Share

4

Author: Miss A.
last update Last Updated: 2023-08-11 14:44:19

Liah

Nanginginig ang aking katawan habang palabas ng building, wala na akong pakialam sa tingin ng mga empleyado habang nakakasalubong ko sila

Nanuuot ang sakit at galit sa aking dibdib, hindi ko alam kung paano ko nagawang makagalaw pa kanina pagkatapos ng nasaksihan ko

Paglabas ko ng building ng tuluyan ay saka naman bumagsak ang malakas na ulan. Mas lalo akong napa-iyak

Pakiramdam ko ay pinagtutulungan ako ng lahat, lahat sila ay gusto akong saktan

Imbes na tumigil sa paglalakad ay nagpatuloy ako, hindi ko alintana ang malakas na bagsak ng ulan sa aking katawan

Humihikbi ako habang naglalakad aa gilid ng daan, wala nang masyadong sasakyan na dumadaan kaya wala akong magawa kung hindi maglakad papunta sa may pinaka-malapit na paradahan ng jeep

Napakamalas ko, hindi ko na nga dinala ang sasakyan ay umulan pa, idagdag pa ang nakita ko kanina

"Tang-ina.." bulong ko habang pinupunasan ang luha sa aking mata

Bumalik na naman sa isipan ko ang nakita kanina lalo na ang ekspresyon ng kaibigan kong si Krizia habang katalik ang asawa ko

Ang akala ko pa naman ay tunay siyang kaibigan dahil alam kong kilala niya si Elijah bilang asawa ko, ang akala ko ay totoo ko siyang kaibigan dahil sa mga payo niya saakin sa tuwing nagkikita kami pero mukhang nagkamali ako

Naalala ko pa ang mga sinabi niya nuon saakin na dapat ay hiwalayan ko na si Elijah tutal ay parehong patay na ang mga magulang namin

Mga manloloko!

Malakas na kumulog ang langit ngunit hindi man lang ako nagulat

Sana tamaan sila ng kidlat, pareho silang manloloko!

Sa pagkakataong ito ay para akong hinahati ng pira-piraso, sobrang sakit ng damdamin ko hindi katulad ng mga pagkakataon noon na nakikita kong may ibang kahalikan si Elijah na babae

Humikbi ako at hindi namalayan na nakalayo na pala ako, madilim ang paligid dahil natatakpan ng makakapal na ulap ang araw

Natigilan ako at napatingin sa paligid saka ko napansin na nasa gilid na pala ako ng tulay, maluha-luha kong pinagmasdan ang tubig sa ibaba na umaagos

Humawak ako sa railing ng tulay at nanginginig habang nakatitig sa ibaba, ibat ibang senaryo ang pumapasok sa isipan ko

Ang gusto ko nalang ay matigil ang sakit na nararamdaman ko ngayon

Napa-hikbi ako at pinikit ang mga mata

"E-elijah.." mahina kong bulong

Akmang gagalaw sana ako sa kinatatayuan ko ng biglang may tumigil na itim na van sa aking harapan, mabilis akong lumingon at nanlaki ang aking mga mata ng lumabas ang mga lalaking naka-kulay itim roon habang naka maskara

Kinain ng takot at kaba ang aking dibdib ng hilain nila ako

"S-sino kayo? S-saan n---- ahhhh" malakas na akong sumigaw at sinubukan magpumiglas ngunit natigil din iyon dahil biglang may panyo na tumakip sa aking ilong

Agad kong nalanghap ang matapang na amoy ng panyo, agad na nanghina ang katawan ko at unti unting nawalan ako ng malay

Elijah

Nagising ako dahil sa ingay, pagmulat ko ng mata ay agad na bumungad saakin ang madilim na paligid

Nanginginig ang katawan kong pinakiramdaman ang kamay at paa kong nakatali habang ang aking bibig naman ay natatakpan ng tape

Tumulo ang aking luha sa pisngi dahil sa takot

"Nasaan siya?"

Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ang pamilyar na boses, kasunod non ay narinig ko ang malakas na tunog ng pag hampas ng alon at gumalaw ako sa aking kina-uupuan

Nasaan ako?

Mas lalo akong natakot at kinabahan ng marinig ang mga tapilok na paparating

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa pintuan na bumukas, pumasok ang ilaw na nag-mumula sa labas sa loob ng madilim na kwartong kinaroroonan ko

"Look at you hahaha"

Nanigas ako sa kina-uupuan ko ng makita kung sino ang pumasok, agad na kumalat ang galit sa aking katawan ng makita siya

Nakangisi siya sa aking harapan habang pinagmamasdan ako, ang suot niya ay ganoon padin kanina ng makita ko siya sa opisina ng asawa ko

"I know you saw me and Elijah earlier so i won't deny, yes i fucked your husband..." Nakangisi niyang ani at mukhang tuwang tuwa pa

"Matagal ko nang gusto ang asawa mo since the day i saw him, and too bad nakatali siya sayo" aniya

Lumapit siya sa akin at inalis ang tape na nakatakip sa aking bibig kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na murahin siya

"W-walang hiya ka krizia, manloloko, mang-aagaw" sigaw ko sa kaniya habang patuloy ang pag-tula ng luha sa aking mga mata

Tumawa naman siya at nagulat ako ng sampalin niya ako ng malakas sa pisngi

"Hindi na ako mag-aakaaya ng oras, yes I kidnapped you and look what i got" nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ang isang resibo

Resibo iyon ng bangko kung saan nakalaan doon na naglabas ako ng milyones sa pera ni Elijah

"P-paano mo yan n-nakuha?" Nanginginig ang aking boses na tinanong siya

"Well dahil sa katangahan mo, binigay mo saakin ang impormasyon ng bangko ni Elijah kapag nagkikita tayo. You trusted me too much Liah and I'm thankful for that... Dahil doon maaagaw ko na ang asawa mo" bulong niya at muling nilabas ang isang litrato kung saan kitang kita ko roon ang aking sarili

Napalunok ako ng pagmasdan ang sarili sa larawan, kalahati ng butones sa suot ko ay natanggal habang may katabi akong isang lalaking yakap yakap ako habang ako ay nakapikit. Gusto kong maduwal habang pinag mamasdan ang litrato, alam kong kanina lamang iyon nangyari habang wala akong malay

"W-walang hiya ka talaga-- d-demonyo k-ka Krizia, demonyo ka" nanginginig ang boses kong ani at nagbaba ng tingin

Ramdam ko ang pandidiri sa aking katawan habang nakatatak sa aking isipan ang litrato kanina

"I know you won't leave Elijah's side that easy kaya ako na ang gagawa ng paraan para mawala kana sa mundo namin" seryoso niyang ani kaya nag-angat ako ng tingin

Nanginginig ang aking labi habang pinagmamasdan siya, gusto ko siyang saktan at itulak ngunit wala akong magawa dahil nakatali ako at nanghihina din ang aking katawan

"Bye my dear best friend" ngumisi siya at itinapon sa aking harapan ang isang bomba na tumutunog dahil sa timer

Nanlamig ang aking katawan habang pinagmamasdan ito

00:15

Para akong nawalan ng hangin at ang tanging nararamdaman ko nalang ay takot

"TULONG T-TULONG!" Sigaw ko at pilit na inalis ang pagkakatali ng aking kamay at paa para makatakas, natanggal ko ang aking nasa paa jayat nakatayo ako ng tuluyan

Lumingon ako sa bomba at nakita ang timer

00:08

Nanginginig ang katawan kong nagtungo sa pintuan at lumabas at saka ko napagtanto na nasa motor yacht ako at nasa gitna ito ng dagat, napaiyak ako sa takot

Hindi nakatakas sa aking paningin ang papaalis na isa ring motor yacht at mukhang ito ang sinakyan nila Krizia

Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang pabilis na pabilis na pag beep ng timer, hindi na ako nakapag-isip ng maayos at mabilis na tumakbo paalis sa motor yacht para makatalon sa tubig

Pagtalon ko sa yate ay saka ko naramdaman at narinig ang pagsabog ng bomba

Bumagsak ang katawan ko sa tubig ngunit agad ding nagdilim ang paningin ko at unti unti akong hinila pababa sa ilalim ng tubig

Ang tanging nasa aking isipan ay si Elijah

_______________

Aykafaye❤️❤️

*******

Vote

Follow

Comment

  

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Owned By My Devil Husband    41

    LiahHalos hindi ko na alam ang gagawin habang pilit kong hinihila si Manang Ana palabas ng boutique. Pero bago pa man kami makalayo, tumigil siya. Bakas sa mukha niya ang galit na pilit niyang pinipigilan.“Manang, alis na tayo, please,” pakiusap ko habang hawak ang braso niya.Tumingin siya sa akin, pero parang hindi niya naririnig ang sinasabi ko. Bigla niyang hinarap ang saleslady.“Hindi ka ba tinuruan ng tamang asal?” tanong niya, mahigpit ang boses.Napangisi ang babae, halatang iniinsulto kami. “Asal? Eh paano ko irerespeto ang tulad n’yo? Obvious namang wala kayong pambili!”Halos gusto kong itulak si Manang Ana palabas, pero bigla niyang itinaas ang kamay niya. Isang malakas na plak! ang narinig ko. Sinampal niya ang saleslady.Napatigil ang lahat. Ang ibang customer ay tumingin sa amin, habang ang ibang staff ay hindi makapagsalita.“Manang! Bakit mo ‘yun ginawa?” tanong ko, gulat na gulat habang hinawakan ang kamay niya.“Hindi ko kayang makita na binabastos ka,” sagot niya

  • Owned By My Devil Husband    40

    LiahPagkatapos naming mag-grocery, ngumiti si Manang Ana sa akin habang sinisiguradong maayos ang mga pinamili sa trunk ng sasakyan. "Liah, gusto mo bang kumain muna bago tayo umuwi? Parang kanina ka pa tahimik ah," sabi niya, bahagyang nakakunot ang noo.Ngumiti ako nang mahina at tumango. "Opo, Manang. Kahit saan po... basta may chicken."Napahagikhik siya at inalog ang ulo. "Chicken? Sige, sa Jollibee tayo. Alam kong magugustuhan mo."Habang nasa sasakyan kami, tila hindi maiwasan ni Manang Ana na mapansin ang pananahimik ko. Bumaling siya sa akin nang saglit habang maingat na nagmamaneho. "Liah, okay ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo."Saglit akong nagdalawang-isip bago ngumiti. "Wala naman po, Manang. Nag-e-enjoy lang po ako. Ang dami nating nabili."Ngumiti siya nang mas malaki. "Ay oo naman. Siguradong magugustuhan ni Elijah ang mga pinamili natin. Saka, mas mabuti na ring nasasanay ka na dito sa lugar."Tahimik akong tumango at tumingin sa bintana. Ang dami palang ta

  • Owned By My Devil Husband    39

    LiahMaagang umalis sina Elijah kasama ang tatlo niyang kaibigan, kaya nagdesisyon akong gumala sa garden para maglibang. Tahimik ang paligid, ang hangin ay banayad na humahaplos sa balat ko. Pero kahit na wala si Elijah, parang nararamdaman ko pa rin ang presensiya niya, gaya ng dati—palaging nandiyan kahit wala naman sa harap ko."Liah," tawag ni Manang Ana mula sa likuran. "Samahan mo ako mamaya. Mag-grocery tayo. Maganda rin siguro na makalabas ka at makita mo ang paligid dito."Napatingin ako sa kanya, at may bahagyang excitement akong naramdaman. Matagal ko na rin gustong makalabas sa malaking bahay na ito. "Talaga po? Sige po! Gusto ko rin pong makapaglibot."Ngumiti siya, halatang natuwa sa sagot ko. "Aba, ayos! Pero ayusin mo na ang sarili mo, hija. Hindi tayo pwedeng magtagal kasi may mga kailangan pang bilhin para sa bahay."Pagkatapos naming mag-ayos, handa na kaming umalis nang biglang dumating ang isa sa mga bodyguard ni Elijah. May seryosong ekspresyon ang mukha niya, h

  • Owned By My Devil Husband    38

    LiahMaaga pa lang ay bumangon na ako, naligo, at nag-ayos. Paglabas ko ng kwarto, naisipan kong maglakad-lakad muna sa garden. Doon ko nakita sina Elijah kasama ang tatlo niyang kaibigan—sina Drex, Dark, at Endrick. Nasa ilalim sila ng puno, nagtatawanan habang hawak ang mga tasa ng kape.Napansin ko agad si Elijah. Habang abala sa kwentuhan ang mga kaibigan niya, nanatili siyang tahimik, malamig ang ekspresyon, pero hindi maikakaila ang presensiya niyang nangingibabaw sa grupo. Mukhang may iniisip siya, gaya ng dati.Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga tanong sa isipan ko. Sa halip, nagdesisyon akong bumalik sa loob at pumunta sa kusina.“Good morning, hija,” bati ni Manang Ana, abala sa paghahanda ng almusal.“Good morning po, Manang,” sagot ko habang lumapit. “Mukhang marami po kayong ginagawa. Tulungan ko na po kayo.”Napangiti si Manang Ana. “Naku, kaya ko ‘to, hija. Pero sige, kung gusto mo talagang tumulong, ikaw na lang ang maghiwa nitong sibuyas at bawang.”Habang nagh

  • Owned By My Devil Husband    37

    Liah Pagkatapos naming mag-ayos mula sa mahabang biyahe, bumaba kami ni Elijah para maghapunan kasama si Manang Ana. Ang mahabang dining table ay punong-puno ng masasarap na pagkain—tinolang manok, sinigang na baboy, at iba't ibang ulam na parang niluto mula sa isang espesyal na okasyon. Tahimik lang si Elijah habang inaasikaso ako. Siya na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko, at pinunasan pa ang gilid ng labi ko nang hindi ko namalayang may sabaw ng sinigang doon. "Eat properly, baby," seryosong sabi niya, pero halata sa boses niya ang lambing. Napangiti ako nang bahagya. "Kaya ko naman mag-ayos mag-isa," sagot ko, pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Habang kumakain kami, nagsimula nang magkuwento si Manang Ana. Mukha siyang masaya, na parang sa wakas ay bumalik ang isang nawawalang kapamilya. "Alam mo, hija," simula niya habang nagsasandok ng tinola, "noong nandito ka pa sa mansiyon, napakasipag mong tumulong sa gawaing bahay. Kahit sinasabi ko n

  • Owned By My Devil Husband    36

    Liah Sa biyahe papunta sa mansion ay hindi na maalis ni Elijah ang kamay niya saakin, humahaplos na ang palad niya sa aking mga hita at braso. Hindi ko tuloy mapigilang mag-init dahil sa mga haplos niya, dagdag pang tumatama ang mainit niyang hininga sa aking balat habang nagpapahinga ang ulo nito sa aking leeg Pagkarating namin sa mansiyon, hindi ko mapigilang humanga sa lawak at ganda ng lugar. Parang palasyo ang dating nito, may malalaking bintana at malalawak na hardin sa paligid. Ngunit kahit gaano kaganda ang tanawin. Para akong batang lumilinga linga habang hila hila ni Elijah ang kamay ko"Careful baby" ani niya ng muntikan na akong madapa dahil sa kapabayaan ko, mabuti nalang at nasapo niya kaagad ang aking bewang "S-sorry" nahihya akong ngumitiPagpasok sa loob, agad kong napansin ang masiglang atmospera ng lugar. Mula sa magagarbong chandelier na nakasabit sa kisame hanggang sa mabangong amoy ng mga bulaklak na nakaayos sa malalaking paso, parang ang saya ng lugar na it

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status