasaksihan. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko at parang nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw.

Tay....

"Oh my god," si Colline.

Nagsigawan ang mga tao dahil sa nasaksihan. Ang iba ay tumakbo palayo at ang iba ay nakiusyoso. Pinalibutan nila si tatay. Pinilit kong tumakbo papunta sa kaniya. Habang tumatakbo ako ay tila huminto ang mga tao, huminto ang mundo.

"Tay!"

Lumuhod ako nang makalapit sa kaniya. Gusto ko mang hawakan si tatay pero hindi p'wede at saka may d-dugo...

"Tumawag kayo ng ambulansya! Tumawag kayo!" sigaw ko. Halos wala na akong makita dahil sa mga luha ko. Naramdaman kong may lumapit sa akin, si frenny. Niyakap  niya ako.

"Frenny.... Si tatay.... Ambulansya.... Kailangan ko.... Kailangan ni tatay."

"Shuuu... Tumawag na ko." Umiiyak na rin siya base sa tono niya.. Patuloy pa rin akong uniiyak. Hindi ko mahawakan si tatay.

"Kasalanan ko 'to, e....."

"Hey, it's not your fault. Okay? Aksidente ang nangyari."

"Hindi..... Kasalanan ko....."

"Shuuuuu...."

Y-yung driver n-ng m-motor. Pinunas ko ang kamay ko sa aking mukha at lumingon sa paligid. Nagulat na lang ako na may biglang bumagsak sa harapan ko ang isang lalaki. Nakahelmet siya. Sigurado akong siya ang nakabangga kay tatay.

"Tatakas ka pa, ha?" sabi nung lalaki sa mamang nasa harapan ko. Siya siguro ang gumawa no'n dito sa lalaki na 'to.

Ang daming tao dito, pero hindi nila napansin 'to? 'Buti na lang at nahuli siya. Nilingon ko ang lalaki 'yon pero hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa araw at sa mga luha ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status