Share

Chapter 4

Clayton Pov

Pagpasok ko sa restaurant ay napahawak ako sa maglabilang braso ko. Sobrang lamig o nilalamig lang ba ako dahil sa kaba. O, dahil na rin sa mainit na panahon sa labas at pagpasok ko dito ay sinalubong agad ako ng napakalamig na atmospera. Kakapasok ko pa lang pero naririnig ko na ang tamang-tama lang sa ingay ng musika sa loob ng restaurant. May mga tao na tahimik na nag-uusap. Mga tao na swabe lang ang galaw, pihikan, sopitikado/a... isa lang ang nahihinuha ko, mga mayayaman ang mga tao na nandidito.

Tiningnan ko ang mga tao na nakasuot ng mamahalin at mula sa mga kilalang brand na mga damit. Nakasuot ng alahas na hindi ko alam kung ilan ang halaga nang nasa leeg, tenga, kamay at mga daliri may nakasabit na alahas na kumikinang sa ganda.

Nakapatingin tuloy ako sa sarili ko. I look like a beggar compared to them. Mabuti na lang at hindi sila napatingin sa gawi ko.

"Sir, you are Mr. Clayton Perkin?" Pag-iingles sa akin ng isang waiter. Buti na lang at hindi ko napagkamalan ang waiter na isa sa mga kustomer dito. Mabuti pa ang waiter naka-suit.

"O-oo, ah... oo a-ako nga." Nalilito pa ako kung mag-iingles din ba ako o hindi. Tuloy nauutal ako.

"This way, Sir." Inilahad niya ang kamay niya. Sumunod naman ako sa kanya. Nagtaka ako ng makarating kami sa harap ng isang pintuan kulay itim at ang handle naman ay kulay ginto. Parang kahit langaw ay madudulas sa sobrang kintab. Napansin ko nga rin na kahit na ang tiles nila ay parang salamin. Mabuti na lang at nag-sneakers ako mahigpit ang kapit sa tiles na parang di dinapuan ng alikabok. Ako lang siguro ang alikabok dito.

Nandito kami ngayon sa second floor ng restaurant at ang second floor ay puro mga room, akala ko ay nasa isang magarbong hotel tuloy ako.

"D-dito na?" Tanong ko sa waiter.

"Yes, sir Mr. Lavoisier is already waiting for you." Sagot niya sa akin at nag-bend siya tsaka binuksan ang pintuan.

"Bakit hindi sa baba?" Hindi ko mapigilang tanong sa sarili ko.

"Mr. Lavoisier is a VVIP here, sir." Napalingon ako sa waiter na nakahawak pa rin sa handle ng pintuan.

Tumango ako dahan-dahan na pumasok napalingon pa ako ng sumara ang pintuan. Akalain mo nga naman na ang isang room dito ay parang times 3 sa laki kumpara sa condo ni Jersey. Nakita ko na may nakahanda na parang catering service sa gilid na may mga pagkain na hindi ko alam kung ano-ano ang pangalan. May isang tao naman na nakatayo doon at hula ko waiter din iyon dahil pareho sila ng suit ng waiter na nagdala sa akin dito.

Napatingin ako sa lalaki na nakatingin sa labas. Kulay itim na transparent glass wall kaya klarong-klaro lang ang nasa labas. Nakatalikod lang ang lalaki na malaki ang pangangatawan.

"You're 10 minutes and twenty five seconds late, Mr. Perkin. Would you mind if I tell you to move faster than you usually do?" Baritong sabi ng lalaki na nakaupo at nakatalikod sa akin.

Ang kaninang paghanga ko sa buong karangyaan ng restaurant na pinasukan ko ay nagsiliparan at napalitan ng kaba. Parang gusto kong tumakbo papunta banyo at magkulong. Naiihi na rin ako sa kaba. Sa lamig ng airconditioned na room na ito ay pinagpapawisan pa talaga ako. Pasmado na yata ako.

"I don't like repeating myself."

Sa muling sa pagsalita ng lalaki ay nakaigtad ako ay binilisan ang lakad ko. Pero kung minamalas nga naman nang malapit na ako ay natisod pa ako sa sarili kong paa kaya napapikit ako at handa ng bumagsak sa napakakintab na marble tiles.

Pero naimulat ko ang mata ko nang maramdaman ko na tumama ang dibdib ko sa isang matigas na bagay.  Lumaki ang mata ko nang mapagtanto ko na braso pala iyon. Isang braso lang ang pinangsalo sa akin ng ekstrangherong lalaki na ito. Napakalakas niya siguro. Napatayo ako ng maayos at inayos ang postura ko bago umupo sa katapat na upuan. Ang lambot ng upuan. Puna ko. Siguro ay nasanay lang ako sa kuwayan namin na upuan sa bahay.

"T-thank y-you and I-I'm sorry." I whispered.

"Would you mind if we eat first, before going into our business why we're here." Nakakatindig balahibo ang boses niyang barito at magaspang.

"Oo, oo n-naman." Napanganga ako ng makita kong tumaas ang gilid ng labi niya. Gusto ko pang pagalitan ang sarili dahil nauutal ako.

He smirked. May nasabi ba akong nakakatawa?

Habang kamakain siya ay inabala ko ang sarili ko sa tanawin sa labas. Nakakagutom ang kinakain niya. Amoy pa lang nakakatakam na.

"Why aren't you eating? Don't you like the foods?" Tanong niya.

Napatingin tuloy ako sa harap ko. Oo, may nakalapag doon na mga pagkain pero hindi ko 'yon ginalaw dahil akala ko sa kanya iyon.

"Ah, h-hindi naman a-akala ko kasi sayo iyan." Pabulong kong sabi. Saka tapos na naman akong kumain.

"Are you kidding me? You expected me to eat all of this? Come on, help yourself." Sabi niya kaya hindi na ako nag-inarte pa kumain ako dahil nakakatakam talaga ang mga hinanda ng waiter.

"What do you want for desert?" Tanong niya sa kalagitnaan ng pagnguya ko. Lumubo ang bibig ko sa dami ng pagkain sa bibig ko kaya nahirapan akong lunukin lahat ng iyon. Napapikit ako ng sinubukan kong lunukin lahat ng pagkain sa bibig ko para makasagot sa lalaki sa harap ko.

"Hsauaushjskndj." Sagot ko sa kanya pero hindi niya naman maintindihan dahil puno ang bibig ko. Gusto ko sanang sabihin na wala akong alam na desert na sini-serve sa restaurant na ito.

"Okay, don't speak." Sabi niya at itinaas ang kamay niya. May sinabi siya doon sa waiter na lumapit at mayamaya ay dumating na ang desert.

"So, do you know who am I?" Tanong niya. Tsaka ko pa maisip na hindi ko pala natanong kay Jersey kung sino ang boss niya pero hula ko ay assistant o secretary lang siguro ito ng boss niya. Sa tingin ko kasi ay matandang babae ang boss ni Jersey na kumukulubot na ang balat pero nananatili pa rin ang pagiging sopistikada.

"Ah, hindi pero ikaw siguro ang secretary ng boss ninyo. Kasamahan mo ba si Jers—." Napatigil ako dahil hindi siguro nila alam na Jersey ang pseudonym ni Jason. "Si Jason."

"Hmm, you think I look like a secretary myself?"

Tiningnan ko siya ng maayos, ang datingan niya ay hindi pang secretary bagkus ay parang may mataas siyang ranggo. Nakasuot niya ngayon ng brown na suit na parang ginawa personally para sa kanya. Nakadagdag pa sa kagwapuhan niya ang ayos ng buhok niya na blurry fade at naka-attract din ang kulay nito na cognac lalong lalo na ang mata niyang kulay berde. At nakita ko ang wrist watch niya na mamahalin rin minsan ko na itong nakita sa isang magazine. Binalik ko ang tingin ko sa mukha niya para siyang isang employer.

EMPLOYER!!!

BOSS!!!

"I-i-ikaw ang b-boss nila?" Napahawak ako sa bibig ko.

"You guess it right."

"S-sorry sir... sorry po hindi ko po talaga alam na ikaw po ang boss ni J-ason."

Yumuko ako.

Nakakahiya dahil ang laki pa ng kain ko kanina tapos muntik pa akong nadapa. Nakakahiya. Ngayon ay sigurado na ako na wala na akong pag-asa dito.

"Clayton Perkin, am I right?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya at tumango. "Now, I will formally introduce to you myself. I'm Lorcan Lavoisier the CEO and owner of Cruixxe Empire." Napalunok ako. Empire. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang empire na tinukoy niya pero napakalaki n'yon dahil empire na talaga ang tawag.

Kung ito ang boss ni Jersey ibig sabihin ito ang naghahanap ng lalaki na magtatrabaho sa kanya personally.

"I-I'm so sorry for not recognizing you, sir." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya at i-english ko na.

"Do you know why are here?" Tanong niya.

Hindi niya man lang niya tinanggap ang sorry ko.

"I—," nahihirapan akong maghanap ng salita na maari kong sabihin sa kanya. Natatakot na ako na magkamali ulit. "I o-only knew Sir that you're l-looking for s-someone who can w-work for you." Ingles ko na naman.

"You are stammering a lot. Are you nervous?" tanong niya at ipinilig niya rin ang sariling ulo sa isang direksyon. "Well, you are basically right. I am really looking for someone who can work for me personally, but do you know what kind of work is it?" He asked me and put his elbow on the table.

"I—I don't know sir." Nakita ko siyang nakatingin sa mukha ko... o tama bang sabihin ko na sa labi ko siya nakatingin.

"Seductive are we?" He quipped.

"Huh?" taka ko.

"Nothing Mr. Perkin." He shook his head. He slide an enveloped across the table. "Read it." He commanded.

Binuksan ko ang enveloped at binasa ko ang laman no'n. He want someone to become his possession. Someone where he can release his libido, his lust.

"B-but why a man? You're a man and—and you want a man as well?" Napapa-english ako nang wala sa oras dahil sa kanya. After reading the whole one page of the contract. Ang front page lang ang binasa ko at hindi ko na binasa pa ang susunod na page. The next page was about the agreement or more like an agreement. Nope, for me it is not agreement until the other party (me) will not disclosed it.

"Simple, women are boring." He plainly said without a blink of an eye.

"Do—do you like men?" Sa pagiging curious ko ay hindi ko na mapigilang magtanong sa kanya.

"I will not acknowledge your curiosity about me liking a man or me not liking a man. Feel free to uncover it yourself." Sagot niya sa akin.

Palaging siyang maingat sa mga sinasagot niya. Siguro dahil isa siyang kilalang business tycoon. Paano naman ito magkakagusto sa isang lalaki? Napakaganda niyang lalaki kung magkakagusto siya sa isang kagaya niya. Atsaka ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung malalaman nila na ang kilalang business tycoon ng buong bansa ay isang homosexual. Pero sa panahon ngayon unti-unti na namang natatanggap ng kumunidad ang mga LGBT.

"E, bakit gusto mo ng lalaki—...."

"I want to try it with a man and I'd rather prefer a man than a woman. It's because in the long run woman will ask commitment and rants about here and there. And I've been there it's annoying as fuck." Then he shrugged. "So, what do you think?"

"I honestly don't know what to say." Tingnan mo nga naman at napapa-ingles na ako. Nahahawa na ako sa kanya.

Totoo na hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o isasagot ko sa kanya. Ang lahat ng ito ay nakakagulat pa sa akin. Akala ko ay babae talaga ang boss ni Jersey tapos ito pala. Barakong lalaki.

"Okay, I will not force you into this. I want someone whom I will not use any coercive measures and if you don't like or want it. I'm sure I can find someone out there. Someone who is willing." Tumingin ako sa seryosong mata niya na  kulay berde na parang kung anong klaseng mamahaling bato na kumikinang sa ganda.

Tang ina! Kailangan pa ako naging ganito ka mapangmasid sa isang tao lalo na sa lalaki.

"K-kailangan ba na ngayon agad ako pipirma sa kontratang ito?" Binagsak ko ang mata ko sa bondpaper tapos tiningnan ko siya. Nakita kong sumulyap din siya doon tapos tumingin sa akin.

Kinagat-kagat ko ang ibabang labi ko.

"Yes, you're the first man whom I meet for this morning and for the next hours there will be others as well, maybe you're wondering why it's early, well that's already given when you have a lot of people that need to attend with."

Totoo nga ang sinabi ni Jersey na marami ng nakausap ang boss niya. Pero bakit ni isa dun ay wala siyang napili. Ibig bang sabihin nito. He wants me.

"Does this means you want me?"

"Well, you're not that bad at all. Can I say, pwede na. But don't feel so special I really used to that to all man, I've talked with." Nagulat ako dahil lumabas pala sa bibig ko ang tanong na iyon. Pero mas nagulat ako nang magsalita siya ng tagalog. May accent kasi ang pagkasalita niya n'yon. At parang ang sexy niya pakinggan.

Gusto ko na talagang ihampas sa dingding ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko.

"If you don't want it then you can leave. The door is very wide and always open for you, anytime you want to leave." He ushered his hand to the door where I came in.

Tiningnan ko ulit ang kontrata sa harapan ko. Sa kontratang ito nakasalalay ang pangpa-opera ni Mama. Sa pamamagitan nito ay madudugtungan ang buhay ni Mama. This is my last resort.

"If you want it then here's the pen." Then he slide the pen.

Kinuha ko ang ballpen at hinanap ko sa last page kung ako dapat pumirma. Nang nakita ko ang pangalan ko doon ay nagsimula nang manginig ang kamay ko. Hindi ko ma-ipirmi ang kamay ko dahil sa panginginig no'n.

I gasped when there's a warmth hand landed at the back of my palm. Nakita ko ang maugat na kamay ni Lorcan doon.

"It's okay if don't to Mr. Perkin. I will not sue you for not signing this contract." He said in monotonous voice.

"Hindi Sir kailangan ko 'to para sa mama ko." Pagpapakatotoo ko sa kanya.

Kinuha niya ang kamay niya doon sa ibabaw ng kamay ko.

His eyebrow arced and his forehead went furrow. "Why, what about your mother?" He curiously asked.

"K-kailangan po ng Mama ko ng kidney transplant at walang-wala po kami. Ang mama ko na lang po ang meron ako kaya gagawin ko po ang lahat para sa kanya... kaya n'yo po bang gumastos ng ganun... kailangan ko po ang pera n'yo sir. 'Yan po ang habol ko dito."

"If you sign the contract we'll proceed to your mother's transplant and we'll have her the best doctor in the country for it. But you know the aftermath Mr. Perkin. I don't want you to regret afterwards. That's why the choice will always be yours."

Wala na akong choice ito na ang kailangan ko. Hindi na dapat pa ako maging mapili. Kaya pikit mata kong pinirmahan ang kontrata.

"Are you sure about it? Right after I sign that piece of paper I will have it notorize and if you bend any of the agreement, I can punish you for it." He assured.

"Oo, sigurado na ako d'yan at dapat gawin mo rin ang parte mo." I affirmed.

Kinuha niya ang bondpaper sa akin at pinirmahan iyon.

"I will gladly do my part. Then can we seal it?"

Kumunot ang noo ko sa kanya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin. He bend and move his head closer to me. Kaya napasandal ako sa kinauupuan ko.

"Paano?" tanong ko. Hindi ko kasi alam kung anong klaseng selyo ang tinutukoy niya.

He smirked before cupping my face and put his lips on mine.

Lumaki ang mata ko sa ginawa niya. Dinilaan niya ang labi ko bago siya umayos ng tindig. Hinawakan niya ang labi niya at pinahid doon ang  hinlalaki niya at dinala sa bibig niya.

"I like grapes than cherry but I guess I like cherries now."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status