Share

Chapter 20

Clayton Pov

Naalimpungatan ako dahil sa pamamanhid ng kamay ko. Akmang iaangat ko ang kamay ko nang maramdaman kong mabigat ito. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko si Daniel na mahimbing na natutulog at nakaunan sa braso ko. Kaya pala. Tumagilid ako at inayos ang ulo niyang nakaunan sa akin.

Hinaplos ko ang buhok niya. Natakot talaga ako kagabi dahil akala ko nawala na siya. Buti ay sina Desmond lang pala ang kumuha sa kanya. Kung hindi man hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Malilintikan talaga ako sa tiyuhin niya.

Hindi ko magawang magalit kay Desmond at Laszlo sa ginawa nila pero tinakot talaga nila ako ng husto. Naalala ko tuloy iyong nangyari kagabi.

FLASHBACK

Nakaupo lang ako sa gilid ng guard house sa Marcet Village. Ayaw kong pumasok doon dahil hindi ko pa nahahanap si Daniel. Niyakap ko ang tuhod ko dahil malalim na ang gabi at malamig na.

"Sir papasok po ba kayo sa loob o may hinihintay pa po kayo?" tanong ng guard sa akin. Pang ilang beses na niya akong
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status