Share

Chapter 48

last update Last Updated: 2025-05-16 20:21:10
Nathan

“Raquel, kamusta ang project with Blythe?” tanong ko habang nakaupo sa head seat ng mahaba at modernong conference table na gawa sa napakatibay na kahoy. Nasa isang importanteng meeting ako kasama ang buong advertising at marketing team.

I called for this meeting para talakayin ang launch ng mga bagong produkto namin. Pero bago pa man kami makadiretso sa main topic, may text akong natanggap mula sa ex-girlfriend kong si Blythe. Galit siya. Kesyo napapabayaan daw ang branding ng produkto niya, at parang ako pa raw ang walang pakialam.

Kaya kailangan kong linawin muna ang status ng project na iyon bago kami makausad.

“I’ve already told Miss Blythe na ang endorser niya ang ayaw sumunod sa amin,” sagot ni Raquel, ang marketing head namin. Mahinahon ang tono niya pero halata ang pagkainis sa likod ng kanyang boses.

“Si Lizbeth?” tanong ko, habang napapa-iling. Tumango lang si Raquel, kasunod ng mahinang buntong-hininga.

“Ang dami niyang demands, Sir,” patuloy niya. “Mga gusto niyang
Lovella Novela

Salamat po sa pagbasa.

| 14
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Roselyn Tuba
mag iibang story nlng siguro Ako ,nkakatamad nmn Isang episode lng ...
goodnovel comment avatar
Beth Fier Cabalud
Next episode plss
goodnovel comment avatar
Che Mai Mai
ka tamad kasi paisa isa!!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 78

    Nathan“Sir, nai-file na ang lahat ng kaso. Handa na rin si Atty. Rafael at ang hearing na lang ang hinihintay,” maingat na ulat ni Damien habang iniaabot sa akin ang folder ng mga dokumento. Kita ko ang bakas ng pagod sa kanyang mukha, ngunit mas nangingibabaw ang determinasyon doon.Tumango ako at bahagyang lumuwag ang pagkakakrus ng mga braso ko. “Kung ganon, may kailangan pa ba tayong gawin? May dapat ba tayong paghandaan bukod sa hearing?”Sandaling nag-isip si Damien bago muling nagsalita. “Ang bilin ni Atty. Rafael ay mag-ingat si Ma’am Ysla. Hindi raw natin alam ang mga galaw ni Sandro. Kapag gipit ang isang tao, kahit imposible ay gagawa ng paraan. Mas mabuti raw na lagi tayong nakabantay.”Bahagya akong napatingin sa labas ng aking opisina kung saan tanaw ang mga nagtataasan din na mga building. Naramdaman ko ang bigat ng responsibilidad. “Tama siya,” mahina kong sagot, saka muling bumaling k

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 77

    Nathan“Pupunta ako sa bahay nila Grace, may schedule ako ng live streaming para sa masked singer,” aniya habang abala sa pagscroll sa kanyang cellphone. Kita ko sa mukha niya ang halo ng excitement, talagang pagdating sa pagkanta ay nagkakaroon ng kakaibang kislap ang kanyang mga mata.“Magtatagal ka ba?” tanong ko habang palapit ako sa kanya, kahit ang totoo ay gusto ko lang malaman kung hanggang anong oras ko siya hindi makikita. Galing ako sa silid ni Lola para kamustahin and I'm glad na maayos naman ito. Higit na masigla lumpara sa karaniwan.“Uuwi din ako agad pagkatapos,” tugon niya, bahagyang ngumiti pero agad ding nagseryoso. “And please, stop sending me moon gifts.”Napataas ang kilay ko. “Alam mo naman na kaligayahan ko na iyon kaya ‘wag mo na akong pagbawalan pa,” sagot ko na may kasamang buntong-hininga. Ewan ko ba sa kanya kung bakit palagi pa niya akong sinasaway tungkol sa bagay na ‘yon, gayong alam naman niyang hindi ako magpapaawat. Para bang isang bata na pinagkakai

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 76

    Nathan“Kamusta na ang pakiramdam mo, Lola?” malumanay na tanong ni Ysla habang naupo siya sa gilid ng kama.“Mabuti naman, apo.” Ngumiti ang matanda, at dama ko na hindi iyon pilit dahil may lambing sa kanyang mga mata. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng asawa ko, bago dahan-dahang ibinaling ang kanyang tingin sa akin. Ngunit kapansin-pansin ang bigat ng kanyang titig. Seryoso, puno ng mensaheng hindi ko agad mawari.“Dumating ang Daddy mo at kinausap ako,” mabigat niyang sambit.Parang biglang may malamig na dumaloy sa ugat ko. Napapitlag ako, at halos sabay kaming napatingin ni Ysla sa isa’t isa. Kita ko ang pagkabahala sa kanyang mukha na parang may mga tanong na ayaw niyang bitawan pero ayaw din niyang ipilit.“Ano ho’ng sabi?” halos pabulong kong tanong habang dahan-dahan akong naupo sa kama sa tabi ng aking asawa. Hindi ko napigilang hawakan ang kulubot na kamay ni Lola, at sa mismong haplos ng kanyang balat, ramdam ko ang bahagyang panginginig ng sarili kong palad. May kaba

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 75

    YslaHindi ko akalain na mabibigla ako nang gano’n at mapapayakap kay Nathan. Mabilis ang tibok ng puso ko, parang nabuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko sa gulat. Kakawala sana ako, pero mahigpit niya akong hinapit pa, y'ung tipong ramdam ko ang init at bigat ng mga bisig niya, na para bang sinasabi niyang hindi niya ako hahayaang lumayo kahit anong mangyari.Napatingin ako sa paligid at agad kong nahuli ang ilang pares ng matang nakatutok sa amin. Mga empleyado niyang tila nagulat sa nasaksihan, nakatitig na may halong pagkabigla at pananabik. Ramdam ko ang biglang pag-init ng pisngi ko sa atensyong iyon.“I’m sorry,” mabilis na sabi ko kay Nathan, may bakas pa ng inis sa tono ko. “Nagalit kasi ako sa ginawa ni Lizbeth. She went here and—”“It’s okay,” putol niya sa akin bago pa ako tuluyang makapagsalita. At bago pa ako makahuma, naramdaman ko na lang ang malambot ngunit matatag na paglapit ng kanyang mga labi sa akin. Sa una’y banayad, parang tinitimbang kung paano ko

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 74

    YslaDalawang linggo na ang mabilis na lumipas mula noong huli naming makausap ni Nathan si Atty. Rafael. Sinabi nitong siya na raw ang bahala sa lahat. Mga legalidad, papeles, at proseso, kaya’t buong tiwala naming ipinagkatiwala sa kanya ang lahat. Ayon sa kanya, iyon din ang utos ng kanyang ama, na masiguro raw na mapupunta sa akin, o sa taong tunay na may karapatan, ang lahat ng pinaghirapan ng aking mga magulang.Abala ako sa pag-asikaso ng isang proposal para sa isang high-profile client, nakatutok ang atensyon sa screen, nang bigla na lang akong magulantang sa biglang pagdating ni Lizbeth. Humahangos siya, litaw na litaw ang galit sa kanyang mukha, habang nakasunod sa kanya si Arnold na animo'y hindi alam kung paano hahabol o pipigil.“How dare you!” sigaw ni Lizbeth sabay duro sa akin, rinig na rinig sa buong opisina ang boses niyang parang pinagsamang yabang at takot.Nag-angat ako ng tingin mula sa screen ng aking computer at tiningnan siya nang diretso. Ang ilang miyembro n

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 73

    NathanBakas na bakas sa mukha ni Ysla ang pinaghalong sakit at galit, isang ekspresyong tila sumisigaw ng pagkadismaya at pagkabigo. Hindi ko siya masisi. Sino ba naman ang hindi magwawala kung mismong taong itinuring mong pamilya, ang tiyuhin mong pinagkatiwalaan mo, ay siya palang mismong dahilan ng pagkaguho ng tiwala mo sa buong mundo?Si Sandro. Ang taong akala ni Ysla ay kakampi niya hanggang dulo, ay siya palang matagal nang may lihim na motibo.Tahimik kaming umuwi ng bahay, ngunit kahit walang salitang namutawi sa kanyang labi ay ramdam ko ang bigat ng nadarama niya. Halos hindi siya umiimik sa biyahe, at ang mga mata niya’y waring pagod na pagod hindi lang sa mga nangyari, kundi sa paulit-ulit na sakit na kailangang indahin.Kahit ako, kung ilalagay ang sarili ko sa sitwasyon niya, marahil ay hindi ko rin kakayanin.Pagdating sa bahay, hinayaan ko siyang makapagpahinga. Ayokong pilitin siyang magsalita. Alam kong kailangan niya ng katahimikan, ng sandaling siya lang ang may

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status