Share

Owned By Mr. Verano
Owned By Mr. Verano
Author: Athena Beatrice

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-08-05 18:13:55

"Break na tayo, Ysabel. Hindi na ako masaya sa kung anong meron tayo."

Ilang salitang umalingawngaw sa isip ni Ysabel kahit ilang linggo na ang lumipas mula nang binanggit ito ni Marco Verano, ang lalaking minahal niya ng apat na taon. Wala man lang awa. Wala man lang paliwanag. Isang simpleng hiwalayan na parang walang saysay ang lahat ng pinagsamahan nila.

Masakit. Mas lalong nakakahiya. Lalo pa’t wala siyang ideya kung anong dahilan—hanggang sa isang araw, nakita niya ito sa social media: bagong babae, bagong kotse, bagong mundo.

Siya, naiwan sa isang maliit na apartment, nakatitig sa resumé, umiiyak habang sinusubukang bumangon.

"Ma'am, here’s your caramel macchiato."

Naputol ang alaala ni Ysabel sa boses ng barista. Kinuha niya ang kape, bahagyang ngumiti, saka bumalik sa pagtitig sa kanyang laptop. Isa na lang application. Isa na lang sana. At baka sa wakas... may tumanggap sa kanya.

Kaya nang matanggap niya ang email mula sa Verano Holdings, hindi siya makapaniwala.

Interview. Sa mismong kompanya ng pamilya ng ex niya.

'Pwede bang umabot sa gano'ng level ang malas?'

Pero hindi siya umatras. Dahil kailangan niyang mabuhay. Hindi niya kayang ipagpatuloy ang ganitong sitwasyon habang may inang may iniindang sakit sa puso, at amang halos walang kinikita sa araw-araw.

Mataas ang building ng mga Verano, kasing taas ng pride na nilunok niya para lamang humarap sa mga taong isang araw ay posibleng maging kapamilya niya, kung hindi lang siya iniwan ni Marco.

Elegante rin ang reception area. Malamig ang simoy ng aircon. Mamahaling carpet, marble flooring, at chandeliers. Lahat ng bagay ay sumisigaw ng yaman at kapangyarihan.

"May hinahanap po ba kayo, Ma’am?" tanong ng receptionist.

"Yes, interview po for marketing assistant. Anong floor po iyon?"

"Third elevator to your right. 30th floor. Diretso po kayo sa Executive Lounge. Si Mr. Verano na raw po mismo ang makakausap niyo."

Natigilan siya.

"Mr. Verano? Si Marco?!"

Pero sa bawat hakbang niya papunta sa elevator, unti-unti ring bumigat ang pakiramdam niya.

Pagdating sa 30th floor, hindi niya agad napansin ang opisina. Tahimik. Walang assistant. Bukas lang ang pinto ng isang executive office.

"Pasok," ani ng baritonong boses mula sa loob.

Hindi boses iyon ni Marco.

Pagpasok niya, bumungad ang isang lalaking nakatalikod, nakasuot ng itim na suit. Matangkad. Malapad ang balikat. Tahimik itong nagbabasa ng dokumento. Elegante. Nakakatakot.

"Umupo ka," utos nito, ni hindi siya tiningnan.

Pag-upo niya, saka lang ito tumingin.

At ang buong mundo ni Ysabel ay tila huminto.

Si Leonardo Verano.

Hindi si Marco.

Si Leonardo, ang misteryosong tiyuhin ni Marco, CEO ng Verano Holdings, at itinuturing na ‘phantom billionaire’ ng bansa.

Walang masyadong lumalabas na picture ang taong ito. Pero kilala siya bilang walang inuurungan sa negosyo. Malamig. Tahimik. Mapanganib kung ngumiti.

At ngayon.. siya ang nasa harapan niya.

"Ysabel Dela Peña," basang-basa nitong binigkas ang pangalan niya. Twenty-one years old. Cum laude. May internship sa dalawang kompanya. Maganda ang record."

Hindi siya makapagsalita. Hindi dahil sa kaba sa interview, kundi dahil sa lalaking kaharap niya.

"Kilala kita."

Napakagat siya ng labi. “Alam ko pong pamangkin niyo si Marco…”

"Yes. Ex mo siya."

Tumango siya, bahagyang nag-init ang pisngi.

"At kahit ganon, nag-apply ka pa rin dito."

“Dahil kailangan ko ng trabaho, sir,” sagot niya ng matatag.

"At anong gagawin mo kung ako ang magdesisyong hindi ka tatanggapin? Dahil sa conflict of interest? O dahil sa history mo sa pamangkin ko?"

Lumunok siya. "Wala po akong balak balikan ang pamangkin niyo. At wala rin akong balak gamitin ang koneksyon na iyon para makapasok dito. Lahat po ng isinumite ko ay base sa kakayahan ko."

Tahimik si Leonardo. Isang uri ng katahimikan na para bang sinusukat niya ang bawat galaw ni Ysabel.

Hanggang sa bigla itong tumayo. Lumapit sa kanya.

Hindi niya maintindihan kung bakit unti-unting bumibilis ang tibok ng puso niya.

Tumigil ito sa harapan niya. Matangkad. Malapit. Mabango.

"You're brave," mahina nitong sabi. “I like that.”

Inabot nito ang isang folder. “Welcome to Verano Holdings. Starting Monday ay magtatrabaho ka na sa kumpanya ko."

Sobrang saya ni Ysabel noon pero may kaba pa rin siyang nararamdaman kay Leonardo.

Akala niya’y tapos na ang tensyon. Pero bago siya makaalis ay tinawag ulit siya ni Leonardo.

“Ysabel.”

"Po?" may kaba pa rin sa boses niya.

"Bago ka umalis, gusto kong malaman mo na Marco wants you back."

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang marinig niya iyon.

"Sir, wala na kami. Tapos na. Matagal na."

Ngumiti si Leonardo. Isang mapanganib, malamig na ngiti.

“Alam ko. Kaya nga ako nauuna ngayon.”

Napalunok siya. “Ano pong ibig sabihin ng sinabi niyong iyan?”

“Marami akong kayang gawin, Ysabel. Pero ayokong hayaan kang hawakan ulit ng sinumang lalaking hindi marunong mag-alaga sa'yo. Kaya ako na ang bahala sa’yo simula ngayon. Kung papayag ka.”

"Anong... klaseng kapalit po ba ang gusto niyo?"

Saglit siyang sinipat ng lalaki, at sa isang iglap, ang dating malamig na CEO ay naging isang nilalang na tila gutom, hindi sa pagkain, kundi sa kontrol niya sa sarili.

“Simple lang naman ang kapalit nito.”

Hinawakan nito ang kamay niya.

“Magiging akin ka.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 9

    Isang buwan na ang lumipas mula noong gabing unang hinalikan ni Ysabel si Leonardo. Isang buwan mula noong unti-unting gumuho ang dingding na itinayo niya sa pagitan nila. Isang buwan ng mga gabing hindi laging mainit, pero laging magkatabi. Isang buwan ng mga umagang tahimik ngunit puno ng kabuntot na kilig, at mga hapong may kasamang sulyap at alok ng kape. Wala pang pormal na pag-amin. Walang "mahal kita." Pero sabay na sila kung gumising. May mga daliring magkahawak sa dining table. May mga matang nagkakaintindihan kahit walang salita. At kung may tawag man dito, maaaring hindi pa ito "pag-ibig." Pero tiyak, ito na ang simula noon. Nagising si Ysabel sa liwanag na tumatagos sa mga kurtina. Nakapikit pa ang isang mata habang kinikiskis ang isa. Paglingon niya, wala na si Leonardo sa tabi niya, gaya ng dati. Pero may kapalit. Isang tray ng agahan s

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 8

    Tahimik ang buong mansion.Sa labas, ang mga ilaw sa hardin ay tila bituin na bumaba sa lupa. Sa loob, ang marble floors ay kuminang sa liwanag ng mga chandelier. Ngunit sa gitna ng karangyaan, may dalawang pusong nananatiling nasa gilid ng pagkalito.Isa na rito si Ysabel na nakatayo sa harap ng malaking bintana sa kwarto nila, hawak ang isang baso ng tubig habang pinagmamasdan ang dilim ng gabi.Hindi niya alam kung anong iniintay niya.Hindi niya alam kung bakit ang damdamin niya’y tila unti-unting nalulunod sa katahimikan.Ang isa pa, si Leonardo ay nakaupo sa library, suot pa rin ang dark navy shirt na tila hinulma sa katawan niyang laging may tikas. Hindi na siya nagbabasa. Nakatingin na lang siya sa apoy mula sa fireplace.Iniisip kung dapat na ba siyang umakyat. Kung dapat ba niyang lapitan si Ysabel.O kung handa na siyang tanggapin kung sakaling ito na ang simula ng wakas nilang dalawa.sang mahinang p

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 7

    Mula noong pagbabalik ni Marco, parang nag-iba ang ihip ng hangin sa Verano mansion. Tahimik pa rin si Leonardo. Ganoon pa rin siya kung kumilos. Maingat, kontrolado, at halos hindi mo mabasa. Ngunit si Ysabel, bagamat walang sinasabi, ay ramdam ang paninigas ng bawat salitang hindi binibitawan ng kanyang asawa. Tuwing tatahimik ang paligid, mas naririnig niya ang bigat ng presensya ni Leonardo. Wala siyang sinasabi tungkol kay Marco… pero alam niyang hindi ito nakakalimot. At sa mga mata ng isang tulad ni Leonardo Verano, ang hindi sinasabi… iyon ang pinakanakakatakot. Si Ysabel ay tuloy pa rin sa pagtatrabaho, hindi bilang trophy wife, kundi bilang executive assistant ng legal department, posisyon na ibinigay sa kanya ni Leonardo mismo matapos ang kasal. Hindi niya hiniling ang posisyon. Pero tinanggap niya. Ayaw niyang mabuhay na umaasa lang sa asawa niya. Gusto niyang patunayan na kaya niyang tumayo kahit sa piling ng pinakamakapangyarihang lalaki sa buong Maynila. Ngunit si

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 6

    Tahimik ang gabi sa Verano mansion. Sa labas, maririnig lang ang mahinang patak ng tubig mula sa marble fountain sa hardin. Sa loob, naroon si Leonardo, nakaupo sa harap ng fireplace, hawak ang isang baso ng whisky, habang binabasa ang financial report ng isa sa mga subsidiary companies. Tahimik. Maayos. Kontrolado. Gaya ng buhay na pinili niya. Pero kahit gaano kahinog ang katahimikan, kahit gaano kasarado ang mga pinto ng kanyang mundo, may mga bagay pa ring kayang gumambala sa kanya. Isang pangalan. Isang pagbabalik. Si Marco. "He's back, sir," sabi ni Ruth, ang matagal na niyang executive assistant, habang nakatayo sa pintuan ng opisina niya kinabukasan. Napalingon si Leonardo, walang emosyon sa mukha. Inayos lang niya ang kurbata, tumango, saka muling bumalik sa pagbabasa ng dokumento. “Anong pakay niya?” tanong niya kay Ruth, malamig ang boses niya. “Hindi niya sinabi. Pero gusto raw po kayong makausap. Personal daw po sana.” Hindi kaagad sumagot si Leonardo. Ngunit sa

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 5

    Nanginginig ang kamay ni Ysabel habang pinipirmahan ang marriage certificate nila. Isang lagda lang ang kailangan. Isang pirma lang sa papel na pipigil sa pagkamatay ng nanay niya. Isang lagda na magsasalba sa kanila mula sa pagkabaon sa utang. ‘Isang lagda… na ibinibenta ko ang aking sarili sa isang lalaking hindi ko mahal. Ni hindi ko kilala.’ “YSABEL DELA PEÑA-VERANO.” Ang pangalan na ‘yon ay ang bagong Ysabel. Walang simbahan. Walang singsing. Walang saksi. Civil wedding lang ang kasal ng dalawa. Private. Tahimik. Walang ligaya. Walang yakapan. Walang halikan. Si Leonardo, nakasuot ng simpleng black suit. Si Ysabel, naka-white na dress na hindi namalayan ni Ysabel na couture pala, pinili iyon mismo ni Leonardo para sa kanya. Pinapirma lang sila ng judge. Tahimik si Leonardo buong seremonya. Walang ngiti. Walang emosyon. Pero ramdam ang bigat ng kanyang titig mula simula hanggang matapos ang seremonya. Parang sinasakal si Ysabel ng presensya niya. Pero ang mas nakakata

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 4

    (Leonardo's POV) Akala nila, hindi ako marunong magmahal. At hindi ko sila masisisi sa pag-iisip ng ganun. Sanay akong magdesisyon nang walang emosyon. Sa mundo ko, ang kahinaan ay kapantay ng kamatayan at ang damdamin ay isang bisyong hindi ko kailanman pinayagang tumubo sa puso at isip ko. Pero minsan, kahit gaano ka pa kahigpit sa sarili, may isang taong darating para sirain ang lahat ng pinaniniwalaan mo. At para sa akin, iyon si Ysabel Dela Peña. Tatlong taon na ang nakakalipas. Isang gabi, umuulan noon. Meron akong isang dinner meeting sa isang sikretong restaurant. Bored ako. Wala akong gana. Habang nag-uusap ang board, napatingin ako sa bintana. At doon ko siya nakita. Basang-basa, nakasuot ng manipis na blouse, nakayuko habang may kausap sa kanyang cellphone. At pagkatapos, umiyak siya ng umiyak noon. Tila walang pakialam sa mundong nakatingin sa kanya. She was raw. She was Real. Puno ng damdamin ang babaeng iyon. Napako ang tingin ko sa kanya. Ilang minuto lan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status