Yes, iba yan siya kay Arnold kaya pumanatag ka...
Nathan“Pupunta ako sa bahay nila Grace, may schedule ako ng live streaming para sa masked singer,” aniya habang abala sa pagscroll sa kanyang cellphone. Kita ko sa mukha niya ang halo ng excitement, talagang pagdating sa pagkanta ay nagkakaroon ng kakaibang kislap ang kanyang mga mata.“Magtatagal ka ba?” tanong ko habang palapit ako sa kanya, kahit ang totoo ay gusto ko lang malaman kung hanggang anong oras ko siya hindi makikita. Galing ako sa silid ni Lola para kamustahin and I'm glad na maayos naman ito. Higit na masigla lumpara sa karaniwan.“Uuwi din ako agad pagkatapos,” tugon niya, bahagyang ngumiti pero agad ding nagseryoso. “And please, stop sending me moon gifts.”Napataas ang kilay ko. “Alam mo naman na kaligayahan ko na iyon kaya ‘wag mo na akong pagbawalan pa,” sagot ko na may kasamang buntong-hininga. Ewan ko ba sa kanya kung bakit palagi pa niya akong sinasaway tungkol sa bagay na ‘yon, gayong alam naman niyang hindi ako magpapaawat. Para bang isang bata na pinagkakai
Nathan“Kamusta na ang pakiramdam mo, Lola?” malumanay na tanong ni Ysla habang naupo siya sa gilid ng kama.“Mabuti naman, apo.” Ngumiti ang matanda, at dama ko na hindi iyon pilit dahil may lambing sa kanyang mga mata. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng asawa ko, bago dahan-dahang ibinaling ang kanyang tingin sa akin. Ngunit kapansin-pansin ang bigat ng kanyang titig. Seryoso, puno ng mensaheng hindi ko agad mawari.“Dumating ang Daddy mo at kinausap ako,” mabigat niyang sambit.Parang biglang may malamig na dumaloy sa ugat ko. Napapitlag ako, at halos sabay kaming napatingin ni Ysla sa isa’t isa. Kita ko ang pagkabahala sa kanyang mukha na parang may mga tanong na ayaw niyang bitawan pero ayaw din niyang ipilit.“Ano ho’ng sabi?” halos pabulong kong tanong habang dahan-dahan akong naupo sa kama sa tabi ng aking asawa. Hindi ko napigilang hawakan ang kulubot na kamay ni Lola, at sa mismong haplos ng kanyang balat, ramdam ko ang bahagyang panginginig ng sarili kong palad. May kaba
YslaHindi ko akalain na mabibigla ako nang gano’n at mapapayakap kay Nathan. Mabilis ang tibok ng puso ko, parang nabuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko sa gulat. Kakawala sana ako, pero mahigpit niya akong hinapit pa, y'ung tipong ramdam ko ang init at bigat ng mga bisig niya, na para bang sinasabi niyang hindi niya ako hahayaang lumayo kahit anong mangyari.Napatingin ako sa paligid at agad kong nahuli ang ilang pares ng matang nakatutok sa amin. Mga empleyado niyang tila nagulat sa nasaksihan, nakatitig na may halong pagkabigla at pananabik. Ramdam ko ang biglang pag-init ng pisngi ko sa atensyong iyon.“I’m sorry,” mabilis na sabi ko kay Nathan, may bakas pa ng inis sa tono ko. “Nagalit kasi ako sa ginawa ni Lizbeth. She went here and—”“It’s okay,” putol niya sa akin bago pa ako tuluyang makapagsalita. At bago pa ako makahuma, naramdaman ko na lang ang malambot ngunit matatag na paglapit ng kanyang mga labi sa akin. Sa una’y banayad, parang tinitimbang kung paano ko
YslaDalawang linggo na ang mabilis na lumipas mula noong huli naming makausap ni Nathan si Atty. Rafael. Sinabi nitong siya na raw ang bahala sa lahat. Mga legalidad, papeles, at proseso, kaya’t buong tiwala naming ipinagkatiwala sa kanya ang lahat. Ayon sa kanya, iyon din ang utos ng kanyang ama, na masiguro raw na mapupunta sa akin, o sa taong tunay na may karapatan, ang lahat ng pinaghirapan ng aking mga magulang.Abala ako sa pag-asikaso ng isang proposal para sa isang high-profile client, nakatutok ang atensyon sa screen, nang bigla na lang akong magulantang sa biglang pagdating ni Lizbeth. Humahangos siya, litaw na litaw ang galit sa kanyang mukha, habang nakasunod sa kanya si Arnold na animo'y hindi alam kung paano hahabol o pipigil.“How dare you!” sigaw ni Lizbeth sabay duro sa akin, rinig na rinig sa buong opisina ang boses niyang parang pinagsamang yabang at takot.Nag-angat ako ng tingin mula sa screen ng aking computer at tiningnan siya nang diretso. Ang ilang miyembro n
NathanBakas na bakas sa mukha ni Ysla ang pinaghalong sakit at galit, isang ekspresyong tila sumisigaw ng pagkadismaya at pagkabigo. Hindi ko siya masisi. Sino ba naman ang hindi magwawala kung mismong taong itinuring mong pamilya, ang tiyuhin mong pinagkatiwalaan mo, ay siya palang mismong dahilan ng pagkaguho ng tiwala mo sa buong mundo?Si Sandro. Ang taong akala ni Ysla ay kakampi niya hanggang dulo, ay siya palang matagal nang may lihim na motibo.Tahimik kaming umuwi ng bahay, ngunit kahit walang salitang namutawi sa kanyang labi ay ramdam ko ang bigat ng nadarama niya. Halos hindi siya umiimik sa biyahe, at ang mga mata niya’y waring pagod na pagod hindi lang sa mga nangyari, kundi sa paulit-ulit na sakit na kailangang indahin.Kahit ako, kung ilalagay ang sarili ko sa sitwasyon niya, marahil ay hindi ko rin kakayanin.Pagdating sa bahay, hinayaan ko siyang makapagpahinga. Ayokong pilitin siyang magsalita. Alam kong kailangan niya ng katahimikan, ng sandaling siya lang ang may
YslaTahimik ang biyahe namin ni Nathan papuntang San Mateo. Nakatingin ako sa bintana ng kotse habang tinatahak namin ang paakyat na kalsada patungo sa bahay ni Rafael, ang anak ng dating abogado ng aking mga magulang. Ang bawat kurbada ay tila mas nagpapabigat sa dibdib ko na parang palapit kami nang palapit sa isang lihim na matagal nang nakatago sa likod ng katahimikan.Hawak ni Nathan ang manibela, ngunit paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin. Hindi siya nagsasalita, pero ramdam kong alerto siya sa lahat lalo na sa emosyon ko. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Hindi ko kailangang sabihin pa, pero alam niyang nagpapasalamat ako sa pagsama niya.Pagdating namin sa isang gate na yari sa kahoy at bakal, bumaba si Nathan para tumawag gamit ang maliit na doorbell sa tabi. Hindi nagtagal, bumukas iyon, at lumitaw ang isang lalaki sa edad na humigit-kumulang trenta’y singko. Maayos ang postura nito, nakasuot ng simpleng puting polo, ngunit makikitaan ng pagod sa mga mata.