Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2025-08-05 18:14:12

Nanginginig ang kamay ni Ysabel habang pinipirmahan ang marriage certificate nila.

Isang lagda lang ang kailangan.

Isang pirma lang sa papel na pipigil sa pagkamatay ng nanay niya. Isang lagda na magsasalba sa kanila mula sa pagkabaon sa utang.

‘Isang lagda… na ibinibenta ko ang aking sarili sa isang lalaking hindi ko mahal. Ni hindi ko kilala.’

“YSABEL DELA PEÑA-VERANO.”

Ang pangalan na ‘yon ay ang bagong Ysabel.

Walang simbahan. Walang singsing. Walang saksi.

Civil wedding lang ang kasal ng dalawa. Private. Tahimik. Walang ligaya. Walang yakapan. Walang halikan.

Si Leonardo, nakasuot ng simpleng black suit. Si Ysabel, naka-white na dress na hindi namalayan ni Ysabel na couture pala, pinili iyon mismo ni Leonardo para sa kanya.

Pinapirma lang sila ng judge. Tahimik si Leonardo buong seremonya. Walang ngiti. Walang emosyon. Pero ramdam ang bigat ng kanyang titig mula simula hanggang matapos ang seremonya.

Parang sinasakal si Ysabel ng presensya niya.

Pero ang mas nakakatakot?

Hindi gusto ni Ysabel na makawala sa kanya.

Hindi bahay ang inuwian niya kung hindi isang mansion.

Mansion. Mayaman na siya. Kaya na niyang buhayin ang kanyang pamilya.

Pagbaba ni Ysabel sa kotse, napalunok siya sa sobrang laki ng mansion na nasa harapan niya. Parang castle sa loob ng isang private subdivision sa Forbes. May fountain. May hardin. May malaking gate na parang security ng Malacañang.

“Dito ka na titira mula ngayon,” sabi niya.

“Huwag ka nang gumamit ng ‘po’ sa akin,” sabi niya bigla, malamig pero hindi bastos. “Mag-asawa na tayo. At hindi kita pinili para lang tratuhin na stranger dito sa bahay ko.”

“Okay,” mahinang sagot ni Ysabel.

Pinagbuksan sila ng pinto ng maid. Tahimik ang buong paligid.

“Anong gusto mong kuwarto rito? Pumili ka na,” tanong niya habang pinapakita ang hallway.

“Hiwalay tayo ng kwarto,” sagot ni Ysabel agad.

Tumango siya. “Gagawin ko lahat ng kaya ko para maramdaman mong ligtas ka rito. Wala akong ipipilit sa’yo. Promise iyan.”

Nakahiga si Ysabel sa isang king-sized bed na pakiramdam niya ay hindi bagay sa kanya. Ang bedsheet ay kulay puti. Para siyang isang prinsesa. Ang unan ay masyadong malambot. Ang aircon ay masyadong malamig.

Pero ang pakiramdam niya?

Mas malamig pa sa kama ang katotohanang siya ay kasal na kay Leonardo Verano.

Kasama ng ilang damit, cellphone at iPad, may inabutan siyang folder sa bedside table niya.

Nakapatong ang isang note card.

“For anything you need, don’t hesitate to call me.

– L”

Mabilis akong napaupo.

Hindi niya alam kung kilig ba iyon o kaba pero may kakaiba siyang nadarama.

Ang dami tuloy tanong na pumapasok sa isip niya.

Gano’n ba siya sa lahat ng babae? Laging in control? Laging galante? Laging misteryoso?

O si Ysabel lang talaga ang pinili niyang kontrolin?

Kinabukasan, pagmulat ng mga mata niya ay narinig niya ang isang kaluskos.

Ang isang kasambahay ay may inaayos pala sa kwarto niya. Gulat man pero napangiti siya. Hindi nga isang panaginip ang nangyari kahapon. Isa na nga talaga siyang tunay na Verano.

“Ma’am, gising na po pala kayo. Ah, may pinapahanap lang si Sir Leonardo sa akin kaya po ako nandito pero pinapasabi din po niya na kung gising na raw po kayo ay bumaba na kayo. Nakahanda na po kasi ang pagkain doon.”

Ngumiti siya sa kasambahay at sumagot, “Sige, sasabay na kong bumaba sa’yo, Manang.”

“Sige po.”

Bumaba na nga sila noong kasambahay. Hindi niya alam kung anong ikikilos niya bilang ‘asawa’ ng isang Verano. Pero heto siya ngayon, nasa breakfast table, may kasamang chef at dalawang housekeeper, habang si Leonardo ay tahimik na nagbabasa sa tablet niya sa kabilang dulo ng lamesa.

“Good morning,” sabi ni Ysabel, mahina iyon pero mukhang narinig naman ni Leonardo.

Tumingin si Leonardo sa kanya.

“Good morning, Ysabel.”

Ang pagkakabanggit niya ng pangalan ni Ysabel ay tila bulong na matamis pero matalim.

“May kailangan ka ba ngayong araw?” tanong niya.

“Gusto kong dalawin ang Mama ko sa ospital,” sagot ni Ysabel. “Pwede naman siguro iyon, hindi ba?”

“May driver na naghihintay sa labas. Pero kung gusto mong ako ang sumama sa iyo, sabihin mo lang.”

Hindi makapagsalita si Ysabel noon.

Si Leonardo Verano, ang lalaking kinatatakutan sa business world… nag-aalok sumama kay Ysabel sa ospital, bilang asawa.

Hindi alam ni Ysabel kung ginagawa ito ni Leonardo dahil sa kasunduan nila.

O dahil… may nararamdaman na siyang totoo sa dalaga.

Nakangiti ang Mama ni Ysabel habang kausap si Leonardo. Tahimik lang siya, pero may paggalang sa boses. Hindi mo aakalain na siya ang lalaking tinatawag nilang malamig, brutal, walang puso.

Pero sa harap ng Mama ni Ysabel?

Gentle. Tahimik. Maalalahanin. Ganun ang awra niya.

Pag-alis nila, hindi napigilang magsalita ni Ysabel.

“Salamat ha.”

“Para saan?” tanong niya, hindi tumitingin kay Ysabel.

“Sa pagrespeto sa nanay ko. Sa hindi pagpaparamdam sa kanya na kung anong meron sa atin ay kasunduan lang.”

Tumingin siya kay Ysabel. Matagal. Tila sinusuri ang buong pagkatao ng asawa niya.

“Anong gusto mong isipin niya?” tanong niya.

“Na okay lang ako. Na hindi ako pinilit sa desisyon kong ito.”

“Hindi ka nga pinilit. Ikaw ang kusang lumapit sa akin.”

Pero ang susunod niyang sinabi…

“At kung darating ang araw na piliin mong manatili sa’kin, kahit wala na ang kasunduan natin, sana ang Mama mo ang unang makaalam noon.”

Tumingin si Ysabel sa bintana ng kotse. Ayaw ni Ysabel na makita ni Leonardo na ang mga mata niya ay naglalaban, ang luha at emosyon.

Kung anu-ano ang pumasok sa isip niya.

‘Hindi ko alam kung naii-in love na ako sa kanya. Pero alam ko ang isang bagay. Sa piling ni Leonardo, hindi ko nararamdaman na pangalawa lang ako.’

At sa ngayon, sapat na muna iyon para sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 110

    Madalas na ang pagpunta ni Clarisse sa mansion. Sa umpisa’y kasama pa niya ang iba nilang kaibigan, pero kalaunan, solo na lang siyang dumadalaw. Palaging may dalang pagkain o kung anu-anong pasalubong para kay Ysabel, pero hindi maikakaila ni Leonardo na tila siya ang tunay na dahilan ng pagbisita ng babae. Isang hapon, habang abala si Ysabel sa pag-aayos ng nursery room, naabutan ni Leonardo si Clarisse sa veranda, nakatayo at tila may hinihintay. “Hi, Leonardo,” malambing na bati ni Clarisse, sabay flip ng buhok. Nakasuot ito ng fitted dress na masyadong maiksi para sa casual na dalaw. “Nagkataon lang na malapit ako dito, so I thought I’d drop by. Baka gusto mong sabayan kita ng kape, you know.” Nag-angat ng kilay si Leonardo, malamig ang titig. “Ysabel’s upstairs. Tatawagin ko siya para sabay na kayo uminom ng kape.” Bahagyang nainis si Clarisse pero ngumiti pa rin. “Ay, hindi na. Busy siya sa taas, sabi ng kasambahay. Eh baka gusto mong may makausap habang wala siya. Pwede na

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 109

    Isang hapon, habang nakaupo si Ysabel sa veranda at nagbabasa ng libro tungkol sa pregnancy, narinig niya ang busina ng isang kotse sa labas ng gate ng mansion. “My love, may bisita ka,” sabi ni Leonardo habang papalapit, hawak ang isang tray ng hiwa-hiwang prutas at fresh juice. Napatingin si Ysabel at agad na ngumiti nang makita ang matalik niyang kaibigan na si Clarisse na bumaba ng kotse, may dalang paper bag na halatang may mga regalo. “Clarisse!” masayang sigaw ni Ysabel, agad na bumangon kahit medyo mabigat ang tiyan. “Dahan-dahan lang,” paalala agad ni Leonardo, mabilis na inalalayan ang asawa. “Huwag kang bigla-bigla, Ysabel.” Napangiti si Clarisse sa eksenang nakita niya. “Wow. Kung makapag-alaga ka naman, parang baby mo na rin si Ysabel, Leonardo,” biro niya habang papasok sa veranda. Nag-blush si Ysabel at napailing. “Ganyan talaga siya, Clarisse. Hindi na ako makagalaw ng maayos sa sobrang pag-aalaga niya sa akin. Teka, nasaan pala si Jo? Hindi ba siya sumama?” “Go

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 108

    Habang nasa sala ng mansion, nakatingin lang si Leonardo kay Marco na tahimik na nakaupo sa gilid. Kita sa mukha ng binata ang pag-aalala kahit pilit nitong tinatago. “Thank you,” malamig pero tapat ang tinig ni Leonardo. “Kung hindi dahil sa’yo, baka kung ano na ang nangyari.” Umiling si Marco, seryoso ang mga mata habang nakatingin kay Ysabel na nakasandal pa rin sa balikat ng tiyuhin nito. “Walang anuman, Uncle Leo. Alam mo namang… kahit ano pa ang nangyari, hindi ko hahayaang mapahamak si Ysabel.” Napatingin si Ysabel kay Marco, bahagyang nagulat sa sinabi nito. Gusto niyang magsalita, pero inunahan siya ni Leonardo. “Aalagaan ko siya,” mariing sambit ni Leonardo, malamig ang tono pero ramdam ang tindi ng emosyon. “Hindi ko hahayaan na masaktan ulit si Ysabel. Wala ka nang dapat ipag-alala sa kanya.” Sandaling natahimik ang buong paligid. Tumikhim si Marco, bahagyang ibinaling ang tingin sa sahig bago muling nagsalita. “Alam kong… mahal mo siya. Pero sana, tiyuhin man kit

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 107

    Maliwanag ang umagang iyon sa mansion ng mga Verano. Maaga pa lang ay abala na si Leonardo sa pag-aayos. Suot na nito ang dark navy suit at hawak ang leather briefcase habang iniinspeksyon ang mga papeles na kailangan niya para sa isang biglaang board meeting sa kumpanya. “Ysabel,” tawag niya habang paakyat sa kwarto. “I’ll be out for a few hours. Call me if you need anything, alright?” Nakaupo sa kama si Ysabel, suot ang maluwag na pajama at may hawak na unan sa kandungan. Bahagya siyang ngumiti. “Oo na. Mag-iingat ka. Huwag mong kalimutan kumain.” Ngumiti si Leonardo at lumapit para halikan siya sa noo. “I’ll be back right after the meeting.” Ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas ng kwarto, biglang napangiwi si Ysabel. “Leo…” mahinang tawag nito, kasabay ng paghawak niya sa tiyan. Agad na napalingon si Leonardo, ang noo agad na kumunot nang makita ang namumutlang mukha ng asawa. “Ysabel? What’s wrong?” “Masakit… masakit ang tiyan ko…” bulong nito, nanginginig ang

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 106

    Tahimik ang umaga sa mansion. Ang tanging ingay na maririnig ay ang mahinang huni ng mga ibon mula sa hardin at ang paglipat ng pahina mula sa librong hawak ni Ysabel. Nasa veranda siya, nakaupo sa recliner chair, at may hawak na makapal na pregnancy guidebook habang sa kabilang kamay naman ay ang tablet na ginagamit niya sa pagre-research. Sa tabi niya, may nakahandang malamig na tubig at bowl ng prutas. “First trimester symptoms…” bulong niya habang binabasa ang naka-highlight na bahagi. “Mood swings, fatigue, morning sickness... Well, check na check ako dito.” Napasapo siya sa tiyan niya, napapangiti habang binubulong, “Hi, baby… behave ka lang ha. I'm just reading para alam ko kung ano ang mga possible na mangyari sa atin.” “Good morning,” basag ng tinig na pamilyar sa kanya. Napalingon si Ysabel at nakita si Leonardo, suot ang simpleng white shirt at pajama pants, bitbit ang dalawang tasa ng mainit na tsaa. “Morning,” bati niya, sabay abot sa tasa. “Ang aga mong gising. Ma

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 105

    Simula nang ipatigil ni Leonardo ang pagpasok ni Ysabel sa opisina, halos araw-araw na lang itong nakakulong sa loob ng mansion. Una, okay lang kay Ysabel. Nakakapagpahinga siya, at mas panatag ang isip niya para sa bata. Pero habang tumatagal, ramdam niya ang pagkabagot. Hindi iyon nakalampas sa mga mata ni Leonardo. “Ysabel,” tawag ni Leonardo nang bumaba siya sa dining area, bitbit ang isang malaking kahon. “Come here. I have something for you.” Napatingin si Ysabel mula sa kanyang tasa ng gatas. “Ano na naman ‘yan?” may halong inis pero kita ang curiousity sa mga mata. Binuksan ni Leonardo ang kahon, at bumungad ang isang set ng watercolor paints at sketchpad. “You said you loved painting when you were younger,” kalmado nitong sabi. “So… we’re painting today.” Natawa si Ysabel, umiling. “Leo, seryoso ka ba? Hindi ako marunong—” “You don’t have to be good,” putol nito, sabay ngiti. “I just want you to enjoy. I’ll join you para mas maging masaya para sa iyo ang activit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status