Tahimik ang buong conference room nang dumating si Leonardo, sa Verano Holdings. Suot niya ang kanyang signature na itim na suit, mahigpit ang panga, ngunit bakas ang kakaibang lalim sa mga mata niya—isang halong pagod, proteksyon at determinasyon. Sa paligid ng mahabang mesa, nakaupo ang mga department heads at ilang board members, pawang nagtataka kung bakit biglaan silang ipinatawag ng CEO sa emergency meeting. Kasunod niya ay si Ysabel, nakasuot ng simpleng beige dress na maluwag sa baywang, hawak ang kamay ni Leonardo. Ramdam niya ang titig ng lahat habang dumaraan sila papunta sa unahan. Sa bawat hakbang, ramdam din niya ang kaba na unti-unting kumakain sa kanya. Pagkaupo nila sa mesa, mahinang bumuntong-hininga si Leonardo at marahang pinisil ang kamay ni Ysabel. “Relax,” mahina niyang bulong. “I’m here.” Tumikhim si Leonardo, saka tumayo para magsalita. “Good morning,” panimula niya, malamig ngunit matatag ang boses niya noong mga oras na iyon. “I called this meeting d
Sa ikalawang palapag ng mansion, nakaupo si Ysabel sa gilid ng kama, nakatitig lamang sa bintana. Sa labas, sumasayaw ang mga dahon sa malakas na ihip ng hangin, ngunit wala siyang ibang marinig kundi ang bigat ng katahimikan. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang galit at kirot sa mga mata ni Leonardo, pati ang mga salitang binitiwan niya. Oo, nasaktan siya, pero ramdam niyang nasaktan din ang kanyang asawa nang makita na magkasama sila ni Marco. Mula sa pinto, may marahang katok siyang narinig pagkatapos ay nagsalita si Leonardo sa may pinto na iyon. “Ysabel…” Malumanay ang boses ni Leonardo, ngunit may halong kaba. “Pwede ba kitang makausap?” Hindi agad sumagot si Ysabel. Nananatili siyang nakatingin sa bintana, pilit pinipigilan ang pag-ikot ng emosyon sa kanyang dibdib. “Ysabel,” muling tawag ni Leonardo, mas mahina na ngayon. “Please… pagbuksan mo ako ng pinto. Mag-usap tayo.” Dahan-dahan siyang tumayo at binuksan ang pint
Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, isang malalim at malamig na tinig ang dumurog sa katahimikan. “Ano’ng ginagawa mo rito, Marco?” Napalingon si Ysabel, at ganoon din si Marco. Sa dulo ng daanan ng hardin, nakatayo si Leonardo, matikas, ngunit nanlilisik ang mga mata. Ang mga kamao niya’y mahigpit na nakasara, at ang panga niya’y mariing nakalapat. “Uncle,” malamig na sagot ni Marco, pilit pinapakalma ang sarili. “Nag-usap lang kami ni Ysabel.” Lumapit si Leonardo, bawat hakbang niya’y mabigat, tila ba bawat yabag ay may dalang galit. “Nag-usap? O ginugulo mo na naman ang asawa ko?” “Ginugulo?” Halos matawa si Marco, ngunit mapait iyon. “Hindi ko siya ginugulo. Gusto ko lang ng sagot. Gusto ko lang marinig mula sa kanya na mahal niya talaga—” “Marco, tama na,” agad na sabat ni Ysabel, nanlalambot ang boses. Lumapit siya sa pagitan ng dalawa, pilit silang pinaglalayo. “Wala nang dapat pag-usapan pa—” Ngunit huli na. Mabilis na sumugod si Leonardo, hinablot ang kuwelyo n
Tahimik ang gabi sa malawak na hardin ng mansion ng Verano. Ang mga ilaw mula sa maliliit na poste ay nagbubuga ng malamlam na liwanag, tumatama sa mga daang batong nilalakaran ni Ysabel. Nasa kamay niya ang tasa ng chamomile tea na ibinigay ni Aling Maritess kanina, ngunit halos hindi niya iyon nasusubo. Ramdam niya ang bigat ng mga matang nakatingin sa kanya mula pa kanina. “Ysabel.” Napahinto siya. Kilala niya ang boses na iyon. Malamig, ngunit puno ng bigat. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita si Marco, nakatayo ilang hakbang mula sa kanya. Suot nito ang simpleng itim na jacket, ang mga kamay ay nakasuksok sa bulsa, ngunit hindi maitatago ang tensyon sa mga mata nito. “Marco…” Mahina ang tono niya, parang kulang ang hangin sa pagitan nila. “Anong ginagawa mo rito?” Lumapit si Marco, bawat hakbang ay mabigat, parang may kinakalaban sa sarili. Nang tuluyan siyang makalapit, huminto siya sa tapat ni Ysabel. Ang distansya nila ay sakto lang para maramdaman ni Ysabel
Tahimik ang gabi sa mansion ng mga Verano. Sa ikalawang palapag, sa malawak na silid, nakaupo si Marco sa harap ng desk. Nakabukas ang laptop, kumikislap ang screen, pero wala siyang naiintindihan sa binabasa. Paulit-ulit lamang sa isip niya ang mga salitang kanina pa umuukilkil sa kanya, mga salitang hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang paniwalaan. Bumukas ang pinto. “Marco,” malamig na tawag ni Elizabeth, ang boses nito’y parang pumapasok sa buto niya. Suot nito ang silk robe na kulay perlas, at ang bawat hakbang ng takong nito sa marmol na sahig ay parang may bitbit na bigat at galit. Dahan-dahang iniangat ni Marco ang tingin. “Mom,” mahina ang boses niya, parang bata ulit na nahuli sa kasalanan. Huminga nang malalim si Elizabeth, parang pinipilit kontrolin ang sarili. “Buntis na si Ysabel.” Diretso. Walang paligoy-ligoy. Natigilan si Marco, para bang natanggalan ng hangin ang kanyang baga. “B-buntis?” bulalas niya, halos pabulong. “Bakit ka nagugulat?” matalim ang boses ng
Tahimik ang gabi sa loob ng napakalaking mansion ng mga Verano, pero ang bawat sulok ng bahay ay tila pinupuno ng bigat ng tensyon. Ang mga chandeliers sa kisame ay kumikislap sa malamlam na liwanag, sumasalamin sa marangyang pamumuhay ng pamilya ngunit hindi kayang itago ang init ng paparating na bangayan. Magkaharap silang lahat sa malaking sala. Nasa gitna si Leonardo, seryoso ang ekspresyon habang hawak ang kamay ni Ysabel na nanlalamig sa kaba. Sa harap nila, nakaupo si Elvira, ang matriarch ng pamilya na walang ipinapakitang kahit anong emosyon sa malamig nitong mukha. Katabi niya si Andres, ang nakatatandang kapatid ni Leonardo, at ang asawa nitong si Elizabeth na hindi maitago ang matalim na titig kay Ysabel. Mabigat ang katahimikan bago ito tuluyang sinira ng boses ni Leonardo. “Buntis si Ysabel.” Parang sumabog ang isang bomba sa gitna ng sala. Napalakas ang pagkakahigpit ni Ysabel sa kamay ni Leonardo. Si Elvira ay hindi kumikibo, pero bakas ang bahagyang pagkagulat sa