Share

CHAPTER 4 - Graduation Night

"Congratulation bunso, you made it." sabay sabay na bati nila Mommy,Daddy at kuya sakin na ginantihan ko naman ng mahigpit na yakap. "Salamat po sa lahat ng suporta niyo."

"Congratulation, Meisha." bati naman ng mga kaibigan ni kuya na always present dito sa bahay. Mga nagta trabaho pa kaya ang mga ito, napansin ko lang parang hindi naman kasi? Marami pang bumati, bat dito bati doon.

"Thank you, thank you po sa inyong lahat." ganting pasasalamat ko nman sa mga ito.

Now is my special day, my Graduation Day. Kanina lang ay tinanggap ko ang pagpapatunay ng aking pagtatapos and I am proud of my self. I am thankful to the Lord above that I graduated magna-cumlaude in a field that I choose and no one can describe how happy I am. kabi-kabila ang offer sakin ang dami kong nakolektang calling card.

May salu-salong inihanda sila mommy at daddy pagkauwi namin dito sa bahay.

Sa Lawn ng garden sa likod bahay ginanap ang party. Bumabaha ng alak at pagkain. Toast dito toast doon. Nagkakasiyahan ang lahat, may mga sumasabay ng pagkanta sa saliw ng tugtugin. May naghihiyawan at sumasayaw kapag sinasalang ang mahaharot na dance songs. Lahat nakiki celebrate, nakikisaya sa tagumapay kung nakamit pati ang makukulay at maharot na disco lights.

Pagtugtog ng Daleng Dale ng MMJ maraming mga pinsan ko, kaibigan at kaklse ang humila sakin sa gitna as a dance floor para makijoin sumayaw. At dahil love ko din naman ang pagsayaw humataw narin ako. Pero kong ano ang galing ko sa pagsayaw yon din sama kong kumanta. Gusto ko sanang ang kumanta kaya lang ang kanta naman ang umaayaw sakin.

Uy sino siya!

Sabay pinagkakaisahan turo sakin hinayaan akong magisa sa gitna indikasyon upang mag isa kong sayawin ang sinasabi ng lyrics sa kanta ang gumiling ng mabangis. Parang show down lang. Ako naman ganagong ganado na humahataw narin ng sayaw.

Ang bangis niyang gumiling (3x) giling

Uy sino siya

Di na kayang pigilin

Mula sa dance floor kong nasaan ako natatanaw ko si kuya at mga kaibigan niya nag iinuman din, at mukhang mga lasing narin. Maya maya pa nakita kong tumayo si Dwayne binagsak pa ang bote ng beer sa mesa nila. Nagpaalam ako at umalis ng dance floor pumunta qko kung nsaan ang mesa nila kuya.

"Anong nangyari don?" tanong ko agad kina kuya na tinutukoy ang ginawa ni Dwayne. Nagkibit balikat lang ang mga ito.

"Nagtaka nga din kami, bigla nalang nag walk out."

Sinundan ko naman mukhang papalabas na ng mansyon. Naabutan ko naman papasakay na ng kotse niya.

"Future hubby" sigaw ko

"What?"

"San ka pupunta lasing kana."

"Sinong lasing? Eh mukhang lasing ka pa nga sakin sa harot at laswa mong sumayaw. Ganyan ka ba sa mga parties na pinupuntahan mo? O baka nga kung sinu sino ng humahawak sayo ng di mo namamalayan kaka sexy dance mo, o dahil gusto mo rin."

"How dare you judging me like that , kapal ng mukha mo."

"Hey, why you're lapping him?"

"Let's go lover boy, para makarami pa tayo."

"At sino ka naman? "

"His partner."

"Wow hah, proud na proud, partner saan?"

"Pakialam mo naman. Sino ka ba?"

"Ako lang naman ang future wife ng kinakalantari mo." taas kilay kong sagot sa Babaeng sa tabi ng kotse ni Dwayne na mukha ng chaka sa kapal ng make-up tsaka binalingan si Dwayne.

"Ohhh, sino ngayon ang malandi sating dalawa? Ayaw daw sakin pero mas malala pa sakin ang kinuha . Magsama kayo. F**k buddies."

* * * * * * * * * * * *

"Ui Shang what happened? Ang alam ko ang Graduation Day ang sini-celebrate natin, pero Bakla ang mukha mo parang naglukluksa? "

Nandito ako ngayon sa poolside ng likod bahay namin. Hindi na muna ako bumalik sa party nawalan na ako ng gana. Pero itong bestfriend ko naamoy pa ako dito sa pool na ipinagpapasalaamt ko at least may karamay ako sa pag eemote. Si Pamela ang best friend ko since high school pero hindi kami sabay grumadweyt ng college nauna ito dahil naaccelerate ito sa taas ng IQ.

"Ohh, anong hangin ang nagdala sayo dito?"

"Nalanghap ko lang ang mga halamang pabango mo kaya napad pad ako dito." ngumiti ako. "Alam mo namang wala akong ka close don,iniwanan mo ako."

"Irenovate kasi natin yang mukha mo para lumabas ang hidden treasure, na ayaw mong ipakita."

"Ginawa mo pang bahay ang, mukha ko." ngiwi nito sakin. "Teka nga muna, bakit mukha ko pinagdidiskitan mo? The last time I checked ako ang nagtatanong at hindi mo pa sinasagit.

"Si Dwayne kasi nagwalk out sa party kasama ang f**k buddy niya ." nakasimangot kong sumbong dito.

"A f**k buddy? Bakit nakita mo ba na they do fuc**** o sinabi bang f**k buddies sila.? "

"Hindi, pero sabi ni chaka girl his partner daw. Understood na un."

"Nag jump ka na naman sa conclusion mo. Hindi mo naman na confirm.Hindi mo ba naisip na baka assumerang frog lang si girl? "

"See. You just hurt your feeling sa mga walang katuturan mong insecurities. Halika nga dito." lumapit ako sa kanya at niyakap niya ako.

"Huwag mo ng ipilit kong masasaktan ka lang ng sobra. Huwag pilitin pitasin ang bungang hindi pa nahihinog kasi hindi yan masarap. Masarap magmahal, pero mas masarap kapag may katugon lalo pa kung hindi mo hiningi sa pilit kundi kusang ibinigay."

"wow ha, galing mag advice. Nagkalove life ka na ba Bakla?"

"Naman, sinawing palad nga lang." sabay kaming nagtawanan. "

* * * * * * * * * *

Ilang oras nalang mag-uumaga na nagsipag uwian na ang mga bisita at inaantok narin ako. Si kuya tulog na sa kwarto niya knock out kaya inalalayan nlang nila kuya Arcie at Kuya Gab na ipasok sa silid nia bago nagsiuwian.

Makaakyat na nga para makatulog narin pagod at antok na anyok na ako. Bahal na ang mga katulong na magligpit ng kalat.

Hikab na ako ng hikab habang papasok ng kabahayan.

"Ma'am Meisha sandali lang po" hinihingal na habol sakin ni Manang Conching.

"Dahan dahan lang po Manang, ano po ba yon?"

"Ma'am diba po kay sir Migs ito." tinutukoy ang cellphone na nasa kmay nito.

"Opo, pasaway talaga si kuya sa sobrang kalasingan naiwanan na ang cellphone niya. Maraming salamat po Manang pahinga na po kayo after. Ako na magtatago nito, Ako na po ang magbibigay wag nio na pong sabihin kay kuya. Para naman kabahan paminsan-minsan." sabi ko na panay ang hikab.

"Sige po, ma'am. Matulog na po kayo ang tapusin lang po namin ang pagliligpit."

Nakapasok na ako sa aking silid ng may maisip ako. Kinuha ko ang phone ko sa wristlet ko. Mang iistorbo muna ako ng mga pusang nalalampungan.

I dialed Dwayne's cellphone number. Nakailang ring na pero wala pang sumasagot. Balak ko na sanang i hang-up ang tawag ko ng may sumagot.

"Hello."

"Hello? Bakit nasayo ang phone ni Dwayne."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status