Nagbabike ako ngayon papunta sa Bakery kung saan ay doon muna ako magpapart time work habang summer pa. Graduated na rin naman ako ng kolehiyo at dahil iyon sa libreng scholarship na ibinigay sa akin ni Mayor Buenavista.
Grumaduate ako bilang isang Valedictorian noong high school pa lamang ako at ang kapalit nga nun ay ang scholarship na mismong si Mayor pa ang nag-abot sa akin nang tumuntong ako sa stage noong Graduation day.Proud na proud sa akin sina Tatay at Nanay at maging pati na rin ang kapatid kong nasa abroad na si Kuya Macky dahil lahat ng paghihirap at pagtataguyod nila para lang mapag-aral ako ay nasuklian ko sa pamamagitan ng pagsusunog ko ng kilay.Habang nagba-bike ako papuntang Bakery ay napapasulyap sa akin ang mga tao lalong-lalo na ang mga kalalakihan. Marahil ay dahil siguro ito sa kakaiba kong itsura.Mayroon kasi akong maputing balat at mala kulay mais na buhok idagdag pang kulay light brown ang kulay ng mga mata ko. Unusual na itsura ng isang Pilipino. Hindi ko rin kamukha ang mga magulang ko.Ang sinabi lang noon ni Nanay ay pinaglihian niya ako sa isang manika na parati niyang hinahawakan noong ipinagbubuntis niya pa lamang ako kaya naniwala na ako doon. Wala naman akong duda na sila ang pamilya ko dahil kamukha ko rin si Kuya Macky at mahal na mahal kami nila Nanay at Tatay.Ang sabi nga nila ay maganda raw ako at syempre dahil kailangan na maging humble at huwag maging mapagmataas sa sarili gaya nga ng itinuro sa akin nila Nanay at Tatay ay hindi ko na lamang pinapansin iyong papuri sa akin.Sa edad kong bente ay matangkad na rin ako sa height kong 5'7. Matangkad na para sa isang babae.Hindi ko na lamang pinansin pa ang mga tumitingin at sumusulyap sa akin sa daan hanggang sa makarating ako sa Bakery. Habang itinatabi ko sa gilid ng Bakery ang bike ko ay nakita ko si Jonas na lumabas mula sa Bakery bitbit ang itim na sako na naglalaman ng mga basura. Nang makita niya ako ay kaagad nitong itinapon sa trashbin ang basura at nginitian ako."N-nandito ka na pala, Mirae." Tila namumula pa niyang sabi saka ito nagkamot ng batok.Natawa naman ako dahil nahihiya pa rin siya sa akin kahit mahigit isang linggo na kaming magkatrabaho.Kaedad ko lang itong si Jonas. Gwapo ito at moreno. Napapansin ko nga na napapadalas ang pag-iistop over looking ng mga kababaihan dito sa San Alfonso kapag nakikita nila si Jonas na nagbabantay ng Bakery kasama ako.Siya ang baker na hinire nila Mrs. Glenda dito sa bakery. Estudyante niya sa TESDA itong si Jonas at ng matapos nito ang vocational course niya ay nagpresinta na itong magtrabaho dito. Kailangan na kailangan daw kasi ni Jonas ng pera para sa Nanay nitong nasa ospital na kapapanganak pa lamang."Ang aga mo naman yata, Jonas. Talagang early bird ka, ah!" Nakangiting sabi ko na ikinangiti rin niya."Syempre, nilinisan ko muna itong Bakery bago tayo magbukas at ayokong mahirapan ka pa sa paglinis dito. Tayong dalawa na nga lang ang empleyado ni Mrs. Glenda kaya dapat ay magtulungan tayo." Sabi niya saka ito ngumiti.Napakagwapo talaga niya lalo na kapag ngumingiti. Maswerte ang magiging girlfriend ni Jonas dahil nakikita ko na mabait ito at masipag rin na lalake."Ano ka ba! Wala lang sa akin ang maglinis, no kaya 'wag mo nang alalahanin 'yon." Sabi ko naman."Pero ayokong nahihirapan ka." Bigla niyang banggit na ikinatahimik ko naman pero deep inside ay kinikilig ako.Oo na. May crush ako kay Jonas. Paano ba naman kasi, ang gwapo-gwapo na nga niya tapos ang bait-bait pa. Sino bang hindi hahanga sa lalaking ito?"Ang aga-aga naman naglalandian na."Napalingon naman kami ni Jonas sa nagsalita at lumabas mula sa itim na van si Ysmael na nakangisi sa amin.Si Ysmael ay anak ni Mrs. Glenda na may-ari nitong Bakery. Mas bata ito sa amin ni Jonas ng isang taon at graduating na rin ng college. Mayaman ang pamilya nila Ysmael dito sa San Alfonso. Bukod sa Bakery ay may ari rin sila ng minahan na malapit sa San Andres na katabi ng lugar namin. Mayroon pa silang iba't-ibang branch ng automotive shops sa ibang parte dito sa San Alfonso at higit sa lahat ay tatay niya lang naman si Mayor Buenavista.Sa pagiging mayaman at maimpluwensya ng pamilya ni Ysmael ay takot ang lahat sa kanya. Kilala itong bully at mayabang. Kung ano rin ang ikinagwapo ng mukha nito ay iyon naman ang ikinapangit ng ugali nito. Maputi si Ysmael at chinito pero para sa akin ay mas gwapo pa rin si Jonas.Natahimik ako sa sinabi ni Ysmael habang si Jonas naman ay nakita ko ang pagkuyom ng isang kamao.Nilapitan kami ni Ysmael. "Hindi kayo binabayaran ni Mom para maglandian. Naiintindihan niyo ba?" Nakangisi pa rin niyang sabi saka ito bumaling sa akin at hinagod ng tingin ang buong katawan ko.Tinotorture ko na siya sa isip ko pero dahil ayokong mawalan ng trabaho ay tumahimik nalang ako."Tara na, Jonas. Mag-umpisa na tayo." Binalingan ko nalang si Jonas at hinawakan ang kamay niya papasok sa loob ng Bakery.Sumunod naman sa amin si Ysmael at pabagsak itong umupo sa isang sofa na nasa gilid lang saka nito inabot ang remote control para buksan ang TV.Hindi ko alam kung bakit nandito siya. May mansyon naman sila para doon siya manood ng TV pero simula yata nang dito ako magtrabaho ay panay na ang punta niya dito sa Bakery. Hindi ko alam kung bakit hindi na siya sumasama sa mga mayayaman rin niyang kabarkada."Ikuha mo nga ako ng tubig." Mayabang na utos niya sa akin.Wala naman akong ibang choice kundi sundin ang utos niya habang si Jonas naman ay nagtungo na sa kusina para magbake ng ititinda naming tinapay.Nang makakuha na ako ng isang mineral water sa fridge ay kaagad ko iyong inabot kay Ysmael."Ito na." Pahablot naman niyang kinuha ang hawak kong mineral water saka ito binuksan at ininom.Nang maubos na niya ang tubig na iniinom niya ay itinapon niya lang sa kung saan ang bote na wala nang laman.Kahit kailan talaga ay wala siyang manners!"Umupo ka nga sa tabi ko." Maangas niyang sabi at tinapik nito ang sofa kung saan ay doon niya ako pauupuin."B-Bakit?" Tanong ko.Inis naman niya akong tinignan. "Huwag ka ngang maraming tanong dyan. Umupo ka sabi!" Sigaw niya na ikinatakot ko naman.Kaagad akong umupo sa tabi niya. Ngumisi naman siya sa akin at nagulat nalang ako nang bigla niya akong inakbayan."Mirae, boyfriend mo ba si Jonas?" Mahina niyang tanong at mas lalo pa akong nagulat nang bigla niyang haplusin ang hita ko.Sa pagkabigla ko ay tumayo kaagad ako habang siya ay ngingisi-ngisi pa rin."M-Magtatrabaho na po ako, Sir Ysmael." Paalam ko at mabilis akong nagpunta sa counter at pinipigilan na huwag maiyak.Hanggang kailangan ba ako haharassin ni Ysmael? Nung una ay tinangka niya akong halikan at ang pangalawa naman ay tinangka niya akong pagsamantalahan nang pauwi na ako sa amin, mabuti nalang at nakita ko noon si Manong Pedro na nagtitinda ng gulay at prutas at sumabay na ako sa kanya kaya hindi na naituloy pa ni Ysmael ang balak niya sa akin.Hindi ako makapagsumbong kina Nanay at Tatay dahil ayoko nang madagdagan pa ang alalahanin nila sa akin. Namomroblema na nga sila sa lupang isinangla nila kung paano mababawi iyon tapos magbibigay pa ako ng problema? Ayoko namang abalahin pa si Kuya Macky dahil alam kong nagpapakapagod rin iyon sa Dubai para lang maipagawa niya ang bahay namin.Nag-part time ako dito sa Bakery dahil kailangan ko ng pamasahe papuntang Maynila at doon ako maghahanap ng trabaho. Business Management ang tinapos kong kurso at hindi ko sasayangin ang effort ng pamilya ko para lang mapag-aral ako simula elementary hanggang sa magcollege ako. Si Mayor nga ang nagbigay ng scholarship ko pero wala pa dun ang baon, mga bayarin sa projects at pamasahe na ibinibigay pa sa akin nila Nanay at Tatay pati na rin ang kay Kuya Macky.Hindi rin naman namin malalabanan si Ysmael dahil sigurado akong mababaliktad lang ang lahat kung sakaling magsumbong ako sa ginagawa niya sa akin. Dito sa San Alfonso, kapag mahirap ka ay talo ka at kapag mayaman ka ay panalo ka.Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtatrabaho at hindi na inintindi pa si Ysmael na nararamdaman kong may malalagkit na titig sa akin. Pasalamat nalang talaga ako at kasama ko si Jonas at masaya rin ako dahil nasa tabi ko siya.Nakahinga ako ng maluwag dahil nung mag alas tres na ng hapon ay narinig kong nag-uusap si Ysmael at ang kaibigan niya sa cellphone at may pupuntahan raw silang gimikan malapit dito. Kaagad namang lumabas si Ysmael sa Bakery at sumakay na ito sa sasakyang dala niya hanggang sa makaalis na ito."Tsk! Kung hindi lang talaga siya anak ni Mayor ay kanina ko pa pinagbubuhol ang katawan niya. Napakayabang ng gago!" Naiinis na sabi ni Jonas nang makaalis na si Ysmael.Natawa ako. "Hayaan mo na siya. Pagtiisan mo nalang."Bigla ay hinawakan ako ni Jonas sa pisngi na ikinapula ng buong mukha ko at unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko idagdag pang napakalapit ng mukha niya sa akin.May matangos siyang ilong, mahahabang pilik mata, makakapal na kilay at mapupulang labi. Moreno pa ito at bagay iyon sa maganda niyang pangangatawan."Hinaharass ka pa rin ba ni Ysmael?" Seryosong sabi niya na ikinahinto ko.Alam niya?"Hindi lang ako nagsasalita pero alam ko ang ginagawa niya sa'yo, Mirae. Gusto ko siyang suntukin at bugbugin pero kung gagawin ko iyon ay mawawalan ako ng trabaho. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera para kay Inay ay matagal ko nang pinatay sa bugbog ang lalakeng iyon." Napayuko siya at ramdam ko ang paghihirap sa boses niya.Naantig ang puso ko dun. Concern si Jonas sa akin."Ano ka ba, Jonas. Okay lang 'yon, hangga't maaari nga ay sobra ko nang iniiwasan si Ysmael. Huwag kang mag-alala sa akin." Sabi ko para mapanatag ang loob niya.Tumingin siya sa akin at nakita ko ang nangungusap niyang mga mata."Ayokong binabastos ka niya. Pero 'di bale dahil simula ngayon ay babantayan at poprotekatahan na kita mula sa kanya, Mirae."Napatitig ako sa mga mata niya kalaunan ay tumango ako. Hindi ko namamayalan na napaiyak na pala ako at kaagad namang pinunasan ni Jonas ang mga luha ko gamit ang palad niya."Huwag ka nang umiyak. Ang ganda-ganda mo tapos naiyak ka." Nakangiti na niyang sabi."Thank you, Jonas." May sinseridad kong sabi.Hinalikan naman niya ang noo ko na mas ikinapula pa lalo ng buong mukha ko."Nandito lang ako. Poprotekatahan kita sa mga lalakeng magtatangka ng masama sa'yo."Napangiti ako hanggang sa hindi ko namamayalan na nahuhulog na pala ang loob ko kay Jonas.-Ajai_Kim"Maraming salamat nga pala sa paghatid mo sa akin, Jonas." Nakangiti kong sabi kay Jonas nang nasa tapat na kami ng bahay namin.Ngumiti rin naman siya sa akin. "Wala 'yon, Mirae saka araw-araw na rin kitang ihahatid dito sa inyo para ligtas ka palaging makauwi. Gabi na tayo nagsasara ng Bakery at delikado na mag-isa ka lang umuuwi." Sabi naman niya.Pigil na pigil ang kilig ko. Kanina nga ay siya na ang nagbike at ako ang umangkas sa likuran niya. I cherish our moments dahil iyon ang unang beses na hinatid niya ako dito sa amin."S-Salamat talaga, ha? Oh paano, umuwi ka na at baka kailangan na ng Inay mo na may magbantay sa ospital."Tumango naman si Jonas at parang may gusto itong sabihin pero nahihiya lang dahil panay ang kamot nito sa batok niya."Ahm, Mirae. Itatanong ko lang sana kung..""Itatanong kung?" Dugtong ko sa balak niyang sabihin."Ano.. kung may boyfriend ka na?" Tila nahihiya pa niyang sabi saka nito ginulo ang buhok niya.Umiling naman ako. "Wala akong boyfriend, Jo
Iyak lang ako ng iyak sa mga bisig ni Jonas habang patuloy niya pa rin akong pinapatahan. Nandito kami ngayon sa parke at hindi na kami nakapasok pa sa trabaho dahil sa ginawa sa akin ni Ysmael kanina.Alam kong nanganganib na mawalan kami ng trabaho ni Jonas pero ang sabi niya ay huwag ko na raw munang isipin iyon at pwede pa naman kaming makahanap ng ibang trabaho. Mahalaga kay Jonas ang pagtatrabaho sa Bakery dahil mas doble ang kita namin doon kumpara sa minimum wage dito sa probinsya ng San Alfonso.Tinaasan ni Mrs. Glenda ang sweldo namin dahil mga kakilala niya kami at mabait rin siya sa amin pero sa ngayon, hindi ko na alam dahil kinalaban namin ang anak niyang si Ysmael.Nang matigil na ako sa pag-iyak ay humarap ako kay Jonas. "Jonas, patawad kung nadamay ka pa sa gulo kanina at baka mawalan ka na ng trabaho-"Kaagad niya akong pinatigil sa pagsasalita sa pamamagitan ng paglapat ng isang daliri niya sa labi ko."Huwag mo nang alalahanin 'yon, Mirae. Makakahanap pa naman tayo
Kinabukasan ay sabay na kaming pumasok ni Jonas sa Bakery dahil maaga kaming pinatawag ni Mrs. Glenda para makausap. Siguro ay baka tatanggalin na niya kami ni Jonas sa trabaho dahil sa ginawa namin kay Ysmael at nakahanda na kami doon.Bago ako umalis ng bahay ay hindi ko muna kinausap sina Nanay at Tatay dahil masama pa rin ang loob ko sa pagtatalo nila. Ayoko na munang mapag-usapan at isipin pa iyon.Ngayon ay kaharap namin si Mrs. Glenda na may seryosong tingin sa amin at katabi naman nito si Ysmael na sobrang sama ng tingin sa amin. Napansin ko na may band aid ang parteng gilid ng labi niya at alam ko na dahil ito sa pagsuntok sa kanya ni Jonas."Jonas, why did you hurt my son? Ni hindi ko nga siya sinasaktan tapos ikaw pa ang may ganang manakit sa kanya?" Galit na sabi ni Mrs. Glenda kay Jonas."Mrs. Glenda, hindi ko po sasaktan si Ysmael kung wala siyang ginawang masama kay Mirae-""I get it. Sinabi na sa akin ng anak ko na nililigawan niya si Mirae tapos ikaw naman daw ay nags
Nalaman na nina Nanay at Tatay na girlfriend na ako ni Jonas dahil kagabi ay inihatid ako ni Jonas sa bahay at kaagad rin niyang sinabi iyon sa mga magulang ko. Hindi naman tumutol pa si Tatay do'n dahil kung ano daw ang naisin ng puso ko ay susuportahan niya ako habang si Nanay naman ay walang imik nung malaman iyon. Hindi ko alam kung tanggap ba niya ang relasyon namin ni Jonas o hindi pero sa nakikita ko naman ay okay lang iyon sa kanya. Hindi ko na rin muna inaalala pa ang pagtatalo nila ni Tatay nung isang araw dahil masaya naman ako ngayon. Sinabi na rin namin na natanggal na kami mula sa Bakery at naiintindihan na nila kung bakit.Alam na ng Inay, Itay at mga kapatid ni Jonas na girlfriend na niya ako. Pagkatapos makalabas mula sa ospital sina Inay Rosie at Baby Jepoy ay kaagad pinaalam iyon ni Jonas sa pamilya niya. Hindi rin sila tumutol sa relasyon namin at botong-boto daw talaga sila sa akin noon pa para kay Jonas kahit hindi pa ako nito nililigawan. Alam na daw kasi kaagad
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang maging kami ni Jonas. Maganda at maayos naman ang relasyon naming dalawa. Masaya ako dahil siya ang nakatuluyan ko at nakakatuwa lang na sobra siyang nag-eeffort para sa akin.Nang matanggal na kami sa trabaho sa Bakery ay sa kabutihang palad ay nakahanap kami ng trabaho sa isang factory ng mga noodles at pareho kaming nakuha doon. Hindi naman ito gaanong malayo sa tinitirhan namin kaya nakakatipid pa kami sa pamasahe.Ang boyfriend ko ay katrabaho ko pa rin at sabay pa kaming umaalis at umuuwi ng bahay. Masaya lang ako dahil palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Tama nga ang sinabi ni Tatay na mas motivated ka sa trabaho mo kapag nakikita at nakakasama mo ang taong mahal mo. Nang mag 5pm na ay natapos na ang duty namin ni Jonas sa factory. Kaagad ko naman siyang hinila sa Mamang nagtitinda ng fishball na nasa labas lang ng kalsada."Mister, gusto ko nito!" Masayang sabi ko kay Jonas na itinuro ang stall ng fishball at natawa nalang ito s
Kasalukuyan kong ginagamot ang mga sugat at pasa ni Jonas at nandito na kami ngayon sa bahay. Wala pa si Tatay dahil nasa trabaho pa daw ito habang si Nanay naman ay nasa Barangay pa. Secretary kasi siya do'n at alam ko na marami pa itong inaasikaso. Baka siguro ay bukas na iyon makakauwi dahil minsan ay nag-oovernight talaga siya sa trabaho niya.Hindi tulad ng kanina ay mas maayos nang tignan si Jonas. Pinalitan ko na rin siya ng damit na pinaglumaan na ni Tatay dahil may mga bahid pa ng dugo ang t-shirt niya. Sigurado akong hindi pa muna siya makakapasok ng trabaho dahil sa kalagayan niya at ganon na rin siguro ako dahil kailangan ko siyang bantayan."Ang mas mabuti pa siguro, Jonas ay iwasan nalang muna natin si Ysmael para hindi ka na ulit mapahamak. Kung hindi pa siya tumigil sa pambubugbog sa'yo ay baka mapatay ka na niya." Nag-aalala kong sabi.Umiling naman si Jonas. "Ano ba 'yung ginawa natin kanina, Mirae? Iniwasan naman natin siya, hindi ba? Pero hinarang pa rin niya tayo
Linggo ngayon at wala kaming pasok ni Jonas sa trabaho. Mamayang hapon ay dadaan daw siya dito para sabay kaming makapagsimba. Siyempre excited din ako dahil sa bukod na magsisimba kami ay makakasama ko ulit siya.Wala yatang araw na hindi ko iniisip si Jonas. Iyong lalakeng iyon kasi, todo-todo ang ginagawang effort ngayong boyfriend ko na siya. Bukod sa gwapo ay masyado pa itong maaalalahanin at kaya akong protektahan sa lahat. Hinding-hindi ko na talaga ipagpapalit ang Mister ko na iyon!Bigla ay naalala ko na naman 'yung weirdong lalakeng nakabungguan ko sa plaza. Ang gwapo pa naman kaso ay ang creepy naman nun pero infairness ay mabait naman siya ayon nga lang ay ang weirdo niya. Hindi katulad ni Jonas ay mestizo ang lalakeng iyon, para ngang may lahing banyaga ang itsura niya, e. Teka, bakit ko ba biglang naalala ang lalakeng iyon?Habang nanonood ako ng TV sa maliit naming sala ay inabutan ako ni Nanay ng listahan na may pera at inuutusan ako nitong mamalengke. Tumango naman ak
"Jonas..."Mahinang sambit ko habang nakaupo kami ni Jonas sa isa sa mga bench dito sa parke. Kakatapos lang namin magsimba at napansin ko ang kanina pa niyang pananahimik magmula nang nakita niyang inihatid ako ni Andy sa tapat ng bahay namin.Bumuntong-hininga ako. "Siya 'yung lalakeng nakasalubong natin dito sa parke noon, 'di ba?" Tanong niya habang nakatanaw sa malayo.Tumango naman ako. "Oo. Nakita ko lang naman kasi siya kanina sa palengke tapos g-gusto niyang makipagkaibigan sa akin kaya sinamahan niya ako sa pamimili. Pagkatapos ay nagsabi siyang ihahatid nalang niya ako pauwi ng bahay." Paliwanag ko.Hindi ko kayang magsinungaling kay Jonas sa relasyon namin. Sinabi ko ang totoo dahil gusto kong maging tapat sa kanya.Napayuko naman ito. "Gwapo siya, hindi ba?" Tanong niya habang nakatingin lang sa grass ng parke."Jonas, ano bang pinagsasabi mo diyan? Bakit-" Bigla ay humarap siya sa akin habang nakangiti pero alam ko na peke lang ang ngiti niyang iyon."Gwapo siya, mayama