Share

CHAPTER 9.2

"SANDRA, may malaking bahay raw si Papa! Alam mo ba 'yun?" Excited na kwento ni Inez habang kumakain na kami. Napatingin ako kay Elias. "Gusto ko ring pumunta roon, Sandra! Gusto ko makita ang bahay ni Papa!"

Nangunot ang aking noo, mas dumiin ang aking titig sa lalaking patay-malisyang ngumunguya. Ang kanyang tingin ay nasa pagkain at sa anak lamang.

"Yes, baby. My house is your house as well." Ani Elias at pinunasan ang gilid ng labi ni Inez nang kumalat ang sauce ng spaghetti roon. "Eat slowly, love... wala kang kalaban..." He chuckled. Tuwang-tuwa sa anak niya.

Ay, hindi ba siya natutuwa sa akin? Ako nagluwal niyan, hoy! Sperm lang ambag mo!

"Dito ka po matutulog kasama ko, Papa?" Tanong ng bata, matamis ang ipinukol niyang ngiti sa kanyang ama.

Halos hindi na kita ang mga mata nito sa sobrang pagkakangiti, iyong tipo ng ngiti na hindi ka makahihindi.

Mula kay Inez ay bumaling ang tingin ko kay Elias—na siyang pagbaling din pala niya sa akin kaya biglaan ang naging tagpo ng a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status