Pagkatapos ng mahaba-habang katahimikan, bumangon si Leonardo mula sa kama at tinabihan si Ysabel na nakahiga pa rin, nakabalot sa kumot. Napansin niyang namumula pa rin ang pisngi ng asawa, kaya’t hindi niya naiwasang tumawa nang mahina. “Bakit?” reklamo ni Ysabel, nagtatago ng mukha sa unan. “Nothing,” sagot ni Leonardo, nakangiting parang batang nakahanap ng bagong paborito. “I just never thought you could look this beautiful in the morning. Natural, raw and mine.” Napasinghap si Ysabel at tinapik siya ng unan. “Corny mo!” Ngunit halatang kinikilig siya. Humiga ulit si Leonardo, nilapat ang noo sa kanya. “Kung corny ang mahalin ka, then I’ll be corny forever.” Napatawa si Ysabel, sabay yakap sa kanya nang mahigpit. “Alam mo ba, Leonardo… all this time, iniisip ko kung totoo ba talaga ang pagmamahal mo. Kasi ang daming hadlang, ang daming taong pilit na sumisira sa atin. Pero after last night…” Napatingin siya sa mga mata nito, puno ng katiyakan. “Now I know. Hindi na ako magdu
Naramdaman niyang bumabalik ang takot na mawalan ng tiwala, takot na niloloko siya sa likod ng mga salitang “mahal kita.” Pinilit niyang lumayo sa kama, naglakad-lakad sa kwarto, ngunit bawat segundo ay parang pinapakita sa isip niya ang picture at video. Ilang sandali pa, narinig niya ang pagbukas ng pinto. Dumating si Leonardo, halatang pagod galing sa meeting. May dala pa itong folder ng mga papeles. “Ysabel? Gising ka pa pala. Pasensya na, natagalan ang meeting ko.” Hindi siya agad sumagot. Tinitigan lang niya ito, magkahalong sakit, duda, at galit ang nararamdaman. Pinilit niyang itago ang luha pero hindi niya napigilan ang mabigat na buntong-hininga. “Meeting ba talaga ‘yon… o si Anais na naman ang kausap mo?” Natigilan si Leonardo, hindi inaasahan ang tanong. Nanlamig ang pakiramdam ni Leonardo nang makita niya ang hawak na phone ni Ysabel. Nakatutok sa kanya ang mga screenshot at ang video na ipinadala ng anonymous account. “Paano mo ipapaliwanag ‘to sa akin, Leonardo
Lumabas ng private room si Leonardo, halatang inis at pagod matapos ang engkwentro kay Anais. Hindi niya alam na mula sa kabilang sulok ng lobby, may paparazzi na palihim na kumukuha ng picture nila kanina pa. Dalawang picture ang nakuha ng paparazzi. Una, habang nakaupo si Leonardo at si Anais sa parehong mesa, nakahilig pa si Anais palapit sa kanya. Ikalawa, nang tumayo si Anais at bahagyang lumapit, na para bang intimate ang kanilang posisyon kaya aakalain ng mga tao na may something sa kanila. Sa lente ng camera, parang isang date ang nangyari, hindi isang business meeting. Sabi ng paparazzi, "Perfect headline for this. Verano Holdings CEO spotted with mysterious woman in red." Nakaupo si Ysabel sa kama, hawak ang kanyang cellphone. Nakatanggap siya ng notification mula sa social media. "Leonardo Verano, caught with stunning ex-girlfriend at a hotel. Is it trouble in paradise?" Napahinto ang kanyang hininga nang makita ang pictures. Si Leonardo, kasama si Anais. Ang pareho
Maagang nagising si Leonardo. Suot ang kanyang puting polo, abala siya sa pagbabasa ng ilang confidential reports sa laptop. Tahimik naman si Ysabel na nag-aayos ng mesa para sa almusal. Biglang tumunog ang telepono ni Leonardo. Isang unknown number. Napakunot ang kanyang noo habang binabasa ang message. "Mr. Verano, a high-profile potential client, is interested in investing with Verano Holdings. Confidential meeting, Peninsula Hotel, 3 PM." Walang pangalan. Pero malinaw ang intensyon, isang oportunidad para sa kumpanya ng mga Verano. "Potential client… at confidential pa." Nilapitan siya ni Ysabel, dala ang isang tasa ng kape. "Leonardo? May problema ba?" Agad niyang pinilit ngumiti, ayaw ipakita na nagdududa siya. "May biglaang meeting daw ako. Potential client. Confidential, kaya kailangan kong pumunta. Mamayang hapon." Bahagyang tumigil si Ysabel, bakas ang alinlangan sa kanyang mukha. "Confidential? Parang ang sketchy naman nun. Sigurado ka bang legit iyan?" Hinaplos
Tahimik ang buong mansion matapos ang engrandeng party ng Verano Holdings. Nakaalis na ang lahat ng bisita, ngunit hindi pa rin maalis sa hangin ang bigat ng tensyon. Sa loob ng master bedroom, nakaupo si Ysabel sa harap ng vanity mirror. Mabigat ang kanyang dibdib habang dahan-dahang tinatanggal ang hikaw, pero ang isip niya ay malayo pa rin. Bumabalik sa eksenang naganap kanina sa party, nang humarap sa kanya si Anais. Kahit anong pilit niyang iwaksi sa isip, malinaw pa rin ang bawat salita at bawat mapanuyang titig na ibinato nito sa kanya. Para bang lahat ng insecurities na pilit niyang tinatabunan ay muling sumabog sa harap ng maraming tao. Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok si Leonardo, halatang pagod din mula sa kaganapan. Tinanggal niya ang coat at inilapag iyon sa sofa. Sandaling pinagmasdan niya si Ysabel na nakatalikod, bago marahang lumapit. Hinawakan niya ang balikat nito, ngunit agad na umiwas si Ysabel. “Ysabel, please, let’s talk.” Hindi kaagad sumagot ang
Makaraan ang ilang linggo. Isang engrandeng party ang inihanda ng Verano Holdings para sa kanilang mga kliyente at business partners. Punong-puno ng ilaw, musika, at mamahaling alak ang ballroom. Naka-gown si Ysabel, simple ngunit elegante, samantalang si Leonardo ay naka-itim na tux na lalong nagbigay ng charisma sa kanya. Ngunit hindi pa man nagsisimula ang kasiyahan para sa kanila, bigla na lang silang napalingon nang dumating ang pamilya Villareal. At sa unahan nito, nakasuot ng pulang gown na kumikislap sa bawat hakbang, naroon si Anais Villareal. Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Ysabel. Hindi man niya gustuhin, ramdam niya ang pag-akyat ng selos sa kanyang dibdib. Lumapit si Anais sa kanila pero kay Leonardo ito naka-focus. “Leonardo… it’s been a while.” Seryoso at walang emosyon namang sumagot si Leonardo. Halatang ayaw niya sa presensya ng kanyang ex-girlfriend pero wala siyang magawa. “Anais.” Napatingin si Anais kay Ysabel, mula ulo hanggang paa at bahagyang