Share

CHAPTER TWO

CHAPTER 2

"Ayos lang po ba si mama, papa?" Tanong ko, bakas parin ang pag-aalala.

Hindi sumagot si papa matapos makausap ang doctor. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko sa pagtahimik na 'yon ni papa ay hindi maganda ang kalagayan ni mama.

The pressure is lingering in my whole body. Habang nakatingin ako sa buong hospital ay para akong nahihilo sa mga nakikita kong pasyente.

Feeling ko magiging kagaya sila ni mama. Na magiging mahirap din ang lagay niya. Pero ayokong mangyaring makitang nakaconfine si mama na parang walang buhay.

"She's in coma." But suddenly the things I don't want to happen, happened.

Parang naubusan ako ng dugo dahil sa biglang pagputla ng katawan ko. Takot na takot ako na baka mamaya ay lumala at hindi na magising si mama dahil pwedeng, kuhanin siya sa amin lalo na at wala kaming pera para suportahan siya.

"Ilang araw lang po siguro 'yan papa. Hindi naman po siguro 'yan malala diba po?" Tanong ng kapatid kong si Sat.

Napabuntong hininga si papa. "Ulo ng mama niyo ang napuruhan sa aksidente, hindi maayos ang lagay niya. Ang sabi ng doctor maaaring bumigay agad ang katawan niya."

I feel like I'm losing hope hearing those words. Wala ako sa kalagayan ngayon ni mama pero sana ako nalang ang nasa kalagayan niya dahil sobrang halaga niya sa amin. Kailangan pa siya ng mga kapatid ko.

"Ano pong gagawin natin papa? Paano po mapapagaling agad ng doctor si mama?" Puno ng pag-asang tanong ni Frida.

"Kailangang operahan ang mama niyo. Wala tayong pera pang-opera--"

Pinutol ko agad iyon. "Papa titigil muna po ako sa pag-aaral. Malaki po ang kailangan sa tuition ko sa pag-aaral ko. Magagamit po natin lahat ng iyon para kay mama."

Agad na inilingan iyon ni papa. "Walang titigil sa pag-aaral. Magagawan natin ito ng paraan nang walang isinasakripisyo. Maliwanag ba Tue?" Seryosong ani nito.

Napa-iling ako, pinipilit ang sariling gusto. "Pero kung titigil po ako, hindi na po tayo mahihirapan pang maghanap ng kulang papa. Si mama po ang priority natin, mas kailangan niya po iyon. Pwede naman po akong mag-aral ulit kapag ayos na po si mama." Pilit ko.

Alam ko na kahit na ano pang gawin ko ay hindi papayag si papa pero iyon lang ang naiisip kong paraan para agad na maoperahan si mama.

Medicine ang kinuha kong kurso, malaki ang ginagamit na tuition doon sama mo pa ang mga ginagamit sa mga kakailangan sa kurso ko. Napakalaking pera ang nagagamit na pwede na atang pampa-opera ni mama.

"Ako ang gagawa ng paraan anak. Kung pera naman ang pag-uusapan, kaya kong gawan 'yan ng paraan. Maraming tutulong sa atin anak. 'Wag mong kalimutan na may pamilya pa tayo." Biglang pumasok sa isip ko ang pamilya ni mama at papa.

Gawa ba 'to ng pressure o ano? Dahil dito sobrang hindi na ako makapag-isip pa nang maayos.

Ngumiti sa akin si papa at agad na hinaplos ang buhok ko. "Magpahinga ka muna anak. Ipahinga mo muna ang sarili mo." Ang sabi ni papa matapos niyang ngumiti at dumiretso sa doctor dahil tinawag siya muli nito.

Sa sinabi niyang iyon nabuhayan ako ng loob. Agad akong tumayo at ngumiti kay papa bilang pagpapaalam.

Alam kong kritikal pa ang lagay ni mama pero kailangan ko pa ang sarili ko. Hindi man ganon kalaki ang naging problema ko pero malaki naman ang naging epekto nito sa akin kaya kailangan ko munang ipahinga ang sarili ko.

Malakas na simoy ng hangin ang tumatama sa katawan ko kasabay rin non ang malalakas na hampas ng alon na nagmumula sa karagatan habang tirik na tirik ang araw sa kalangitan.

Napangiti ako habang nakaupo sa may puting buhangin na pinatungan ko ng maliit na panyo, dito sa ilalim ng mayabong na puno ng niyog.

Nais ko ng sariwang hangin at ang pag-punta rito sa lugar na ito ay tiyak na magbibigay sa akin ng oras para makahinga ng maluwag at oras para makapagpahinga ng payapa.

Naalala ko noong unang punta ko rito ay ang unang pagkakakilala ko rin sa kaniya. Napailing nalang ako sa sarili.

Dapat ay hindi ko muna siya isipin ngayon lalo na't siya ang dahilan kaya hindi maayos ang lagay ko. Hindi naman sa sinisisi ko sa kaniya ang lahat pero siguro na-pressure lang ako sa nangyari dahil pinalalim ko ang mga nasa isip ko, na dapat ay hindi ko ginagawa.

Kaya imbis na mag-isip ng mag-isip. Nakangiting tumingin nalang ako sa asul na dagat dahil sa repleksiyon niyon sa asul na langit.

Looking at this beautiful ocean is so satisfying. Nakakagaan ng loob dahil sobrang payapa ng paligid. Walang ingay ng mga sasakyan o mga kapitbahay, purong mahihinang simoy ng hangin, huni ng ibon at ang malalakas na hampas ng alon ang lulukob sa pandinig mo.

Na tunay na nakakarelax dahil masarap pakinggan ang sabay sabay na pagtunog ng mga ito na tila mo'y isang musika. Na para bang inaawitan ka ng kalikasan.

Mariing isinandal ko ang ulo ko sa katawan ng niyog at tumingala. Dahan dahang pinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang paligid.

Siguro ay dapat na mag-stay nalang ako rito pero kailangan din ako ng pamilya ko. Alam kong 'di pa ayos si mama pero kailangan ko pa ng kaunting oras para sa sarili ko. Para pagbalik ko hindi na magulo ang isip ko at magagawa kong makatulong sa maayos na paraan.

Sa gitna nang pagpikit ko ay unti unti na sana akong dadalawin ng antok nang biglang marinig ang mahinang kaluskos na nanggaling sa tabi ko.

Sa lakas ng pakiramdam ko ay agad ko nang napagtanto kung sino ito. Hindi na rin ako magkakamali dahil kilala ko ang amoy nito.

Mapait na napangiti ako, siguro nga hindi ko magagawang magpahinga muna dahil sa sitwasyon ko. Bakit ba lagi nalang siyang sumusulpot?

"Why are you here?" Tanong ko habang nakapikit pa rin ang mga mata.

Ramdam ko ang nakakatunaw na titig nito. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang mga mata ko at tititigan ko rin ang titig niya pero mas pinili ko nalang manahimik dahil alam kong matatalo rin naman ako roon.

"Why are you here too?" Balik nitong tanong.

Napabuntong hininga ako. "I asked first, answer me first."

Ramdam ko ang pagsandal niya rin sa puno ng niyog dahil bahagyang gumalaw ang katawan nito.

"Just making myself breath." Sagot nito na ikinatigil ko.

Nahihirapan rin ba siya? Well, parang wala naman siyang dapat ikahirap dahil wala namang manghuhusga sa kaniya, wala namang magtatangkang pabagsakin sila. Paano naman ako?

"And you?" He asked.

"I'm here to breath so I could be okay." Mahinang sagot ko.

"I'm sorry." Agad na napamulat ako nang marinig iyon sa kaniya at saka ako tumingin sa kaniya.

Prenteng nakatingala naman ito habang nakasandal ang ulo sa katawan ng niyog at ang dalawang siko niya ay nakapatong sa dalawang tuhod.

Dahan dahang tumingin ito sa akin. "I'm sorry." Ulit nito matapos tumingin sa mata ko.

"A-Ayos lang naman--"

"I know it wasn't. I've hurt you, I'm sorry." Napabuntong hininga siya.

"I know apologizing won't heal the pain that I've cause you, but still, I'm really sorry Tuesday. I didn't mean to offer you to pretend as my girlfriend, I didn't mean to said those words that probably hurt your feelings, I didn't mean to drag you in the mess I've did. I'm really sorry, I won't promise but I will fucking clean everything, not just for you but also for everyone." Hindi ako naka-imik sa narinig.

Did he just said sorry to me?

"Y-You're already forgiven for everything. Don't worry, I'm a understanding person. I understand your situation, I understand you and her. You don't need to apologize, this is no one's fault."

Ngumiti ako sa kaniya ngunit patuloy parin ang seryoso niyang mukha. Umiling siya sa akin.

"Do you know why we broke up?" Tanong nito matapos umiling.

Napanguso ako at umiling. "Of course, I don't know. I maybe you're stalker but I'm still clueless about that."

Nag-iwas ito nang tingin na ikinapula ko. Ilang beses niya naman na akong nahuling ini-istalk siya pero nakaramdam parin ako ng hiya nang sabihin ko 'yun.

"We broke up because I've fell in love." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Hindi ko maintindihan.

Naghiwalay sila dahil na in love siya? Eh hindi niya ba mahal si Calla? O di kaya, na in love siya sa iba? Isn't that cheating or not?

"Huh kanino?" Kuryosong tanong ko.

Lumunok siya. "You don't need to know who she is."

Napasimangot ako roon. Mag-iimbestiga ako kung sino ang babaeng 'yon ng sa gayon alam ko kung sino na ang pagseselosan ko.

Napailing ako sa sariling naisip.

"So, naghiwalay kayo kasi ipinagpalit mo siya sa ibang babae? Dapat pala talaga siyang magalit sa 'yo, eh bakit sa akin?" Napaturo pa ako sa sarili ko.

He bite his lips at mariing tumingin sa akin.

"The thing is, I said to her that it's you who I fell in love with." Diretsong sabi nito na agad ikinalaki ng mata ko.

"Ako!?" Sigaw ko at agad na tumayo.

Napakurap kurap ako at hindi makapaniwalang ako 'yun. Tumingin ako sa kaniya at kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon niya. Kanina ay ngi-ngiti ngiti pa siya, ngayon ay seryoso na ulit.

"It's an excuse." Natigilan ako agad nang bigla niyang sabihin iyon.

Hindi mapinta ang ekspresyon ko ngayon. Ang kaninang gulat kong mukha ay dahan dahang namula dahil sa kahihiyan.

I assumed that it's me!

Pero unti unti ring nag-process sa utak ko ang sinabi niya. Kaya pala sa akin siya galit, dagdag pa na nasabing fiancee niya na ako. Damn it!

"Ginawa mo nga akong pantakip butas sa kalat mo? Tama nga ang sinabi ni Wedny, so may alam siya?" Seryosong tanong ko.

Oo palagi kong inaamin na mahal ko siya. Pero tulad ng sabi ni Wedny, hindi naman ako desperada para ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi 'man lang ako gusto.

I purse my lips. "That's why she's mad at me? Because she thinks that I'm the person you're in love with. Dagdag mo pa 'yung nalaman niyang kasinungalingan na fiancee mo na ako."

Sarkastikong natawa ako at napa-iling. Para kasing ang dali dali lang sa kaniyang gawin akong excuse parati sa tuwing may nangyayaring gulo sa buhay niya.

Hindi niya ba kayang ayusin 'yon nang hindi nandadamay ng pangalan ng ibang tao? Hindi niya ba kayang ayusin ang problema niya na hindi ako dinadamay?

"That's why, I feel sorry about what I've did. Hindi ko sinasadya Tuesday, I was so mad that time at ikaw agad ang pumasok sa isip ko noong sinasabi ko sa kaniya that we should end our relationship. And fuck I've said that it's you!" Mariing tumingin ito sa mata ko.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko rin mabatid kung anong emosyon ang ipinapakita ng mga mata niya, kakaiba ito ngayon sa nakikita ko sa kaniya.

"Bakit ako pa? Puwede namang ibang tao nalang 'diba? 'Yung may laban sana sa kanila. H-Hindi ako na mahina lang." Nanginig ang boses ko.

Pakiramdam ko kaunting oras nalang ay tutumba na ako. Pero pinilit ko kasi ayaw kong makita niya kung gaano ako kahina, na baka mas lalo niya pa akong ibaba.

"You're strong enough, Tuesday." Pambobola pa nito.

"Strong enough to make me an excuse to your problems? Kasi ano? Malakas ako para solusyonan ang problemang hindi naman ako ang may gawa?"

"Yes! Maybe I can fight my own problems, I can stand alone to clean every mess na nakaharang sa daraanan ko. Pero may kahinaan parin ako, I can fight but not all the time, One. I can be strong but not all the time."

"But making me an excuse isn't fine. Sa tingin mo kapag sinabi kong ikaw 'yung pumatay sa pinatay ko kung sakaling meron man. Anong gagawin mo? Matutuwa ka ba? Makakalaban ka ba ng patas sa batas? Think of it!" Hindi ito naka-imik.

So, silence means no. Because if it yes, he probably say it loud. Fighting for his opinion. So he's proven guilty.

"I'm not going to be happy if you killed someone." Sambit nito.

Umiling ako. "I didn't asked about that."

"But it's okay for me if you said that it's me who killed that person. And I'll be happy if you said that, because I don't want to see you in jail. And I can promise that I will fight fair, you won't kill anyone without a reason anyway. So there's maybe a reason why you did that. I'll make that my card." Natawa ako sa sinabi nito.

"Binobobo mo ba ako?" I purse my lips as I said that.

Kumunot ang noo niya at umiling. Tumawa nalang ako. Bullshit!

"You didn't get what I mean?" Sabi pa nito.

Medyo nainis ako roon. "Na gets ko naman! Ang ibig kong sabihin ay-- You didn't get what I mean?" Biglang bawi ko.

He smirked and looked at me like he's enjoying it. Parang gulat pa ako sa ginawa nito habang nakahawak sa dibdib ko.

"Oh, anong ginawa ko? Did I've said something wrong?" Umiling ito.

"You look so cute." Nanlaki ang mata ko roon at bahagyang napakurap.

"Cute ako?" Hindi ko alam pero biglang humina ang boses ko roon.

Nag-iwas ito nang tingin at napa-iling. "Hmm, maybe?"

Napanguso ako sa sagot nito. Puwede namang ulitin 'yung compliment sa akin eh.

Nag salubong ang kilay ko. "Hindi pa tayo tapos. 'Wag mong ibahin ang usapan. Galit parin ako sa 'yo!" Sigaw ko rito.

Dahan dahan naman itong tumingin sa akin. "I'm sorry?" Bulong nito na parang hindi pa sigurado.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi porket alam mong mahal kita ay may karapatan ka nang gawin akong panakip butas sa problema mo ha?! Oo mahal nga kita pero wala kang karapatan na gawin akong excuse kapag may problema ka. Sana man lang inisip mo 'yung maaaring epekto nun sa akin. Kaya heto tignan mo, galit na galit siya sa akin. Nangyari pa 'yung lintek na fake fake fiancee na 'yan. At sa tingin mo hindi 'yon gagawa ng paraan? Baka nga siya pa ang dahilan nang pagka-aksidente ni mama--"

Agad na naputol ang lintanya ko nang magsalita ito. "Naaksidente ang mama mo?" Kunot noong tanong nito.

Medyo gulat ako na hindi niya pa alam, gayong alam na ni Ree at alam kong madaldal 'yon. Dahan dahan naman akong napatango.

"Oo, kanina lang?" Bakas parin ang pagkalito sa boses ko.

Kita ko ang mariing pag-pikit niya at mariing pag-galaw ng panga nito. Bakas sa mata niya ang pag-kairita o kung ano pang emosyon na hindi ko malaman kung ano.

"Galit ka ba? Hindi naman ikaw 'yung naaksidente at hindi naman ikaw ang pamilya ng naaksidente." Agad na sabi ko.

Mabilis itong napatingala sa akin at agad ding tumayo habang nakatingin lang sa mata ko.

"Why didn't you tell me earlier?" Iritadong tanong nito.

"Huh? May sinabi ka bang dapat sabihin ko sa 'yo?" Napapikit ito.

Bahagyang kinagat ko naman ang labi ko sa katangahan. Nagawa ko pa talagang mamilosopo.

"You should tell me about it." Pilit pa nito.

"Ah sige. Ahm, One naaksidente si mama." Mahinang tumawa ako at dahan dahang nag-angat nang tingin sa kaniya.

Kita ko na hindi talaga siya nakikipagbiruan dahil seryosong seryoso ang mukha niya.

"That's why you're not that okay? You look so lonely earlier. I should've told you about the reason why we broke up, I just cause you another pain." Napapikit ito at napailing.

Hindi ko maintindihan ang punto niya. Sobrang nalilito ako kung ano nga bang gusto niyang iparating. Alam kong sinasabi niya na parang dinagdagan niya lang ang problema at sakit na nararamdaman ko dahil sa kadahilanang ginawa niya akong excuse.

Pero bakit ganito siya umakto? Ano nga bang nangyayari sa kaniya? Is he sick, did he eat his medicine. Hays, just kidding.

Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako kaagad sa kamay niya at unti unting napatingin sa kaniya.

Kita ko ang sinserong mga tingin niya sa akin at para bang nag-mamadali siya.

"Let's go to your mom." Sabi nito.

"Anong gagawin mo doon?" Hindi ito naka-imik.

"Kung sinasabi mong tutulong ka. Hindi ko matatanggap 'yon. Kahit na nasa ganitong sitwasyon na si mama, ayoko paring humingi ng tulong galing sa 'yo. Puwedeng sa iba pero 'wag lang sa 'yo."

Natigilan ito. "Why?" Litong tanong niya.

Bahagyang ngumiti ako. "Ayoko kasing mag-kautang na loob sa 'yo. Baka mamaya gawin mo pang rason 'yon para pambayad sa nagawa mong kasalanan sa akin o 'di kaya gawin mo pang rason 'yon pambayad sa gagawin mo pang problema na ipapasa mo sa akin. Sorry, mahal nga kita pero..." Tumingin ako sa mata niya. "Wala akong tiwala sayo."

I feel like I lost my tongue when I saw the pain comes into his eyes. Parang na guilty pa ako sa sinabi ko. Napalunok ako at agad na napatingin sa kamay kong unti unti niyang binitawan.

Pero ayun ang totoong iniisip ko. Mali bang sinabi ko ang nasa isip ko? Mali bang sinabi ko na wala na akong tiwala sa kaniya? Nawala na dahil pakiramdam ko gagamitin niya nalang ako sa lahat ng bagay na maaaring gawin niya.

"S-Sorry, ayos ka lang ba? M-Mali bang--" Agad na lumayo siya sa akin at tumayo nang maayos.

"It's okay, nothings wrong with that. Marami na akong nagawang mali na hindi mo alam, marami na akong kasalanan sa 'yo. It's understandable if you don't trust me and you don't have to." Sambit nito.

"I'll visit your mom. And I will find out what's the cause of the accident. Don't worry I won't asked for anything. It won't be financial too." Hindi ako nakaimik at tumango nalang.

Guilty parin ako sa nasabi ko. Kahit ilang beses niya na akong nasaktan sa mga salita niya. Ayaw ko paring pagsalitaan siya pabalik gamit ang mga salitang lalabas sa labi ko.

Hindi ko inaasahan na muli niyang hahawakan ang kamay ko. Saaka siya puma-unang maglakad habang mabilis na sumunod din ako sa kaniya.

Namuo ang katahimikan sa paligid namin. Hanggang sa makasakay ako sa kotse niya matapos niya akong pagbuksan ng pinto.

Hindi ko alam kung anong dapat na lumabas sa bibig ko dahil baka mamaya ay maging foul na naman ang masabi ko.

Nang makasakay siya ay malakas na bumuntong hininga siya. Hindi niya pa pinapaandar ang kotse kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko sa loob.

Ngunit naputol ang tensiyon sa aming dalawa nang tuluyan na akong nagsalita. "S-Sorry talaga, sorry--"

Hindi ko na natapos pa iyon nang putulin niya ang sasabihin ko.

"I don't like it. Ayokong hindi mo ako pinagkakatiwalaan. I wanted you to trust me even though you don't have to. I know it's selfish but please Tuesday, trust me."

Walang lumabas na kahit ano sa bibig ko. I just look at him na para bang litong lito ako.

"I wanted to tell you the truth, just so you could trust me." He lick his lips and sincerely look at my eyes.

As if the truth will make me trust him.

"The truth is, I never lied to her. I've never make you an excuse." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

"A-Anong?" Litong lito na ako.

What is he saying? Anong punto niya?

"Na kahit kailan hindi kita ginawang panakip butas sa problema ko. I maybe selfish but I told her the truth. The day I ended our relationship, I said that I fell in love to other woman and I don't want us to keep going because I already feel nothing with her."

"Maybe I'm such a jerk for loving someone else even though I already have her but I can't stop myself. She stole my heart, my mind, and my soul in that just one look. The way she smile, the way she talk, the way she laugh and even the way she change every emotion, the way she walk. Fuck! Everything she does, I can't stop thinking about it, I can't stop thinking about her."

Huminto ito saka bumuntong hininga. "I'm maybe crazy being such a fucking lovesick man but you can't blame me for loving her deeply. I maybe loved Calla but not the love I did to her. It's too deep, I'm so drown. Hindi na ako makaahon pa."

"And yes I've said that it's you who I fell in love with. Because that day it was you who I was thinking about and just what like I said, I can't stop thinking about the girl I fell in love with."

Nanlalaki ang matang tumingin ako sa kaniya. Is he in love with me?

He smiled with an expression I can't name. "I never made you an excuse because the truth is it's you, you're the reason to everything I've did. And I'm not blaming you, I change everything just for you to be mine. But..." Bahagyang napapikit ito. "I'm a coward, I don't have a lot of courage. So instead of saying my feelings, I insulted you. So, I'm so sorry for causing you so much pain, I'm so sorry Tuesday."

"And you don't have to forgive me. Because what I've cause isn't enough for just a single sorry. My words isn't enough for you to forgive me, for you to trust me. I know that I've become too much but I'm asking you, even though I know that it's too much to ask for this. Please trust me."

Mariing tumingin ito sa mata ko at hindi ko man lang napansin na hawak niya na ang kamay ko at umiiyak na pala ako.

As he wipe my tears using his thumb. He's staring at me intently and now I know what's that stare is. It's fucking love.

"I'm sorry for being coward. I'm in love with you too, Tuesday Miller."

With those words I feel like my dreams come true.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status