Compartir

Oops! I Had the Pilot’s Quadruplets
Oops! I Had the Pilot’s Quadruplets
Autor: Leveny

CHAPTER 1

Autor: Leveny
last update Fecha de publicación: 2026-10-23 17:46:42

Samantha POV

Maayos na ang suot kong custom-made Vania Romoff gown. Nakasuot na rin ako ng paborito kong hikaw, pero heto ako ngayon, nakatayo sa labas ng VIP bridal suite habang bahagyang nakabukas ang p***o. Rinig na rinig ko ang boses ni Mark, ang lalaking limang taon kong minahal.

"Babe, relax. Si Samantha? Utility player lang naman 'yon sa buhay ko. Kailangan ko lang ang pamilya Montefalco para ma-secure ang board seats sa construction firm," natatawang sabi ni Mark.

Sinundan iyon ng malambot na halakhak mula sa loob. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Si Chloe, ang nakababata kong kapatid.

"Eh, paano kung malaman niya na tayo na pala noon pa?" tanong ni Chloe sa malambing na tono.

"Wala siyang magagawa. She's too boring, too focused on her career, at tiyanak kung umasta kapag nagagalit. Ikaw lang ang minahal ko, Chloe."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa.

Limang taon.

Limang taon kong inalay ang oras, pagod, at pagmamahal ko sa lalaking iyon. Lahat ng puyat ko sa pag-aayos ng mga sikat na fashion events para makatulong sa kumpanya namin. Lahat ng pagtitipid ko. Lahat ng pagkakataong pumayag ako sa mga bagay na ayaw ko kahit pagod na pagod na ako sa trabaho.

Para saan?

Para malaman kong ginagamit lang pala ako? Na isa lang akong stepping stone para makuha niya ang gusto niya? Na habang pinaplano ko ang magiging kinabukasan namin, ang sarili kong kapatid naman pala ang kasama niya?

Hindi ako pumasok sa suite para komprontahin sila. Hindi rin ako nag-eskandalo o umiyak sa harap nila para lang maging topic ng mga high-society snobs na inimbitahan namin sa kasal.

Hinubad ko ang mamahaling hikaw na suot ko at maingat na inilapag sa maliit na mesa sa tabi ng p***o. Pagkatapos, tumalikod ako at naglakad palayo.

Kung gusto nila ng palabas, sige. Bibigyan ko sila. Pero sa pagkakataong ito, ako ang masusunod.

Dumiretso ako sa pinakamalapit na elevator at bumaba. Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit. Wala akong pakialam kung mukha akong baliw na naglalakad sa BGC habang suot ang wedding-prep dress ko.

Ang gusto ko lang ay makalayo.

Kailangan kong makalayo bago tuluyang bumigay ang natitirang lakas ko. Hindi ko alam kung paano haharapin ang lahat ng nangyari, pero isang bagay ang sigurado ako. Ayokong manatili roon kahit isang segundo pa.

Kaya sa halip na umuwi, dumiretso ako sa isang sikat na rooftop bar. Iyong may mahigpit na dress code at madalas puntahan ng mga taong mukhang walang ibang problema sa buhay kundi kung anong alak ang susunod nilang o-orderin.

"Give me the strongest one on your menu," sabi ko sa bartender habang umuupo sa high stool.

Napatingin pa siya sa akin, marahil nagtataka kung bakit may babaeng nakasuot ng pang-bride na dress sa harap niya habang mugto ang mga mata at halatang wala sa mood makipag-usap.

Wala akong pakialam.

Kailangan ko ng alak. Kailangan kong kahit sandali lang, hindi maramdaman ang sakit ng lahat ng nalaman ko.

Hindi ko na mabilang kung ilang baso ang naubos ko. Ang alam ko lang, unti-unting uminit ang lalamunan ko at lumabo ang mga mukha ng mga taong dumadaan sa paligid.

Hanggang sa may umupo sa tabi ko.

Matangkad ang lalaki. Nakasuot siya ng dark button-down shirt na nakatiklop hanggang siko, kaya kitang-kita ang matipuno niyang mga braso. Seryoso ang mukha niya at may kung anong bigat sa mga mata niya, na para bang may sarili rin siyang problemang gustong takasan.

"Ikaw ba 'yung bride na tinakbuhan o ikaw 'yung tumakas?" tanong niya habang umo-order ng whiskey neat.

Malalim ang boses niya. Kalma, pero may kakaibang awtoridad na hindi mo basta-basta mababalewala.

Napalingon ako sa kanya.

Matangos ang ilong niya, matalim ang jawline, at ang mga mata niya ay lalong naging kapansin-pansin sa madilim na ilaw ng bar.

Gwapo.

Hindi lang basta gwapo. Iyong tipong mapapatingin ka talaga kahit wala ka sa mood na humanga sa kahit sino.

"Ako 'yung taong gustong magbato ng granada sa gitna ng simbahan ngayon," sagot ko habang umiiling. "Ikaw? Bakit mukha kang pasan mo ang buong mundo? May nag-utos din ba sa 'yong magpakasal sa taong hindi mo naman gusto para lang sa negosyo?"

Natigilan siya sa sinabi ko.

Diretso siyang tumingin sa akin bago bahagyang ngumisi.

"Paano mo nalaman?"

Napatawa ako nang mahina, kahit wala naman talagang nakakatawa sa sitwasyon ko.

"Pareho tayong biktima ng arranged marriage bullshit," sabi ko bago muling uminom. "Cheers sa mga pamilyang ginawa tayong negosyo."

Sandali kaming nagkatitigan.

Wala nang sumunod na salita, pero may kung anong kakaiba sa pagitan namin. Siguro dahil pareho kaming may gustong takasan. O baka dahil sa unang pagkakataon nang gabing iyon, may nakaharap akong taong hindi ako tinatratong bahagi ng isang business deal.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pagkatapos.

Ang alam ko lang, paggising ko kinabukasan, nasa isang maluwag at napakamahal na hotel room ako. Mabango ang buong silid, at tumatagos ang sikat ng araw mula sa malalaking glass wall na tanaw ang buong siyudad.

Mahigpit na nakabalot sa katawan ko ang kumot.

Paglingon ko sa kabilang bahagi ng kama, nakita ko ang lalaking nakasama ko kagabi. Mahimbing pa siyang natutulog, n*******d ang pang-itaas at kitang-kita ang mga kalamnan sa dibdib at mga braso niya. Para siyang atleta o piloto.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Wait.

Ano ang ginawa ko?

Hindi ako ganoong klase ng babae. Ni minsan, hindi sumagi sa isip kong makikipag-one-night stand ako sa isang lalaking ngayon ko lang nakilala.

Pero imbes na mag-panic at sisihin ang sarili ko, napabuntong-hininga na lang ako. Nangyari na. Wala na akong magagawa para ibalik ang oras.

Kaya kinuha ko ang maliit na notepad at ballpen sa bedside table. Ilang segundo akong nag-isip kung ano ang isusulat ko bago mabilis na inilagay sa papel ang mga salitang pumasok sa isip ko.

Thanks for the therapy, Stranger. Good luck sa arranged marriage mo.

Inipit ko ang papel sa ilalim ng baso ng tubig sa mesa. Pagkatapos, mabilis kong sinuot ang damit ko kagabi at lumabas ng silid nang hindi na lumilingon.

Ayokong gawing komplikado ang isang gabing gusto ko lang naman makalimot.

Pag-uwi ko sa mansyon namin, handa na akong harapin ang galit ng tatay ko. Alam kong hindi niya palalampasin ang pagkawala ko sa kasal, lalo na't nakataya ang negosyo niya.

Pero hindi ko inasahang nadatnan ko ang buong pamilya sa sala, kasama pa ang mga magulang ni Mark.

"Saan ka nanggaling, Samantha?!" sigaw ni Dad habang tumatayo mula sa kinauupuan niya. "Alam mo bang muntik nang masira ang deal dahil sa katarantaduhan mo kagabi? Hindi ka man lang nagpakita sa reception!"

Tumingin ako sa kanya, saka kay Mark na halatang namumutla sa gilid. Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya dahil baka malaman ng lahat ang ginawa nila ni Chloe o dahil hindi natuloy ang kasal na inaasahan nilang magbibigay sa kanila ng malaking pakinabang.

"Kasi alam ko na," sagot ko, sabay ngiti nang walang kahit anong saya. "Alam ko na kung paano n'yo ako ginawang pain para sa kumpanyang ito. At tapos na ang palabas, Dad. Ayoko na."

"Wala kang karapatang tumanggi!" sigaw niya habang nakaturo sa akin. "Kung aayaw ka sa kasunduang ito, kalimutan mo nang anak kita! Wala kang makukuhang kahit isang sentimo sa Montefalco Holdings. Palayas!"

Tahimik akong nakatingin sa kanya.

Dati, sapat na ang isang sigaw niya para magdalawang-isip ako. Lagi kong iniisip kung paano ko siya mapapasaya, kung paano ko mapapatunayan na karapat-dapat akong maging anak niya, at kung paano ko mapapanatili ang pamilyang pinaghirapan kong tulungan.

Pero ngayon, wala na akong pakialam.

Tumango ako.

Kung iyon ang kailangan para makawala ako sa kanila, tatanggapin ko. Mas mabuti nang mawalan ako ng mana kaysa manatili sa isang pamilyang ang tingin sa akin ay isang bagay na puwedeng ipagpalit para sa negosyo.

Wala akong inaksayang luha. Dumiretso ako sa kuwarto ko, kinuha ang ilang gamit na kaya kong dalhin, at siniguradong dala ko ang maliit na ipon ko sa bank account.

Hindi man iyon sapat para mabuhay nang marangya, kahit paano ay may panimula ako.

Pagkatapos, tuluyan akong umalis sa mansyon.

Wala akong ideya kung saan ako pupunta o kung paano ko sisimulan ang buhay ko mula sa wala. Pero sa unang pagkakataon, hindi na ibang tao ang nagdedesisyon para sa akin.

Akala ko, ang pinakamalaking problema ko na ay kung paano bumangon matapos akong traydurin ng sarili kong pamilya at ng lalaking muntik ko nang pakasalan.

Hindi ko alam na ang gabing iyon sa rooftop bar, pati ang naging desisyon kong sumama sa isang estranghero, ang magbabago sa buong buhay ko.

Dahil pagkalipas ng ilang linggo, isang umaga, bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo.

At doon nagsimulang magbago ang lahat.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Oops! I Had the Pilot’s Quadruplets   CHAPTER 5

    Samantha POVPara akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig sa mukha ni Luke Montgomery. Hindi galit o gulat ang nakikita ko sa ngiti niya. Mas mukha siyang isang taong sa wakas ay nakuha na ang matagal na niyang hinahanap.At ang mas nakakainis, halatang wala siyang balak na palampasin ang pagkakataong ito."Captain Montgomery, bitawan mo nga ako," sabi ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya.Nasa gitna kami ng VIP lounge, at ramdam kong maraming matang nakatingin sa amin. Lalo na nang mapansin ng mga tao ang apat kong anak na nakapamulsa pa rin sa tabi namin. Hindi na nga sila nahiya sa ginawa nila kanina, parang proud pa silang ipinagmamalaki sa buong mundo na kamukha nila ang sikat na bilyonaryong piloto."Bakit ko naman gagawin 'yon, Samantha?" mahinang tanong ni Luke habang mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko.Mainit ang palad niya kahit nakasuot ako ng damit. Dagdag pa ang pamilyar niyang pabango na parang sadyang gustong guluhin an

  • Oops! I Had the Pilot’s Quadruplets   CHAPTER 4

    Samantha POVParang huminto ang mundo ko nang makita kong huminto sina Liam, Lucas, Leo, at Lance sa harap mismo ng matangkad na lalaki.Apat na maliliit na kopya ni Luke Montgomery ang nasa harapan niya, nakapamulsa at sabay-sabay pang nakataas ang mga kilay. Eksaktong-eksakto ang mga ekspresyon nila sa mukha ng bilyonaryong piloto na nakatayo ngayon sa harapan nila.Gusto kong tumakbo. Gusto kong sumigaw o kaya nama'y bigla na lang maglaho na parang bula.Pero ni isang hakbang ay hindi ko magawa. Para bang nakadikit sa sahig ang mga paa ko.Samantala, si Luke Montgomery ay halatang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Ibinaba niya ang tablet na hawak niya at dahan-dahang tinanggal ang aviator shades niya.Ang mga mata niyang kulay tsokolate, na minsang nagpawala sa akin ng matinong pag-iisip apat na taon na ang nakararaan, ay nakatutok ngayon sa apat na batang nakatayo sa harapan niya."Teka lang," bulong ng executive na kasama niya. Halatang naguguluhan din ito habang salit-salitan

  • Oops! I Had the Pilot’s Quadruplets   CHAPTER 3

    Samantha POVFour years.Apat na taon na ang lumipas mula nang iwan ko ang hotel room na iyon, kasama ang isang mabilis na sulat sa bedside table para sa estrangherong nakasama ko sa isang gabing hindi ko na inakalang mauulit pa sa alaala ko.Pero heto ako ngayon, bumabalik sa Pilipinas. Nakatayo ako sa arrival area ng NAIA habang humihinga nang malalim at sinasanay ulit ang sarili sa pamilyar na ingay, init, at usok ng Maynila.Marami nang nagbago sa buhay ko. Hindi na ako ang Samantha Montefalco na umalis noon na puno ng sama ng loob at luha. Sa pagkakataong ito, may sarili na akong kumpanya na ipinagmamalaki ko—ang Chic & Co. Styling Agency.Kami ang napiling humawak sa isa sa pinakamalalaking event ng taon, ang Aviation Grand Charity Gala. Malaking proyekto ito para sa kumpanya ko, at alam kong puwede pa itong magbukas ng mas maraming oportunidad para sa amin.Ang pangunahing sponsor at may-ari ng buong serye ng event? Walang iba kundi ang Montgomery Airlines.Pero kahit gaano kal

  • Oops! I Had the Pilot’s Quadruplets   CHAPTER 2

    Samantha POVTatlong buwan na ang lumipas mula nang gabing iyon sa rooftop bar at sa mamahaling hotel room ng isang estranghero. Tatlong buwan na rin mula nang magdesisyon akong magsimula ulit mula sa wala.Wala na ang mga Montefalco sa buhay ko. Wala na rin ang lintik na apelyidong iyon na wala namang naidulot sa akin kundi mga kasinungalingan at obligasyong hindi ko naman hiniling.Ngayon, nakatira ako sa isang maliit na apartment sa Quezon City. Akala ko, unti-unti ko nang naibabalik sa dati ang buhay ko. May trabaho ako, may kaunting ipon, at kahit papaano, nakakakilos na ako nang hindi iniisip ang pamilya kong tinalikuran ko.Pero nitong mga nakaraang araw, may kakaiba akong nararamdaman.Madalas mabigat ang ulo ko, sumasakit ang likod ko, at ang dating paborito kong amoy ng kape ay bigla na lang nagpapabalik sa akin sa banyo para isuka ang laman ng tiyan ko.Noong una, inisip kong baka epekto lang iyon ng stress at puyat sa trabaho. Pero nang hindi na mawala ang pagkahilo ko, na

  • Oops! I Had the Pilot’s Quadruplets   CHAPTER 1

    Samantha POVMaayos na ang suot kong custom-made Vania Romoff gown. Nakasuot na rin ako ng paborito kong hikaw, pero heto ako ngayon, nakatayo sa labas ng VIP bridal suite habang bahagyang nakabukas ang pinto. Rinig na rinig ko ang boses ni Mark, ang lalaking limang taon kong minahal. "Babe, relax. Si Samantha? Utility player lang naman 'yon sa buhay ko. Kailangan ko lang ang pamilya Montefalco para ma-secure ang board seats sa construction firm," natatawang sabi ni Mark.Sinundan iyon ng malambot na halakhak mula sa loob. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Si Chloe, ang nakababata kong kapatid."Eh, paano kung malaman niya na tayo na pala noon pa?" tanong ni Chloe sa malambing na tono."Wala siyang magagawa. She's too boring, too focused on her career, at tiyanak kung umasta kapag nagagalit. Ikaw lang ang minahal ko, Chloe."Parang binuhusan ako ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa.Limang taon.Limang taon kong inalay ang oras, pagod, at pagmamahal ko sa lalaking iyon. Laha

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status