Share

Divorce

Author: Marghie
last update Last Updated: 2025-08-21 17:07:29

Dwayne

Paikot ikot ako sa loob ng aking kwarto matapos ko maibigay ang divorce papers kay Nancy. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang galit ko dahil kung tutuusin ay hindi naman big deal sa akin kung may mangyari sa amin ni Nancy.

It is just sex.

Technically pa nga ay mag-asawa kami, kaya nirmal lang ang ganun diba? Maski na ba hindi talaga kami totoong magkapartner.

Medyo nagsisi ako na nasabihan ko siya ng “Pangit” dahil ang totoo niyan ay hindi naman talaga, nerd at baduy lang talaga si Nancy pumorma, pero kagabi nakita at nahawakan ko kung gaano kaganda at kakinis ng balat niya.

Nang may marinig akong katok ay tiyak na si Nancy ang nasa likod ng pinto. Baka hihingi ito ng tawad sa akin. Tutal naman ay siya ang nag-aalala sa mommy ko ay hahayaan ko na.

Lilinawin ko nalang sa kanya na talagang secretary lang ang tingin ko sa kanya at hindi pwedeng maging higit pa. Ngumiti na ko pero agad din nawala dahil ang isa pala naming katulong na si Manang Gloria ang nasa labas.

“Sir, umiiyak po si Madam Elena, ayaw rin uminom ng gamut o maski kumain,” nag-aalalang sabi nito.

“Bakit hindi mo tawagan si Nancy?” sagot ko saka tinawag ang babae, “Nancy! Pumuntahan mo si Mommy!”

“Sir, umalis mo po si Ma’am Nancy, nakita ko po kanina nagmamali may dalang mga maleta, ito pong envelop ay iniwan niya sa sala,” ani Manang Gloria.

Napatulala ako sa envelop matapos makita na may pirma iyon ni Nancy ay may note pa na nasend na copy kay Attorney Bernard Sandoval kaya wala na itong problema pa. Agad akong tumakbo palabas pero wala na roon si Nancy at ang sasakyan nito. Sinubukan ko siyang tawagan pero na off din ang cellphone nito.  

“Nancy! Tulong!”

Narinig ko ang umiiyak na sigaw ni Mommy kaya agad akong bumalik sa loob ng mansion, hinahawi ng ina ko ang mga katulong ay itinapon pa ang pagkain na nasa tray.

“Mom!” niyakap ko siya agad para pakalmahin.

“Nasaan si Nancy? Siya ang gusto kong kasama kumain!” umiiyak na sabi ng aking ina. Paano ko ba sasabihin na hindi ko rin alam?

Mabilis na inagaw ni Mommy ang envelop na hawak ko at binuksan, huli na para pigilan siya na makita kung ano ang nilalaman nito.

“D-Divorce paper? Nakipaghiwalay ka kay Nancy? Pero bakit?” galit na tanog ni Mommy.

“Mom, alam mo naman na hindi kami totoong mag-asawa, isa pa kagabi ay… nagising ako na may nangyari sa amin. Baka gusto ni Nancy na makakuha pa ng pera sa atin. Umalis siya matapos pirmahan ang divorce papers namin, kinuha niya ang cheke saka umalis.” Paliwanag ko.

“Karapatan niya ang cheke dahil iyon ay usapan kapalit para pakasalan ka, pero hindi naman masama kung may mangyari sa inyo, pinagsalitaan mo ba siya ng masama? Hindi ka ba nag-iisip? Akala mo ba hindi namin alam ng papa mo na mula pa noong si Nancy na ang naging secretary mo ay siya ang halos nagpapatakbo ng kompanya! Nagnakaw ka ba ni piso? Hindi dba? Dahil mabuti siyang tao pero sinayang mo!” umiiyak na sabi ni mommy.

Nakaramdam ako ng matinding panghihinayang, nagagalit ako sa sarili ko. Paano na nga ba ako ngayon wala na si Nancy? Mula pagkagising hanggang pagtulog ay wala akong iniisip na prboleam dahil siya na lahat ang umaayos.

Kaya ko bang mawala siya? Ano bang tinira ko?

Biglang bumalik sa ala-ala ko kung gaano ko naenjoy ang naging mainit na p********k namin, kung sa ibang babae kasi ay libog lang, kagabi ay iba. Hindi ko mapaliwanag pero kahit kay Janella ay hindi ko iyon naramdaman.

“Hanapin mo si Nancy ay pabalikin dito!” sigaw ni Mommy sabay taboy sa akin palabas ng kwarto niya.

Pumunta ako sa dting bahay ni Nancy na bigay ko, naroon ang kotse na bigay ko rin pero nagulat ako na walang tao. Sabi ng isang napadaan na kapit bahay ay siya ang naghatid kay Nancy sa airport pero wala itong ideya kung saan pupunta.

Agad akong nagpunta sa airport at pinatawag ang head ng security para hanapin si Nancy pero sa CCTV ay nakasakay na ito ng eroplanong papunta sa Milton. Napalayong bansa iyon kaya hindi ko alam kung may kakilala na si Nancy sa lugar o gusto lang talaga na lumayo.

Bigo akong umuwi at kahit sinong pagtanungan ko ay hindi alam kung bakit doon nagpunta si Nancy. Dinala ko sa hospital si Mommy para maalagaan habang nangako na hahanapin ang babae.

“Papayag akong magpaconfine sa hospital pero huwag mong sabihing hahanapin mo is Nancy kundi gawin mo! Ayoko si Janella para saiyo kaya huwag mo siya dadalhin sa pamamahay ko dahil itatakwil talaga kita!” galit na sabi ng sarili kong iba bago ito ipasok sa recovery room.

Bumalik ako ulit sa lumang bahay ni Nancy, never ko pa kasing napasok iyon kaya hindi ko alam kung anong makikita, kahit ilang araw na si Nancy sa amin ay nanatiling malinis at maayos ang bahay niya.

Gusto ko kasing makahanap na pwedeng clue kung saan siya sa Milton pupunta. Dumiretso ako sa kwarto niya at napatingin sa isang frame sa side table. Picture ito naming dalawa ni Nancy noong nakaraang christimas party, mukha na akong lasing kaya halos nakayakap na ako sa kanya sa pag-akbay.

Binuksan ko ang isang photo album at halos mga picture namin ni Nancy ang naroon kaya natigilan ako.

Ano ito?

Bakit may ganito?

May gusto ba siya sa akin?

Isang picture ang nalaglag kaya pinulot ko at binasa ang nakasulat sa likod. Lawaran ito ng 30th birthday ko.

“Mahal, este Sir Dwayne,

Maligayang Kaarawan sa iyo. Alam kong marami na ang bumati sa iyo kaya nahihiya akong magsabi ng nararamdaman kaya dito nalang sa picture mo. Mahal kita. Noon pang una kita makita. Sobrang minahal kita kaya nga kahit mahirap ang trabaho, kahit halos mamatay ako sa selos sa tuwing kasama mo ang mga girlfriends mo ay pinipilit kong huwag ipakita na affected ako, ayoko kasing masira kung anuman ang pinasamahan natin. Okay na akong maging secretary mo forever kung ‘yun ang paraan para makasama ka. Alam kong kahit kelan ay hindi mo ako mamahalin. Tanggap ko na ang mga ganung bahay, sana lang ay mahanap ka ng totoong babae na mamahalin at iingatan ka, pati ang iyong magulang lalo ang kayamanan. Huwag ka sana mapunta sa mga babaeng peke at manloloko. Iyon lang, sana dumating ang pagkakataon na maamin ko ang nararamdaman ko, pero alam ko rin kapag dumating ang araw na iyon, ay iyon na rin ang araw na kailangan ko ng lumayo.”

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Shit! Ano ba ‘tong nararamdamam ko? Mahal ko rin ba si Nancy?

Mas lalo akong napaluha ng pagbalik ko sa mansion ay makita ang bahid ng dugo sa kamang ginamit namin kagabi. Virgin si Nancy at ako ang nakauna!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
jelyn cruz
tapos Kona yung chapter na to Pero bakit nag close ulit?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Year Contract with my Boss   Legal Guardian

    Doc. LesleyPagkauwi ko sa mansion, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Dumiretso agad ako sa kwarto ni Baby Jake. Alam ko na sobrang nasaktan si Nancy nang malaman niyang pupunta na sa abroad si Baby Jake at doon na titira. Wala siyang magawa dahil nakakulong siya. Parang kinukuha sa kanya yung huling pag-asa niya, yung pinanghahawakan niya para mabuhay.Pagpasok ko sa kwarto, tahimik. Tanging yung mahinang tunog lang ng monitor ang maririnig. Lumapit ako sa incubator ni Baby Jake at dahan-dahan ko itong tinapik. Yung pagtapik ko ay para bang isang pangako, isang pangako na hindi ko siya pababayaan."Baby Jake," bulong ko. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita hahayaan na masaktan. Aalagaan kita. Pangako." Yung pangako ko na yun ay hindi lang para sa kanya, kundi para rin kay Nancy.Tinitigan ko yung maliit niyang katawan. Ang inosente ng mukha niya. Ang himbing ng tulog niya. Hindi niya alam yung gulo na nangyayari sa paligid niya. Hindi niya alam na ginagamit siya para saktan yung mga tao

  • One Year Contract with my Boss   Like an Orphan

    Doc. LesleyNawala bigla yung ngiti sa labi ko nang makita ko si Dwayne na naglalakad papasok sa mansion. May kakaiba sa aura niya, parang may mabigat siyang sasabihin. Hindi ko gusto yung pakiramdam na 'to. Parang may malaking pagbabago na naman na mangyayari sa buhay naming lahat."Lesley," bati niya, pero yung boses niya ay hindi katulad ng dati. Mas seryoso, mas malamig. "May importante akong sasabihin sa'yo."Kinabahan ako lalo. Umupo siya sa sofa sa living room, at sumenyas na umupo rin ako sa harap niya. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita."Napagdesisyunan ko na, Lesley. Ikaw na ang magiging legal guardian ni Baby Jake mula ngayon."Gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla niyang sinasabi 'to. "Dwayne, anong ibig mong sabihin?""Alam kong ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko pagdating kay Baby Jake," sagot niya. "At saka, naayos ko na rin yung titirhan ninyo sa abroad kasama sina Giselle at Manang Kendra."Parang binuhusan ako ng malamig

  • One Year Contract with my Boss   Go away

    JanellaGulat na gulat ang mukha ni Dwayne nang marinig niya ang plano ko. Kitang-kita ko ang pagtataka, pagkalito, at bahagyang pagtutol sa mga mata niya. Pero hindi ako pwedeng magpatinag. Ngayon na ang tamang pagkakataon para tuluyan nang mawala si Baby Jake sa buhay namin."Anong ibig mong sabihin na ipadala sa abroad si Baby Jake?" tanong niya."Love," panimula ko, kunwaring pinipigilan ang mga luha. "Hindi ba't nasa kulungan naman si Nancy? Wala na siyang paraan para makalapit kay Baby Jake. At isa pa, binabayaran mo naman si Doc. Lesley ng napakalaking halaga, di ba? Pwede siyang maging legal guardian ni Baby Jake. Mas okay siguro kung sa ibang bansa na lang natin siya palalakihin."Pinahid ko ang mga mata ko gamit ang likod ng aking kamay, "Dwayne, isipin mo naman. Sa tuwing makikita mo si Baby Jake, hindi ba't lagi mong maaalala si Nancy? Yung babaeng pumatay sa mama mo? Hindi ka ba napapagod na maalala yung sakit? Ayaw mo bang makalimot at move on?"Alam ko na tinatamaan siy

  • One Year Contract with my Boss   Unwanted Child

    DwayneSimula nang makulong si Nancy dahil sa pagpatay sa mama ko, hindi ko na nadalaw si Baby Jake. Alam kong kasalanan ko rin, pero hindi ko talaga maiwasan. Tuwing nakikita ko siya, naaalala ko si Nancy. Naaalala ko ang krimen na ginawa niya.Nasa incubator pa rin si Baby Jake sa isa kong mansion. Pinatira ko doon si Doc. Lesley para siya ang mag-alaga. Binibigyan ko naman siya ng pera bilang personal guardian, kaya alam kong hindi ko pa rin naman masasabing napapabayaan.Mas focus ako ngayon kay Janella at kay Baby Dwayne. Inalis na rin sa incubator si Baby Dwayne at pwede na siyang buhatin. Masaya ako tuwing hawak ko siya. Pero tuwing naaalala ko si Baby Jake, nakokonsensya ako.Masama man, pero pati si Baby Jake nadamay sa galit ko kay Nancy. Nawalan ako ng pagmamahal sa kanya.Nakaupo ako sa tapat ng crib ni Baby Dwayne. Habang patuloy sa pagasalita si Janella ay lumilipad naman ang isip ko"Dwayne, kapag natapos na ang forty days ng mama mo, pwede na natin siyang pabinyagan pa

  • One Year Contract with my Boss   Like a dead

    JamillaNakahiga ako sa matigas na kama ng ospital, nakatitig lang sa kisame habang pinakikinggan ang paulit-ulit na tunog ng monitor sa tabi ko. Beep. Beep. Beep. Sa paningin ng mga doktor at nurse, isa akong pasyenteng gulay—comatose, hindi nakakagalaw, at tanging ang mga mata ko lang ang tila may buhay. Pero ang totoo, nararamdaman ko ang bawat hapdi sa katawan ko at naririnig ko ang bawat bulong sa paligid.Pinilit kong panatilihing relax ang mukha ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Ang yabag ng sapatos na iyon... kilala ko 'yun. Si Janella.Pumasok siya sa kwarto at narinig ko ang pag-lock ng pinto. Lumapit siya sa gilid ng kama ko. Naamoy ko ang matapang niyang pabango na tila sumasakal sa akin. Ramdam ko ang pagtitig niya, kaya pinako ko ang tingin ko sa kawalan, walang emosyon, parang patay na dilat ang mga mata."Kamusta, ang traydor?" panimula ni Janella. May halong tawa ang boses niya, 'yung tawang nakakapangilabot dahil alam mong wala siyang pagsisisi.Hinawakan niy

  • One Year Contract with my Boss   No more tears

    DwayneInilibing na namin si Mama ngayong araw. Madilim ang langit at malamig ang hangin, parang nakikiramay sa bigat na nararamdaman ko. Habang dahan-dahang ibinababa ang kabaong niya, pakiramdam ko ay kasama ring ibinaba doon ang kalahati ng puso ko. Sobrang sakit. Hindi ko kailanman inisip na darating ang araw na ganito ang magiging paalam ko sa kaniya.Humakbang ako palapit sa hukay at kumuha ng isang dakot na lupa. Tiningnan ko ang kabaong ni Mama. "Ma, sana mapayapa ka na," bulong ko. Pinilit kong huwag manginig ang boses ko pero sadyang traydor ang mga luha ko. "Sana mapatawad mo rin ako dahil hindi kita naipagtanggol nung mga oras na kailangan mo ako. Ang hirap tanggapin na ang taong pinasok ko sa bahay natin, ang babaeng minahal ko, ang siya palang kikitil sa buhay mo."Sa bawat butil ng lupa na pumatak mula sa kamay ko, parang unti-unting lumilinaw sa isip ko ang lahat. Tapos na ang trial. Narinig ko na ang hatol. Sinabi ng batas na guilty si Nancy. Kahit gaano kasakit, kail

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status