Compartir

CHAPTER 2

Autor: Leveny
last update Fecha de publicación: 2026-10-23 17:50:18

Samantha POV

Tatlong buwan na ang lumipas mula nang gabing iyon sa rooftop bar at sa mamahaling hotel room ng isang estranghero. Tatlong buwan na rin mula nang magdesisyon akong magsimula ulit mula sa wala.

Wala na ang mga Montefalco sa buhay ko. Wala na rin ang lintik na apelyidong iyon na wala namang naidulot sa akin kundi mga kasinungalingan at obligasyong hindi ko naman hiniling.

Ngayon, nakatira ako sa isang maliit na apartment sa Quezon City. Akala ko, unti-unti ko nang naibabalik sa dati ang buhay ko. May trabaho ako, may kaunting ipon, at kahit papaano, nakakakilos na ako nang hindi iniisip ang pamilya kong tinalikuran ko.

Pero nitong mga nakaraang araw, may kakaiba akong nararamdaman.

Madalas mabigat ang ulo ko, sumasakit ang likod ko, at ang dating paborito kong amoy ng kape ay bigla na lang nagpapabalik sa akin sa banyo para isuka ang laman ng tiyan ko.

Noong una, inisip kong baka epekto lang iyon ng stress at puyat sa trabaho. Pero nang hindi na mawala ang pagkahilo ko, nagpasya akong magpatingin sa pinakamalapit na OB-GYN clinic.

Habang nakahiga ako sa examination bed, nakatitig lang ako sa itim at puting monitor habang ipinapahid ng doktor ang malamig na gel sa tiyan ko.

"May nakikita po ba kayong kakaiba, Doc?" tanong ko nang mapansin kong matagal siyang nakatitig sa screen habang bahagyang nakakunot ang noo.

Hindi siya agad sumagot. Inilipat-lipat pa niya ang ultrasound transducer sa tiyan ko bago muling tumingin sa monitor.

Nagsimula akong kabahan.

"Doc?" tawag ko ulit. "May problema po ba?"

Sa wakas, humarap siya sa akin. May kakaibang gulat sa mukha niya, na para bang hindi rin siya makapaniwala sa nakikita niya.

"Ms. Montefalco, may idea ka ba kung ano ang nangyayari sa loob ng tiyan mo ngayon?"

"B-Bakit po? May problema ba?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Kung anu-ano na agad ang pumasok sa isip ko. Akala ko may malubha akong sakit o kung anong bukol na kailangan ng agarang gamutan. Sa dami ng pinagdaanan ko nitong mga nakaraang buwan, hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang isa pang problema.

"Wala kang sakit," sagot ng doktor, sabay ngiti. "Ang totoo niyan, congratulations. Buntis ka."

Napabuntong-hininga ako nang malalim. Muntik pa akong mapaupo sa sobrang ginhawa.

"Buntis po? Ah, okay. Akala ko kung ano na. Puwede na po ba akong—"

"Huwag ka munang aalis, iha." Itinuro niya ang monitor. "Tingnan mo muna nang mabuti. Hindi lang isa ang nakikita ko rito. May pangalawa... may pangatlo... at may pang-apat pa."

Natigilan ako.

Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin sa screen. Sinundan ko ang tinuturo ng doktor, pero kahit anong pilit kong intindihin ang nakikita ko, apat talaga ang maliliit na bilog na nasa monitor. Bawat isa ay may kani-kaniyang mabilis na tibok ng puso.

Apat.

"A-Apat po?" halos pabulong kong tanong.

Parang biglang nawala ang hangin sa paligid ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa narinig ko.

"Doc, baka nagkakamali kayo? Baka kambal lang? O triplets? Paano naging apat?!"

"Quadruplets, Ms. Montefalco," paliwanag niya. "Rare ang ganitong pregnancy, lalo na kung natural na nabuo ang mga bata at walang fertility treatments."

Kinuha niya ang mga reseta at ultrasound printout habang ipinapaliwanag ang mga kailangan kong gawin.

"Kailangan mong mag-ingat nang husto dahil high-risk ang pregnancy mo. Maramihan ang mga baby mo, kaya kailangan mong siguraduhing nakakakuha ka ng sapat na nutrisyon at iwasan ang sobrang stress. Mahalaga ang regular checkup para masubaybayan natin ang kalagayan ninyong lima."

Iwasan ang stress?

Paano ako iiwas sa stress kung apat na ang laman ng tiyan ko mula sa isang lalaking hindi ko man lang kilala nang lubusan? Ang alam ko lang sa kanya ay Luke ang pangalan niya at isa siyang piloto.

Hindi ko nga alam kung saan ko siya hahanapin kung gugustuhin ko.

Paglabas ko ng clinic, para akong lutang. Hawak ko ang envelope na naglalaman ng ultrasound results ko habang nakaupo sa isang bench sa labas.

Ilang minuto akong nakatitig sa apat na maliliit na imaheng nasa papel.

Apat na bata.

Apat na buhay na umaasa sa akin.

Kamakailan lang, iniisip ko pa kung paano ko bubuuin ulit ang sarili kong buhay matapos akong traydurin ng pamilya ko. Ngayon, may apat na akong anak na kailangang buhayin, alagaan, at palakihin.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat. Ni hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng sapat na pera para sa mga pangangailangan nila.

Pero habang lumilipas ang mga araw at unti-unting lumalaki ang tiyan ko, may nagbago sa pakiramdam ko. Unti-unting napalitan ng determinasyon ang takot na una kong naramdaman.

Hindi ko man alam kung nasaan ang ama nila o kung malalaman ba niya ang tungkol sa mga bata, hindi ko hahayaang maramdaman nilang wala silang kakampi.

Kung ayaw sa kanila ng sarili nilang ama, at kung itinakwil na kami ng pamilya ko, ako na ang bahala sa kanila.

Mag-isa ko silang bubuhayin kung kinakailangan.

Hinding-hindi ko hahayaang maranasan nila ang mga pinagdaanan ko. Hindi nila kailangang magmakaawa para lang matanggap ng sarili nilang pamilya. Sisiguraduhin kong mararamdaman nilang mahalaga sila, kahit wala akong ibang maasahan kundi ang sarili ko.

Nang sumapit ang ikalimang buwan ng pagbubuntis ko, napagdesisyunan kong hindi na ligtas na manatili sa Pilipinas.

Patuloy pa rin ang mga balita tungkol sa alitan ng mga Montefalco at ng pamilya ng ex kong si Mark. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kayang gawin ng mga taong iyon para protektahan ang kani-kanilang interes.

Ang mas kinatatakutan ko, baka matunton nila ako at malaman ang tungkol sa mga bata. Ayokong bigyan sila ng pagkakataong pakialaman ang buhay namin o subukang kunin ang mga anak ko kapag nalaman nilang may dugong pinagsasaluhan kami.

Kaya ginamit ko ang naipon kong pera at ang natitira kong lakas ng loob para lumipat sa Sydney, Australia.

Doon ko sinimulan ang panibagong buhay ko, malayo sa pamilya ko at sa mga taong minsang nagparamdam sa akin na wala akong halaga.

Hindi naging madali ang lahat. Nagtrabaho ako habang nagbubuntis, nag-freelance bilang fashion consultant at online layout artist sa gabi, at nag-aral naman ng advanced digital styling sa araw.

May mga araw na halos hindi ko na kayanin ang pagod. May mga gabing napapaupo na lang ako sa sulok ng maliit kong tinutuluyan dahil sa sakit ng balakang ko, habang pilit pinipigilan ang mga luhang gustong tumulo.

Pero sa tuwing naaalala kong apat ang naghihintay sa akin, pinipilit kong bumangon.

Hindi puwedeng sumuko.

"Mga anak, si Mommy ito. Huwag kayong masyadong pasaway sa loob, ha? Dalawang taon na lang, magtatayo na si Mommy ng sarili nating kumpanya," bulong ko habang hinahaplos ang napakalaki kong tiyan noon.

Parang naiintindihan naman nila ako dahil madalas silang sumipa nang sabay-sabay. Minsan, pakiramdam ko, may sarili silang drumbeat sa loob ng tiyan ko.

Napapangiti na lang ako sa tuwing nangyayari iyon.

Sila ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban kahit pagod na pagod na ako. Hindi ko man alam kung ano ang naghihintay sa amin, determinado akong ibigay sa kanila ang buhay na hindi ko naranasan.

At sa wakas, nagbunga rin ang lahat ng paghihirap ko.

Makalipas ang apat na taon mula nang gabing iyon, hindi na lang basta stylist si Samantha Montefalco. May-ari na ako ng sarili kong boutique styling at event agency sa Sydney.

Mula sa maliit na freelance work, unti-unting lumaki ang negosyo ko hanggang sa magkaroon ako ng pagkakataong humawak ng mas malalaking proyekto.

At ngayon, may panibagong oportunidad na dumating sa amin.

Kailangan naming bumalik sa Pilipinas para i-handle ang isa sa pinakamalaking charity events ng taon, ang Aviation Grand Gala na gaganapin sa Maynila.

Handa na ang lahat para sa pagbabalik ko. Matagal ko nang hindi nakikita ang bansang minsang naging tahanan ko, at kahit may mga alaala akong gustong kalimutan, kailangan kong harapin ang trabahong pinaghirapan kong makuha.

Ang hindi ko alam, ang pagbabalik na ito ang maglalapit sa akin sa lalaking naging dahilan kung bakit may apat na pasaway akong kasama ngayon sa loob ng VIP lounge ng NAIA.

Habang hinihila ko ang maleta ko papasok sa airport terminal, abala rin ako sa pag-aayos ng maliliit na sapatos ng mga bata.

"Kuya Liam, tigilan mo nga ang pakikipag-agawan kay Luke sa aviator shades na 'yan. Apat na kayong magkamukha, pati ba naman salamin pag-aawayan n'yo pa?" saway ko sa dalawa.

Ang isa naman sa mga anak ko ay seryosong nagbabasa ng lumang magazine tungkol sa mga eroplano, habang ang isa pa ay tahimik lang na nagmamasid sa paligid na para bang inspektor ng immigration.

Minsan talaga, hindi ko alam kung matatawa ba ako o mai-stress sa kanilang apat.

"Mom, he started it. Sabi niya mas pogi raw siya kapag naka-aviator shades kaysa sa akin," reklamo ng isa habang nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Ang titigas talaga ng ulo ng mga batang ito.

At ang mas nakakainis, kahit sa simpleng pagtataray at pagtaas ng kilay, kamukhang-kamukha nila ang estrangherong nakasama ko sa hotel room apat na taon na ang nakararaan.

Mga miniature carbon copy ni Captain Luke Montgomery.

Noong gabing nagkakilala kami, Luke lang ang alam kong pangalan niya. Wala akong ideya kung ano ang buong pangalan niya o kung ano ang buhay niya pagkatapos naming maghiwalay.

Pero ngayon, habang nakikita ko ang apat na batang nag-aagawan sa aviator shades at halos magkakapareho ang mga mukha, hindi ko na maikakailang may malaking bahagi ng pagkatao nila na nagmula sa lalaking iyon.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad kasama ang mga anak ko, pilit na ibinabalik ang atensyon sa mga kailangan naming asikasuhin sa airport.

Hindi ko alam na sa bawat hakbang namin papalapit sa exit ng terminal, papalapit din kami sa lalaking naging pinakamalaking misteryo sa buhay ko.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Oops! I Had the Pilot’s Quadruplets   CHAPTER 5

    Samantha POVPara akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig sa mukha ni Luke Montgomery. Hindi galit o gulat ang nakikita ko sa ngiti niya. Mas mukha siyang isang taong sa wakas ay nakuha na ang matagal na niyang hinahanap.At ang mas nakakainis, halatang wala siyang balak na palampasin ang pagkakataong ito."Captain Montgomery, bitawan mo nga ako," sabi ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya.Nasa gitna kami ng VIP lounge, at ramdam kong maraming matang nakatingin sa amin. Lalo na nang mapansin ng mga tao ang apat kong anak na nakapamulsa pa rin sa tabi namin. Hindi na nga sila nahiya sa ginawa nila kanina, parang proud pa silang ipinagmamalaki sa buong mundo na kamukha nila ang sikat na bilyonaryong piloto."Bakit ko naman gagawin 'yon, Samantha?" mahinang tanong ni Luke habang mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko.Mainit ang palad niya kahit nakasuot ako ng damit. Dagdag pa ang pamilyar niyang pabango na parang sadyang gustong guluhin an

  • Oops! I Had the Pilot’s Quadruplets   CHAPTER 4

    Samantha POVParang huminto ang mundo ko nang makita kong huminto sina Liam, Lucas, Leo, at Lance sa harap mismo ng matangkad na lalaki.Apat na maliliit na kopya ni Luke Montgomery ang nasa harapan niya, nakapamulsa at sabay-sabay pang nakataas ang mga kilay. Eksaktong-eksakto ang mga ekspresyon nila sa mukha ng bilyonaryong piloto na nakatayo ngayon sa harapan nila.Gusto kong tumakbo. Gusto kong sumigaw o kaya nama'y bigla na lang maglaho na parang bula.Pero ni isang hakbang ay hindi ko magawa. Para bang nakadikit sa sahig ang mga paa ko.Samantala, si Luke Montgomery ay halatang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Ibinaba niya ang tablet na hawak niya at dahan-dahang tinanggal ang aviator shades niya.Ang mga mata niyang kulay tsokolate, na minsang nagpawala sa akin ng matinong pag-iisip apat na taon na ang nakararaan, ay nakatutok ngayon sa apat na batang nakatayo sa harapan niya."Teka lang," bulong ng executive na kasama niya. Halatang naguguluhan din ito habang salit-salitan

  • Oops! I Had the Pilot’s Quadruplets   CHAPTER 3

    Samantha POVFour years.Apat na taon na ang lumipas mula nang iwan ko ang hotel room na iyon, kasama ang isang mabilis na sulat sa bedside table para sa estrangherong nakasama ko sa isang gabing hindi ko na inakalang mauulit pa sa alaala ko.Pero heto ako ngayon, bumabalik sa Pilipinas. Nakatayo ako sa arrival area ng NAIA habang humihinga nang malalim at sinasanay ulit ang sarili sa pamilyar na ingay, init, at usok ng Maynila.Marami nang nagbago sa buhay ko. Hindi na ako ang Samantha Montefalco na umalis noon na puno ng sama ng loob at luha. Sa pagkakataong ito, may sarili na akong kumpanya na ipinagmamalaki ko—ang Chic & Co. Styling Agency.Kami ang napiling humawak sa isa sa pinakamalalaking event ng taon, ang Aviation Grand Charity Gala. Malaking proyekto ito para sa kumpanya ko, at alam kong puwede pa itong magbukas ng mas maraming oportunidad para sa amin.Ang pangunahing sponsor at may-ari ng buong serye ng event? Walang iba kundi ang Montgomery Airlines.Pero kahit gaano kal

  • Oops! I Had the Pilot’s Quadruplets   CHAPTER 2

    Samantha POVTatlong buwan na ang lumipas mula nang gabing iyon sa rooftop bar at sa mamahaling hotel room ng isang estranghero. Tatlong buwan na rin mula nang magdesisyon akong magsimula ulit mula sa wala.Wala na ang mga Montefalco sa buhay ko. Wala na rin ang lintik na apelyidong iyon na wala namang naidulot sa akin kundi mga kasinungalingan at obligasyong hindi ko naman hiniling.Ngayon, nakatira ako sa isang maliit na apartment sa Quezon City. Akala ko, unti-unti ko nang naibabalik sa dati ang buhay ko. May trabaho ako, may kaunting ipon, at kahit papaano, nakakakilos na ako nang hindi iniisip ang pamilya kong tinalikuran ko.Pero nitong mga nakaraang araw, may kakaiba akong nararamdaman.Madalas mabigat ang ulo ko, sumasakit ang likod ko, at ang dating paborito kong amoy ng kape ay bigla na lang nagpapabalik sa akin sa banyo para isuka ang laman ng tiyan ko.Noong una, inisip kong baka epekto lang iyon ng stress at puyat sa trabaho. Pero nang hindi na mawala ang pagkahilo ko, na

  • Oops! I Had the Pilot’s Quadruplets   CHAPTER 1

    Samantha POVMaayos na ang suot kong custom-made Vania Romoff gown. Nakasuot na rin ako ng paborito kong hikaw, pero heto ako ngayon, nakatayo sa labas ng VIP bridal suite habang bahagyang nakabukas ang pinto. Rinig na rinig ko ang boses ni Mark, ang lalaking limang taon kong minahal. "Babe, relax. Si Samantha? Utility player lang naman 'yon sa buhay ko. Kailangan ko lang ang pamilya Montefalco para ma-secure ang board seats sa construction firm," natatawang sabi ni Mark.Sinundan iyon ng malambot na halakhak mula sa loob. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Si Chloe, ang nakababata kong kapatid."Eh, paano kung malaman niya na tayo na pala noon pa?" tanong ni Chloe sa malambing na tono."Wala siyang magagawa. She's too boring, too focused on her career, at tiyanak kung umasta kapag nagagalit. Ikaw lang ang minahal ko, Chloe."Parang binuhusan ako ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa.Limang taon.Limang taon kong inalay ang oras, pagod, at pagmamahal ko sa lalaking iyon. Laha

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status