Share

Chapter 49

last update Last Updated: 2025-05-17 23:22:17

Nathan

“What?” Naiinis kong tanong habang abala ako sa pagliligpit ng aking table. Nasa harapan ko si Ysla, nakatayo, may bitbit na maliit na shoulder bag, at nagpapaalam na sa kaibigan daw niya siya didiretso pagkatapos ng trabaho.

“Napag-usapan na natin ’yan, ‘di ba?” malamig kong paalala.

“Oo nga,” sagot niya, bahagyang nag-aalangan, “pero babalik din naman ako bukas ng hapon.”

Huminga ako nang malalim, pilit na nilulunok ang inis na unti-unting bumabalot sa akin. “Hindi naman kita pinipigilan kung saan mo gustong pumunta. Ang ayaw ko lang ay ‘yung hindi ka uuwi sa gabi. Iba kasi ‘yon.”

Para bang nauubos ang pasensya ko habang kinakausap siya. Hindi ko maintindihan kung iniiwasan lang ba niya akong kausapin ng diretso, o kung sadyang hindi niya nararamdaman ang epekto nito sa akin.

“Sige na, please…” hiling niya, sabay titig sa akin gamit ang malalambing niyang mga mata.

“Fuck!” Napaungol ako sa frustration. May paawa effect pa talaga siya. Sa loob-loob ko, dapat ko bang hayaan na
Lovella Novela

Salamat po sa pagbasa.

| 4
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 49

    Nathan“What?” Naiinis kong tanong habang abala ako sa pagliligpit ng aking table. Nasa harapan ko si Ysla, nakatayo, may bitbit na maliit na shoulder bag, at nagpapaalam na sa kaibigan daw niya siya didiretso pagkatapos ng trabaho.“Napag-usapan na natin ’yan, ‘di ba?” malamig kong paalala.“Oo nga,” sagot niya, bahagyang nag-aalangan, “pero babalik din naman ako bukas ng hapon.”Huminga ako nang malalim, pilit na nilulunok ang inis na unti-unting bumabalot sa akin. “Hindi naman kita pinipigilan kung saan mo gustong pumunta. Ang ayaw ko lang ay ‘yung hindi ka uuwi sa gabi. Iba kasi ‘yon.”Para bang nauubos ang pasensya ko habang kinakausap siya. Hindi ko maintindihan kung iniiwasan lang ba niya akong kausapin ng diretso, o kung sadyang hindi niya nararamdaman ang epekto nito sa akin.“Sige na, please…” hiling niya, sabay titig sa akin gamit ang malalambing niyang mga mata.“Fuck!” Napaungol ako sa frustration. May paawa effect pa talaga siya. Sa loob-loob ko, dapat ko bang hayaan na

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 48

    Nathan“Raquel, kamusta ang project with Blythe?” tanong ko habang nakaupo sa head seat ng mahaba at modernong conference table na gawa sa napakatibay na kahoy. Nasa isang importanteng meeting ako kasama ang buong advertising at marketing team.I called for this meeting para talakayin ang launch ng mga bagong produkto namin. Pero bago pa man kami makadiretso sa main topic, may text akong natanggap mula sa ex-girlfriend kong si Blythe. Galit siya. Kesyo napapabayaan daw ang branding ng produkto niya, at parang ako pa raw ang walang pakialam.Kaya kailangan kong linawin muna ang status ng project na iyon bago kami makausad.“I’ve already told Miss Blythe na ang endorser niya ang ayaw sumunod sa amin,” sagot ni Raquel, ang marketing head namin. Mahinahon ang tono niya pero halata ang pagkainis sa likod ng kanyang boses.“Si Lizbeth?” tanong ko, habang napapa-iling. Tumango lang si Raquel, kasunod ng mahinang buntong-hininga.“Ang dami niyang demands, Sir,” patuloy niya. “Mga gusto niyang

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 47

    YslaKahit nagkasundo na kami ni Nathan na gawing totoo na ang aming relasyon, na hindi na ito isang palabas lang gaya noong una ay nanindigan pa rin ako sa isa kong kondisyon. Ayokong sumabay sa sasakyan niya tuwing papasok at uuwi galing sa opisina.Ang sarap kaya ng pakiramdam ng nakamotor lang. Presko, mabilis, at para bang may sariling mundo sa gitna ng masikip na trapiko ng BGC. Walang hassle, walang istorbo. Hihinto ka lang kapag may stoplight, at kahit papaano, may kaunting sense of freedom na hindi ko maramdaman kapag nasa loob ako ng kanyang sasakyan na parang masyadong seryoso sa buhay.Sinabihan ko si Nathan na huwag ipagsasabi sa office na mag-asawa na kami. Oo, kasal na kami, pero ayokong maging usap-usapan sa pantry, sa elevator, o sa mga team huddle. Sa akin na manggagaling kapag handa na ako.Natural, hindi siya sang-ayon sa ideya.“Gagawin na nga nating totoo ang pagsasama natin, bakit pa kailangang ilihim?” aniya habang nakakunot ang noo.Pero nagpumilit ako. Ayokong

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 46

    NathanNatural, nauna na namang umuwi sa akin si Ysla. Gusto ko sanang pigilan siya pero alam ko na hindi rin niya ako susundin.Pagkatapos ng mainit na tagpo namin na 'yon sa boardroom ay napansin kong hindi niya malaman kung saan itutuon ang paningin. Ang damit niyang nahubad ko ay agad niyang dinampot at sinuot.Bahagya pa ngang nanginginig ang kanyang kamay at balak ko sana siyang tulungan ngunit pumiksi siya. Pulang pula ang kanyang mukha. Alam kong daghil iyon sa hiya."Hindi ka pa ba magbibihis?" nagtataka niyang tanong. Marahil ay napansin niya na nanatili lang akong nakatingin sa kanya kaya inayos ko na rin ang sarili ko.Fuck, ang init ng ulo ko dahil sa pamilya ni Dad. Pero dahil sa suportang pinadama niya sa akin ay tuluyan akong kumalma.Ang problema nga lang ay ang ulo ko naman sa baba ang nag-init kaya ayun, naangkin ko siya ng wala sa oras sa ibabaw mismo ng lamesa ng boardroom.Kung pagkatapos kong magalit ay siya naman ang haharapin ko, aba, baka gawin ko ng hobby ang

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 45 Part 2

    NathanTahimik. Para akong nasa gitna ng giyera matapos ang unang sigalot, lahat ay alerto, pero walang gumagalaw. Ramdam ko pa rin ang tensyon sa paligid habang nakatitig na ako kay Nathaniel, na halos hindi maitago ang pagkadismaya at galit sa mukha.“Hindi pa tayo tapos, Nathan,” malamig niyang sambit, bago tumalikod. “Ang pagpasok ni Nathalie sa kumpanyang ito ay hindi na isang tanong. Isa na itong dapat mangyari. Kaya ihanda mo na ang sarili mo. Hindi lahat ng laban ay kaya mong ipanalo kahit akala mong hawak mo ang lahat.”At sa isang mabilis na tikwas ng kanyang balikat, tuluyan siyang lumabas ng boardroom. Malakas ang bawat yabag niya, para bang sinusubukang ipabaon sa akin ang kanyang huling salita.Hindi pa man nagsasara ang pinto ay agad na sumunod si Nathalie. Nakataas ang baba, suot ang manipis na ngiting mapanghamon, parang sinasabi niyang magkikita pa kami sa isang mas brutal na round. Hindi ako natakot. Sanay ako sa mga katulad niya, mga taong sumusubok pero hindi kayan

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 45 Part 1

    NathanBullshit.Hindi ko na mapigilang mapailing habang pinapakinggan ko ang mga palusot nila tungkol kay Nathalie. Ayaw pa talaga nilang tapusin ang usapan na 'to. gusto ba talaga ng board na makita kung paano ako magalit kapag kinakalaban?Pilit nilang dini-degrade ang kakayahan ng asawa ko. Nagtaka siguro sila kung bakit nandito si ysla gayong ang akala nila ay si Lola lang ang dapat na concern niya.Magaling si ysla at siguradong walang binatbat sa kanya si Nathalie. Ngunit hindi ito tungkol sa potensyal. Hindi ito tungkol sa kompanya. Ito’y malinaw na maniobra para ipasok ang anak niya sa pwesto na hindi naman niya pinagpaguran. At alam kong si Dad, No. Si Nathaniel Del Antonio, kung gusto niyang ipaalala palagi na hindi ko siya ama ang siyang may pakana nito.“She’s my daughter, Nathan. At gusto kong mabigyan siya ng pwesto sa senior management. Hindi ba’t patas lang ‘yon?” tanong niya, habang nakahilig sa upuan at tila may ngiting nanunubok.“Patas?” nilingon ko siya, hinigpita

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 44

    Ysla“Para saan ang meeting na ‘to?” malamig na tanong ni Nathan matapos makaupo ang lahat sa loob ng boardroom. Ako’y tahimik na nakatayo sa tabi niya, balak sanang manatili roon para huwag makaistorbo. Pero bago pa man ako makapalag, kinumpirma niyang kasama ako at pinalipat niya ng pwesto ang isa sa mga board members at iginiya ako paupo sa tabi niya. Ramdam ko ang gulat at tensyon sa paligid, lalo na mula sa ilang matatandang kasapi ng board.Naramdaman ko ang malamig na tingin na ibinato sa akin ng mag-ina ng tatay ni Nathan. Punong-puno iyon ng panghuhusga na para bang wala akong karapatang naroroon, na isa akong estranghera sa mundo ng mga may kapangyarihan. Pero hindi ko sila pinansin. Wapakels, ‘ika nga. Hindi na bago sa akin ang mapanuring mata. Sanay na ako sa ganitong laban at hindi ko hahayaang matalo ako ngayon.Isa pa, talagang magtataas sila ng kilay dahil hindi naman nila alam na asawa ako ng Chairman nila.“We know you’re busy—” Simula pa lang ng paliwanag ng isa sa m

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 43 Part 2

    YslaAno ba itong nangyayari sa akin? Bakit ba lagi na lang akong natatangay sa bawat halik niya? Parang nawawalan ako ng kontrol sa sarili ko sa tuwing magkalapit kami. Ganito ba talaga ako karupok? O siya lang talaga ang may ganitong epekto sa akin?Kung hindi siya tumigil ay baka hindi lang halik ang nangyari sa amin. Baka... mas malalim pa. Nakakahiya, baka kung ano ang isipin niya tungkol sa akin.Napabuntong-hininga ako habang naupo sa aking upuan. Dinampot ko ang folder na nakapatong sa table sa harap ko at parang automatic na pinaypayan ko ang sarili ko gamit iyon.Pakiramdam ko’y naiwan pa ang init ng kanyang mga labi sa akin, parang apoy na hindi agad napapatay ng tubig. Ang bilis ng tibok ng puso ko, para akong tumakbo ng ilang kilometro kahit wala naman akong ginagawa kundi... mahalikan at tumugon.Nang medyo kumalma na ang tibok ng dibdib ko, marahan kong hinawakan ang aking mga labi. Parang gusto kong siguraduhing nangyari nga talaga 'yon. Sinalat ko ito gamit ang aking

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 43 Part 1

    YslaAng pinakanaawa ako sa nangyari ay kay Lola Andrea. Seriously, matanda 1na siya para makita pa ang away na ‘yon ng mag-ama.Hindi ko na rin masisisi ang asawa ko dahil pinagtanggol lang niya ako kay Blesilda na hindi ko inasahan na gagawin niya. Pakiramdam ko tuloy ay may bahagi ako sa naging takbo ng pangyayari. Hindi na sana ako nagsalita pa.Buong weekend ay sa bahay ako ni Grace nag-stay at sa office na kinalunesan kami nagkita ni Nathan.Napansin kong seryoso pa rin siya ng hatiran ko ng kape at nagsisimula ng magtrabaho.“May kailangan ka pa?” tanong ko at doon lang siya nag-angat ng tingin.“You really didn’t go home sa buong weekend?” tanong niya. “Why? Dahil ba sa hindi ako tanggap ng sarili kong ama at—”“Wala akong iniisip na ganyan.” Putol ko agad sa gusto niyang sabihin dahil alam ko na hindi naman maganda ang lalabas sa bibig niya. “Nagpaalam ako sayo about this, may ginagawa kami ni Grace.”“Inaalam ko na ang tungkol sa dahilan ng pamilya ng tiyuhin mo kung bakit ni

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status