Share

CHAPTER ONE

CHAPTER 1

"What the fuck is that?" Bungad ni Wedny pag-kapasok sa bahay nila Ree.

"Can you please explain it to me, what happened? Anong fiancee, anong... anong?" Hindi ito mapakali.

"Can you fucking calm down?" Nakataas ang kilay at iritadong sabat ni Hill na kadarating lang.

Hindi siya nakapunta kanina dahil may inaasikaso ito ngunit dahil sa nangyari paniguradong agad na itong pumunta rito. And maybe Ree called her.

"We heard what happened Tue. Ayos ka lang ba?" Agad na tumakbo palapit sa akin si Milk at sinuri ako.

Ngumiti ako rito. "Ayos lang ako." I said with the matter of lies.

"Sorry for not coming to your birthday and also Wedny. We're really busy. Hindi ka tuloy namin natulungan kanina." Napabuntong hininga ako at bahagyang hinaplos ang ulo nito.

Milk is really a softy. "No one expected that Milk."

Bumaba ang tingin niya at niyakap nalang ako. "Still sorry." Bulong nito.

Agad na napalingon ako sa pinsan nito. Hill is looking at us with apologetically eyes. Maaaring na g-guilty rin ito sa hindi pag-punta dahil sa nangyari.

But this isn't anyone fault. No one knows what's going to happen. Hindi namin inaasahan ang lahat ng iyon.

"Well, panigurado namang nadamay ka lang talaga Tue." Agad na napatingin kaming lahat nang magsalita si Wedny.

"Hindi ba't siya naman ang dahilan kung bakit nangyari iyon kanina?" Syaka ito lumingon kay One na tahimik lang na nakatayo sa gilid.

Sabay sabay nabaling ang tingin namin sa kaniya. I need an answer about what I knew. Ngunit may karapatan ba akong malaman?

"Bakit nadamay na naman ang kapatid ko sa gulo mo? At ano pang sinabi niyong kasinungalingan sa harap ng maraming tao? Do you want my sister suffer in those fake rumors!?" Bulyaw nito.

Agad na tumayo ako para pakalmahin si Wedny but I think that's not going to help lalo na at sobrang naiinis na ito.

Mabilis na hinarangan ni Ree ang kuya niya. "I'm sorry Wendy. Wala na kasi akong ibang alam na sasabihin para ipahiya siya kundi ayon na--"

"Shut up!" Sigaw nito.

"Maybe Tue likes your brother Ree. But you know how dangerous Calla's family. That lies you've said will going to spread now. Sa tingin mo palalagpasin iyon ng pamilya nila?"

"Calla and kuya is already not together. Matagal na silang tapos. Marami nang nakakaalam non. And people just waiting who's his new fiancee." Depensa nito.

"And you think saying that Tue is his fiancee is a nice idea!?"

"We're not rich like you, not even rich like all our friends! Sa tingin mo masayang masali sa gulo niyong mayayaman!?" Mabilis na hinawakan ko ang kamay nito at pilit na pinapakalma.

I know how Wedny get mad. Ayokong mangyari na maging agresibo na naman siya.

"I promise to clean the mess I've did." Ree sincerely said.

Umiling si Wedny. "Sa tingin mo madali lang maayos ang lahat ng iyon? You don't know how people think!"

"Anong sasabihin mo na nasabi mo lang 'yon para ipahiya si Calla? Na nasabi mo lang iyon dahil wala ka nang maisip na ibang rason? Na nasabi mo lang iyon dahil sa tingin mo iyon ang tamang paraan para matapos 'yung nangyari? Bullshit!" Napahawak ito sa buhok niya. "What will people think!? That my sister is a desperate woman? That my sister is a whore? That--"

"Enough!" Napabaling ang tingin namin lahat kay Ree.

"Stop overthinking! Hindi ganun ang mangyayari and don't worry Wedny I promise to not cause any trouble in your famil--"

"That wasn't my concern! I'm worried about Tue! Anong iisipin ng mga tao sa kaniya!? You think because she's a positive woman she can bare all the judgement?"

"Bakit ba ganiyan ang iniisip mo Wedny. Ayos lang ako, and stop overthinking hindi naman siguro hahayaan ni Ree na ga--"

Natigilan ako nang galit na tumingin sa akin ang kapatid ko. "Yes! She maybe not going to let that happen pero sa tingin mo mapipigilan mo ba ang mga taong mag-isip ng masama sayo?"

"If I we're them. Iisipin ko rin kung bakit ba talaga kayo nag-away and obviously it's about that guy!" Sabay turo nito kay One.

"Knowing that people knew about their relationship before or even now? Ano sa tingin mo ang iisipin nila? Of course, they will think na ikaw ang dahilan kung bakit sila nag-hiwalay. Baka isipin pa nila na nilandi mo 'yang lalaking 'yan! Lalo na at hinalikan ka pa niya sa harap ng maraming tao!" Natigilan ako sa sinabi nito.

With that I remember the kiss. That empty kiss will probably make trouble in my life.

Natatawang tumingin si Wedny kay One at dahan dahan na lumapit sa kaniya. "What's with the kiss Mackenzie? Why did you kissed my sister, by the way?" Sa tanong na iyon para bang nabaliktad ang lahat ng nangyayari.

Hindi ko alam kung bakit parang naghihintay ang sarili ko sa magiging sagot nito. And it's making me feel nervous. Siguro ay umaasa parin ako na sana meron iyong kahulugan.

"It's a birthday gift." Simpleng sagot nito.

Sarkastikong natawa ang kapatid ko. "Birthday gift? Do you think my sister want your kiss infront of those people?"

Walang emosyong tumingin ito sa akin saka siya ngumisi. "Well, your sister obsessing about me for so many years. I think she dreamt about that. I'm just granting her dream." He shrugged.

Kasabay nun ang mabilis na suntok na tumama sa mukha niya galing sa kaibigan niya at maya maya lang ay sumunod naman ang malakas na sampal galing kay Wedny.

I feel like my heart clench in pain. So the kiss really don't have a meaning. But maybe at least he granted my dream?

"Hindi desperada ang kapatid ko!" Wedny shouted again.

I smiled bitterly when my mind made me realized something. I maybe love him, but doing that thing just because I dreamt or wish for it, isn't correct.

Yes, I admit that I love him but I know that I don't deserve the half stone-hearted kiss he gave.

Am I overreacting? For making that kiss a big deal?

"You're such an asshole." Malamig na sambit ng kabanda niya.

I immediately look at him when I felt like someone is staring at me.

At hindi ako nagkamali. Nakatitig siya sa akin habang gamit ang mapanuring mata nito. Hindi ako nag-iwas ng tingin at tumingin lang sa kaniya, nag-babakasakaling malaman ko ang takbo ng isip niya.

"Then I'll make her my real fiancee if--" Hindi na natapos pa nito ang sasabihin nang sarkastikong tumawa si Wedny.

"Kasasabi ko lang na hindi desperada ang kapatid ko." Madiin ang pagkakasabi nito.

"That wasn't--" Naputol muli ang sasabihin niya.

Napabuntong hininga siya dahil nagsalita muli si Wedny. "Don't use my sister para lang pag-takpan ang lahat ng kahihiyan na 'yon. I know that she love you but, are you dumb? Don't you know how to handle your problems ng hindi nadadamay ang kapatid ko!?"

"Wedny, tama na. Wala ng connect 'yung sinasabi mo." Agad kong sabi para pigilan siya.

Alam kong alam ng mga narito na may pagtingin ako kay One pero ayoko nalang palakihin ang gulo.

If people will judge me, wala na akong pake roon. I can bare it anyway, kaya ko namang harapin ang mga mapanghusgang tao na madaraanan ko.

"Bakit Tue? Hindi naman mangyayaring aawayin ka ng babaeng 'yon kung hindi dahil dito!?" Sabay turo nito kay One. "If this guy just said na hindi niya mahal 'yon at hindi ka ginawang pantakip butas edi hindi mangyayaring magagalit sayo 'yun?"

Napakunot ang noo ko. Dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Wedny, that's already enough." Agad na suway ni Ree.

I can see how worried she is habang nakatingin sa amin. Hindi ko alam pero paniguradong may alam siya sa sinasabi ni Wedny. But, what is she saying by the way?

"Let's talk about the issue later please? Kapag humupa na 'yung galit niyo?" Ani Milk, bakas ang pagmamaka-awa at pag-aalala sa tono at mukha nito.

Wedny look at me. Like she is asking if she's going to stop or not. But when I slowly nodded saying to stop. She dissapointedly shook her head and walk away.

Hindi ko siya magawang sundan dahil kilala ko siya. Na sa oras na iwan niya na ang lahat ayaw niyang may sumusunod sa kaniya dahil gusto niyang mapag-isa at makahinga nang maluwag.

But worst, she don't like looking back anymore.

That night was a chaos. Hindi ko inaasahan na sa araw ng kaarawan ko ay mangyayari ang gulong iyon.

Hindi rin ako pinapansin ni Wedny. Marahil ay dahil sa nagawa kong patigilin siya sa pagtanggol sa akin kagabi.

Well, sa totoo lang ay ayokong ginagawa niya iyon. Because it feels like na parang wala akong kakayahan para ipagtanggol ang sarili ko. Para bang pinapamukha sa akin ng mundo na mahina talaga ako.

But even though I feel like that. I'm still standing and not giving up.

Sa panibagong araw. Yinakap na naman ako ng katotohanang mahina talaga ako. Dahil hindi ko magawang magsalita kahit na ang dami kong gustong sabihin.

Hindi ko magawang tumanggi, hindi ko magawang humindi dahil alam kong magsisisi rin ako. Na baka masayang 'yung oportunidad.

But I'm risking myself here. I'm risking my heart.

"If you agree?" Tanong nito.

Narito ako ngayon sa likod bahay nila. Kausap ko siya tungkol sa nangyari.

He offered me to pretend as his girlfriend. Like we're already engage.

Ayokong sumang-ayon dahil purong panloloko lang ang gagawin namin. Ayokong sumang-ayon dahil alam kong masasaktan lang ako sa gagawin namin. Pero merong parte sa akin na dapat ay sumang-ayon na ako dahil ito na 'yung chance, matutupad ko na ang pangarap ko. Ngunit sa isang kasinungalingan.

"This is not going to be hard. I won't hurt you, I'll promise." Ani pa nito.

Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. If this is not going to be hard for him, how about me? Sobrang hirap ng ganon sa akin.

Syempre dahil may gusto na ako sa kaniya habang siya wala. At hindi niya ako sasaktan? Damn! Ang gawin niya palang na pekeng girlfriend o fiancee pa ay masakit na sa akin.

Because the truth slapping me that It'll maybe grant my wish but it will be full of lies. Pinapamukha lang sa akin nito na hinding hindi ko magagawang maging totoo, na hanggang peke lang ako.

"Alam mong mahal kita. Kaya mahirap 'yon sa akin." Buong lakas na sabi ko.

He didn't speak. Maybe because of shocked? Pero paniguradong natigilan siya sa kadahilanang mahina ako kaya gusto niyang matawa pero mas pinili niyang manahimik nalang.

"Sa tingin mo ba madali lang sa akin iyon? Na magpanggap bilang girlfriend mo ng hindi nasasaktan at nahihirapan? May feelings ako sa 'yo kaya mahirap 'yon sa akin at alam kong alam mo kung bakit." Diretsong sabi ko.

He remain silent kaya nagpatuloy nalang ako.

"Kung sa tingin mo agad akong papayag dahil lang gusto ko rin 'yon, na pangarap ko ring maging girlfriend mo. Pwes' nagkakamali ka! Kasi hindi ko pinangarap na maging girlfriend ng isang taong 'di naman ako mahal." Tumitig ako sa walang emosyong mata nito na nakatingin sa akin.

"Hindi ako tumanda ng ganitong wala paring boyfriend dahil lang ikaw ang gusto ko. I remain single for almost twenty two years because I wanted na 'yung first boyfriend ko ay mahal ko at mahal din ako. Hindi dahil lang gusto namin ang isa't isa."

"Yes, I admit that I want it to be you pero wala naman akong magagawa kung hindi mo ako mahal kaya hindi ko pinipilit ang sarili ko. If you wanted to pretend, why don't you pretend by yourself? I'm not a fucking toy that you can play and use just to make a fucking excuse. Kasalanan mo kung bakit nangyari ang nangyari, why don't you clean it by your own. Tutal nadamay lang naman ako at alam kong alam mo kung anong punto ko. So please One, I love you but I won't risk myself just because I love you."

Hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon ng tuloy tuloy. Nang walang kahihiyang lumulukob sa akin.

Dahil sa totoo lang parang proud pa ako sa sarili ko na nasabi ko ang sa kaniya ang nasa isip ko.

"I won't force you if you don't want too. But thank you for saying that to me." Saka ito mabilis na tumayo sa pagkakaupo.

Hindi na ako nagsalita pa at tinignan nalang siyang maka-alis palayo sa gazebo sa bakuran.

I don't know what is he thinking. But I think that's good right?

Napabuntong hininga ako habang nakatingin na sa kawalan. That talk with him earlier is really suffocating.

Wala naman talaga akong pakialam kung anong isipin ng mga tao. It's just Wedny who's concerned about it. Pero kung sakali mang lumala kapag sinabing hindi naman talaga ako tunay na fiancee, ano kayang mangyayari?

Maraming posibleng mangyari pero hindi ko alam kung anong magiging epekto nun sa akin lalo na't hindi ko alam kung anong mangyayari.

Alam kong mahirap din para sa akin na malaman ng mga tao ang kasinungalingan na sinabi ni Ree. Dahil may manghuhusga parin at hindi ko mapipigilan 'yon. At syempre ang pamilya ni Calla, paniguradong galit na galit na sila ngayon.

Mayaman ang pamilya nila. Isang business man ang tatay niya habang ang nanay niya rin ay business woman. Both of her parents are rich kaya nang nagpakasal at nagka-anak ay mas lumago pa ang kompaniya nila.

Kilala ko ang pamilya nila dahil dati nga akong stalker ni One, at alam ko kung anong klaseng ugali ang mayroon sila. They love playing using their power and money. At alam kong wala akong laban doon.

Ngayong nangyari ito. Hindi ko nalang alam ang mangyayari sa akin at maaaring mangyari pati sa pamilya ko.

Maybe Ree and One, maybe our friends too have our back pero may magagawa pa ba ang tulong nila?

Umiling nalang ako sa sarili sa mga pinag-iiisip ko. Wala lang itong papatunguhan kaya, ititigil ko nalang.

Tumayo ako sa pagkakaupo at agad na naglakad papunta sa harap ng bahay. Magpapaalam lang muna ako kay Ree at uuwi na.

"Ree una na ako. Baka naroon na si mama." Paalam ko kay Ree nang makasalubong ko siya sa sala.

"Hmm, okay! Take care sa pag-uwi mo. Here nga pala, meryenda?" Nakangiting sabi nito at inabot ang isang lunchbox na may iba't ibang laman na dessert.

Ngumiti ako sa kaniya at agad na tinanggap iyon. I can't say no when it comes to food kaya I accepted it with a big wide smile.

"Salamat!" Sigaw ko paalis.

At dahil sa pagkain masayang naglakad ako papunta sa bahay. Sobrang laki ng ngiti ko na halos hindi na maipinta ang kasiyahan sa mga mata ko.

"I'm home!" Masayang bungad ko sa bahay.

Tamad na tumingin naman sa akin ang mga kapatid ko. Wedny isn't here dahil meron itong sinalihan na gig while my older brother isn't here too dahil nag-tatrabaho ito.

Anyway, I have a six siblings. I'm the second child. Una ang Kuya Monday ko while Wedny is the third dahil ako ang unang lumabas bago siya.

My fourth siblings is my brother Thurs which is on his first senior high school. Habang ang pang lima sa amin ay ang kapatid kong babaeng si Frida na nasa second year highschool. Sixth, is my brother Sat na grade six na at si Sundy na bunso naming kapatid na nasa grade four na.

I know that our names is really weird pero 'di lang naman kami ang may weird na pangalan sa angkan namin. Some of my cousins was named by the months. Ganon din naman ang kina mama at papa na may weird ding pangalan tulad ng mga kapatid nila.

But I also find it unique anyway. A days siblings, aren't we?

"Wow cake." Agad na inilayo ko kay Sat ang cake na dala ko dahil para sa akin lang iyon.

"Sa akin 'to." Sabi ko at nilagpasan na siya.

Ngunit 'di ako nakawala rito dahil ilang saglit lang ay nakadampot na siya ng isang hiwa ng cake dahil nakabukas iyon.

Agad na napatingin ako sa kaniya na nanlalaki ang mata dahil sa iritasyong binawasan niya ang cake na binigay sa akin ni Ree.

Aawayin ko na sana siya nang biglang nagsalita si papa at tinawag na kami. Napabuntong hininga ako, dahil alam kong ginawa lang iyon ni papa para hindi na kami magrambulan pa.

"Bakit hindi mo bigyan 'yung mga kapatid mo ng cake, hati hati kayo. Tutal ay nakahati naman 'yan sa walo. Sayo na ang apat at bigyan mo sila." Nakasimangot na tumingin ako kay papa.

"Eh sa akin lang po ito binigay. Kaya sa akin lang po dapat ito." Pilit ko pa kahit na alam kong hindi na ako mananalo.

Tumitig ito sa akin kaya bagsak ang balikat na inabutan ko ang mga kapatid ko ng piraso ng cake. Mas lalo lang akong nalungkot at nairita nang makita ang nagliliwanag na mata at ngingisi ngising mga labi ng mga ito.

Hindi sana sila matunawan.

Tinapik ko ang kamay ni Sat. "Nakakuha ka na ng sa'yo."

Agad na lumayas na ako roon para hindi na siya makapagreklamo pa at sinolo ang cake sa taas. Pabagsak ang katawang humiga ako sa kama ko habang may laman laman na cake ang bunganga ko.

Hindi mahilig sa cake si mama at papa kaya hindi ko alam kung kanino ako nagmana na matakaw sa cake kaya paniguradong nagmana ako sa sarili ko.

Bigla akong nabulunan nang makita ang mga picture sa loob ng cabinet ko dahil nakabukas iyon.

Hindi ko alam na makikita ko na naman ang mukha niya at nabulunan ako dahil sa gulat na nakita ko ang mahal ko.

Damn! I'm crazy. Kanina lang ay galit ako tapos ngayon mahal ko na ulit siya. Hays, pagmamahal nga naman.

Agad na tumayo ako at sinarado ang aparador ko. Ayokong mabulunan ulit. Baka mamaya ay hindi na ako makahinga at ikamatay ko pa. Mamamatay pa akong hindi nagkaka boyfriend.

Kasabay rin naman nang pagsara ko ng aparador ay siyang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. At doon bumungad sa akin ang hingal na hingal na si Sat.

"Oh napano ka? Wala nang cake, inubos ko na." Agad na sabi ko rito.

Napasapo ito sa noo niya. "Tanga ka ba ate? Nandito ako para sabihin na naaksidente raw si mama." Hindi ko alam kung seryoso ba iyon o hindi pero base sa nakikita ko ay seryoso iyon.

Hindi ko alam ang sasabihin ko pero nang marinig muli itong magsalita ay nagising ako galing sa pag-iisip.

"Tara na sa hospital, madamot kong ate!" Banat pa nito at mabilis na tumakbo. Hindi ko alam kung maiinis pa ba ako.

Natatarantang bumaba ako kaagad at doon ko lang nakita ang punong puno nang pag-aalala sa mga mata ng pamilya ko.

Doon ko lang din napagtanto. Epekto na ba ito ng kasinungalingang hindi ko naman ginusto?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status