Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2025-08-05 18:13:58

Nabitiwan ni Ysabel ang folder.

“Anong sabi n’yo?” bulong niya, halos hindi makapaniwala sa narinig.

Tahimik lang si Leonardo. Wala siyang bakas ng pagbawi sa sinabi. Matatag ang tingin niya, para bang sanay siyang sabihin ang mga bagay na makakasindak sa kahit sino at manahimik pagkatapos.

“Hindi ako nakikipag kompetensya sa pamangkin ko,” aniya. “Pero hindi ko hahayaang bumalik ka pa sa kanya.”

“Hindi ko naman po balak balikan si Marco.” Nag-init ang mukha ni Ysabel. “Pero kung iniisip n’yong dahil lang sa nakaraan namin ay—”

“Wala akong pakialam sa nakaraan n’yo,” malamig niyang putol. “Ang gusto kong malaman mo, Ysabel, ay ito. Ako ang magbibigay ng lahat ng kailangan mo.”

Yumuko siya. Hindi niya alam kung matatawa, maiinis, o matatakot.

“Para saan, sir? Kapalit ng ano?”

Muling lumapit si Leonardo, mabagal ang hakbang, hanggang sa maramdaman niya ang init ng hininga nito malapit sa kanyang tainga.

“Kapalit ng ikaw.”

Walang kahit anong formality o romantikong ligawan. Walang paligoy-ligoy. Walang pagbibigay ng bulaklak o chocolate sa kanya. Iba si Leonardo. Ang mga gusto niya, kinukuha niya.

At ngayon, gusto niya si Ysabel.

Hindi dahil siya ang pinakamaganda. Hindi dahil gusto lang niyang inisin ang pamangkin niya.

Gusto niya ito dahil may alam siya sa sakit ng pagkalugmok at nakita niya ito kay Ysabel.

Pero si Ysabel, hindi sanay sa ganitong mundo. Hindi sanay sa mga alok na may kapalit. Napatanong tuloy siya.

“Bakit ako, Mr. Verano?”

Tahimik lang si Leonardo.

Nagtama ang mga mata nila. Walang kumurap ni isa sa kanila.

“Dahil ayokong masayang ka. At ayoko nang may lalaking sumira pa sa’yo.”

“Hindi ko kailangan ng tagapagligtas.” Madiin na sagot ni Ysabel.

“Hindi ako tagapagligtas. Ako ang may-ari sa mga tao o bagay na gusto kong kunin.”

“Hindi niyo ako pag-aari. Hindi ako isang bagay na itatapon niyo lang kapag gusto niyo nang itapon.”

“Hindi pa.”

Pagkauwi, bitbit ang folder, nanginginig pa rin ang kamay niya. Ang bawat salita ni Leonardo ay tila nakatatak sa isip niya.

“Ako ang bahala sa'yo.”

“Kapalit ng ikaw.”

“Hindi pa.”

Sinulyapan niya ang resume niya sa mesa. Marami na siyang pinuntahang interviews. Ilan sa mga kompanya, hindi man lang siya tinawagan pabalik. Ngayon, isang kumpanya na halos imposibleng mapasukan, biglang nagbukas ng pinto sa kanya, hindi lang dahil sa credentials niya.

Kundi dahil sa kanya. Sa mismong pagkatao niya.

‘Hindi ko kayang tanggapin ‘yon. Hindi ko kayang ibenta ang sarili ko.’

Pero nang marinig niyang muli ang ubo ng kanyang ina mula sa kabilang kwarto, unti-unting nadurog ang pride na buo pa sana.

‘Hindi ito tungkol sa akin. Tungkol ito sa kanila.’

Kinabukasan, habang kumakain si Ysabel at ang mga magulang niya ay may narinig silang kotse. Lumabas si Ysabel para tingnan iyon.

Isang itim na luxury car ang huminto sa labas ng bahay nila. Bumungad ang isang lalaking naka-itim na sunglasses.

“Miss Ysabel?” tanong ng driver.

“Opo? Ako po iyon. Bakit?”

“Pinapasundo po kayo ni Mr. Verano. May gusto po yata siyang pag-usapan po ninyo.”

Nagdalawang-isip siya. Pero sa huli, sumakay rin siya. Ni hindi na nga nakapag-paalam sa kanyang mga magulang.

Pagdating sa isang pribadong property sa Tagaytay, sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin at tanawing parang paraiso. Isang modernong bahay na gawa sa salamin at bato. Tahimik. Malayo sa ingay ng Maynila.

Nandoon si Leonardo, nakaupo sa balcony, may hawak na baso ng alak, nakasuot ng simpleng gray shirt at slacks.

Hindi businessman. Hindi intimidating.

Tao. Simpleng tao lang siya.

“Umupo ka,” aniya nang mapansin si Ysabel.

Tahimik siyang naupo.

“Ano ‘to, sir?”

Muling lumingon si Leonardo. Sa unang pagkakataon, tila may bahid ng pagod ang mukha nito. O lungkot. O... pangungulila? Hindi malaman ni Ysabel.

“Alam mo bang namatay ang magulang ko sa isang aksidente?” panimula niya.

Umiling si Ysabel.

“Limang taon pa lang ako noon. At simula no’n, ako na ang itinulak ng pamilya ko sa kumpanya. Ako ang dapat magtagumpay lagi. Ako ang dapat magpakalayo sa gulo. Ako ang nag-iisang Verano na walang kahinaan. Dapat.

Tahimik pa rin si Ysabel.

“Hanggang ngayon, tingin nila sa akin, bato. Wala akong puso. Laging galit. Laging malayo ang loob sa lahat.”

Bumaling ito sa kanya.

“Pero noong araw na iniwan ka ni Marco… nakita kita. Nandoon ako sa restaurant, nakita kitang naglalakad, umiiyak. Wala kang kaalam-alam, pero sinundan kita hanggang sa taxi na sinakyan mo.”

Napasinghap siya.

“Hindi ko alam kung bakit. Pero simula noon… hindi ko na magawang hindi ka bantayan.”

“Hindi ko ito ginagawa para manipulahin ka. At hindi ko rin sasabihing mahal kita ngayon, dahil hindi naman kita kilala.”

“Pero may gusto ako.”

Napalunok si Ysabel. Kinakabahan na.

“Ng ano po?”

“Ng isang kasunduan.”

“Na?”

“Tutulungan kita. Pagagalingin natin ang nanay mo. Bibigyan kita ng trabaho. Isang buhay na panatag para sa ating dalawa.”

“At ang kapalit?”

“Ikaw. Sa tabi ko. Hindi para maging alila. Hindi para maging babae lang sa kama. Kundi para maging sa akin, sa lahat ng aspeto ng buhay ko.”

Hindi makapagsalita si Ysabel noon dahil sa gulat. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga sinasabi ni Leonardo.

“Magpakasal tayo, Ysabel.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 9

    Isang buwan na ang lumipas mula noong gabing unang hinalikan ni Ysabel si Leonardo. Isang buwan mula noong unti-unting gumuho ang dingding na itinayo niya sa pagitan nila. Isang buwan ng mga gabing hindi laging mainit, pero laging magkatabi. Isang buwan ng mga umagang tahimik ngunit puno ng kabuntot na kilig, at mga hapong may kasamang sulyap at alok ng kape. Wala pang pormal na pag-amin. Walang "mahal kita." Pero sabay na sila kung gumising. May mga daliring magkahawak sa dining table. May mga matang nagkakaintindihan kahit walang salita. At kung may tawag man dito, maaaring hindi pa ito "pag-ibig." Pero tiyak, ito na ang simula noon. Nagising si Ysabel sa liwanag na tumatagos sa mga kurtina. Nakapikit pa ang isang mata habang kinikiskis ang isa. Paglingon niya, wala na si Leonardo sa tabi niya, gaya ng dati. Pero may kapalit. Isang tray ng agahan s

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 8

    Tahimik ang buong mansion.Sa labas, ang mga ilaw sa hardin ay tila bituin na bumaba sa lupa. Sa loob, ang marble floors ay kuminang sa liwanag ng mga chandelier. Ngunit sa gitna ng karangyaan, may dalawang pusong nananatiling nasa gilid ng pagkalito.Isa na rito si Ysabel na nakatayo sa harap ng malaking bintana sa kwarto nila, hawak ang isang baso ng tubig habang pinagmamasdan ang dilim ng gabi.Hindi niya alam kung anong iniintay niya.Hindi niya alam kung bakit ang damdamin niya’y tila unti-unting nalulunod sa katahimikan.Ang isa pa, si Leonardo ay nakaupo sa library, suot pa rin ang dark navy shirt na tila hinulma sa katawan niyang laging may tikas. Hindi na siya nagbabasa. Nakatingin na lang siya sa apoy mula sa fireplace.Iniisip kung dapat na ba siyang umakyat. Kung dapat ba niyang lapitan si Ysabel.O kung handa na siyang tanggapin kung sakaling ito na ang simula ng wakas nilang dalawa.sang mahinang p

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 7

    Mula noong pagbabalik ni Marco, parang nag-iba ang ihip ng hangin sa Verano mansion. Tahimik pa rin si Leonardo. Ganoon pa rin siya kung kumilos. Maingat, kontrolado, at halos hindi mo mabasa. Ngunit si Ysabel, bagamat walang sinasabi, ay ramdam ang paninigas ng bawat salitang hindi binibitawan ng kanyang asawa. Tuwing tatahimik ang paligid, mas naririnig niya ang bigat ng presensya ni Leonardo. Wala siyang sinasabi tungkol kay Marco… pero alam niyang hindi ito nakakalimot. At sa mga mata ng isang tulad ni Leonardo Verano, ang hindi sinasabi… iyon ang pinakanakakatakot. Si Ysabel ay tuloy pa rin sa pagtatrabaho, hindi bilang trophy wife, kundi bilang executive assistant ng legal department, posisyon na ibinigay sa kanya ni Leonardo mismo matapos ang kasal. Hindi niya hiniling ang posisyon. Pero tinanggap niya. Ayaw niyang mabuhay na umaasa lang sa asawa niya. Gusto niyang patunayan na kaya niyang tumayo kahit sa piling ng pinakamakapangyarihang lalaki sa buong Maynila. Ngunit si

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 6

    Tahimik ang gabi sa Verano mansion. Sa labas, maririnig lang ang mahinang patak ng tubig mula sa marble fountain sa hardin. Sa loob, naroon si Leonardo, nakaupo sa harap ng fireplace, hawak ang isang baso ng whisky, habang binabasa ang financial report ng isa sa mga subsidiary companies. Tahimik. Maayos. Kontrolado. Gaya ng buhay na pinili niya. Pero kahit gaano kahinog ang katahimikan, kahit gaano kasarado ang mga pinto ng kanyang mundo, may mga bagay pa ring kayang gumambala sa kanya. Isang pangalan. Isang pagbabalik. Si Marco. "He's back, sir," sabi ni Ruth, ang matagal na niyang executive assistant, habang nakatayo sa pintuan ng opisina niya kinabukasan. Napalingon si Leonardo, walang emosyon sa mukha. Inayos lang niya ang kurbata, tumango, saka muling bumalik sa pagbabasa ng dokumento. “Anong pakay niya?” tanong niya kay Ruth, malamig ang boses niya. “Hindi niya sinabi. Pero gusto raw po kayong makausap. Personal daw po sana.” Hindi kaagad sumagot si Leonardo. Ngunit sa

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 5

    Nanginginig ang kamay ni Ysabel habang pinipirmahan ang marriage certificate nila. Isang lagda lang ang kailangan. Isang pirma lang sa papel na pipigil sa pagkamatay ng nanay niya. Isang lagda na magsasalba sa kanila mula sa pagkabaon sa utang. ‘Isang lagda… na ibinibenta ko ang aking sarili sa isang lalaking hindi ko mahal. Ni hindi ko kilala.’ “YSABEL DELA PEÑA-VERANO.” Ang pangalan na ‘yon ay ang bagong Ysabel. Walang simbahan. Walang singsing. Walang saksi. Civil wedding lang ang kasal ng dalawa. Private. Tahimik. Walang ligaya. Walang yakapan. Walang halikan. Si Leonardo, nakasuot ng simpleng black suit. Si Ysabel, naka-white na dress na hindi namalayan ni Ysabel na couture pala, pinili iyon mismo ni Leonardo para sa kanya. Pinapirma lang sila ng judge. Tahimik si Leonardo buong seremonya. Walang ngiti. Walang emosyon. Pero ramdam ang bigat ng kanyang titig mula simula hanggang matapos ang seremonya. Parang sinasakal si Ysabel ng presensya niya. Pero ang mas nakakata

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 4

    (Leonardo's POV) Akala nila, hindi ako marunong magmahal. At hindi ko sila masisisi sa pag-iisip ng ganun. Sanay akong magdesisyon nang walang emosyon. Sa mundo ko, ang kahinaan ay kapantay ng kamatayan at ang damdamin ay isang bisyong hindi ko kailanman pinayagang tumubo sa puso at isip ko. Pero minsan, kahit gaano ka pa kahigpit sa sarili, may isang taong darating para sirain ang lahat ng pinaniniwalaan mo. At para sa akin, iyon si Ysabel Dela Peña. Tatlong taon na ang nakakalipas. Isang gabi, umuulan noon. Meron akong isang dinner meeting sa isang sikretong restaurant. Bored ako. Wala akong gana. Habang nag-uusap ang board, napatingin ako sa bintana. At doon ko siya nakita. Basang-basa, nakasuot ng manipis na blouse, nakayuko habang may kausap sa kanyang cellphone. At pagkatapos, umiyak siya ng umiyak noon. Tila walang pakialam sa mundong nakatingin sa kanya. She was raw. She was Real. Puno ng damdamin ang babaeng iyon. Napako ang tingin ko sa kanya. Ilang minuto lan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status