"SANDRA, may malaking bahay raw si Papa! Alam mo ba 'yun?" Excited na kwento ni Inez habang kumakain na kami. Napatingin ako kay Elias. "Gusto ko ring pumunta roon, Sandra! Gusto ko makita ang bahay ni Papa!" Nangunot ang aking noo, mas dumiin ang aking titig sa lalaking patay-malisyang ngumunguya. Ang kanyang tingin ay nasa pagkain at sa anak lamang."Yes, baby. My house is your house as well." Ani Elias at pinunasan ang gilid ng labi ni Inez nang kumalat ang sauce ng spaghetti roon. "Eat slowly, love... wala kang kalaban..." He chuckled. Tuwang-tuwa sa anak niya. Ay, hindi ba siya natutuwa sa akin? Ako nagluwal niyan, hoy! Sperm lang ambag mo! "Dito ka po matutulog kasama ko, Papa?" Tanong ng bata, matamis ang ipinukol niyang ngiti sa kanyang ama. Halos hindi na kita ang mga mata nito sa sobrang pagkakangiti, iyong tipo ng ngiti na hindi ka makahihindi. Mula kay Inez ay bumaling ang tingin ko kay Elias—na siyang pagbaling din pala niya sa akin kaya biglaan ang naging tagpo ng a
"BILISAN natin, Danice baka kung ano ng nangyari kay Inez!" Hindi magkandamayaw kong paalala sa kaibigan. Nasa loob na kami ngayon ng elevator at kasalukuyan akong nakaupo sa sahig. "Kasalanan ko 'to, eh. Kasalanan ko lahat 'to. Kung hindi ko lang sana hinayaang magkita ang dalawa edi sana hindi niya nakuha si Inez sa akin..." Gusto kong ihampas ang ulo ko sa pader dahil sa katangahan. Walang ibang sisisihin kundi ako. Hinayaan kong makuha niya ang anak ko. Kung sana, kung sana ay hindi na lang ako natulog at binantayan ko sila buong magdamag, hindi sana nangyari ito. "Stop blaming yourself, Cassandra." Anang tinig ni Danice. "Ginawa mo lang ang sa tingin mong deserve ng anak mo. Hindi mo kasalanang hindi tumupad sa pangako si Elias at basta na lang itinakas ang bata." "Hindi Danice, eh. Kasalanan ko ito. Kasalanan ko lahat." Patuloy kong sisi sa aking sarili. Hinding-hindi ko mapapatawad ang lalaking iyon kapag may hindi magandang nangyari kay Inez. Nang makarating kami sa mism
MARAHAS akong nagpakawala ng buntong hininga nang basta na lang ako pinatayan ng antipatikong lalaking iyon. I am not yet done! Ang bastos niya para patayan ako ng tawag. Pigil ang inis kong ibinalik ang cellphone sa guwardiya.Sapo ko ang aking noong nagsimulang maglakad nang pabalik-balik. Malakas ang kalabog ng aking dibdib sa galit sa taong iyon. Galit na galit ako sa mga sandaling ito. Galit ako dahil hindi siya sumunod sa usapan. Ang linaw-linaw ng napagkasunduan namin tapos heto ang gagawin niya? I know that he is a fucking bastard but how could he do this to me?! To his daughter! Hindi ba niya alam na nagwawala ang malditang maliit na iyon kapag nagigising nang wala ako?! "Please, Sandra, calm down..." Tawag pansin ni Danice. "Kanina pa ako nahihilo sa kakaparoo't parito mo, eh." Tumigil ako at hinarap ang kaibigan. Nilapitan niya ako at hinawakan ang magkabilang kamay. "I know that you are worried about your daughter right now but don't you trust him this time? I'm sure nam
MALAKAS ko siyang itinulak nang magising ako sa katotohanan. Nanlalaki ang aking matang napatitig sa lalaking napahiga sa carpeted floor at muntik ng maumpog ang ulo sa babasaging center table kung hindi lang niya ginamit ang kanyang mga kamay upang itukod. Bahagyang gumapang ang kaba sa aking dibdib ng isang dangkal na lang ang layo ng kanyang ulo sa center table. At dahil wala namang disgrasyang nangyari, itinuloy ko ang panlilisik ng mata sa kanya. Nahigit ko ang aking paghinga dahil napigil ko iyon kanina nang halikan niya ako.Oo! Hinalikan niya ako! Naglapat ang mga labi namin! Mga labing hindi naman dapat na maglapat pero dahil sa tarantadong lalaking ito ay nangyari! "Hayop ka!" Iyon na lamang ang lumabas sa aking mga labi sa dami ng mga salitang gusto kong isumbat sa kanya. "Wala akong pakialam sa pesteng terms and conditions mo na iyan! Ibalik mo sa akin ang anak ko at magiging maayos tayo!" Mabilis akong tumayo at iniwanan siya upang magtungo sa mahabang hagdan. Hindi ma
"OH, ANO? Nasaan na ang inaanak ko?" Iyon kaagad ang salubong na tanong sa akin ni Danice nang makalabas ako sa bahay ni Elias nang hindi kasama ang anak ko. Walang buhay akong tumayo kanina mula sa pagkaka-upo at saka parang tinangay ang kaluluwa ko at muntik pang mapagulong sa hagdan kung hindi lang ako nakahawak sa railings. Ni hindi ko na nga alam kung gaano akong katagal na nakaupo lagi. Basta na lang akong tumayo at bumaba ng hagdan. Tiningnan ko lang ang kaibigan at isang beses na umiling. Umawang ang kanyang labi at agad na rumihestro sa kanyang mga mata ang kalituhan. Ngunit kahit gusto niyang magtanong ay hindi na lamang niya pinilit. Siya na rin ang pumara ng taxi dahil kung ako pa ang hihintayin niya, mas gusto kong maglakad. Hahayaan ko ang aking mga parang dalhin ako kahit saan. Mabawasan lang itong sakit na nararamdaman ko. Nang may tumigil na taxi sa harapan namin ay nagpatulak na lang ako basta kay Danice, gusto kong bumalik sa loob ng bahay at sugurin ulit si Eli
I HAD to walk as fast as I could or else I would not be able to control myself from crawling back to her and just let her do whatever she wants; and that is to take our daughter away from me. I don't want that to happen. I don't want to be away from my daughter again. Never.Natagpuan ko ang sariling isinasarado ang pintuan ng aking opisina na katabi lamang ng aking kwarto kung saan natutulog si Inez Isabelle, ang anak namin. Gusto ko mang puntahan ang natutulog naming anak ay mas ninais kong hindi na lang at baka magambala ko ang pagtulog niya. Naupo ako sa aking swivel chair atsaka nagsalin ng whisky sa baso. Napapikit ako habang dinadama ang alak sa aking lalamunan. I took a heavy breathe as I massage the bridge of my nose while thinking about the condition that I gave.Will she really do anything for our daughter? Three days. I gave her three days to decide whether staying here or she won't be seeing our daughter ever again. And I swear it. I will not let her see my daughter unl
KASALUKUYAN akong nagliligpit ng ilang gamit ko dahil naisipan kong umuwi na muna ng Sta. Cruz dahil dalawang araw lang ang pinayagan nilang leave ko. Noong araw na iyon kasi ay desidido ako at malaki ang tiwala ko na sandaling-sandali lamang kami rito dahil ipakikilala ko lang naman ang anak ko sa ama niya at pagkatapos ay uuwi na rin kami. Ganoon, sobrang dali. Pero hindi ko inaakalang ganito akong paglaruan ng tadhana.Ang tindi, gusto lang namang makilala ng bata ang ama niya pero heto at kinuha pa siya sa akin. Wala ng ibang sisisihin pa kundi ako, kung hindi sana ako nagpadala sa kagustuhang magkita ang dalawa ay sana kasama ko pa ngayon ang anak ko. Tatlong araw? Aanhin ko naman ang tatlong araw na ibinigay niya sa akin upang magdesisyong titira ako kasama niya kung ibang-iba na ang buhay namin ngayon kumpara noon? Kung noon ay pwedeng-pwede niya akong hilahin kung saan at kusa akong sasama. Pero ngayon ay hindi na pwede, marami na akong kailangan ikonsidara. Ang trabaho ko,
WALA akong inaksayang oras at agad akong naligo at nagbihis para mapuntahan ang anak. Ayos lang naman sana kung ako lang at sigurado naman akong papapasukin ako ng guwardiya ng subdivision pero nang magising si Danice at sinabing sasama raw siya ay hindi na ako humindi. "Alam mo, pwede namang ako na lang, eh. Okay lang talaga." Saad ko nang makasakay na kami sa elevator pababa. Alam kong mayroon siyang pinagdadaanan ngayon at ayaw kong mang-abala. Pero ngumuso lang siya at saka umiling. "Ano ka ba, okay lang, 'no! And hindi makakabuti sa akin ang mapag-isa! Mas maiisip ko lang ang mga irrelevant people na iyon kapag mag-isa ako." She even flipped hair, "masyado akong maganda para lang magmukmok sa kwarto. They are not worthy of my emotions!" Taas noo niyang sinabi at nakahawak pa sa kanyang beywang. Nagkatinginan kami at nag-apir. That's my girl! May nakaparadang sport's car agad sa tapat namin nang makababa na kami, hindi na ako naka-react nang hilahin ako ni Danice. Siya sa pa