INICIAR SESIÓNSamantha POV
Parang huminto ang mundo ko nang makita kong huminto sina Liam, Lucas, Leo, at Lance sa harap mismo ng matangkad na lalaki.
Apat na maliliit na kopya ni Luke Montgomery ang nasa harapan niya, nakapamulsa at sabay-sabay pang nakataas ang mga kilay. Eksaktong-eksakto ang mga ekspresyon nila sa mukha ng bilyonaryong piloto na nakatayo ngayon sa harapan nila.
Gusto kong tumakbo. Gusto kong sumigaw o kaya nama'y bigla na lang maglaho na parang bula.
Pero ni isang hakbang ay hindi ko magawa. Para bang nakadikit sa sahig ang mga paa ko.
Samantala, si Luke Montgomery ay halatang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Ibinaba niya ang tablet na hawak niya at dahan-dahang tinanggal ang aviator shades niya.
Ang mga mata niyang kulay tsokolate, na minsang nagpawala sa akin ng matinong pag-iisip apat na taon na ang nakararaan, ay nakatutok ngayon sa apat na batang nakatayo sa harapan niya.
"Teka lang," bulong ng executive na kasama niya. Halatang naguguluhan din ito habang salit-salitang tinitingnan ang mga bata at si Luke. "Captain, parang nagpa-xerox ka yata ng sarili mo nang apat na beses nang hindi mo alam?"
Hindi sumagot si Luke.
Bahagya siyang yumuko para mapantayan ang tangkad ng apat na bata. Siningkit niya ang mga mata habang isa-isang sinusuri ang mga mukha nina Liam at ng mga kapatid nito, na para bang may hinahanap siyang sagot sa bawat detalye ng kanilang hitsura.
At doon na bumagsak ang pinakamatinding bomba.
Si Liam, na siyang pinakamatapang sa kanilang apat, ay humakbang palapit at itinuro ang ID badge na nakasabit sa dibdib ni Luke. Nakasulat doon ang pangalan nitong Captain Lucas Montgomery.
Sinuri pa siya ni Liam mula ulo hanggang paa bago nagsalita sa kalmadong tono, na para bang normal lang sa kanya ang makipag-usap sa isang bilyonaryo.
"Hey, Captain. You look exactly like the guy in Mom's old polaroid under her bed. Are you the one who forgot to leave a tip after room service four years ago?"
Nanlaki ang mga mata ko.
Gusto kong magpalamon sa lupa sa sobrang hiya!
Peste! Anong klaseng kuwento ang pinagsasabi ng batang ito?!
Ang tatlong kapatid naman niya ay sabay-sabay na umiling, na para bang may sarili silang ebidensiyang kailangang idagdag sa imbestigasyon.
"Oo nga," sabat ni Lucas. "Sabi ni Mom, cute daw sana ang naging fling niya kung hindi lang masungit at iniwan siya habang tulog pa siya. Ikaw ba 'yon?"
"And why are you wearing the same pilot jacket as us?" dagdag ni Lance habang nakahalukipkip. "Copycat."
Natahimik ang buong VIP lounge.
Ang mga pasaherong dumadaan at maging ang mga airport staff ay napapatingin na rin sa kanila. May ilan pang halatang nakikiusyoso sa nangyayari.
Samantalang ako, ramdam ko ang pag-init ng mukha ko sa sobrang hiya at kaba.
Kung kanina ay gusto ko lang tumakbo, ngayon gusto ko na lang magpanggap na inatake ako sa puso para may dahilan akong umalis.
Pero mukhang hindi ako pagbibigyan ng pagkakataon ng apat na anak ko.
Si Luke naman ay dahan-dahang tumayo nang tuwid. Ang seryoso at halos walang ekspresyon niyang mukha kanina ay napalitan ng isang ngiting hindi ko maipaliwanag.
Mapanganib. Mayabang. At higit sa lahat, parang may alam siyang hindi ko alam.
Dahan-dahan siyang lumingon sa direksiyon ko.
Nang magtagpo ang mga mata namin, bahagyang lumambot ang tingin niya. Pero may kung anong kislap doon na lalong nagpakaba sa akin.
Para bang nanalo siya sa isang larong hindi ko man lang alam na nilalaro pala namin.
"Room service, huh?" mahinang sambit ni Luke habang naglalakad papunta sa akin.
Bawat hakbang niya ay may kasamang awtoridad. Kahit hindi siya nagsasalita, ramdam na ramdam ang presensiya niya sa paligid.
At nakakainis man aminin, hindi ko pa rin maiwasang mapatingin sa kanya.
Pareho pa rin ang dating niya. Mas lalo lang yatang gumwapo sa paglipas ng apat na taon.
"L-Luke..." iyon lang ang nagawa kong sabihin nang tuluyan siyang huminto sa harapan ko.
Muli kong naamoy ang pabango niya. Pamilyar na pamilyar iyon, at bigla kong naalala ang hotel room na pinanggalingan ko apat na taon na ang nakararaan.
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko.
Bakit ngayon pa talaga kami magkikita ulit?
"Samantha Montefalco," sambit niya habang diretso akong tinitingnan.
Parang sinasadya niyang bigkasin ang buong pangalan ko, isa-isang binibigyang-diin ang bawat salita. May kakaibang tono sa boses niya, na para bang matagal na niyang gustong sabihin iyon sa harapan ko.
"Four years. Apat na taon akong naghanap sa babaeng nag-iwan sa akin ng isang simpleng sticky note at nag-check out habang mahimbing pa ako sa tulog."
Napatigil ako.
Hinahanap niya ako?
Bago pa ako makapagtanong, bumaba ang tingin niya sa apat na batang nasa tabi ko. Nakangiti pa rin ang mga ito, at halatang proud na proud sa ginawa nila.
Pagkatapos, ibinalik niya ang tingin sa akin.
"Tapos ngayon, malalaman ko na hindi lang pala alaala ang iniwan mo sa akin..."
Sandali siyang tumingin ulit sa apat na bata bago bahagyang itinaas ang isang kilay.
"...kundi pati na rin ang apat na miniature version ko?"
Parang gusto kong mapaupo sa sahig.
"H-Hindi sa akin nanggaling ang ideya na sabihin nila 'yon," mabilis kong depensa habang pilit na lumalayo sa kanya. "At saka, Captain Montgomery, busy ako. May trabaho pa ako rito sa Manila, kaya kung puwede—"
"Trabaho?" putol niya sa sasabihin ko.
Bahagya siyang humakbang sa gilid at hinarangan ang daan ko, kaya wala akong nagawa kundi tumigil at tumingin sa kanya.
"You're styling for the Montgomery Airlines Aviation Grand Charity Gala, right?"
Nanlamig ang mga kamay ko.
Paano niya nalaman?
Hindi pa ako nakakasagot nang bahagya siyang yumuko palapit sa akin, sapat lang para marinig ko nang malinaw ang susunod niyang sasabihin.
"Kumpanya ko ang pangunahing sponsor ng event na 'yon, Sam."
Diretso ang tingin niya sa akin, at sa pagkakataong ito, hindi na niya itinago ang ngiting nasa labi niya.
"At simula ngayon, wala kang kawala sa akin."
Samantha POVPara akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig sa mukha ni Luke Montgomery. Hindi galit o gulat ang nakikita ko sa ngiti niya. Mas mukha siyang isang taong sa wakas ay nakuha na ang matagal na niyang hinahanap.At ang mas nakakainis, halatang wala siyang balak na palampasin ang pagkakataong ito."Captain Montgomery, bitawan mo nga ako," sabi ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya.Nasa gitna kami ng VIP lounge, at ramdam kong maraming matang nakatingin sa amin. Lalo na nang mapansin ng mga tao ang apat kong anak na nakapamulsa pa rin sa tabi namin. Hindi na nga sila nahiya sa ginawa nila kanina, parang proud pa silang ipinagmamalaki sa buong mundo na kamukha nila ang sikat na bilyonaryong piloto."Bakit ko naman gagawin 'yon, Samantha?" mahinang tanong ni Luke habang mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko.Mainit ang palad niya kahit nakasuot ako ng damit. Dagdag pa ang pamilyar niyang pabango na parang sadyang gustong guluhin an
Samantha POVParang huminto ang mundo ko nang makita kong huminto sina Liam, Lucas, Leo, at Lance sa harap mismo ng matangkad na lalaki.Apat na maliliit na kopya ni Luke Montgomery ang nasa harapan niya, nakapamulsa at sabay-sabay pang nakataas ang mga kilay. Eksaktong-eksakto ang mga ekspresyon nila sa mukha ng bilyonaryong piloto na nakatayo ngayon sa harapan nila.Gusto kong tumakbo. Gusto kong sumigaw o kaya nama'y bigla na lang maglaho na parang bula.Pero ni isang hakbang ay hindi ko magawa. Para bang nakadikit sa sahig ang mga paa ko.Samantala, si Luke Montgomery ay halatang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Ibinaba niya ang tablet na hawak niya at dahan-dahang tinanggal ang aviator shades niya.Ang mga mata niyang kulay tsokolate, na minsang nagpawala sa akin ng matinong pag-iisip apat na taon na ang nakararaan, ay nakatutok ngayon sa apat na batang nakatayo sa harapan niya."Teka lang," bulong ng executive na kasama niya. Halatang naguguluhan din ito habang salit-salitan
Samantha POVFour years.Apat na taon na ang lumipas mula nang iwan ko ang hotel room na iyon, kasama ang isang mabilis na sulat sa bedside table para sa estrangherong nakasama ko sa isang gabing hindi ko na inakalang mauulit pa sa alaala ko.Pero heto ako ngayon, bumabalik sa Pilipinas. Nakatayo ako sa arrival area ng NAIA habang humihinga nang malalim at sinasanay ulit ang sarili sa pamilyar na ingay, init, at usok ng Maynila.Marami nang nagbago sa buhay ko. Hindi na ako ang Samantha Montefalco na umalis noon na puno ng sama ng loob at luha. Sa pagkakataong ito, may sarili na akong kumpanya na ipinagmamalaki ko—ang Chic & Co. Styling Agency.Kami ang napiling humawak sa isa sa pinakamalalaking event ng taon, ang Aviation Grand Charity Gala. Malaking proyekto ito para sa kumpanya ko, at alam kong puwede pa itong magbukas ng mas maraming oportunidad para sa amin.Ang pangunahing sponsor at may-ari ng buong serye ng event? Walang iba kundi ang Montgomery Airlines.Pero kahit gaano kal
Samantha POVTatlong buwan na ang lumipas mula nang gabing iyon sa rooftop bar at sa mamahaling hotel room ng isang estranghero. Tatlong buwan na rin mula nang magdesisyon akong magsimula ulit mula sa wala.Wala na ang mga Montefalco sa buhay ko. Wala na rin ang lintik na apelyidong iyon na wala namang naidulot sa akin kundi mga kasinungalingan at obligasyong hindi ko naman hiniling.Ngayon, nakatira ako sa isang maliit na apartment sa Quezon City. Akala ko, unti-unti ko nang naibabalik sa dati ang buhay ko. May trabaho ako, may kaunting ipon, at kahit papaano, nakakakilos na ako nang hindi iniisip ang pamilya kong tinalikuran ko.Pero nitong mga nakaraang araw, may kakaiba akong nararamdaman.Madalas mabigat ang ulo ko, sumasakit ang likod ko, at ang dating paborito kong amoy ng kape ay bigla na lang nagpapabalik sa akin sa banyo para isuka ang laman ng tiyan ko.Noong una, inisip kong baka epekto lang iyon ng stress at puyat sa trabaho. Pero nang hindi na mawala ang pagkahilo ko, na
Samantha POVMaayos na ang suot kong custom-made Vania Romoff gown. Nakasuot na rin ako ng paborito kong hikaw, pero heto ako ngayon, nakatayo sa labas ng VIP bridal suite habang bahagyang nakabukas ang pinto. Rinig na rinig ko ang boses ni Mark, ang lalaking limang taon kong minahal. "Babe, relax. Si Samantha? Utility player lang naman 'yon sa buhay ko. Kailangan ko lang ang pamilya Montefalco para ma-secure ang board seats sa construction firm," natatawang sabi ni Mark.Sinundan iyon ng malambot na halakhak mula sa loob. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Si Chloe, ang nakababata kong kapatid."Eh, paano kung malaman niya na tayo na pala noon pa?" tanong ni Chloe sa malambing na tono."Wala siyang magagawa. She's too boring, too focused on her career, at tiyanak kung umasta kapag nagagalit. Ikaw lang ang minahal ko, Chloe."Parang binuhusan ako ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa.Limang taon.Limang taon kong inalay ang oras, pagod, at pagmamahal ko sa lalaking iyon. Laha







