LOGINStay tuned for more updates. Maraming salamat po kasi umabot kayo rito. 🫶🫶🫶
Chase’s POV“Sasama ka ba sa akin?” mahina kong tanong. “O iiwan mo rin ako tulad ng gusto nila?”Hindi siya sumagot.Naririnig ko ang mabigat kong paghinga. Naririnig ko rin ang mahihinang bulungan ng mga tao sa paligid namin. Pero wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging mahalaga sa akin ngayon ay ang sagot ni Kiara.“Chase….”Mahina ang boses niya. Halatang nagdadalawang-isip siya.“Please, Kiara. Answer me…” nangingilid na ang mga luha ko.Hindi ko na inisip kung ano ang sasabihin ng pamilya namin kapag nakita nila akong umiiyak sa harap nila. Hindi ko na rin inisip ang dignidad ko. Wala na akong pakialam sa lahat ng iyon.Ang gusto ko lang ay ang sagot niya.Kahit walang kasiguraduhan, umaasa pa rin ako na sasama siya sa akin. Na pipiliin niya pa rin ako kahit na labag man sa pamilya namin ang kagustuhan namin.Nararamdaman ko ang paggalaw ng kamay niya sa kamay ko.Nanginginig siya.“Kiara,” mahinahon kong sabi. “Just tell me the truth. Kahit anong sagot mo, tatanggapin ko.”“
Chase’s POVPagpasok namin sa loob ng bahay ni Mama, agad namin siyang nakita sa sala, kausap ang mga kaibigan niya.Nang napansin niya kami ni Kiara, agad silang tumigil sa pag-uusap. Binalot ng matinding katahimikan ang buong sala. Kitang-kita ko kung paano nag-iba ang ekspresiyon sa mga mukha nila nang napansing si Kiara ang kasama ko at hindi si Eliza.Tumayo si Mama at lumapit sa akin.Napapikit ako nang sampalin niya ang mukha ko nang dalawang beses.Mabigat ang tunog ng bawat sampal. Hindi ako gumanti. Hindi rin ako nagsalita agad.Isa-isang umalis ang mga kaibigan ni Mama. Naiwan kaming tatlo sa sala.Sinulyapan ko si Kiara. Bakas sa mukha niya ang pinaghalong takot at kaba nang muling makita si Mama pagkatapos ng ilang buwan.“Lola Ivy…” sambit ni Kiara.“At dinala mo pa talaga ang babaeng ‘yan dito, Chase?!” sigaw ni Mama sa akin.Sinubukan niyang lapitan si Kiara, pero mabilis ko siyang pinigilan.“I love her, Mama!” hindi ko na mapigilan ang sarili kong pagtaasan siya ng bo
Chase’s POV“Go to hell, Chase,” malamig niyang sabi. “Hindi na kita kailangan.”Parang may pumiga sa dibdib ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. Pero hindi ako umatras. Hindi ko kayang umatras. Isang linggo ko siyang hinanap. Isang linggo akong walang ginawa kundi isipin kung nasaan siya, kung kumakain ba siya nang maayos, kung may nag-aalaga ba sa kanya. At ngayong nasa harap ko na siya, hindi ko siya hahayaang umalis ulit.Humakbang ako palapit kay Kiara at agad ko siyang binuhat na parang bagong kasal.“Put me down, old man!” sigaw ni Kiara habang nagpupumiglas sa mga braso ko.Mahigpit ang hawak ko sa kanya. Ramdam ko ang bigat ng tiyan niya. Walong buwan na siyang buntis. Hindi ko siya pwedeng hayaan na maglakad nang mag-isa kung saan-saan.“Hindi tayo maghihiwalay,” mariin kong sabi habang naglalakad papunta sa kotse ko.“We're done the day you chose your ex-girlfriend over me!” sigaw niya.Pak!Muling dumapo ang palad niya sa mukha ko. Ramdam ko ang init ng sampal pero hin
Chase’s POV“Sir, we found her.”Agad kong hininto ang pagbabasa ng mga dokumento sa mesa ko at tumingin sa assistant kong si Ed na kapapasok lang sa opisina ko. Halatang nagmamadali siya. Bahagyang hinihingal pa.“Where is she?” agad kong tanong. Tumayo ako mula sa swivel chair ko at nagsindi ng sigarilyo. Hindi ko na hinintay na umupo pa siya. Gusto ko agad marinig ang sagot niya.“Nakita po namin siya kasama ang bagong may-ari ng law firm na pinagtatrabuan niya,” sagot niya. “Imperium Legal Chambers. Nasa isang five-star restaurant siya kumakain kasama si Mr. Clyde Smith. Siya ang nakabili ng firm ilang buwan na ang nakaraan.”Kumuyom ang kamao ko habang hinihigop ang usok ng sigarilyo.Clyde Smith.Matagal ko nang kilala ang pangalan na iyon. Siya ang lalaking nanligaw kay Kiara bago pa kami ikasal. Siya rin ang lalaking tinanggihan ni Kiara dahil kay Jack.Hindi ko makalimutan iyon.That asshole.Hindi ko hahayaang ilapit niya ulit ang sarili niya kay Kiara.“Send me the location,
Chase’s POVNamamaga na ang kamao ko sa paulit-ulit na pagsuntok ko sa dingding ng kwarto ko. Halos wala na akong maramdaman sa mga daliri ko, pero patuloy ko pa ring ginagawa. Mas madali ang sakit sa kamay kaysa sa sakit sa dibdib.Isang linggo na ang nakalipas mula nang umalis si Kiara sa bahay. Isang linggo na mula nang makita ko ang galit at sakit sa mga mata niya. Isang linggo na mula nang pinili kong panindigan si Eliza sa harap ng lahat.Isang linggo na wala akong balita kung nasaan ang asawa ko.Pinikit ko ang mga mata ko habang nakasandal sa dingding. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang binabalikan ang gabing iyon. Ang bawat salita ni Kiara. Ang bawat tingin niya sa akin.Alam kong nasaktan ko siya.Alam kong sinira ko ang tiwala niya.Pero iyon lang ang naiisip kong paraan para mailayo ko siya sa gulo. Kung mananatili siya sa bahay na iyon, kung ipaglalaban ko siya sa harap ng pamilya niya at ng pamilya ko, lalong lalala ang sitwasyon. Alam ko kung gaano kalupit ang
Kiara’s POVKinabukasan, inimbitahan ni Joan si Clyde sa apartment niya. Ginawa niyang dahilan na kukunin ko siya bilang Ninong ng anak ko kapag nanganak na ako. Ang ideya mismo ay nakakapagbigay ng kaunting ginhawa, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya tuwing nakikita ko si Clyde.Lalo na nang maalala ko ang huling sinabi ko sa kaniya—na huwag niya akong liligawan, at kahit anong mangyari, hindi ako gagaan sa puso ko. Pakiramdam ko ay nababalot pa rin ako ng hiya at kaba.Tumango lang ako habang nakaupo sa sofa, pinipilit itago ang galit, sakit, at panghihinayang na bumabalot sa akin.“Kung iniisip mong huhusgahan din kita, kailanman ay hindi kita huhusgahan, Kiara,” banat ni Clyde habang nakatingin sa akin nang diretso. “Mas galit ako sa Uncle Chase mo. Gusto kong sabihan siya na isang manipulative na tao. Nabuntis ka niya at pinakasalan pa, kahit alam niyang may risk na maraming tao ang magagalit at masaktan. Pero siya, ginawa pa rin niya.”Napabuntong-hininga ako at dahan-da







