(Serena’s POV)
Hindi ko alam kung paano ko nailapag ang ballpen matapos kong pirmahan ang kontrata. Para bang nanlamig ang lahat ng dugo ko sa katawan. Ang pirma ko, iyon mismo ang nagtakda ng kapalaran ko—at kapalit nito, ibinigay ko ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko lubusang kilala, ngunit alam kong kayang wasakin ang buhay ko kung gugustuhin niya. Tahimik si Damien. Walang bakas ng emosyon sa mukha niya. Maingat niyang isinilid ang kontrata sa isang itim na folder, parang wala lang iyon para sa kanya—samantalang para sa akin, iyon ang tanda ng pagkabihag ko. “Simula ngayon…” Malamig ang boses niya, mabagal ang bawat salita. “…ikaw na si Mrs. Serena Salvatore.” Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Kahit paano, umaasa ako na hindi pa huli para umatras, pero alam kong hindi na posible. Ang ospital, ang mga utang, ang banta ng mga taong naghahabol sa amin—lahat iyon ay dahilan kung bakit ako nakaupo rito, bakit ako sumuko sa isang kasunduan na hindi ko man lang lubos na naintindihan. “Puwede bang… huwag muna ngayon? Hindi pa ako handa,” mahinang wika ko, halos pabulong. Ngumisi siya. Hindi iyon ngiting nakakaaliw kundi ngiting puno ng kumpiyansa, parang sigurado siya sa bawat galaw ng buhay ko mula ngayon. “Relax. Hindi ko naman sinabing ngayon din.” Yumuko siya, inilapit ang mukha sa akin. “Pero simula ngayong gabi, kailangan mong magsimula sa bagong buhay mo bilang asawa ko.” --- Hindi ko na maalala kung paano ako nakasunod sa kanya papunta sa sasakyan. Sa kotse niya ako sumakay, nanginginig pa rin ang kamay ko habang nakakuyom sa kandungan. Tahimik si Damien, abala sa pagmaneho, pero ramdam ko ang presensya niya sa bawat iglap. Ang mabagal niyang paghinga, ang paraan ng pagkakahawak niya sa manibela, ang malamig ngunit matalim niyang titig sa kalsada—lahat iyon ay nagbabadya ng panganib. Nang dumating kami sa kanyang penthouse, para akong napunta sa ibang mundo. Puro salamin at marmol ang paligid, malinis, modernong modernong disenyo. Sa taas ng gusali, tanaw ko ang kabuuan ng siyudad—mga ilaw na kumikislap na parang mga bituin. “Simula ngayon, dito ka titira,” aniya, kaswal na tinanggal ang coat niya at inilapag iyon sa sofa. “Pero… paano ang pamilya ko?” lakas-loob kong tanong. “Don’t worry. They’re safe. Lahat ng bills nila, babayaran ko. Lahat ng utang, tatapusin ko. Wala ka nang iisipin.” Lumapit siya sa akin, mabagal, bawat hakbang ay parang tunog ng paghatol. “Ngayon, ikaw ang iisipin ko.” --- Napatras ako nang kusa, hanggang sa maramdaman ko ang likod ko sa malamig na marmol na dingding. Wala na akong matakbuhan. Siya at ang presensya niyang bumabalot sa akin ang tanging naroroon. “Serena…” bulong niya, halos dumampi sa tainga ko. “Alam mong hindi lang ito papel. Kapag pumayag ka, ibig sabihin… akin ka.” “P-pero sabi mo… hindi required—” Bigla niyang hinawakan ang baba ko, marahas pero hindi masakit. Itinaas niya ang mukha ko hanggang sa magtagpo ang aming mga mata. Ang mga labi niya halos isang pulgada lang ang layo. “Hindi required,” ulit niya, mababa ang boses, parang may banta. “Pero hindi rin ako marunong magpigil.” At bago ko pa siya mapigilan, hinalikan niya ako. --- Para akong nakuryente. Mainit. Mapanganib. Ang halik niya ay hindi pakiusap—iyon ay utos. At kahit alam kong dapat akong tumanggi, nadarang ako sa init ng kanyang bibig, sa bigat ng mga kamay niyang nakapulupot sa bewang ko. Sinubukan kong kumawala, pero lalo lang humigpit ang yakap niya. Lalong lumalim ang halik, lalong naging marahas, at ramdam kong bumibigay ang katawan ko kahit pilit na lumalaban ang isip ko. “Damien…” bulong ko nang makawala ako saglit, nanginginig ang tinig. “Shhh…” inilapat niya muli ang labi niya sa akin, mas mapusok, mas madiin. Para bang siniselyuhan niya ang kontrata, hindi lang sa papel, kundi sa mismong balat at hininga ko. Nawalan ako ng lakas. Para akong nilulunod ng init niya. Ang mga kamay niya gumapang mula sa bewang ko patungo sa likod, pinagdikit ako sa katawan niya hanggang maramdaman ko ang tibok ng kanyang puso. Hindi ko alam kung saan nagsisimula ang hangin ko at saan nagtatapos ang kanya. --- Nang bumitaw siya, parang wala akong boses. Hawak pa rin niya ang mukha ko, at nakatitig siya sa mga mata ko—mabigat, matalim, at nakakatakot. “Alam mo na ngayon,” bulong niya, halos pabulong. “Hindi na ito kontrata lang. Hindi na ako magpapanggap.” Napalunok ako. Nanginginig. Hindi ko alam kung matatakot ako o… may maliit na bahagi ng sarili kong naaakit sa kanya. At doon ko napagtanto: sa gabing iyon, sa loob ng kanyang penthouse, nagsimula ang tunay na pagkakakulong ko—hindi sa utang, kundi sa mga halik at haplos ni Damien Salvatore.(Serena’s POV)Akala ko, pagkatapos ng nangyari kagabi, ay may layo na namang ilalagay si Damien sa pagitan naming dalawa. Ganoon siya palagi—init ngayon, malamig bukas. Palaging may pader, palaging may distansya. Kaya’t nang magmulat ako ng mga mata, ang inasahan ko’y wala na siya—isang malamig at malinis na kama lang ang iiwanan niya.Pero nagkamali ako.Nasa tabi ko siya.Mas higit pa—nakayakap siya sa akin. Ang kanyang braso’y mahigpit na nakapulupot sa aking baywang, para bang kung bibitaw siya’y mawawala ako. Ang kanyang mukha’y nakalapat sa balikat ko, at ang hininga niya’y mainit na sumasayad sa aking balat. Para akong nabihag, hindi ng kontrata, kundi ng isang bagay na hindi ko kayang ipaliwanag.“Damien…” halos pabulong kong sambit, mahina, parang baka maglaho ang lahat kapag nagsalita ako nang malakas.Dumilat siya. Ang mga mata niyang madilim ngunit malinaw, ay nakatuon sa akin. Hindi iyon malamig gaya ng dati, hindi puno ng kontrol. May init doon—at higit pa sa init, may
(Damien’s POV)May kakaibang nangyari matapos ang huling gabi namin ni Serena.Sa bawat halik, sa bawat ungol, at sa bawat sandaling nakapulupot siya sa akin—parang may pader sa loob ko na tuluyang gumuho.Pero kasabay nito, may lumabas ding ibang parte ng pagkatao ko.Isang bahagi na hindi ko kayang pigilan—ang pagnanasa na hindi lamang magmahal kundi mag-angkin. At ngayong nakikita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama, balot ng kumot, nakayuko at parang nagtatago, lalo lamang naglalagablab ang apoy sa loob ko. “Serena.” Tawag ko, malamig ngunit mabigat ang tinig. Napalingon siya, kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. “Ano?” Lumapit ako, mabagal, hanggang sa mapalapit ang mukha ko sa kanya. “You don’t hide from me.” “Hindi ako nagtatago,” mahina niyang tugon, ngunit halatang halata na nag-aalangan. “Liar.” Nilingon ko ang kumot at marahan kong hinila iyon, tinanggal sa pagkakabalot sa kanya. Lumantad ang makinis at maputi niyang balat at halos mawala ang hininga ko. --- Hindi
(Serena’s POV)Akala ko matapos ang sunod-sunod na init na dinulot ng mga gabing iyon, babalik ako sa dati—sa malamig na kontrata, sa kasunduang walang puso, walang emosyon. Ngunit ngayong nakahiga ako, nakapulupot ang kanyang mga braso sa akin, ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga sa aking batok, parang hindi na ito basta kasunduan.Wala na akong takas.Serena Navarro, ano bang pinapasok mo?Sinubukan kong bumangon nang dahan-dahan, ngunit hinila niya ako pabalik, mahigpit na yakap na parang ayaw niya akong pakawalan.“Stay,” garalgal niyang bulong, nakapikit pa ang mga mata.“Damien…” mahina kong tugon. “Kailangan kong bumangon.”“No.” Dumilat siya, diretsong tumingin sa akin. “Not yet. Stay with me.”At sa sandaling iyon, wala na akong nagawa kundi manatili.---Maya-maya, marahang dumulas ang mga labi niya sa aking balikat, pababa sa aking braso. Hindi ito marahas tulad ng kahapon, kundi mabagal, masinsinang paghalik na tila ba sinusulat niya ang pangalan niya sa bawat pulgada
(Serena’s POV)Ang katahimikan ng umaga’y tila isang panlilinlang. Akala ko matapos ang gabing iyon, magigising ako na magaan, na parang nanaginip lang. Ngunit ang sakit ng bawat himaymay ng katawan ko, ang marka ng kanyang mga labi sa aking balat, at ang init na bumabalot pa rin sa akin—lahat iyon ay nagpapatunay na totoo ang nangyari.Nakaharap ako sa salamin ng banyo, ang buhok kong magulo, ang labi kong medyo namamaga pa. Hindi ko maialis ang alaala ng paraan ng pagkuyom niya sa akin, ang titig niyang parang sinisilaban ang kaluluwa ko.Paano ko haharapin si Damien ngayong araw? tanong ko sa sarili. Ngunit bago ko pa matuloy ang pag-iisip, bumukas ang pintuan ng banyo.“Good morning.”Doon siya nakatayo, walang saplot kundi ang maluwag na pajama na halos hindi nakasara sa kanyang beywang. Ang katawan niya’y nakalitaw pa rin—matikas, perpekto, at nakakapanghina ng tuhod.“D-Damien,” pautal kong sambit.Lumapit siya, marahang nakakunot ang noo. “You’re avoiding me.”Umiling ako. “Hi
(Serena’s POV)Mainit pa rin ang balat ko. Kahit natapos na ang lahat, parang umaalon pa rin sa katawan ko ang init na iniwan ng bawat halik at bawat pag-angkin ni Damien.Nakayakap ako sa dibdib niya, ang pisngi ko’y nakasandal sa kanyang pawisang katawan. Tahimik lang siya, marahang humihinga, ngunit ramdam ko ang bigat ng kanyang bisig na nakapulupot sa akin—parang ayaw niya akong pakawalan.Sa loob-loob ko, parang sumasabog ang isip ko. Ano’ng nagawa ko? Ang kontrata’y isa lamang kasunduan, ngunit kagabi… kagabi’y hindi na iyon basta papel. Kagabi, binigay ko ang sarili ko sa kanya—hindi dahil kailangan, kundi dahil ginusto ko.Napapikit ako, pinipigil ang munting luha. Ngunit bago pa man ako makalayo sa dibdib niya, nagsalita siya.“Serena.”Napatingala ako. Ang mga mata niya’y nakatitig sa akin—hindi malamig, hindi bossy gaya ng dati. Sa halip, may kakaibang lambot at init na ngayon ko lang nakita.“You’re mine now,” bulong niya, halos parang sumpa. “I won’t let anyone take you
(Serena’s POV)Hindi ko na maalala kung paano kami nakarating sa silid. Basta’t alam ko lang, matapos akong halikan ni Damien nang buong bangis sa sala, bigla na lang akong nasa mga bisig niya, buhat-buhat habang naglalakad papunta sa kwarto. Para akong wala sa sarili, nakayakap sa leeg niya, humihingal at nanginginig sa init na hindi ko na kayang pigilan.Paglapag niya sa akin sa malambot na kama, tumigil siya sandali. Nakatitig siya sa akin—matalim, malalim, at parang kaya niyang basahin ang kaluluwa ko.“Serena…” bulong niya. “Sigurado ka?”Saglit akong natigilan. Sigurado ba ako? O baka dala lang ito ng apoy na kanina pa sinusunog ang buong katawan ko? Ngunit nang makita ko ang mga mata niya, mga matang hindi lang puno ng pagnanasa kundi may halong pag-aari at pananabik, alam kong wala na akong atrasan.Tumango ako, mahina pero buo. “Yes… Damien.”At iyon lang ang hudyat na kailangan niya.---Muling dumagan ang labi niya sa labi ko, mas mapusok, mas walang awa. Hinila niya pababa