INICIAR SESIÓNSamantha POV
Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig sa mukha ni Luke Montgomery. Hindi galit o gulat ang nakikita ko sa ngiti niya. Mas mukha siyang isang taong sa wakas ay nakuha na ang matagal na niyang hinahanap.
At ang mas nakakainis, halatang wala siyang balak na palampasin ang pagkakataong ito.
"Captain Montgomery, bitawan mo nga ako," sabi ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya.
Nasa gitna kami ng VIP lounge, at ramdam kong maraming matang nakatingin sa amin. Lalo na nang mapansin ng mga tao ang apat kong anak na nakapamulsa pa rin sa tabi namin. Hindi na nga sila nahiya sa ginawa nila kanina, parang proud pa silang ipinagmamalaki sa buong mundo na kamukha nila ang sikat na bilyonaryong piloto.
"Bakit ko naman gagawin 'yon, Samantha?" mahinang tanong ni Luke habang mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko.
Mainit ang palad niya kahit nakasuot ako ng damit. Dagdag pa ang pamilyar niyang pabango na parang sadyang gustong guluhin ang natitira kong matinong pag-iisip.
"Pagkatapos mong magtago sa Sydney nang apat na taon at bumalik dito sa Pilipinas kasama ang apat na carbon copy ko, sa tingin mo ba hahayaan kitang umalis ulit nang ganoon na lang?"
"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo! Nagkakamali ka!" mabilis kong sagot habang umiiwas ng tingin.
Pero kahit anong pagtanggi ko, wala na akong maidadahilan. Nakatayo sa harapan namin ang apat na buhay na ebidensiya ng nangyari sa amin apat na taon na ang nakararaan.
Bago pa makasagot si Luke, lumapit si Liam at hinila ang laylayan ng pantalon nito.
Seryoso ang mukha ng anak ko habang nakatingala sa sikat na piloto, na para bang may mahalagang bagay silang kailangang pag-usapan.
"Hey, old man. Don't bully our mom. Kung gusto mo kaming maging co-pilot sa eroplano mo, kailangan mo munang mag-apply sa amin," sabi ni Liam na para bang may hawak siyang multi-million-dollar contract.
Napangiti si Luke at muling tumingin sa apat. Pagkatapos, lumuhod siya para pumantay sa kanilang mga mukha.
"Ah, ganoon ba? O sige, mga kapitan. Paano ba mag-apply bilang tatay ninyo?"
Napatitig ako sa kanya.
Talaga bang nakikipag-negotiate siya sa apat kong anak?
"Una, kailangan mong bilhan kami ng unlimited ice cream at bawal kaming piliting matulog nang maaga," sagot ni Lucas.
Agad siyang sinang-ayunan nina Leo at Lance. Sabay-sabay pa silang tumango, na para bang mga miyembro sila ng board of directors na nag-aapruba ng isang malaking deal.
Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko.
Peste talaga!
Hindi pa nga kami nakakapag-usap nang maayos ng lalaking ito, mukhang naibenta na ako ng sarili kong mga anak sa unang araw pa lang ng pagkikita namin ng tatay nila!
"Deal," seryosong sagot ni Luke.
Tumayo siya at muling humarap sa akin. May pilyong kislap sa mga mata niya habang inaalis ang hawak niyang tablet at iniabot iyon sa personal assistant niyang nasa likuran niya.
"Cancel all my afternoon meetings. May mas importante akong aasikasuhin."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Teka, Captain! May trabaho pa ako! May gala pa tayong aayusin!" protesta ko nang bigla niya akong hilahin palayo sa lounge.
Sa likuran namin, abala naman ang assistant niya sa pag-asikaso ng mga maleta namin at ng mga bata. Samantala, ang apat kong anak ay parang walang problema sa mundo habang sunod-sunod na naglalakad kasama namin.
"Wala nang kailangang i-gala, Sam. Ang pinakamahalagang event ngayon ay ang pag-uwi ninyo sa bahay ko," seryosong sagot ni Luke habang ginagabayan ako papunta sa p***o.
Sa labas, naghihintay ang pribadong sasakyan ng mga Montgomery.
Ang apat na bata naman ay masayang nag-uunahang sumakay sa luxury SUV. Nag-aagawan pa sila kung sino ang uupo sa tabi ng 'tatay' nila sa unahan.
Samantalang ako, gusto ko na lang maglaho.
Wala man lang bang magtatanong kung gusto ko ba ang lahat ng ito?
Bago pa ako makapagreklamo, itinuro na ako ni Luke papasok sa sasakyan at isinara ang p***o. Ilang sandali lang, nasa loob na rin siya at umupo sa tabi ko sa maluwag na backseat.
Nang umandar ang sasakyan at tuluyang lumayo sa airport, saka ko lang napagtantong wala na akong ideya kung saan niya kami dadalhin.
Sinubukan kong lumayo nang kaunti sa kanya, pero sa halip na bigyan ako ng espasyo, inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko.
"You ran away with four copies of me, sweetheart. Now, you and my four little pilots are moving into my penthouse tonight—starting with a wedding."
Samantha POVPara akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig sa mukha ni Luke Montgomery. Hindi galit o gulat ang nakikita ko sa ngiti niya. Mas mukha siyang isang taong sa wakas ay nakuha na ang matagal na niyang hinahanap.At ang mas nakakainis, halatang wala siyang balak na palampasin ang pagkakataong ito."Captain Montgomery, bitawan mo nga ako," sabi ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya.Nasa gitna kami ng VIP lounge, at ramdam kong maraming matang nakatingin sa amin. Lalo na nang mapansin ng mga tao ang apat kong anak na nakapamulsa pa rin sa tabi namin. Hindi na nga sila nahiya sa ginawa nila kanina, parang proud pa silang ipinagmamalaki sa buong mundo na kamukha nila ang sikat na bilyonaryong piloto."Bakit ko naman gagawin 'yon, Samantha?" mahinang tanong ni Luke habang mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko.Mainit ang palad niya kahit nakasuot ako ng damit. Dagdag pa ang pamilyar niyang pabango na parang sadyang gustong guluhin an
Samantha POVParang huminto ang mundo ko nang makita kong huminto sina Liam, Lucas, Leo, at Lance sa harap mismo ng matangkad na lalaki.Apat na maliliit na kopya ni Luke Montgomery ang nasa harapan niya, nakapamulsa at sabay-sabay pang nakataas ang mga kilay. Eksaktong-eksakto ang mga ekspresyon nila sa mukha ng bilyonaryong piloto na nakatayo ngayon sa harapan nila.Gusto kong tumakbo. Gusto kong sumigaw o kaya nama'y bigla na lang maglaho na parang bula.Pero ni isang hakbang ay hindi ko magawa. Para bang nakadikit sa sahig ang mga paa ko.Samantala, si Luke Montgomery ay halatang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Ibinaba niya ang tablet na hawak niya at dahan-dahang tinanggal ang aviator shades niya.Ang mga mata niyang kulay tsokolate, na minsang nagpawala sa akin ng matinong pag-iisip apat na taon na ang nakararaan, ay nakatutok ngayon sa apat na batang nakatayo sa harapan niya."Teka lang," bulong ng executive na kasama niya. Halatang naguguluhan din ito habang salit-salitan
Samantha POVFour years.Apat na taon na ang lumipas mula nang iwan ko ang hotel room na iyon, kasama ang isang mabilis na sulat sa bedside table para sa estrangherong nakasama ko sa isang gabing hindi ko na inakalang mauulit pa sa alaala ko.Pero heto ako ngayon, bumabalik sa Pilipinas. Nakatayo ako sa arrival area ng NAIA habang humihinga nang malalim at sinasanay ulit ang sarili sa pamilyar na ingay, init, at usok ng Maynila.Marami nang nagbago sa buhay ko. Hindi na ako ang Samantha Montefalco na umalis noon na puno ng sama ng loob at luha. Sa pagkakataong ito, may sarili na akong kumpanya na ipinagmamalaki ko—ang Chic & Co. Styling Agency.Kami ang napiling humawak sa isa sa pinakamalalaking event ng taon, ang Aviation Grand Charity Gala. Malaking proyekto ito para sa kumpanya ko, at alam kong puwede pa itong magbukas ng mas maraming oportunidad para sa amin.Ang pangunahing sponsor at may-ari ng buong serye ng event? Walang iba kundi ang Montgomery Airlines.Pero kahit gaano kal
Samantha POVTatlong buwan na ang lumipas mula nang gabing iyon sa rooftop bar at sa mamahaling hotel room ng isang estranghero. Tatlong buwan na rin mula nang magdesisyon akong magsimula ulit mula sa wala.Wala na ang mga Montefalco sa buhay ko. Wala na rin ang lintik na apelyidong iyon na wala namang naidulot sa akin kundi mga kasinungalingan at obligasyong hindi ko naman hiniling.Ngayon, nakatira ako sa isang maliit na apartment sa Quezon City. Akala ko, unti-unti ko nang naibabalik sa dati ang buhay ko. May trabaho ako, may kaunting ipon, at kahit papaano, nakakakilos na ako nang hindi iniisip ang pamilya kong tinalikuran ko.Pero nitong mga nakaraang araw, may kakaiba akong nararamdaman.Madalas mabigat ang ulo ko, sumasakit ang likod ko, at ang dating paborito kong amoy ng kape ay bigla na lang nagpapabalik sa akin sa banyo para isuka ang laman ng tiyan ko.Noong una, inisip kong baka epekto lang iyon ng stress at puyat sa trabaho. Pero nang hindi na mawala ang pagkahilo ko, na
Samantha POVMaayos na ang suot kong custom-made Vania Romoff gown. Nakasuot na rin ako ng paborito kong hikaw, pero heto ako ngayon, nakatayo sa labas ng VIP bridal suite habang bahagyang nakabukas ang pinto. Rinig na rinig ko ang boses ni Mark, ang lalaking limang taon kong minahal. "Babe, relax. Si Samantha? Utility player lang naman 'yon sa buhay ko. Kailangan ko lang ang pamilya Montefalco para ma-secure ang board seats sa construction firm," natatawang sabi ni Mark.Sinundan iyon ng malambot na halakhak mula sa loob. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Si Chloe, ang nakababata kong kapatid."Eh, paano kung malaman niya na tayo na pala noon pa?" tanong ni Chloe sa malambing na tono."Wala siyang magagawa. She's too boring, too focused on her career, at tiyanak kung umasta kapag nagagalit. Ikaw lang ang minahal ko, Chloe."Parang binuhusan ako ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa.Limang taon.Limang taon kong inalay ang oras, pagod, at pagmamahal ko sa lalaking iyon. Laha







