LOGINIsang linggo. Pitong araw mula nang gumuho ang mundo ni Seth Axel Castillo sa covered walk ng unibersidad. Pitong araw mula nang marinig niya ang pinakamalamig na mga kataga mula kay Reagan Avery Mendez: “Wala ka nang makikitang kahit anong reaksyon mula sa akin.” Sa loob ng pitong araw na 'yun, hindi na nakitang lumapit si Seth sa College of Nursing building. Tumigil na siya sa pagdadala ng kape at pastry. Wala na ring mga bulaklak o harana. Subalit ang pagtigil ni Seth sa panliligaw ay hindi nangahulugang bumalik siya sa dating buhay ng isang masayang playboy. Sa halip... lumubog siya sa isang mas madilim, mas delikado, at nakakakilabot na mundo. Sa labas ng lungsod, sa isang abandonadong industrial zone kung saan ang mga kalsada ay madilim, basag-basag, at walang ilaw, nagaganap ang pinakamatindi at pinakamapanganib na underground illegal street racing. Ito ang tipo ng karera na hindi na para sa premyo o katanyagan—ito ay karera para sa kaligtasan, kung saan ang isang ma
Ang tahimik na paligid sa covered walk ng unibersidad ay tila binalot ng makapal na yelo matapos ang matinding rebelasyon. Wala ni isa sa mga estudyanteng nakasaksi ang naglakas-loob na huminga nang malalim. Ang dating nag-aapoy na selebrasyon ng panliligaw ay biglang naging isang madilim na eksena ng pagkadismaya at durog na tiwala. Si Seth Axel Castillo ay nakaluhod pa rin sa malamig na semento. Ang kanyang mukha na dati ay laging may mayabang at pormang ngisi ay basang-basa ngayon ng luha. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nakahawak pa rin sa gilid ng damit ni Reagan Avery Mendez. Subalit ang mga mata ni Avery—ang mga matang minsan ay nagpakita ng unti-unting paglambot para sa kanya—ay blangko na, malamig, at punong-puno ng latay ng sugat na gawa ng pagtataksil. "Bitawan mo na ako, Castillo," malamig at pormal na wika ni Avery. Ang boses nito ay walang bahid ng pag-iyak; sa halip, ito ay tumutusok nang direkta sa kaluluwa sa tindi ng pagka-cold. "Avery... please..
Isang linggo ng pagtitiis, sakripisyo, at pagpapatunay ang isinuko ni Seth Axel Castillo para lamang makuha ang matamis na "oo" mula kay Reagan Avery Mendez. Ang dating maangas na Playboy King ay nagbago—walang karera, walang club, simpleng sasakyan, at pusong buong-pusong nakatutok sa Future Nurse. Ngunit gaya ng anumang madilim na lihim na pilit itinatago sa ilalim ng nagniningning na tagumpay, hindi inaasahan ni Seth na ang multo ng kanyang nakaraan ay kakatok sa pinakamasayang sandali ng kanyang buhay. Matapos sabihin ni Avery na maaari na siyang manligaw nang pormal, hindi na mapawi ang ngiti sa mga labi ni Seth. Nakatayo sila sa gilid ng covered walk ng unibersidad habang nagdiriwang ang buong tropa sa gilid. Subalit sa gitna ng selebrasyon, hindi napigilan ni Dwayne ang kanyang bibig dahil sa labis na excitement. Mabilis itong lumapit kina Seth at Avery, nakangisi nang abot-tenga habang nakapameywang. "Hahaha! Aba, epektibong pampalambot pala ang gatas at outreach progra
Pumasok na ang pinakamahirap at pinakamabangis na bahagi ng tatlong pagsubok ni Reagan Avery Mendez para kay Seth Axel Castillo.Ang Third Challenge: Isang buong linggong WALANG KARERA sa kalsada at WALANG PAGSANAY O PAGPUNTA SA MGA BAR AT CLUB.Para sa isang taong lumaki sa ingay ng mga sumasabog na exhaust, amoy ng nasusunog na gulong sa asphalt, at gabi-gabing ilaw ng mga pamosong VIP lounges sa lungsod, ang pagsubok na ito ay parang pagpapakulong sa isang leon sa loob ng silid-aklatan.DAY 3 OF ABSTINENCE (MIYERKOLES NG GABI)Sa paboritong high-end club ng unibersidad, maingay ang patok na DJ music, nagniningning ang mga strobe lights, at puno ng mga estudyante at magagandang kababaihan ang VIP section.Nakatambay sa pinakamalaking couch sina Dwayne, Kian, Jayden, Duke, at Ryker. May mga hawak silang mamahaling drinks, ngunit ang lahat ng kanilang mga mukha ay pare-parehong nakatitig sa gitna ng bakanteng mesa.Wala roon sina Seth at Asher."Tangina, iba pala ang pakiramdam
Matapos mabili ang paboritong Freshly Baked Triple Chocolate Mousse Cake para kay Avery, maingat na inilagay ni Seth ang kahon sa likod ng sasakyan. Nagpatuloy ang kanilang biyahe pabalik sa lungsod. Ang akala ni Avery ay diretso na silang uuwi sa bahay nina Tita Mia. Subalit habang bumabaybay sila sa makasaysayang daan ng Maynila, dahan-dahang pumasok ang sasakyan sa isang bypass lane malapit sa riverside underpass. Ilang sandali pa, muling inihinto ni Seth ang kotse sa isang ligtas na tabing-daan sa ilalim ng kilalang tulay. Agad na napakunot ang noo ni Avery. Bahagya niyang itinagilid ang kanyang ulo at mabilis na humarap kay Seth habang nakakross ang dalawang braso. Ang badass at maanghang niyang aura bilang si Miss Phantom ay muling lumabas. "Castillo," malamig at pormal na wika ni Avery habang nakataas ang isang kilay. "Ano na naman 'to? May panibagong pastry shop ba sa ilalim ng tulay o may balak ka na namang ibahin ang ruta natin?" Hindi agad sumagot si Seth. Pinalat
Gabi na habang dahan-dahang bumabaybay ang simpleng pulang family sedan sa kahabaan ng main highway pabalik ng lungsod. Tahimik at presko ang hangin sa loob ng sasakyan. Nakasandal si Reagan Avery Mendez sa passenger seat, medyo pikit-pikit pa ang mga mata sa matinding pagod mula sa magdamag na Nursing Outreach Program. Tahimik lang si Seth Axel Castillo habang nakahawak ang dalawang kamay sa steering wheel. Paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa dalaga nang may napakalambot at pambihirang ngiti sa kanyang mga labi. Subalit nang makarating sila sa malaking intersection—ang rotonda kung saan dapat ay pakaliwa ang daan patungo sa subdivision nina Tita Mia—biglang iniliko ni Seth ang kotse pakanan! SCREECH! Bahagyang napadikit si Avery sa pintuan ng kotse dahil sa pagliko. Naalimpungatan siya, inayos ang pagkaka-upo, at tumingin sa labas ng bintana. Napakunot ang kanyang noo. Ang maluwag at pamilyar na kalsada patungo sa kanila ay napalitan ng isang medyo madilim, tahimik,
Ang sikat ng araw na pumasok sa bintana ng Presidential Suite ng isang luxury hotel sa Tagaytay ay tila may dalang kakaibang basbas. Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ang lahat. Ang amoy ng kape ay humahalo sa amoy ng mga hairspray at mamahaling pabango. Sa gitna ng Suite, nakaupo si Althea
Isang gabi bago ang engrandeng kasal, mahimbing na natutulog si Althea sa loob ng kanyang silid sa mansyon. Dahil sa pagod sa mga huling detalye ng wedding preparations, hindi na niya namalayan ang dahan-dahang pagbukas ng kanyang bintana at ang pag-puga ng security alarm na sadyang pinatay ng loob.
Isang linggo matapos ang masayang dinner sa mansyon nina Fernando at Cecilia, ang executive boardroom ng Castillo Group ay nagmistulang isang magulong command center. Hindi na mga graph ng stock market ang nakapaskil sa pader, kundi mga mood boards na puno ng bulaklak at iba't ibang shade ng tela.
Matapos ang matagumpay na rampa ni Althea sa lobby, kung saan napatunayan niyang siya ang karapat-dapat na "Queen" ng Castillo Group, akala ng lahat ay magse-celebrate na sila nang magkakasama. Pero si Dylan, na tila may planong mas malaki pa sa isang merger, ay biglang humarang sa pinto ng executiv







