Masuk"Pasensya na, Dylan."Halos maubusan na ako ng boses sa kakapaliwanag."Hindi talaga na-send 'yung message ko. Akala ko natanggap mo na."Nakatayo pa rin ako sa gitna ng sala, hawak ang cellphone ko habang pilit ipinapakita sa kanya ang failed message.Kakabalik ko pa lang naman dito sa bahay niya.Ayoko nang magkaroon agad ng problema.Lalo na pagkatapos ng lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw.Tahimik akong tumingin sa kanya.Pero imbes na sagutin niya ang paliwanag ko, iba ang unang tanong niya."Sinong kasama mo?"Napakurap ako."A-Ano?""Sinong kasama mo sa ospital?"Napayuko ako."Sinamahan ako ni Doctor Rigel."Iyon lang ang sinabi ko.Pero sapat na iyon para magbago ang ekspresyon niya.Kanina ay seryoso lang siya.Ngayon, parang mas lalong bumigat ang tingin niya. Kapag talaga tungkol kay Doctor Rigel, iba ang reaction niya. Parang may sariling alarm system ang lalaking ito.Kapag narinig niya ang pangalan ni Doc Rigel, automatic na nag-iiba ang mood.Dylan stood up st
"Ma, mahiya ka naman." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Walang obligasyon sa atin si Doc Rigel. Kakatapos lang ni Miko sa surgery. Hindi naman puwedeng tanggap lang tayo nang tanggap ng pera." Mariin kong isinara ang sobre at iniabot iyon pabalik kay Doctor Rigel. "Doc, maraming salamat po sa kabutihan ninyo, pero hindi ko po ito puwedeng tanggapin." Saglit na natahimik ang buong silid. Si Mama naman ay halos mamula sa galit. "Ano ba'ng ginagawa mo, Kaye!" Mabilis niyang hinablot ang kamay ko. "Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon natin?Pera 'yan! Malaking pera! Makakatulong 'yan sa pamilya natin!" Napabuntong-hininga ako. "Ma..." "...pwede ba? Umayos naman kayo." Hindi ko namalayang medyo tumaas na rin ang boses ko. Napalingon tuloy si Miko sa amin. Ayokong marinig niya ang pag-aaway namin. "Ganiyan ba kita pinalaki, Kaye?" Mas lalo pang lumakas ang boses ni Mama. "Porke may trabaho ka na, kakalimutan mo na kaming pamilya mo? Kakalimutan mo
"Actually may gagawin po ako mamayang gabi, Doc."Napatingin sa akin si Doctor Rigel habang mariin rin siyang nakatingin sa akin. Gusto ko talaga siyang tanggihan in a way na hindi siya mao-offend."Ano'ng plano mo?" Napatanong naman siya kaagad. "Bibisitahin ko po ang kapatid kong si Miko sa ospital. Kagagaling lang kasi niya sa operasyon."Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya. Napataas ang kilay niya at tila nagulat sa narinig."Talaga? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na nasa ospital pala ang kapatid mo? Edi sana nakapag-paabot ako ng tulong man lang."Napakurap ako."Ha-ha?" "Kung sinabi mo lang sana, baka may naitulong pa ako. Doktor ako, Kaye. Kahit papaano, may mga kakilala rin ako."Napangiti ako nang alanganin."Nakakahiya naman po, Doc. Sobra na kayong nakakatulong sa akin."Umiling siya."Hindi iyon abala." Napangiti siya sabay tinapik ang balikat ko, "besides, apprentice kita. Responsibilidad kong siguraduhing maayos ka."Napayuko ako.Hindi ko alam kung bakit, pero p
"Oh, sige."Napabuntong-hininga si Dylan bago bahagyang ngumiti. Kung ano man ang iniisip niya, sana makaiwas ako sa pangungulit niya ngayon."Sa ngayon, pagbibigyan muna kita."Marahan niyang tinapik ang noo ko gamit ang isang daliri."Huwag ka munang magpuyat."Napakurap ako.Hindi naman iyon masakit. Parang simpleng pang-aasar lang.Pero ewan ko ba. Bakit parang biglang uminit ang pisngi ko?"Good night, Kaye. Matulog ka nang maaga."Tumango lang ako."O-Okay... good night."Lumabas siya ng kwarto at marahang isinara ang pinto.Naiwan akong mag-isa. Napahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame.Grabe.Ang bilis magbago ng mood ng lalaking iyon.Kanina seryoso.Mamaya nang-aasar.Tapos ngayon, parang ang bait-bait.Napailing ako."Ano ba talaga ang problema ng taong iyon?"Hindi ko maitatanggi, gwapo siya.Sobrang gwapo.Matangkad.Mayaman.Successful.At kahit simpleng polo lang ang isuot niya, mukha pa ring model ng mamahaling magazine.Pero arogante nga lang.Mayabang.At kun
Pagkarating namin sa ospital, halos hindi na ako makahinga sa kaba.Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko habang mabilis ang mga hakbang papunta sa room ni Miko. Kahit paulit-ulit kong sinasabi sa sarili kong magiging maayos ang lahat, hindi pa rin mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko.Nang marahan kong itulak ang pinto, agad kong nakita ang kapatid ko.Nakaupo na siya sa kama.Maputla pa rin ang mukha niya, may nakakabit pa ring mga tubo at monitor sa katawan, pero nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti."Ate..."Mahina niyang tawag.Parang nabunutan ako ng napakalaking tinik."Miko!"Mabilis akong lumapit at marahan siyang niyakap."Okay ka na ba? Masakit pa ba?"Umiling siya."Sabi ni Doc, kailangan ko lang daw magpahinga."Napangiti ako kahit namumuo na naman ang luha sa mga mata ko.Maya-maya ay pumasok ang doktor."Miss Collins."Napalingon ako."Successful ang operasyon. Stable na ang kondisyon ng kapatid ninyo. Kailangan na lang niyang mag-recover nang maayos.
Napalunok ako.Grabe that was really wild of me. Hindi ko akalain na mag-eenjoy rin ako pero deep inside, hindi ko na rin kayang maghintay.Bawat minutong lumilipas, iniisip ko si Miko na nasa ospital. Hindi ko alam kung nagsisimula na ba ang operasyon niya o naghihintay pa rin sila ng bayad.Huminga ako nang malalim bago ako muling nagsalita."Pwede ko na bang makuha ang pera?"Diretso kong tanong.Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.Nagulat ako nang mapangiti lang si Dylan.Maya-maya ay napailing pa siya, parang may nakakatawang narinig.Hindi ko tuloy maiwasang mapakunot-noo."Bakit?"May mali ba sa sinabi ko?Tahimik siyang naglakad papunta sa isang maliit na kabinet sa gilid ng opisina.May kinuha siyang malaking itim na kahon.Hindi ko alam kung ano iyon.Mukha iyong lalagyan ng sapatos.O baka mamahaling damit.Sa sobrang kaba ko, hindi ko na alam ang iniisip ko.Napalapit ako nang kaunti."Ano 'yan?"Hindi ko napigilang itanong."Nandiyan ba sa loob ang pera?"Pagkasabi ko no'n







