بيت / Romance / One Scandalous Night with My Arrogant Boss / Chapter 35 Ang Pagbisita ni Sydney

مشاركة

Chapter 35 Ang Pagbisita ni Sydney

مؤلف: Harte Miller
last update تاريخ النشر: 2026-11-04 18:52:48

Kinabukasan, sumubok si Klaire sa ibang real estate agency, pero malas pa rin siya. Dalawang araw na siyang naghahanap, pero wala pa rin siyang mahanap na apartment na pasok sa mga kailangan niya. Unti-unti na siyang pinanghihinaan ng loob.

Isang linggo na siyang nakikitira, at hindi na siya komportable kung magtatagal pa siya roon.

Kung nagbabakasyon pa rin ang mga magulang ni Sofia, hindi sana problema. Pero ngayon, nakauwi na silang lahat, pati ang kuya nito. Siya na lang ang hindi miyembro
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • One Scandalous Night with My Arrogant Boss   Chapter 48 Almusal

    Muling namula ang mga pisngi ni Klaire nang maalala ang tindi ng halikan nila kanina. Wala na siyang nagawa kundi ang sumuko."Sige na. Narinig ko."Ngumiti si Wade at saka dahan-dahang inayos ang tindig niya. Iniunat niya ang mahahaba at maninipis niyang daliri para marahang tapikin ang ulo ni Klaire, na para bang isa itong alagang hayop."Good girl. Aalis na ako."Umalis ka na nga! At sana, huwag ka nang magpakita ulit sa harap ko!Nakatitig lang si Wade sa kanya, na para bang nababasa nito ang iniisip niya. May ngiti sa mga labi nito."Hindi mo ba ako ihahatid sa pinto?"Matamis na ngumiti si Klaire. "Nandoon lang naman ang pinto. Hindi mo na kailangan ng magtuturo sa'yo ng daan."Napatawa si Wade. Hindi na niya ito inasar pa."Sige na. Magpahinga ka na."Pagkaalis nina Wade at ng aso nito, agad na isinara at ni-lock ni Klaire ang pinto. Pagkarinig ni Wade sa pagsara ng pinto sa likuran niya, napatawa siya. Napatingin siya sa golden retriever na katabi niya at masayang kumakawag an

  • One Scandalous Night with My Arrogant Boss   Chapter 47 Halik

    Napatingin si Wade sa babaeng nagtatago pa rin sa mga bisig niya at nahihiyang mag-angat ng ulo. Mahina siyang natawa, habang may mapaglarong kislap sa mga mata."Hindi. Nasa paanan mo pa rin.""Sabihan mo ngang umalis!" Agad na sagot ni KlaireKaswal na sumagot si Wade, "Hindi ko siya mailipat.""Ikaw talaga..."Sa wakas, nag-angat ng ulo si Klaire at sumilip sa ibaba. Wala namang asong malapit sa kanya. Nasa isang tabi na pala ang golden retriever at tahimik na nakaupo. Nang mapagtantong niloko siya nito, nanlaki ang mga mata ni Klaire. Lumingon siya at masamang tiningnan si Wade."Niloko mo ako?"Bahagyang nagtaas ng kilay si Wade. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."Napapangiwi sa inis si Klaire habang bahagyang nag-umbok ang mga pisngi niya. Pero bigla niyang naalala kung gaano siya kalapit kay Wade at kung paano siya nakayakap dito kanina. Agad na namula ang mukha niya. Mabilis niyang inalis ang mga braso sa leeg nito at sinubukang bumaba mula sa kandungan nito.Pero bago pa siya m

  • One Scandalous Night with My Arrogant Boss   Chapter 46 Lumayo Ka Na

    Naiinis na pinagmamasdan ni Klaire si Wade habang nakahilata sa sofa niya na para bang siya ang may-ari ng lugar. Sa kasamaang-palad, wala naman siyang magawa. Mas makapangyarihan kasi ito kaysa sa kanya."Noong nakaraan, bago ako lumipat sa building na 'to, hinarass ako ng anak ng landlord sa kalagitnaan ng gabi.""Kaya tumawag ako ng pulis, at si Zion ang rumesponde. Pagkatapos noon, kinailangan kong pumunta sa presinto para magbigay ng salaysay. Gabi na nang matapos ako, kaya nag-alok siya na ihatid ako pauwi. Nangako akong ililibre ko siya ng hapunan bilang pasasalamat. Kaya ayun, dito kami nauwi."Bahagyang kumunot ang noo ni Wade habang nakikinig. Kaya pala bigla na lang siyang pinauwi ni Sofia. At least, marunong naman palang dumiskarte si Klaire. Alam nitong tumawag sa pulis kapag may nangyaring masama sa kanya."Trabaho naman niya bilang pulis ang tulungan ka, hindi ba? Bakit kailangan mo pang palakihin ang bagay na 'yon?"Agad na sumagot si Klaire, "Nag-alaga lang naman ako

  • One Scandalous Night with My Arrogant Boss   Chapter 45 Gusto Mo Ba Sya?

    Pagkatapos, para bang siya ang may-ari ng bahay, kaswal itong naglibot sa sala bago naupo sa sofa at isinampa ang isang paa sa kabila. Gaya ng aso niya, wala itong pakundangang nagmistulang sarili nitong bahay ang apartment ni Klaire.Talaga bang napakakapal ng mukha ng lalaking ito? Siya ang may-ari ng bahay, pero ang bisitang hindi naman niya inimbitahan ang unang komportableng umupo nang hindi man lang nagpaalam!Gayunpaman, hindi niya naman puwedeng basta paalisin si Wade sa harap ni Zion. Kaya napilitan siyang ngumiti."Maging komportable lang kayo. Ihahanda ko na ang mga lulutuin natin."Agad na nag-alok si Zion. "Tutulungan na kita."Umiling si Klaire. "Huwag na. Kaya ko na ito."Pagkasabi niyon, kinuha niya ang mga supot ng pinamili at dinala ang mga ito sa kusina. Gusto sana siyang sundan ni Zion, pero mahinahon niya itong pinigilan. Sinabi niyang baka lalo lang itong makasagabal habang nagluluto siya.Tahimik na sinundan ni Wade ng tingin si Klaire habang papasok ito sa kusi

  • One Scandalous Night with My Arrogant Boss   Chapter 44 Bagong Kapitbahay

    Parang walang napansing kakaiba si Zion at natawa lang ito nang bahagya.Samantala, gustong-gusto nang lamunin ng lupa ni Klaire sa sobrang hiya. Ang gusto na lang niya ay makauwi agad para makalayo kay Wade. Mabilis niyang iniabot ang kamay at pinindot ang elevator button. Dahan-dahang nagsara ang mga pinto, at nagsimulang umakyat ang elevator.Pero may isang bagay na medyo nakapagtataka. Bakit hindi man lang pinindot ni Wade ang button para sa palapag niya? Pero wala naman siyang pakialam doon. Bakit niya pa iintindihin?Napansin din yata iyon ni Zion kaya nagtanong ito, "Sir Wade, saang floor ka?""Malalaman mo rin mamaya," sagot ni Wade.Napakunot ang noo ni Zion, pero hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin. Hindi nagta

  • One Scandalous Night with My Arrogant Boss   Chapter 43 Girlfriend

    Ngumiti si Klaire bago nagtanong, "Kailan ka ba libre? Gusto sana kitang ilibre ng pagkain.""Karaniwan, kapag weekend."Agad na may naisip si Klaire. Linggo ngayon. Sakto naman!Pero nang mapatingin siya sa mga karne at gulay sa shopping cart niya, nag-alinlangan siya. Balak pa naman sana niyang magluto ng tanghalian sa bahay.Paano kung sa labas na lang niya ito ilibre?Kaso bago pa lang siya sa lugar at wala pa siyang alam na magagandang kainan. Kung sa murang kainan naman sila pupunta, baka mahiya siya. Pero kung sa mamahaling restaurant, baka hindi kayanin ng budget niya.Napansin ni Zion ang mga pinamili niya at ngumiti."Di ba n

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status